You are on page 1of 9

Isang Pag-aaral sa mga Asignaturang Apektado ang

Akademikong Pagganap Batay sa Kadalasang


Pagkahuli sa Klase ng mga Piling Mag-aaral na nasa
ika-11 Baitang ng SHS sa FEU-NRMF
(T.A. 2016-2017)

Section B
Jade Gatchalian
Martha Magallanes
Evangeline Cayetano
Aldrin Manalo
Catherine Co
Janine Ogatis
Toni Lirio
Kabanata I

Panimula

Ang problema ay isa lang sa mga elemento ng buhay. Walang buhay


dito sa mundo ay nagkakaroon ng walang problema. Ang bawat problema
dito sa mundo ay may solusyon. (Arnie. A. Cuabo, Marso 2010)

Maraming hinaharap na mga problema ang mga estudyante ngayon.


Ang pagiging huli sa paaralan, mga gang, kakulangan ng mga libro at ang
maagang pagbubuntis ang ilan sa mga ito. At habang tumatakbo ang mundo,
lumalaki naman ang mga problemang ito. (Ernest Allen Del Norte, Marso
2010)

Kilala ang Pilipino sa kanilang kakaibang kaugaliang ipinapakita sa


mundo. Isa sa mga hindi magagandang kaugalian ay ang pagiging huli ng
mga Pilipino sa takdang oras o itinatawag nilang “Filipino Time” Marahil nasa
kultura na nga ng mga Pilipino ang pagiging huli. Ngunit sa kasamaang palad
ito ang kulturang kinakailangang palitan. Mas nakakabuting isipin ng mga
Pilipino kung ano ang magiging epekto ng kaugaliang ito sa kanilang buhay
kung palaging ganyan ang mangyayari. (Mac Yvonn Ray Gomez
at Anthony B. Sabaysabay, Marso 2010)

Maraming mga epekto ang dinadala nitong problema. Kung magiging


kaugalian na ang itong kasanayan, magiging malala ito na nagreresulta ng
pagiging dropout ng mga estudyante. Meron nga itong dinadalang positibong
epekto kagaya na lang ng pagtaas ng oras sa pagtulog ng isang estudyante
pero mas marami itong magagawa sa negatibong mga paraan. (Marianne
Charisse T. Corales, Berthel Lyn T. Gumapac at Alfare Tia Marie L. Henry,
Marso 2010)
Hindi lang sa mga ganyang sitwasyon nakakaapekto ang pagiging huli
sa anumang dapat gawin. Maging sa paaralan napakalaki ng ginampanan ng
pagkakaroon ng huli. Lalo na sa aspeto ng tinatawag nating pagkahuli sa
klase. Nagbubunga ang kagawiang ito ng mga hindi kanais-nais na kaugalian
kagaya ng katamaran. (Kim L. Nacionales, at Louise Cassandra Roa. Marso
2010)

Bilang isang Pilipino, hindi masama ang magpahalaga sa kulturang


nakagisnan pero minsan hindi dapat ang sobrang pag-ibig sa kultura ng puso
ang pairalin. Dapat gamitin rin ang utak. Hindi lahat ng mga kultura ay may
tama. Masmabuti sa mga Pilipino ang matutong magpahalaga sa kanilang
sariling oras at hindi ito aksayangan sapagkat para ito sa kabutihan ng lahat.
(Ydgene Mae Soria at Klyn Venus Villavito, Marso 2010)

Ang Senior High School ay tumutukoy sa huling dalawang taon ng


Progrmang K to 12 kung saan tinawag itong ika-11 at ika-12 na baitang (An
Introductory Guide to Senior High School, n.d.).

Ang programang K to 12 naman ay sumasaklaw sa Kindergarten at 12


taon ng basikong edukasyon kung saan nakapaloob ang anim na taon ng
pangunahing edukasyon, apat na taon ng Junior High School at dalawang
taon ng Senior High School (What is K to 12 Program?, Department of
Education).

Ang Akademikong Pagganap ay nasusukat ng kabuuang marka na


nakuha sa partikular na kurso ng isang mag-aaral. (The Relationship between
Individual Student Attributes and Online Course Competition, 2017).

Layunin ng Pag-aaral

Layon ng pananaliksik na ito na malaman at maunawaan ang iba’t


ibang partikular na bahagi ng akademikong pagganap sa bawat asignatura na
apektado batay sa madalas na pagkahuli sa klase ng ilang mag-aaral na
nasa ika-11 baitang ng SHS sa FEU-NRMF.
Tinatangkang sagutin ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na
katanungan:

1. Anu-ano ang mga asignaturang apektado ang akademikong


pagganap batay sa madalas na pagkahuli sa klase ng ilang mag-
aaral na nasa ika-11 baitang ng SHS sa FEU-NRMF?
2. Anu-anong mga partikular na bahagi ng akademikong pagganap sa
isang asignatura ang kadalasang apektado kapag madalas na
nahuhuli sa klase ang ilang mag-aaral na nasa ika-11 baitang ng
SHS mula s FEU-NRMF?
3. Anu-ano ang mga kadalasang dahilan sa pagkahuli sa klase ng
ilang mag-aaral na nasa ika-11 baitang ng SHS mula sa FEU-
NRMF?

Kahalagahan ng pagaaral:

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sapagkat ito ay magbibigay


pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ito ay makakatulong sa kanila sapagkat


mamumulat sila sa katotohanan na hindi maganda ang madalas na pagkahuli
nila sa klase. Malalaman din nila ang bahagi ng akademikong pagganap na
dapat nilang bigyan pansin kapag sila ay nahuhuli sa klase.

Sa mga magulang. Ito ay magsisilbing gabay sa mga magulang


upang magabayan nila ang kanilang mga anak at mapaalalahanan ito na
huwag ng mahuli sa klase.

Sa mga guro. Ito ay makatutulong sa mga guro sapagkat maaari


silang gumawa ng hakbang upang hikayatin ang mga estudyante na dumalo
ng maaga sa klase. Makatutulong din ito sa paggabay nila sa mga mag-aaral
na may nalaktawan sa kanilang klase.
Sa mga susunod pang mananaliksik. Ito ay makatutulong sa kanila
sapagkat maaari pa nila itong palawakin at bigyan na ng solusyon ang mga
malalaman at mauunawaang kadahilanan ng pagiging huli sa klase ng isang
mag-aaral.

Saklaw at limitasyon:

Ang sinasaklawan lamang ng pananaliksik na ito ay ang mga


asignaturang apektado ang akademikong pagganap ng ilang mag-aaral na
nasa ika-11 baitang ng SHS mula sa FEU-NRMF. Saklaw din ng pananaliksik
na ito ang mga apektadong partikular na bahagi ng akademikong pagganap
sa ilang asignatura batay sa pagiging huli sa klase ng ilang mag-aaral na
nasa ika-11 baitang ng SHS mula sa FEU-NRMF. Batid din ng pananaliksik
na alamin ang mga kadalasang dahilan sa pagiging huli sa klase ng ilang
mag-aaral na nasa ika-11 baitang ng SHS mula sa FEU-NRMF. Hindi batid
ng pananaliksik ang mga epekto ng pagiging huli sa klase sa ilang partikular
na bahagi ng akademikong pagganap ng ilang mag-aaral na nasa ika-11
baitang ng SHS mula sa FEU-NRMF. Hindi rin sinasaklawan ng pananaliksik
na ito ang magbigay ng lunas sa mga problema na ito at kung hindi
magsisilbing gabay lamang ito sa mga piling mag-aaral na sangkot sa
problemang madalas na pagiging huli sa klase.

Depenisyon ng mga terminolohiya:

Upang mas maunawaang ang ginawang pananaliksik, narito ang mga


depinisyon ng ibang salita ayon sa kung paano ito ginamit batay sa pag-aaral:

Dropout – Ito ay tumutukoy sa isang mag-aaral na huminto sa pag-aaral.

Filipino Time – Ito ay tumutukoy sa pagiging huli ng mga Pilipino sa


itinakdang oras.

Pagiging huli sa klase – Ito ay tumutukoy sa pagpasok sa hindi tamang oras


ng isang mag-aaral sa kanyang klase.
Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Pag-aaral

Batay sa pag-aaral na “Isang Pag-aaral sa mga Dahilan at Epekto ng


Pagiging Huli ng mga Estudyante sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng
Kidapawan” ni Arnie A. Cuabo et al. (2010) ang problema ay isa lang sa mga
elemento ng buhay. Walang buhay dito sa mundo ay nagkakaroon ng walang
problema. Ang bawat problema dito ay may solusyon.

Kilala ang Pilipino sa kanilang kakaibang kaugaliang ipinapakita sa mundo.


Isa sa mga hindi magagandanag kaugalian ay ang pagiginh huli ng mga Pilipino sa
takdang oras o itinatawag nilang Filipino Time”. Marahil nasa kultura na nga ng mga
Pilipino ang pagiging huli. Ngunit sa kasamaang palad ito ang kulturang
kinakailangang palitan. Mas nakakabuting isipin ng mga Pilipino kung ano ang
magiging epekto ng kaugaliang ito sa kanilang buhay kung palaging ganyan ang
mangyayari.

Maraming mga epekto ang dinadala nitong problema. Kung magiging


kaugalian na ang itong kasanayan, magiging Malala ito na nagreresulta ng pagiging
dropout ng mga estudyante. Meron nga itong dinadalang positibong epekto kagaya
na lang ng pagtaas ng oras sa pagtulog ng isang estudyante pero mas marami itong
magagawa sa negatibong paraan.

Bilang isang Pilipino, hindi masama ang magpahalaga sa kulturang


nakagisnan pero minsan hindi dapat ang sobrang pag-ibig sa kultura ng puso ang
pairalin. Dapat gamitin rin ang utak. Hindi lahat ng kultura ay may tama. Masmabuti
sa mga Pilipino ang matutong magpahalaga sa kanilang sariling oras at hindi ito
aksayangan sapagkat para ito sa kabutihan ng lahat.

Banyagang Pag-aaral

Batay sa pag-aaral na “Analysis on Students’ Late-Coming Factors in


Selected Secondary Schools in Zaria: Implications for Educational Managers” ni
Abubakare M. Jumare et al. (2015) Ang “punctuality” ay ang kaluluwa ng isang
hanap-buhay at wala ng mas hahalaga pa sa “punctuality” pagdating sa pag-aaral
(Ezewu, 1982). Ang “punctuality” ay maaring makita sa dalawang dimension, yun ay
ang pagpasok sa tamang oras at paguwi sa tamang oras. Ang ugaling “punctuality”
ay parehong responsibilidad ng bawat guro at mag-aaral. Ang mga guro’y di maaring
makapagtrabaho kung walang mag-aaral at gayon din kung babaliktarin.
Matutulungan ang mag-aaral ng kanilang “punctuality” upang magkaroon ng
oportunidad na sila’y makadalo sa bawat programa ng kanilang paaralan ang mga
aktibidad.

Lokal na Literatura

Ayon kay Philip S. Chua, M.D. (2007) sa kanyang artikulong “The ‘Filipino
Time’ Syndrome” sa tuwinang naririnig niya ang tanyag na palusot o deskripsyon na
“Filipino Time”, nakakaramdam raw sya ng napakalalang pangiinsulto sa kanyang
kapwa, kahit ng ang generalisasyon ay madalas na nasasambit ng kanyang kapwa
Pilipino. Para matanggap ang paratang na ang “tardiness” ay isang katangian na ng
mga Pilipino ng simula ng sila’y isilang, dapat nating pagsabihan ang ating kapwa or
ating aminin na tayo ay hindi pa sapat na disiplinado ukol sa ating kultura, na bastos
an gating lipunan at para bang walang kabihasnan.

Banyagang Literatura

Ayon sa artikulong “Being Late for School” na isinulat ni Shweta (2009) Sa


panahon ngayon napakaraming mag-aaral ang pumapasok ng huli sa klase sa
kanilang paaralan. Dapat nating seryosohin ang suliraning ito dahil sinasabi nga
natin sa mga mag-aaral kahit nung maliliit pa lamang sila na ang “punctuality” ay
isang yaman ng bawat tao, pero eto pinagmamasdan lamang natin sila na paulit-ulit
na maparusahan para sa kamaliang mga ginagawa.

Aking iminumungkahi na sa halip na maging tagapagmasid, dapat nating


subukan na imbestigahan kung ano ang dahilan ng pagiging huli sa klase sa bawat
araw, halos araw-araw ng isang mag-aaral.
Kabanata III
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang


deskriptib-analitik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananalik sa pag-aaral na
ito ang mga iba’t-ibang kadalasan na dahilan ng mga mag-aaral na nasa ika-11 na
baitang ng FEU NRMF na kadalasang nahuhuli sa klase.

Respondente

Ang pamamaraan na ginamit sa pagpili ng respondente sa pag-aaral na ito


ay ang systematic sampling. Ang systematic sampling ay ang pagpili ng mga
respondenteng kailangan para sa pananaliksik na gaganapin. Ang mga napiling
respondente ay mga mag-aaral na mula sa ika-11 na baitang ng FEU-NRMF. Sila
ang napiling respondente ng mga mananaliksik dahil sila ang pinakamalapit na
populasyon sa mga mananaliksik at sila ang naaayon na respondent para sa
suliranin ng pag-aaral. Tatlumpung respondente lamang ang napili ng mga
mananaliksik para sa isasagawang sarbey.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa mga pangkat ng ika-11 na


baitang ng SHS mula sa FEU-NRMF upang malaman ang mga mag-aaral na
kadalasang nahuhuli sa klase na siyangn kukuning respondente ng mga
mananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay gumawa din ng sarbey kwestyoner upang


makapagkalap ng datos na kakailanganin sa pananalilksik mula sa mga
respondenteng napili.

Tritment ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng “Likert Scale” upang matiyak na ang


layunin ng pag-aaral ay nakamit. Ang “Likert Scale” ay gumagana sa pamamagitan
ng pagpapasagot sa tao ng isang kumpletong talatanungan na kung saan kailangan
nilang ipahiwatig kung gaano kalawak ang kanilang pananangayon at di-
pagsangayon sa serye ng mga pahayag.

Upang maitatag ang Likert Scale. Kinalkula ng mga mananaliksik ang


katumbas na bahagdan ng bilang ng mga respondente sa bawat sagot at inihanay
ang bawat bahagdan kung saan ang bilang isa ang pinakamababa at bilang lima
naman ang pinakamataas.

You might also like