You are on page 1of 6

Mikaela Linette A.

Quizon STEM 12-A Gate of Heaven

PICTORIAL ESSAY

Ano ang pictorial essay?

Ito ay isang sulatin na mas marami ang larawan kaysa sa salita,nakatutok ito sa isang tema,maging ito
man ay isang paksa tulad ng digmaan o isang pictorial essay tulad ng isang partikular na estado. Ang
pictorial essay ay madalas personal at maaaring maging isang epektibong paraan upang lumikha ng isang
personal na mensahe upang ibahagi sa pamilya,mga kaibigan o para sa kahit na anong publikasyon. Ang
isang deskripsiyon ng larawan ng pictorial essay ay hindi lalagpas sa 60 na salita. Simple lang ito at di
kailangan punuin ng salita.
Sa panahon ngayon ang buhay ng isang mamayang Pilipino ay maihahantulad sa ibong nakahawla.
Masikip, madilim, walang muwang sa mga pangyayari, bulag sa katotohanan, at walang layang lumipad.
Ang ibong ito ay tila nakalimutan na at napag-iwanan na ng panahon
Ngunit sa oras ng kanyang mga paghihirap at kasarinlan ay hindi mawawala ang mga kababayan nating
bukas ang puso upang matulungan ka’t makabangon sa paghihirap na iyong dinaranas.
Sila ang tutulong sa iyo upang mahanap mo ang susi sa kalayaan sa iyong paghihirap at ng makamtan mo
ang iyong mga pangarap na nakubli sa loob ng matagal na panahon. Dahil sa mga problemang kinaharap
mo sa loob ng masikip at madilim na hawla.
Kapag nakuha mo na ang susi, ang pintong matagal mo ng hinihintay na magbukas ay magbubukas na
dahil sa sipag at tiyaga na iyong ginugol makalaya ka lamang dito. Ito na ang magiging daan mo tungo sa
pangarap na matagal mo ng inaasam. Simula na din ito ng pagbabago sa iyong buhay.
Ngayon nakalaya ka na sa hawla, ay may laya ka ng makalilipad para abutin ang iyong mga pangarap.
Ngunit sa iyong paglaya kahaharapin mo na naman ay may bagong pagsubok ang uusbong para ibaba
kang muli, pero sa pagiging matatag ang mga pagsubok na ito’y malalagpasan mo din.

You might also like