Sandatang dapat taglayin ninunman Dahil gamit natin sa pang araw-araw Na matatagpuan sa edukasyon lang
Edukasyong hanap nasa eskwelahan Tinuturong ganap ng gurong mahusay Sa mag-aaral sa iba't ibang lugar Taglay ang araling mahalagang tunay
Makamit ito ay walang kasing saya
Sapagkat dala ay magandang simula Simula sa isang magandang biyaya Dala ay tagumpay maging dalubhasa
Kahit mahirap babatain tunay Makamit lamang ang tamang kaalaman Na magiginng daan sa ating tagumpay Dahil ito'y susi sa magiging buhay
Natutunan natin gamitin sa tama Upang ang tadhanang nakatakday saya Kaalamang taglay ito ang panangga Sa buhay natin na puro na problema
Pag-Asa sa Gitna ng Kawalan
Ang lambing ng panahon ay salitang dala ng langit
Taimtim na dalangin ng mga pusong nagpakasakit; Ang mga tagong suyuan ay parang walang katapusan Halik ng damdamin mo’y bigkis ng pag-irog kailanman. Iulat mo, Mahal, sa ulap upang makadama ng hapis Na kapagdaka’y uulan, yan ay iyak na paimpit; Sa tindi ng sakit ng dibdib sa pag-ibig na nakalaan Sa huling yugto ng hininga mo’y buhay na nagdaraan.
Iambag mo sa bundok ang balot-pighating nadarama
Na sa angking kataasan nito’y maiparating mo kay Ama: Oh Anak mong yao’y pagsamo’y pakinggan na, Liripin mo ang damdamin sa parang ng isang aba! Sabihin mo rin sa hangin at iparating sa karimlan Na ang sakit ng damdaming atas, bigyan nya ng daan; Ibulong mo pa rin ang laman ng nakapiit mong puso Bago pa man dumating ang wakas nito sa pagkakatuto.
Alin baga ang nais mong malaman sa sarili?
Yun bang sakit ng talim o lambat ng kapighatian? Mahal, ang pamimili ay nasa saiyo lamang kailanman Purihin mo man ang lahat sa mundo at kalangitan At iangat ang pansariling mithiin doon sa magpakailanman, Subalit, ang sanlibo mong kabutiha’y isang mali ang tapat nyan; Isulong mo man sa labanan ang lahat mong angking lakas Gaya pa rin ng nakaraa’y katapat nati’y maliit na butas.
Huwag mong sayangin ang yugto ng iyong panahon
Malapit na ang takipsilim na matagal ding nagyaon; Ibuhos mo ngayon ang talinong ipinagmana ng mundo Higit pa riyan sa tingin mo ang ini-ambag mong talino
Aklat ng Buhay
Minsan sa isang patak ng ulan
sa dilim ng mapagkunwaring panahon; Pinuyos ng masalimuot ng kalakaran na ang buhos ay akda ng kaisipan. Di mo lubos maisip kung ano ang turing sa mga naka-ambang plastik na angkin; Di mo rin maitatago ang sidhi ng panaginip na kapagdaka'y aayon sa agos nang gusto mong makamtan at maangkin. Ang aklat ng buhay ay puno ng kapalaran na di natin hawak at mahirap masuyuan; Kahit ika'y nasa munting mundo mo, ang pahina ng kasalukuyan ay nasa saiyo. Isulat mo man ang nakaraan at ipaabot sa panahong parating, ikaw at ikaw pa rin ang may-akda nang buhay mong angkin.