You are on page 1of 3

Si pingkaw

Isinulat ni: Isabelo S. Sobrevega

Isabelo S. Sobrevega: Ay isa sa mga magigiting na manunulat, siya ang sumulat


ng pingkaw na isang maikling kwento.

Tagpuan: Sa tabi ng isang tambakan ng basura at sa ospital

Talasalitaan:
1. Aglahi - pangungutya o pamamaliit ng isang lahi.
2. Datay - nakaratay dahil sa sakit.
3. Binabata - tinitiis na pagdurusa.
4. Dukha - mahihirap.
5. Dalita - kahirapan.

Tauhan:
1. Pingkaw - Ina ng tatlong batang lalaki na sina Porang, Basing ,at Takoy at
siyang pangunahing tauhan ng istorya.
2. Poray - Ang panganay sa mga anak ni pingkaw.
-labintatlong taong gulang, matangkad ito at napakapayat.
3. Basing - Ang ikalawang anak ni pingkaw.
-sungi ngunit mahilig pumangos ng tubo.
4. Takoy - Ang tatlong taong gulang na bunsong anak ni pingkaw.
-maputi at guwapong-gwapo.
5. Pisysang Tahur - nagkakalat ng kwento tungkol kay pingkaw bago pa ito
masiraan ng bait.

Banghay:
Simula

- Si Pinkaw ay isang babae na nakatira sa tambakan ng basura, siya ay masipag


sa pangangalakal niya ng mga basura, habang nangangalakal siya sa tambakan
sinabayan niya ang kanyang pagtratrabaho ng awit. Habang nagtutulak ng
kariton si Pinkaw sinsabayan niya din ito ng kanyang pagawit. Minsay ay
tinutukso siya nga mga bata dahil sa panget niyang boses pero dahil si Pinkaw
ay isang mabait na babae hindi niya ito pinapansin. Hindi niya nga sinasaktan
ang kanyang mga anak.

Pataas na aksyon

- Isang araw noong umalis si Pinkaw at pumunta sa bahay ng kapatid niya na


may sakit. Nabalitaan niya na nagkasakit ang kanyang mga anak dahil nakakain
sila ng mga panis na mga Sardinas. Agad niyang pinuntahan ang kanyang mga
anak at dinala agad sa ospital; walang makitang mga kotse si Pinkaw na
magdadala sa anak niya doon sa ospital kaya ang inisakay na lamang niya ang
kanyang mga anak sa kariton at dali dali siyang pumunta sa bahay ng doktor

Kasukdulan

-Agad namang umalis si Pinkaw at dinala niya sa Ospital ang kanyang anak.
Sinikap talaga ni Pinkaw na makadating sila sa ospital kahit lubak lubak ang
daanan at maputik. Pagdating doon hindi agad siya ini-asikaso ng mga nurse at
doktor dahil pagkita nila na Pinkaw na punit punit lang ang kanyang mga damit
at mahirap lang. Noong may lumapit na doktor agad dinala sa Emergency room
ang dalawang anak ni Pinkaw.

Pababang aksyon

-may sakit na “El Tor” pero binawi-an agad ito ng buhay, Kinabukasan ang bunso niyang
anak ay namatay din dahil nagkasakit.

Wakas

-At nabalew na si Pinkaw at pinagtatawanan siya ng mga bata na nasa lansangan


habang kinakantahan niya ang kanyang binihisang lata na “Hele-hele, tulog muna. Wala
rito ang iyong nanay”.

Aral
-Kahit ano ang ating katayuan natin sa lipunan ay magpakumbaba tayo at huwag tayo
umasa sa tulong ng iba dahil mayroon tayong sariling katawan na kayang gumawa para
sa atin.

You might also like