You are on page 1of 1

TALAMBUHAY NI DEOGRACIAS A.

ROSARIO

Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17,


1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917
naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.

Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga


Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog.
Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko,
siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng
kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng
paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.

Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa


mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:

"Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing


tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan;
maliban sa ilan, iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at
paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang
bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at
makabayan".

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang
Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang
pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50
Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.

Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre


26, 1936.

You might also like