You are on page 1of 4

PANGATNIG

 Ito ay mga kataga o lipon ng mga salita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.
Parirala- Lipon ng mga salitang hindi buo ang diwa: bahagi lamang ng pangungusap.
Sugnay-(Clause)- ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na maaring may buong diwa
(makapag-iisa) o di-buong diwa (di-makapag-iisa)
 Narito ang ilan sa mga pangatnig na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap:
Subalit upang at maging ngunit
O kaya kung dahil samantala
Sakali bagkus anupa’t datapwat kapag habang
Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at
sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon
sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na karaniwang ginagamit sa


Filipino:
Mga Pangatnig:
1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng
pangungusap.

Mga Halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.

2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang


Mga Halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi

Mga Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.

Halimbawa:
Naging Malinis ang Barangay Canmoros dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan.
Kailangan nating tulungan si Kapitan upang maayos ang barangay.
Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.
Bata pa si Red subalit siya’y maaasahan na sa gawaing bahay.
Kung nag-aaral ako, hindi sana ako bumagsak.
Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal ay wala akong tutol.
Transitional Devices:
1. sa wakas, sa lahat ng ito – panapos- ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita

Mga Halimbawa:
a. Sa wakas , natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.

2. kung gayon- panlinaw- ginagamit upang linawin ang sinasabi na.


Mga halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kanyang pag-
aaral.

Pagsasanay 1
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito)
hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya
alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan
siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Pagsasanay 2
Punan ng angkop na transitional device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng kuwento.
Isulat sa papel ang iyong sagot.
Krus
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang
tryout bilang paghahanda sa SEA Games. ____ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa
anumang gustuhin niya. ____ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya
sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa
rin siya ____ matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports
Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral ____ pursigido siyang dapat mapanalunan
ang kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang
ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
____, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung talampakan,
dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, ____ umaayos nang nakadipa
bilang paghahanda sa pagtalon. ____ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na
nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya. ____ na lamang ang kaniyang
pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa
kinatatayuang springboard at umusal.
“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin
N’yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin
N’yo po sana ako.”
Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod
at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung
saan siya dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po, Panginoon.”
Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na ‘yun.
PANUTO: Salungguhitan ang mga pangatnig sa mga pangungusap.

1. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban nya.
2. Mayaman nga si Donya Rustica ngunit matapobre naman.
3. Nagpiknik sa bukid sina Jose at Maria.
4. Nahuli na ang tunay na may sala kaya makakawala na si berto.
5. Sasayaw ako kung await ka.
6. Hindi makakapunta rito si Boyet kapag umulan.
7. Magluluto ka o maglilinis ng bahay?
8. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
9. Anupa’t pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
10. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.

You might also like