You are on page 1of 19

Epekto sa Pag-aaral at Kakulangan sa Pasilidad

ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng

Filamer Christian University

Isang Panukalang Tesis

Ipinasa bilang pagtupad sa pangangailangan sa asignaturang

Filipino II: Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t-ibang teksto tungo sa

Pananaliksik

Caryl Esmaelita Floro


Jethro Baita
Angel Anne Basilonia
Jovince Albert Bereber
Mark Villanueva
Wilson Tolentino
Arielle Louise Avelino
Nick Monico
Jan Floyd Vito
Leonelyn Mae Billiones

Ikaapat na Pangkat

Pebrero 2017
Talaan ng mga Nilalaman

KABANATA I

Panimula ng Pag-aaral

Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral

Paglalahad ng mga Suliranin at ang Ipotesis

Kahalagahan ng Pag-aaral

Pagpapakahulugan sa mga Katawagan

Pagtatakda ng Pag-aaral

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

KABANATA III

Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik


Epekto sa Pag-aaral at Kakulangan sa Pasilidad ng mga Mag-aaral

sa Senior High School ng Filamer Christian University

Kabanata I

Panimula ng Pag-aaral

Unang kabanata ay may limang bahagi: (1) Kaligiran at ang

Balangkas ng Pag-aaral, (2) Paglalahad ng mga Suliranin at ang

Ipotesis, (3) Kahalagahan ng Pag-aaral, (4) Pagpapakahulugan sa

mga Katawagan, at Pagtatakda ng Pag-aaral.

Unang bahagi, Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral,

naglalahad ng Panimula, nagbibigay katwiran sa mga

pangangailangan para sa pagsisiyasat at nagtatalakay ng pagpili

ng mga suliranin. Inilalahad din dito ang balangkas ng

talasanggunian ng pag-aaral.

Ikalawang Bahagi, Pagpapahayag ng Suliranin at ang Ipotesis,

pinapahayag ang pangunahing suliranin, ang tiyak at ang

susubukang ipotesis.

Ikatlong Bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, nagbibigay dahilan

kung bakit ang naturang pananaliksik ay kailangang gawin at ang

pakinabang nito ayon sa kinalabasan.


Ikaapat na Bahagi, Pagpapakahulugan sa mga Katawagan,

nagpapaliwanag sa mga mahahalagang katawagang ginamit sa pag-

aaral.

Ikalimang Bahagi, Hangganan ng Pag-aaral, nagsasaayos nang lawak

ng pananaliksik ng mga baryabol, mga kalahok, mga kagamitang

ginamit sa pagtitipon ng mga datos, at mga estadistikal na

kagamitang ginamit.
Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang kasalukuyang

pagpapatupad ng K-12 Kurikulum o Senior High School ay

nagdudulot ng malaking problema hindi lamang sa pamahalaan

ngunit maging sa mga mamamayan nito, lalong-lalo na ang mga mag-

aaral at guro dahil sa kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan

na kinakailangan ng mga mag-aaral tulad ng mga bagong silid-

aralan, kompyuters, mga aklat para sa kanilang aralin at maging

ang bilang ng mga gurong magtuturo rito.

Ayon kay dating Pangulong Noynoy Aquino, kinakailangang

magdagdag ng dalawang taon sa ating basic education para sa mga

kayang magbayad hanggang labing-apat na taon sa pag-aaral bago

sa unibersidad. Ngunit, marami pang problema ang ating haharapin

ukol sa programang ito.

Ayon kay CHED Chairperson Patricia Licuanan, bagamat

malaking suliranin ang mga isyu ng kakulangan sa mga guro at

pasilidad sa nasabing programa ay kailangan ng simulan ang K-12

program alinsunod sa batas at para na rin sa kapakanan ng mga

estudyante. Giit ng Ched, tatlong bansa na lang sa buong mundo

ang hindi nagpapatupad ng nasabing programa at isa na nga rito

ang Pilipinas.
Subalit, nagkakaroon ng tambak na problema sa pagdagdag ng

mga kagamitan at pasilidad na kinakailangan ng mga mag-aaral sa

Senior High School, publiko o pribadong paaralan man.

Ang Filamer Christian University ay tinaguriang may

Autonomous Status noong ika-1 ng Abril 2016 ng Commissioner on

Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Memorandum Order No.

20, Series ng 2016. Kung saan, isa ang FCU sa mga daan-daang

institusyong kumakaharap sa problemang ito.

(http:www.filamer.edu.ph/filamer-now-has-autonomous-status/)

Isang malaking hamon ang mga nabanggit na sitwasyon. Ito ay

pilit na inaalam ng mga mananaliksik kung talagang nagkakaroon

ng epekto sa pag-aaral ang kakulangan ng mga pasilidad sa Senior

High School. Maging sa paaralang kanilang pinaglilingkuran ay

nakikita ng mananaliksik na apektado ang kanilang pagkatuto at

performans sa pag-aaral. Isa sa mga salik ay maaaring hindi

handa ang pamahalaan sa pagpapatupad nito, kulang ang badyet ng

gobyerno at kawalan ng karanasan. Ito ang nagtulak sa mga

mananaliksik upang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral na ito.

Ang gana sa pag-aaral ay hindi mawawala anuman ito katagal

sa kadahilanang kumpleto ang mga kagamitan at hindi nahihirapan

ang mga mag-aaral. Mas uunlad ang mga mag-aaral at mga guro

mismo ng akademya kung nasa lugar na ang lahat ng mga


kinakailangang bagay, dokumento, pasilidad at iba pa.

Mabibigyang linaw din ang mga persepyon ng mga mag-aaral, mga

guro at maging mga magulang.

HERZBERG TWO FACTORY THEORY

Ang Herzberg Two Factory Theory ay nagmula kay Frederick

Herzberg. Tulad ng ilang mga tao ay wala siyang sapat na

edukasyon pero humanap siya ng ibang paraan para makamtan niya

ang karunungang inaasam. Libro, iyon ang paraan niya. Dahil

sadyang matalino ay nakilala siya. At ayon sa kanya ay may

dalawang motibasyon na tumutulong sa kanya. Ito ang kanyang

teorya na tinaguriang Herzberg Two Theory Factory.

INTRINSIC MOTIVATION- direktang motibasyon ng kaisipan o

damdamin na tinataglay ng mga taong kulang sa mga kinakailangang

bagay. Dulot nito, mas lalo niyang itinatatak sa isipan niya na

kailangan niyang magsikap para magkaroon siya ng ganoong bagay.

EXTRINSIC MOTIVATION- motibasyon na nagmula sa motibasyon ng

intrinsic motivation. Ngunit dito isinasakilos ng isang tao ang

inaasam niyang pangyayari. Humahanap siya ng mga bagay na

katumbas ng kulang na bagay na ito para matugunan ang kanyang

mga ikinakailangan. Sa ilalim naman ng Extrinsic Motivation ay

ang trabaho na ayon sa sarili, responsibilidad at pagsulong.

Ayon sa paraan na ginamit dito ng isang tao para makahanap ng


katumbas na bagay na gusto niya ay iyong naayon sa kanyang

sarili. Itinuturing din niya itong resposibilidad para patunayan

sa lahat na kahit salat sa maraming bagay magtatagumpay siya

patungo sa pagsulong. (Essential of Human Behavior in

Organization – Samuel Mejia Salvador at Ellinor Fua-Geronimo)

Ang kakulangan sa pasilidad sa Senior High School ay lubhang

nakakaapekto sa kasanayan ng isang mag-aaral. May ilang

napapasama sa pag-aaral, mayroon din namang mas mapapabuti. Sa

Herzberg Two Theory ay napapabuti ang isang mag-aaral dahil sa

kakulangang nararanasan niya. Sa Teorya ni Herzberg ay may anim

na sanhi ang motibasyon. Ang tatlo na nasa ilalim ng Intrinsic

Motivation ay ang pagkilala, tagumpay at posibilidad ng pag-

unlad. Ito ang mga emosyong sumusukob sa atin. Ang kagustuhan

nating makilala sa pamamagitan ng pagsisikap, tagumpay na

inaasam ng bawat isa at ang posibilidad ng paglaki natin hindi

lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa emosyonal at

sosyolohikal. Ang pinakapuno’t dulo nito ay ang makamtan natin

ang mga bagay na ating inaasam kahit pa kulang tayo sa mga

material na tumutulong sa ating edukasyon.

Sa ilalim naman ng Extrinsic Motivation ay ang trabaho na ayon

sa sarili, resposibilidad at pagsulong. Ayon sa paraan na

ginamit dito ng isang tao para makahanap ng katumbas na bagay na

gusto niya ay iyong naayon sa kanyang sarili. Itinuturing din


niya itong responsibilidad para patunayan sa lahat na kahit

salat sa maraming bagay ay magtatagumpay siya patungo sa

pagsulong. Kapag nagsama ang dalawang motibasyon na ito ay

mapupunan kung ano ang mayroon na pagkukulang. Matatamasa natin

ang kalugod-lugod na kalagayan. (Essential of Human Behavior in

Organization – Samuel Mejia Salvador at Ellinor Fua-Geronimo)

Halos kalahating porsyento ng mga mag-aaral sa Senior High

School, batay sa ginawang survey ng mga mananaliksik ang

nahihirapan sa kakulangan ng kagamitan at mga pasilidad sa loob

mismo ng institusyon. Dahil dito, nagkakaroon ng samu't-saring

epekto sa pag-aaral ng mga estudyante kalakip nito ay ang

paghahanap ng mga alternatibong gamit sa isasagawang proyekto o

tesis.
Paglalahad ng Suliranin at Ipotesis

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng epekto sa pag-

aaral at kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral sa Senior High

school ng Filamer Christian University.

Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan;

1. Ano ang antas ng epekto sa kakapusan sa kagamitan at

pasilidad ng mag-aaral sa Senior High School ng Filamer

Christian University?

2. Ano ang antas ng mga estudyanteng naaapektuhan ng

ganitong sitwasyon?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa performans ng

mga mag-aaral kung kumpleto ang mga kagamitan at pasilidad ng

akademya?

4. Mayroon bang makabuluhang ugnayan ang mga estudyante ng

Senior High School sa kakulangan ng pasilidad ng paaralan?

Ang mga ipotesis na sinubok sa araling ito ay ang mga sumusunod:

1. Walang makabuluhang pagkakaiba sa performans ng mga mag-

aaral kung kumpleto ang mga kagamitan at pasilidad ng akademya.


2. Walang makabuluhang ugnayan ang mga estudyante ng Senior

High School sa kakulangan ng pasilidad ng paaralan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Dahilan sa mabilis na pag-unlad ng ating bansa sa larangan ng

edukasyon, lalong nadaragdagan ang mga bagay na kailangan gawin.

Anuman ang maging resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring maging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: sa mga mag-aaral, sa mga

guro, sa mga pinuno ng paaralan, at maging sa ibang mga

mananaliksik.

Ang mga datos na nakalap ay magsisilbing gabay kung ano ang

mga pasilidad na wala sa paaralan upang magawan ng paraan at

mapaglaanan ng badyet para na rin sa ikabubuti ng mga mag-aaral.

Sa mga Mananaliksik

Sa pananaliksik na ito na pinamagatang "EPEKTO NG KAKULANGAN SA

PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL SA FILAMER

CHRISTIAN UNIVERSITY TAONG PAMPAARALAN 2016-2017" ay nakangalap

ng mga impormasyon ang mga mananaliksik na nagsilbi upang lalo

pang madagdagan ang kaalaman ng bawat isa at maintindihan ng


lubos ang mga mag-aaral at ang tunay na kahalagahan ng kumpleto

at maayos na pasilidad.

Sa mga Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang imulat ang bawat

isipan ng mga mag-aaral sa tunay na kahalagahan ng edukasyon at

ng kahalagahan ng maayos at kumpletong pasilidad para sa mga

mag-aaral at nang sa gayun ay makapag-bahagi rin ang mag-aaral

sa kapwa nila mag-aaral tungkol sa maayos na pasilidad at gayun

na din sa kagawaran ng SHS.

Para sa mga Guro

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing patnubay

sa pagpapabuti sa paraan ng kanilang pagtuturo sa kabila ng mga

kulang na pasilidad. Maaari rin itong magsilbing batayan kung

bakit nahihirapan ang mga mag-aaral na makasabay sa leksyon. Sa

mga pinuno ng paaralan, ang resulta ng pag-aaral na ito ay

maaaring magsilbing batayan sa pagpaplano ng kung ano ang dapat

nilang gawin upang masolusyunan ang kakulangan sa mga pasilidad

ng kanilang paaralan.
Makatutulong ang resulta ng pag-aaral na ito upang mabilang

nila ang budyet na kakailanganin sa pagbili ng mga pasilidad na

wala sa kanilang paaralan. Ang pag-aaral na ito ay maaari ring

makatulong sa ibang mga mananaliksik na makapagbibigay ng

karagdagang impormasyon at ideya kung paano gagawin ang isang

pag-aaral na may kaugnay dito.

Sa mga Magulang

Ang pag-aaral na ito ay para din sa mga magulang ng bawat mag-

aaral lalo na ang mga mag-aaral sa SHS, upang magabayan at lubos

na maipaunawa ng bawat magulang sa kanilang mga anak ang tunay

na kahalagahan ng Edukasyon upang lalo pang magsumikap ang mga

mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa kabila ng kakulangan ng

pasilidad ng kanilang kagawaran.

Sa Filamer Christian University

Ang pag-aaral na ito ay upang makatulong sa komunidad ng FCU at

upang lalo pang pagandahin at ayusin ng Administratibo ng

unibersidad ang bawat kagawaran sa bawat istrand ng nasabing

institusiyon upang lalo pang makilala ang unibersidad sa

magandang kalidad ng Edukasyon.


Pagpapakahulugan sa mga katawagan

Unibersidad- isang institusyon ng may mas mataas na edukasyon

at pananaliksik, na nagbibigay ng akademikong antas sa isang

iba't ibang mga paksa. Ang unibersidad ay isang

korporasyon na nagbibigay ng parehong mga undergraduate na

edukasyon at postgraduate edukasyon. Ang mga salita sa

unibersidad ay nagmula mula sa Latin magistrorum universitas

et scholarium, halos ibig sabihin ay "komunidad ng mga guro at

iskolar”.

Pasilidad- ay isang material na bagay na makikita sa loob

at labas ng bahay. Tulad ng kompyuter, aircon, ilaw at T.V.

Monitor.

Pananaliksik- ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong

impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa

pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman

na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng

pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya)

o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam

na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.

Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado

o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na

masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o ipotesis. Sa

ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag


ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig

mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Pagtatakda ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa epekto sa pag-aaral

at kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral sa Senior High

School. Ito ay binubuo ng pitong daan at labin tatlong (713)

mag-aaral ng Filamer Christian University na nakapag-tala sa

taong 2016-2017 at siyang sisilbing tagatugon sa pananaliksik na

ito.

Survey Correlational ang ginamit na paraan sa pag-aaral na ito.

Nilikom ang mga datos sa pamamagitan ng pamumudmod ng mga

talatanungan tungkol sa epekto ng kakulangan sa pasilidad ng mga

mag-aaral sa Senior High School ng Filamer Christian University

na personal na ginawa ng mga manananaliksik.

Ang salik na ginamit sa pag-aaral na ito ay (a) Kasarian

(Lalaki at babae) (b) Antas (Ika-labin-isang baitang) (c) Track

(TVL at Akademiko na nahahati sa istrand track (1) Humanities

and Social Sciences (HUMSS), (2) Science and Technology,

Engineering and Mathematics (STEM), (3) Accountancy, Business

and Management (ABM), (4) General Academic Strand (GAS).


Saklaw din ng pananaliksik na ito ang mga personal na

kaalaman, damdamin, saloobin at pahayag ng mga mag-aaral pati na

rin ang kani-kanilang reaksyon ukol sa problemang ito.

Ang pananaliksik ay binubuo ng sampung (10) mananaliksik na

kung saan bawat isa ay nagtulong-tulong at nag-ambag ng mga

kaalaman upang maisagawa ng maayos ang pananaliksik na ito.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito ay isinaalang-alang ang mga kaugnay na

literatura at pag-aaral. Inilahad din ng mga mananaliksik ang

mga kaugnay na literatura at pag-aaral na higit na makatutulong

sa ginawang pagsusuri ng kakulangan sa pasilidad.

BANYAGANG LITERATURA

Ayon sa nalimbag na aklat “College and University Facilities” ni

David J. Hueman noong 2003 bawat pasilidad sa isang

paaralan o unibersidad ay mahalaga. Malaki ang

naitutulong nito para mas mapaunlad ang mga kakayahan at

abilidad ng bawat estudyante. Tinalakay din dito na dapat angkop


ang disenyo ng bawat gusali para mas maging kaaya-aya sa

paningin ng mga mag-aaral, kasama narin ang tibay ng mga ito.

Isa rin sa mahalaga at nakakaapekto sa pagkakaroon ng magandang

pasilidad ay ang mga tinatawag na “State Regulators”, na

binaggit sa librong “Planning and Managing School

Facilities 2nd Edition ni Teodore J. Kowalski, noong 2003. Ang

mga State Regulators ang unang gumawa ng mga hakbangin para sa

pagpaplano sa mga unibersidad at eskwelahan, halimbawa nito ang

kagawaran ng Edukasyon at Commission on Higher Education (CHED).

Ayon pa kay Kowalski malaki ang nagiging epekto nila sa

pagkakaroon ng maganda at maayos na pasilidad ng isang

unibersidad dahil ang mga State Regulators na ito ang isa sa mga

may hawak ng badyet para sa mga unibersidad at paaralan.

Ayon kay James Fritz, sa kanyang disertasyon na “The Effect of a

New School Facility on Student Achievement”, ikinalulugod ng mga

mag-aaral ang transpormasyon ng mga silid-aralan at iba pang

pasilidad na binago ng modernisasyon mula sa isang kwartong

paaralan noong 1600s hanggang sa isang kompleks na estruktura ng

isang paaralan ngayong mga araw. Mas magiging komportable ang

mga mag-aaral kung mayroong bago sa kanilang paligid kagaya na

lamang ng pagpapatayo ng mga bagong silid-aklatan para sa mga

mag-aaral ng Senior High School.


Ayon naman kay Rutter Maughan 2002, mas nakakaapekto ang kalidad

ng paaralan, kalakip nito ang mga guro, estuktura at pasilidad

sa progreso ng isang mag-aaral kaysa sa panlipunang kasaysayan.

Hindi pare-pareho ang abilidad ng bawat mag-aaral kaya’t hindi

maiiwasang magkaiba ang epekto nito sa kanila. Gayunpaman, ang

pagpapatibay at pagpapa-unlad ng kalidad ng isang institusyon ay

makakagawa ng malaking dahilan upang mas mapagaan ang paghihirap

sa pag-aaral.

LOKAL NA LITERATURA

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang K-12 umano ang

solusyon ng administrasyon ng Pang. Benigno S. Aquino III sa

lumalalang krisis sa edukasyon. Gayunpaman, maaari itong

tinututulan ng mga kabataan, mag-aaral, guro, kawani, magulang

at ng buong komunidad dahil sa kawalan ng programa ng

makabuluhang batayan at sapat na paghahanda at panustos ng

gobyerno para rito. Ang hilaw na pagpapatupad ng K-12 ay

maaaring makapagpalala pa ng sitwasyon. Kasama na rito ang

kakulangan sa mga gamit at estruktura ng mga paaralan.

Ayon sa aklat na “Education Psychology” nila Gaudencio V.

Aquino at Perpetua U.Razon na nilimbag noong 2000, malaki din

ang ginagampanang papel ng mga guro at dalubguro para sa


pagkatuto ng mga mag-aaral. Kailangang maging bukas ang mga guro

sa kanilang mga mag-aaral para mas madali silang

magkaintindihan. Mas mainam din kung ang mga guro at dalubguro

ang mangunguna sa paggamit ng mga teknolohiya o bagong pasilidad

sa pagtuturo sapagkat mas nakadaragdag ito ng kaalaman at mas

nagiging malinaw sa mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan.

KABANATA III

Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "EPEKTO SA

KAKULANGAN NG PASILIDAD SA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH NG FILAMER

CHRISTIAN UNIVERSTY" ay gumamit ng random sampling sa pag-sarbey

sa mga mag-aaral sa Senior High.

You might also like