You are on page 1of 2

Kabanata I

Panimula
Bilang isang Pilipino, hindi masama ang magpahalaga sa kulturang
nakagisnan pero minsan hindi dapat ang sobrang pag-ibig sa kultura ng puso
ang pairalin. Dapat gamitin rin ang utak. Hindi lahat ng mga kultura ay may
tama. Mas mabuti sa mga Pilipino ang matutong magpahalaga sa kanilang
sariling oras at hindi ito aksayahan sapagkat para ito sa kabutihan ng lahat.
Ayon kay Ydgene Mae E. Soria mas marami ang kultura na ipinakita o
ginagawa ng isang Pilipino ngunit hindi lahat ng mga ito ay may magandang
epekto sa ating kapwa. Marami ang kultura na ating pinapakita sa mundo at
marami rito ay hinahangaan tayo.

Kilala ang Pilipino sa kanilang kakaibang kaugaliang ipinapakita sa mundo.


Isa sa mga hindi magagandang kaugalian ay ang pagiging huli ng mga Pilipino
sa takdang oras. Marahil nasa kultura na nga ng mga Pilipino ang pagiging
huli. Ngunit sa kasamaang palad ito ang kulturang kinakailangang palitan.
Mas nakakabuting isipin ng mga Pilipino kung ano ang magiging epekto ng
kaugaliang ito sa kanilang buhay kung palaging ganyan ang mangyayari. Halos
lahat ng Pilipino ay hindi maikakailang nagging huli na sa takdang oras na
kanilang pinagkasunduan. Isa sa kalimitang huli ang isang Pilipino ay ang
pagpasok sa klase. Ano nga ba ang epekto nito sa kanilang akademikong
kakayahan at epekto nito sa kanilang marka.

Layunin
Ang layunin sa pag – aaral na ito ay para makapagbigay kaalaman ukol sa
epekto ng pagiging huli sa klase ay msagot ang ilang katanungang kaugnay sa
pagiging huli sa klase ng mag – aaral sa ika – 11 baitang sa kanilang pang
akademikong kakayahan. At upang masagot ang ilang katanungang kaugnay
sa pagiging huli sa klase upang matulungan ang mga estudyante na maiwasan
to at hindi makasanayan. Layunin rin sa pag – aaral na ito na maipabatid ang
kahalagan sa pagpasok ng nasa tamang oras.

Mga suliranin
Layunin nitong masagot ang sumusunod na tiyak na katanungan sa
pananaliksik :
1. Paano nakakaapekto ang pagiging huli sa klase ng mga mag – aaral sa
ika – 11 baitang sa kanilang pang – akademikong kakayahan?
2. Mayroon bang epekto ang pagiging huli sa klase ng isang mag – aaral sa
ika – 11 baitang sa kanilang pang – akademikong kakayahan?
3. Gaano nakakaapekto ang pagiging huli sa klase ng isang mag – aaral sa
ika -11 baitang sa kanilang pang – akademikong kakayahan?

Kahalagahan ng Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito ay mahihinuha natin ang mga dahilan at epekto
ng pagiging huli sa klase ng mga estudyante.

Sa mga mag – aaral, malalaman natin kung bakit nahuhuli ang


karamhihan sa estudyante. Makakakuha sila ng ideya kung paano ito ma
sosolusyonan at kung ano – ano ang magiging epekto nito sa kanila.

Sa mga magulang, ito ay nagbibigay sa kanila kaalaman upang mas


malaman at magkaroon ng sapat na kaalaman sa kadalasang nangyayari sa
bawat buhay ng tao lalong – lalo sa mga kabataan.

Sa mga guro, mas maiintindihan nila kung bakit may mga estudyanteng
lagging nahuhuli sa klase. Mas mauunawaan nila ang mga rason ng bawat
estudyante.

Lawak Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga dahilan ng pagiging huli sa
klase at epekto nito sa pang – akademikong kakayahan ng mga mag – aaral sa
ika – 11 baitang.

You might also like