You are on page 1of 3

Si pingkaw

Isinulat ni: Isabelo S. Sobrevega

Isabelo S. Sobrevega: Ay isa sa mga magigiting na manunulat, siya ang sumulat ng pingkaw
na isang maikling kwento.

Tagpuan: Sa tabi ng isang tambakan ng basura at sa ospital

Talasalitaan:
1. Aglahi - pangungutya o pamamaliit ng isang lahi.
2. Datay - nakaratay dahil sa sakit.
3. Binabata - tinitiis na pagdurusa.
4. Dukha - mahihirap.
5. Dalita - kahirapan.

Tauhan:
1. Pingkaw - Ina ng tatlong batang lalaki na sina Porang, Basing ,at Takoy at siyang
pangunahing tauhan ng istorya.
2. Poray - Ang panganay sa mga anak ni pingkaw.
-labintatlong taong gulang, matangkad ito at napakapayat.
3. Basing - Ang ikalawang anak ni pingkaw.
-sungi ngunit mahilig pumangos ng tubo.
4. Takoy - Ang tatlong taong gulang na bunsong anak ni pingkaw.
-maputi at guwapong-gwapo.
5. Pisysang Tahur - nagkakalat ng kwento tungkol kay pingkaw bago pa ito masiraan ng bait.

Banghay:

Simula

- Si Pinkaw ay isang babae na nakatira sa tambakan ng basura, siya ay masipag sa


pangangalakal niya ng mga basura, habang nangangalakal siya sa tambakan sinabayan niya
ang kanyang pagtratrabaho ng awit. Habang nagtutulak ng kariton si Pinkaw sinsabayan
niya din ito ng kanyang pagawit. Minsay ay tinutukso siya nga mga bata dahil sa panget
niyang boses pero dahil si Pinkaw ay isang mabait na babae hindi niya ito pinapansin. Hindi
niya nga sinasaktan ang kanyang mga anak.

Pataas na aksyon

- Isang araw noong umalis si Pinkaw at pumunta sa bahay ng kapatid niya na may sakit.
Nabalitaan niya na nagkasakit ang kanyang mga anak dahil nakakain sila ng mga panis na
mga Sardinas. Agad niyang pinuntahan ang kanyang mga anak at dinala agad sa ospital;
walang makitang mga kotse si Pinkaw na magdadala sa anak niya doon sa ospital kaya ang
inisakay na lamang niya ang kanyang mga anak sa kariton at dali dali siyang pumunta sa
bahay ng doktor

Kasukdulan

-Agad namang umalis si Pinkaw at dinala niya sa Ospital ang kanyang anak. Sinikap talaga ni
Pinkaw na makadating sila sa ospital kahit lubak lubak ang daanan at maputik. Pagdating
doon hindi agad siya ini-asikaso ng mga nurse at doktor dahil pagkita nila na Pinkaw na punit
punit lang ang kanyang mga damit at mahirap lang. Noong may lumapit na doktor agad
dinala sa Emergency room ang dalawang anak ni Pinkaw.

Pababang aksyon

-may sakit na “El Tor” pero binawi-an agad ito ng buhay, Kinabukasan ang bunso niyang anak ay
namatay din dahil nagkasakit.

Wakas

-At nabalew na si Pinkaw at pinagtatawanan siya ng mga bata na nasa lansangan habang
kinakantahan niya ang kanyang binihisang lata na “Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong
nanay”.

Aral
-Kahit ano ang ating katayuan natin sa lipunan ay magpakumbaba tayo at huwag tayo umasa sa
tulong ng iba dahil mayroon tayong sariling katawan na kayang gumawa para sa atin.

You might also like