You are on page 1of 1

Ang Buhay sa Junior Highschool

By: Marjel Joshua C.Taclob

Ang mga ala-ala ng ating kabataan lalo na sa ating buhay sa junior high school ay isa sa mga
pinakamasarap na balik-balikan at sariwain. Lahat tayo ay nakatungtong sa sekondaryang antas
ng paaralan. Ito yung panahon na simula na tayong na mga “teenager”. Panahon ng ating buhay
na puno ng mga kasiyahan, harutan at minsan naman ay punong-puno ng mga mabababaw na
ka-dramahan sa buhay. Sa Junior high school mo naranasan kung paano makaramdam ng
paghanga at pagkabighani sa iyong mga kapwa mag-aaral. Ang mga iba ay laro lamang at kusa
ring lumipas.

Sa panahon rin na ito , natagpuan at nakilala ko ang mga tunay kong mga kaibigan. Hindi ko rin
ikinahihiya na sa junior high school ko natutong maging suwail at pasaway sa aking mga
matatapang na mga guro. Ngunit sa pagiging mga suwail naming mga estudyante ay natuto
kaming mag-aral sa aming mga sari-sariling pamamaraan. Dito ko rin natutunan kung paano
maging isang tunay na kaibigan. Isang kaibigan na marunong umunawa at makinig sa damdamin
ng aking kapwa. Ipinakita din namin sa aming mga guro na kaakibat ng aming mga sentimento
sa kanila ay ang aming pagpapakita kung gaano kami ka responsable, lalo na sa aming mga
asignatura.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang aking buhay sa Junior high school. Habang buhay kong
babaunin ang mga nakakatuwang mga ala-ala na nagbibigay sa akin ng mga inspirasyon sa buhay.
Mga yugto ng aking pagkatao na kung kelan minsan ako ay naging isang “Junior High School
Student”. Isang batang mapusok, masaya,at higit sa lahat nahubog na maging isang mabuting tao
na kapakipakinabang ng aing lipunan.

You might also like