You are on page 1of 1

Pangalan: _________________________________________  Baitang at Seksiyon: _________________ 

Guro: _____________________________________________  Petsa: ______________________________ 


 
IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 
 
I. LAYUNIN:​ ​Natutukoy ang mga terminolohiya, depinisyon at mga impormasyon ng mga paksang tinalakay. 
Panuto: ​Tukuyin ang ipinapahayag sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. 
______________1. Ito ay pagsusunod sunod ng mga salita ayon sa antas ng kasidhian. 
______________2. Ito ang sinasabing pinakakaluluwa ng isang dula. 
______________3. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 pantig. 
______________4. Ang genre ng panitikan na ito ay nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa mga 
isyu sa kapaligiran. 
______________5. Binubuo ang tulang Hapon na ito ng labimpitong pantig na may tatlong taludtod. 
______________6. Ito ang tulang katumbas ng Tanka at Haiku sa Pilipinas. 
______________7. Anyo ng panitikan na ang mga tauhan ay pawang mga hayop. 
______________8. Isang uri ng maikling kuwento na nakatuon o nakapokus ang mga pangyayari sa tauhan. 
______________9. Elemento ng dula na sinasabing pinaka-kaluluwa ng isang dula. 
______________10.Isang genre ng panitikan na itinatanghal. 
______________11.Uri ng panitikan na kadalasang nangyayari sa buhay ng isang tao. 
______________12.Ito’y bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig 
ipahatid sa kausap. 
______________13.Pinakamaliit na yunit ng salitang may kahulugan. 
______________14.Ito ay makahulugang tunog. 
______________15.Ayon sa kanya, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. 
 
II. Kompetensi: Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku 
(F9PB-IIa-b–45) 
Panuto:​ Tama o Mali. Isulat ang ​TAMA​ kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap. Kung mali ang 
ipinapahayag, iwasto ang salitang may salungguhit upang maging wasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa 
patlang.  
______________16. Ang ​HAIKU​ ay binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. 
______________17. Binubuo ang ​TANAGA​ ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong. 
______________18. May labimpitong pantig ang bilang ng pantig ng ​TANKA​ na may tatlong taludtod. 
______________19. Binibigyang – diin sa tulang ​HAIKU​ ang kalikasan at pag-ibig. 
______________20. Karaniwang paksa ng ​TANKA​ ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa. 
 
III. Kompetensi: Naiaantas ang mga salita (klino) batay sa tindi ng emosyon o damdamin. (F9PT-IIc-46) 
Panuto:​ Pagsunod-sunurin ang mga salita ayon sa antas ng kasidhian nito. Gamitin ang panandang 1,2,3,4 ( 1 
payak at 4 pinakamasidhi ) 
21. ___ gahaman ___ sakim ___ ganid ___ damot 
22. ___atungal ___ iyak ___ hikbi ___ hagulgol 
23. ___ pagliyag ___ pagsinta ___ paghanga ___ pagmamahal 
24. ___ namayani ___ nangibabaw ___ naghari ___ namayagpag 
25. ___ kamatayan ___ kasawian  ___ kasiphayuan ___ kapighatian 
 
IV. Kompetensi: Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas. (F9WG-IIa-b-47) 
A. Panuto:​ Tukuyin ang salitang may tamang diin ayon sa ponemang suprasegmental ayon sa gamit nito sa 
pangungusap. Isulat ang sagot sa katapat na patlang 
______________26. Hinipan niya ng malakas ang ( /PI:to/ , /pi:TO/ )na hawak niya. 
______________27. Aalis kami mamayang ( /HA:pon/ , /ha:PON/ ) upang magsimba. 
______________28. Malaki ang ( /LA:mang/, /la:MANG/ ) na puntos ng ating pangkat. 
B. Panuto:​ Isulat sa patlang ang tamang intonasyon ng mga sumusunod na pahayag gamit ang panandang 
bilang na 123. (1 – mababa 2 - katamtaman 3 – mataas) 
______________29. Mag-aral na tayo. 
______________30. Sasama ka ba? 
______________31. Nasusunog ang sinaing! 
 
V. Kompetensi: Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyong sa pagpapahayag ng damdamin. (F9WG - IIc – 48) 
Panuto: Bilugan ang mga salita o ekspresyong nagpapahayag ng damdamin sa pangungusap. 
32. Natatakot ako sa maaaring masamang idudulot ng iyong gagawin. 
33. Ikinalulugod ko ang inyong pagkapanalo. 
34. Hala, baka may mali sa aking sagot! 
35. Tunay na kay buti ng iyong puso para sa mga nangangailangan.
 

You might also like