You are on page 1of 32

PANAHON NG

AMERIKANO
Kasaysayan sa Panahong
Amerikano
Mga Impluwensya sa
panahon ng Amerikano:
1. Pagpapatayo ng mga paaralan
2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino
sapamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may
hangganan
Naging tagapagsagip ang mga Amerikano
nang dumating sila noong 1898 na tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga
Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga
Amerikano.
Nagsimula lamang umusbong ang mga
panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga
bagong silang na manunulat.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng
mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng
mga gurong Tomasites sa
pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba
pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at
nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang
pelikula.
Mga Katangian ng Panitikan:
1. Hangaring makamit ang kalayaan
2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
Diwang Nanaig:
1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong
pamamaraan
Nahahati ang panahon ito sa tatlo (1901-
1942):
(a) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan;
(b) Panahon ng Romantisismo sa Panitikan
(c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan.
Panahon ng
Paghahangad ng
Kalayaan
Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit
katakatakang may malaking balakid na
humadlang sa pagsupling ng panitikang
makabayan. Unang- una, dapat na sumibol na
uri ng panitikan sa panahing iyon ay
nakukulayan ng nasyonalismo: pagmamahal
sa bayan, sariling kalinangan, panitikan at
wika.
Totoong ang dula ay ginamit ng mga
manunulat upang ipahayag ang kanilang mga
“paghihimagsik” tulad ng masaksihan
sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at
Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio
Tolentino.
Subalit dahil nga sa batas ng sedisyon at dahil
sa pangangalaga ng mga Amerikano sa sarili
nating kapakanan at sa katuparan ng kanilang
mga mkasariling layunin, naiba ang takbo ng
panitikan.
Ang nakapaloob sa batas sedisyon ay  hindi
sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa
paraang pahiwatig ng kahit na angong
makapagpapaalab sa damdaming makabayan
laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring
magsulat ng laban sa mga Amerikano, laban
sa kanilang mga pagmamalabis laban sa
kanilang mga layunin na hindi naman pawang
sa kapakanang Pilipino.
Panahon ng Romantisismo
Naging isang mabisang kasangkapan ng mga
Amerikano ang pagpapalaganap ng
romantisismo sa kanilang lahatan at
mabilisang pagbabago sa katutubong
kamalayang Pilipino.
Ito ang uring nahihimig sa Romantisismo ng
Kanluran--- lubhang emosyunal, malabis ang
pagkamoralistiko, sadyang sumusumang sa
hindi kayayang abutin ng isipan, dumadakila
sa kagandahan at kapangyarihan ng
kalikasan, gumagamit ng matayog na
imahinasyon o guniguni at bumabandila ng
tungkol sa kalayaang sarili.
Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw
na mababakas mga kuwentong lumitaw
sa Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng
Pinakamahusay na Katha Mula sa 1925- 1935.
Ito’y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay
nina Clodualdo del Mundo at Alejandro
Abadilla.
Isa pang katangian ng panitikang romantiko
ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga
lalawigan, lalo na sa malalayong nayon.
Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang
romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay
sa mga ipinangangaral ng relihiyong
Kristiyanismo.
Sa tuwina’y ikinikintal sa isipan na ang
masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y
tumatanggap ng karampatang gantimpala.
Ang nobelang Tagalog ay iniluwal sa panahon
ng mga Amerikano. 
Halimbawa ng mga akdang
naisulat sa Panahon ng
Romantisismo:
. Ang La Loba Negra ni Jose Burgos ay lubhang
dramatiko (melodramatika)
Ninay (1985)ni Pedro Paterno ay kawangking-
kawangki sa banghay ng NOLI ni Rizal.
1906 Juan Masili , Patricio Mariano
1910 Bagong Dalaga , Roman Reyes
1911 Kung Magmahal ang Dalaga , Iñigo Ed.
Regalado
1920 Ang Mestisa , Engracio Valmonte
1923 Ang Pag-ibig At ang Babaye , Jose
Villamor
Panahon ng Malasariling
Pamahalaan
Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong
nalalapit nang magwakas ang pananakop ng
mga Amerikano hanggang sa panahon ng
Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng
Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa
pangungulo ni Manuel Luis Quezon, na siyang
tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya
ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang
pambansa ang Pilipinas sa panahong ito.
Itinalaga sa Kongreso ang pagkakaroon ng
lupong siyang mag-aaral kung aling wikang
katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang
pambansa at ang lupon ay kinilalang Surian
ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas
Komonwelt 184.
(1) sinasalita at nauunawaan ng
nakararaming Pilipino, (2) may
mayamang panitikang nasususlat at (3)
wikang sinasalita at ginagamit sa
sentro ng pamahalaan, komersyo at
edukasyon.

 
Ang Maikling Katha

Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga


pampanitikang katangian ng nagpapabukod-
tangi
sa mga maiikling kathang nasulat sa panahong
iyon. Ganap nang nababakas ang tinatawag
na katipian sa larangan ng paglalarawan at
ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama.
Ang mga kuwentista ay nagsimula na ring
gumamit ng mga panauhan sa kuwento.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala
ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang
panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing
panitikan sa panahong ito. Dala nila ang
mga bodabil na isang uri ng dula kung saan
umaawit at sumasayaw ang mga artista na
nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala
rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa,
ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang
gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig
(silent films); unti-unting naisantabi pansamantala
ang dulang panteatro sa bansa dahil sa
nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng
pelikulang-tahimik.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng
mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at
sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal
noong Mayo ng 1903 – angTanikalang
Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang
Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito
at dinakip ang may-akda. Ngunit napawalang sala
rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol
na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at
Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa
Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang
paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na
hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit
nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.
Mga Manunulat sa Panahong ito:
Cecilio Apostol na sumulat ng mga
Oda para kay Rizal;
 Claro M.Recto na naging tanyag sa kanyang
natatanging mga talumpati.
 Si Lope K. Santos na sumulat ng obra-
maestrang
“Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang
sosyalista;
si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata
ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘’Huseng
Batute’’ at
si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag
naHuseng Sisiw‟
si Severino Reyes na sumulat ng imortal na
dulang “Walang Sugat” at tinaguriang
Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na
pinakaunangnobelistang (A Child of Sorrow)
Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.
Si Genoveva Matute o Kilalang si Aling Bebang,
isang kwentista. Sumulat sa “Paglalayag sa Puso
ng Bata”.
Siya ay isa ring guro
at may-akda ng aklat
sa Balarilang Tagalog,
na nagturo ng mga
asignaturang Filipino
at mga asignaturang
pang-edukasyon.
Deogracias A. Rosario
 Manunulat ng Maikling Kwento –
Panahon ng Amerikano
ang Amang Maiikling
Kwentong Tagalog sa bansa.Isa nang
manunulatsa gulang na 13, una siyang
nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa
tatlong naunang pahayagan sabansa na
nakatulong nang husto sa pag-unlad ng
maikling kwentong 

You might also like