You are on page 1of 2

KASULATAN NG SANGLA

ALAMIN NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NG KASULATANG ITO:

Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan nina: LUCITA


ALFORQUE LONGGAKIT , nasa hustong gulang at nakatira sa P 1-A San Roque, Nabunturan
Compostela Valley Province na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;

at

Oiver Alforque Endaya, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa P 1 San Roque,
Nbunturan Compostela Valley Province na sa kasulatang ito ay tinaguriang PINAGSANGLAAN;

NAGPAPATUNAY

1. Na ang NAGSANGLA (Lucita Longgakit) ay humiram sa PINAGSANGLAAN (Oliver Endaya) ng

halagang TATLUMPUNG LIBONG PISO (P30,000.00) bilang buong kabayaran ngayong

ika-14 ng SETYEMBRE 2019 na pinapatunayan ng kanyang lagda dito;

2. Na ang nasabing pagkakautang ay babayaran hanggang sa mabayaran ito ng NAGSANGLA

(Lucita Longgakit)

3. Na bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA (Lucita Longgakit)

ang isang unit ng bahay na sarili niyang pag-aari na matatagpuan sa P 1-A San Roque,

Nabunturan Comval sa PINAGSANLAAN (Oliver Endaya) ;

4. Na bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinapahintulutan ng NAGSANGLA (Lucita

Longgakit) ang PINAGSANLAAN (Oliver Endaya) na tumira sa nasabing unit ng bahay sa loob

ng ilang taon na walang upang babayaran.

5. Na ang PINAGSANLAAN (Oliver Endaya) ang siyang itinalagang taga-pangalaga ng bahay

habang ito ay nasasaklawan ng kasunduang ito;

6. Na ang nasabing unit ng bahay ay tunay na pag-aari ng NAGSANGLA (Lucita Longgakit) at

walang ibang utang o sanlang pinananagutan;

7. Na sakaling mabayaran ng NAGSANGLA (Lucita Longgakit) ang nasabing pagkakautang sa

itinakdang panahon, ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at saysay;

1
8. Na hindi gagamitan ng NAGSANGLA (Lucita Longgakit) ng paraan na "Balik Sanla" ang

PINAGSANLAAN (Oliver Endaya) upang sapilitang mapaalis ito sa lugar bago matapos ang

takdang panahon ng bayaran.

9. Na habang umiiral ang kasunduang ito sa loob ng itinakdang panahon ang NAGSANGLA (Lucita

Longgakit) ay hindi pinahihintulutan ng kasulatang ito na magpadagdag ng bayad sa

PINAGSANLAAN (Oliver Endaya), sa halip, ang karagdagang bayad ng ipapatupad ng

NAGSANGLA (Lucita Longgakit) ay pag-uusapan bago o sa itinakdang panahon ng kasulatan

Na ang NAGSANGLA (Lucita Longgakit) ay dapat sumunod sa mga kasunduang nakasaad sa

kasulatang ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa kasulatang ito ngayong

ika-14 ng Setyembre 2019 sa San Roque Nabunturan.

LUCITA A. LONGGAKIT OLIVER A. ENDAYA


Nagsangla Pinagsanglaan

MGA SAKSI

RUEL A. LONGGAKIT ROQUE A. LONGGAKIT JR.

ELSA A. DAANOY

You might also like