You are on page 1of 5

EPIKO:

1.) Biag ni Lam ang - Nakikita ni Lam.ang na may mangyayari sa kanya, na siyay makakain ng pating na
berkahan.

- Dahil sa taglay na katangiang meron si Lam.ang nakikita niya kung ano ang mangyayari sa kanya sa
hinaharap. Kaya't pagkatapos ng kanilang kasal ng kanyang kabiyak na si Ines agad niya'ng ipinagbilin na
kung ano man ang mangyari sa kanya ay ipapakuha ang kanyang buto sa ilalim ng dagat. Sa positibong
pag uugali ni Lam.ang ang pagsisid sa dagat ay hindi naging mabigat sa kanyang naging desisyon dahil
alam niyang sa pamamagitan nito mas lalo niyang mapapaibig ang kanyang asawa at sa kabila ng lahat ng
iyon alam niyang muli siyang mabubuhay sa piling ng kanyang kabiyak na si Ines.

2.) Maragtas - Ayaw ni Datu Puti ang balak na paglaban ng ibang datu upang maiwasan ang pagdanak ng
dugo.

- Makikita natin sa desisyon ni Datu Puti at sa kanyang ibang kasamahaman na hindi dapat magpadalos
dalos sa mga planong pwedeng makapahamak sa kanila. Hindi nila ipinairal ang kanilang pagmumuhi sa
kanilang sultan kundi sila'y umalis at naglayag nalang at naghanap ng bagong lupain na pwede nilang
tirhan at doon sila'y makakapamuhay ng matiwasay, makakapagparami at iwas gulo.

3.) Ibalon - “Kung hindi talunin, makiisa sa layunin.”

- Ang kasabihang ito ang nagpapatibay at nagpapanitili ng katapangan doon sa bayan ng Ibalondia. Sa
pamamagitan nito hindi sila nawawalan ng pag asang makipaglaban sa mga halimawng ng wawasak ng
kanilang taniman kung saan kinukunan nila ng pangtostos sa pang araw araw nilang pamumuhay at sa
kanilang bayan. Ang mga tao roo'y walang ibang hangad kundi ang makamit ang kapayapaan ng kanilang
bayan kaya't sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa at paninindigan nalampasan nila ang mga pagsubok
na halos umobos sa kanila, at napalitan ito ng panibagong saya.
4.) Labaw Donggon - Pantay-pantay ang gagawin kong pagmamahal sa inyo.

- Maihahalintulad natin si Labaw Donggon sa mga muslim na kalalakihan na hangga't may matitipohan
sila ay agad nila itong susuyuin at papakasalan. Ang naiiba lang kay Labaw Donggon kompara doon sa
mga muslim na kalalakihan ay anak siya ng isang diwata at isang ordinaryong tao ngunit mayroon siyang
kapangyarihan at lakas na makipaglaban. Makikita natin sa estoryang ito na hangga't siya ay nabubuhay
patuloy parin siyang iibig at may pantay pantay na pagmamahal at attensyon galing sa kanya ang kung
sino mang mga babaeng kanyang magiging asawa.

5.) Darangan - Nang dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari'ng Madali ng kautusan.

- Minsan ang inggit ng tao sa kapwa tao ang naglalagay sa atin sa kapamahakan. Mayroon tayong ugali na
hindi natin gusto ang maganda sa iba at kung ano ang mayroon ang iba na wala tayo. Hilig natin ang
magkompara, pero kapag napagtanto nating may lamang ang isa ay agad tayong nasasaktan at
kamumuhian ang sarili dahil tayo'y naiiba. Katulad nalang sa magkapatid na sina Haring Madali at
prinsipe Bantugan, sa labis na inggit ni haring madali sa kanyang kapatid kinunan niya ng karapatan ang
ang kanyang kapatid na makipag usap sa iba kaya't dahil doon namatay sa kalungkutan si Bantugan at
doon palang natanggap ni Haring Madali ang kanyang pagkakamali at pagsisisi sa nagawa.

6.) Alim - Nagkasundo sila Bugan at Wigan na patayin si Igon, ang pinaka-batang anak at inihandog kay
Makanunggan.

- Pagsubok na pilit kumakain sa ating moralidad na mag desisyon. Pagsubok na kaya nating lampasan na
kahit ang kapalit nito'y kamatayan. Minsan sa pagsubok din natin mamasusukat kung gaano tayo ka
pursigidong ihaon ang ating pamilya sa kahirapan. Kabaliktaran naman ang naging desisyon nina Wigan
at Bugan. Desisyon na hindi makain ng aso dahil sa kawalang awa at moral sa pagpatay sa kanilang
walang kamuwang muwang na anak para lang magkaroon sila ng masagana at mabuting pamumuhay.
Hindi natin matatapos ang mga pagsubok sa immoral na pag iisip, magbubunga at magbubunga parin ito
sa atin ng kapahamakan kahit ito'y ating nalutas na. Kagaya ng nangyari sa mag asawang Wigan at Bugan
ang kanilang pagsubok ay hindi natapos dahil sila'y binigyan muli ng panibagong kaparusahan kung saan
ito'y naging dahilan sa kanilang pagkawatak-watak.

7.) Hudhud - Kapwa humanga sa taglay na giting at husay ng kalaban.


- Sa pakikipaglaban kinakailangan natin ng katapangan, pwersa at layunin para sa ating ipinaglalaban.
Kung ikay nakikipaglaban para makatanggab ng papuri galing sa iba ang ibig sabihin nun ay
nakikipaglaban ka para sa pansarili lamang at hindi pangkalahatan. Sa estoryang hudhud mababasa natin
ang ang labanan nina Aliguyon at Pumbakhayon kung saan ang dalawa ay nagtataglay ng kakaibang
katangian, lakas at liksi ng kilos sa pakikipaglaban. Dahil pareho silang magaling kahit niisa sa kanila ay
walang sumuko hanggang dumating ang oras na pareho na silang nakaramdam ng pagod. Napagtanto ng
dalawa na walang talagang magpapadaig sa kanila kaya't itigil nila ang labanan at naging magkaibigan
nalamang.

8.) Tuwaang - Humingi ng pasintabi si Tuwaang sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat
siya'y nagmamadali.

- Kilala si Tuwaang bilang isang nakapakagaling na mandirigma sa kanilang Nayon. Kahit na siya ay may
angking katapangan sa ibat-ibang larangan ng pakikipag laban hindi parin niya nalilimutang
magpakumbaba sa mga taong nakapalibot sa kanya. Makikita natin kay Tuwaang na kahit anong galing ng
isang tao kung ito'y walang pagmamalasakit sa iba, ay wala paring ipinagkaiba sa taong walang ibang
alam kundi ang mag mayabang.

9.) Tulalang - Iniligtas muna ni Tulalang ang kanyang kapatid hanggang sa makalimutan niya ang pangako
kay Macaranga.

- Responsibilidad, kung minsan nakaka apekto sa ating mag desisyon ng maayos. Kung saan nalilimutan
natin kung alin ang dapat unang gawin, kung ano ang tama at mali, kung ano ang susundin ang pagibig o
ang obligasyon sa pamilya. Resposiblidad sa pamilya at respinsiblidad sa minamahal. Kung minsan may
isang maaapektuhan, masasaktan, at magtatanim ng galit dahil siyay na eshapwera nalang. Sa kwentong
Tulalang, dahil sa kanyang responsibilidad na makipaglaban o ang ipaglaban ang kanilang kaharian, ang
kanyang pag-ibig kay Macaragna ay na baliwala. Dahil sa kanyang sitwasyon ay kung minsan
napaglilipasan narin siya ng panahon at hindi na napaglalaban ang kanyang pansariling kaligayahan.

PANRELIHIYON:

1.) Pasyon - Diyos na walang kapantay, lubhang maalam at puno ng karunungan.


- Ang ating Diyos na walang ibang inisip kundi ang mabigyan tayo ng masagana at mabuting pamumuhay.
Daigdig na punong puno ng makakukulay na halaman, hayop na nag aawitan at nagagapangan, at ang
mga taong nagtatawanan. Diyo's nating naglitas sa bawat kasalanang ating nagagawa, diyo's na gabay at
umaakay sa ating mga desisyong ginagawa. Ngunit ni minsa'y di natin masuklian ang taglay na kabutihan
na sa atin ay ibinigay. Opportunidad na mabuhay at magparami ay atin lang kung ipinagsawalang bahala
at patuloy na nagpapabalot sa mga masasamang gawa. Siguro ngayon ay panahon ng magbago at iwaksi
yaong mga kasalanan ating napagtamtampi upang ang ating Diyo's na nasa itaas ay makangiti.

2.) Urbana at feliza - Pagkakaroon ng wastong pag-uugali at tamang asal.

- Ang pagkakaroon ng kapatid ay ang siyang maituturing nating biyaya sa atin. Dahil dito natin makikita o
mararamdaman na mayroon talaga tayong mapagkakatiwalaan na kaibigan. Kaibigan na masasandalan,
maaasahan, mapagkwekwentuhan ng mga bagay bagay na hindi natin masabi sa iba og makimkim sa
sarili natin. Ang kapatid rin ang nagtatama ng ating mga maling desisyon sa buhay, gumagabay sa atin
kung saan talaga tayo nararapat. Dahil bilang isang kapatid nararamdaman niya kapag ikaw ay may
problema at mabigat na nagpagdadaanan. Nandyan siya upang ikay iwasto at huboging muli. Katulad
nalang sa kwento nina Urbana at Feliza kung saan ang nakakatandang kapatid na si Urbana ay siyang nag
sisilbing instrumento para kay Feliza upang matuto ng wastong pag-uugali at tamang asal.

3.) Barlaan at Josapahat - Nagpanggap ang matandang Barlaan na isang tagapagtinda.

- Minsan sa buhay ng tao kailangan talaga nating magpanggap. Lalong lalo na kapag ito'y kinakailangan
talagang gawin o may rason ka kaya mo ito nagagawa. Sa kwento nina Barlaan at Josaphat, sa
pagpapanggap ng matandang Barlaan nalaman niya ang mabuting ugali ni Josaphat kompara sa ama
nito. Nasaksihan niya kung gaano ito kamatulungin sa mga taong nakapalibot sa kanya. Sa realidad ay
ganoon din tayong mga tao, may mga sitwasyong kagaya sa kwento nina Barlaan at Josaphat na
napagdaan natin o nasaksihan. Pero minsan ay nagagamit din natin ito sa masama ngunit may layunin
tayo kung bakit natin iyon nagawa. Pero sa huli ang pagpapanggap ay mali parin sa mata ng mga taong
hindi matanggap kung bakit mo iyon nagawa.

Mga Tauhan Mga Katangian

Lam-ang Matapang, Matipuno, Handang ipaglaban ang kapwa katribo

Datu Puti Matapang, Matalino, Marunong mamahala at patas kung


magisip.

Labaw Donggon Si labaw donggon ay Matapang, Makisig at Malakas

Bantugan Ang katangian ni Bantugan ay ang pagiging matapang, mapag-


unawa, at mapagmahal.

Bugan at Wigan Parehas silang mapagmahal,ngunit hindi lamang sila mga


diyos at diyosa.

marangal na tao, matapang na mandirigma, mapagmahal sa


mga taga nayon, mapagmalasakit sa ibang tao maging sa ating
Aliguyon Inang Bayan.

matikas, malakas, matipuano, at iba pang naglalarawan sa


kalakasan ng pisikal. Kilala din siya sa pagiging matapang at
Tuwaang hindi naduduwag na lumaban o gawin ang isang bagay na
alam niyang tama.

Tulalang

ang sinasabing kauna-unahang lalaking nakarating sa


Kabikulan galing Botavara. Dahil sa husay at pambihirang lakas
Batlog ay naging pinuno ng lugar si Baltog.

You might also like