You are on page 1of 6

SEKTOR AGRIKULTURA

•pangunahing sektor ng ekonomiya, sinusundan ng Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod

•itinuturing na pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas.

•pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya para makagawa ng mga
bagong produkto o serbisyo.

MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

1.Pagsasaka

•Pagtatanim ng iba't ibang halamang namumunga

•Pangunahing pananim ang palay ,mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at iba't ibang
halamang gulay

•may malaking kontribusyon sa eonomiya ng bansa

1.Paghahayupan

•Pag-aalaga ng iba't ibang hayop

•Pangunahing inaalagaan ang mga kalabaw, baka, kambing, kabayo, baboy, manok, at pato

•Pinagmumulan ng mga karne at iba pang produktong nakukuha sa hayop tulad ng itlog at gatas

•Nakatutulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa

1.Pangingisda

•Panghuhuli ng isda sa mga ilog, lawa, o dagat

•Maaari ding pag-aalaga ng mga isda sa mgaanyong tubig

•Isa sa pinakamalalaking nagsusuplay ng isda sa mundo ang Pilipinas

•Ilan pa sa mga produktong nakukuha sa pangingisda ang hipon, sugpo, tahong, talaba, pusit, at mga
halamang dagat na ginagawang gulaman

•Marami sa mga produktong ito ang iniluluwas at ipinagbibili sa iba pang bahagi ng mundo

1.Paggugubat

•pagpuputol ng mga punongkahoy sa kagubatan upang gawing mga kasangkapan o balangkas ng bahay o
gusali
•ang kahoy ay mula sa mga puno ng rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng puno
(almaciga)

•Mga pangunahing produkto ang troso, plywood, at veneer

1.Pagmimina

• Pagku ha ng mga yamang mineral mula sa loob ng mga bundok at ilalim nkuo

•Mayaman sa mga yamang mineral ang PIlipinas

•nakakahukay sa Pilipinas ng chromite, tanso, ginto, bakal, lead, mercury, nickel, uranium, at zinc
Binubuo din ng di

•nakakukuha rin ng mga yamang mineral na hindi metal tulad ng asbestos, semento, luwad, karbon,
graba, guano, adobe, marmol, aspalto, sulfur, buhangin, natural na gas, at petrolyo

•Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa produksyon ng ginto, chromite, at tanso sa mundo

Mga Suliranin ng Sektor ng Agrikultura

Ang sektor ng agrikultura ay humaharap din sa iba't ibang suliranin. Ang mga ito ay may kani-kaniyang
dahilan at epekto sa ekonomiya ng bansa. Alamin ang mga ito at pag-aralan ang sumusunod na tsart.

Mga Patakarang Pang-ekonomiya para Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura

Ang pamahalaan ay nagpatupad ng iba't ibang patakarang pang-ekonomiya para higit na masuportahan
at mapaunlad ang sektor ng agrikultura

Pagsasaka

Key Production Approach

•pagkilala at pagsuporta sa halaga ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapatupad ng:


◦Reporma sa lupa

◦Pagpapatayo ng patubig

◦Pagpapatayo ng daan

◦Post harvest facilities

◦Pagpapautang sa kasapi
◦Pagsasanay sa benepisyaryo

Gintong Ani

•pagpapalawak sa produksyon ng palay, mais, at iba pang pananim na may mataas na halagang
komersyal

Paggugubat

Department of Environment and Natural Resources (DENR)

•Pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kagubatan

•Mga karaniwang gawain:

◦Nag-uuri ng lupa

◦Nangangalaga sa kagubatan

◦Nangangalaga sa mga parke, hayop, at ibong ligaw

Industrial Tree Plantation at Program for Ecosystem Management (PROFEM)

•Sama-samang pagtatanim ng puno na ornamental o namumunga sa mga paaralan, tabi ng lansangan,


kalbong kagubatan, parkeng pasyalan, at bakuran

•Pagpapatayo ng nursery ng mga puno

Forest Rangers

•mga bantay na nagpapatrolya sa kagubatan upang masugpo ang illegal logging, kaingin, pagtotroso,
sunog

Pagmimina

Republic Act 794 o *Mining Act of 1995*

•nagtatakda sa tamang paggalugad, paggamit, pag-iingat at pagpapaunlad ng yamang mineral ng


Pilipinas

Pangingisda

Bureau of Fisheries and Natural Resources (BFAR)

•ahensyang may tungkuling mamahala, magpaunlad, at gamitin nang maayos ang pangisdaan at yamang
tubig

•tumutulong na mapataas ang produksyon ng isda at nagpapalawak ng serbisyo para sa mga


mangingisda
Department of Science and Technology (DOST)

•namamahala sa pananaliksik sa larangan ng pangingisda

South East Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC)

•Itinatag noong 1967 ng mga bansang Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Vietnam, at Japan

•namamahala sa pagsasaliksik sa pagpapataas ng produksyon ng isda at mga yamang tubig sa Timog-


Silangang Asya

MAHALAGANG KAALAMAN

•Ang sektor ng agrikultura ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng
industriya para makagawa ng mga bagong produkto o serbisyo.

•Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng pagsasaka, pangingisda, paghahayupan, paggugubat, at


pagmimina.

•Iba't ibang suliranin ang kinakaharap ng sektor ng agrkultura:

◦Pagkaubos ng puno sa kagubatan

◦Erosyon ng Lupa (Soil erosion)

◦Polusyon

◦Global warming

◦Kakulangan ng implementasyon ng Programang Pampamahalaan

◦Kawalan ng suporta mula sa pribadong sektor

•Ang pamahalaan ay nagpatupad ng iba't ibang patakarang pang-ekonomiya para higit na masuportahan
at mapaunlad ang sektor ng agrikultura.

1.Alin sa sumusunod ang mga sektor bumubuo sa ekonomiya ng bansa?


agrikultura

paglilingkod

industriya

Ang ekonomiya ay pangunahing binubuo ng tatlong sektor: agrikultura, industriya, at paglilingkod. Ang
pamahalaan, bagamat isa ring mahalagang sektor ay itinuturing na isang espesyal o katuwang na sektor
ng ekonomiya

Dahil sa kakulangan ng sapat na pondo para maipatupad ang mga programa ng pamahalaan, malaking
tulong ang mga programa ng mga non-governmental oganization (NGOs)

2.Bakit nagpapatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya ang pamahalaan?

Para masuportahan ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura.

Para mabigyang solusyon ang mga suliranng kinakaarap ng sektor ng agrikultura.

Nagpapatupad ng iba't ibang patakarang pang-ekonomiya ang pamahalaan para maitaguyod at


masuportahan ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura at ekonomiya na bansa. Sa pamamagitan ng mga
programang ito ay nabibigyang solusyon ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

3.Anong sektor ng ekonomiya ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap?

agrikultura

Ang sektor ng agrikultura ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng
industriya para makagawa ng mga bagong produkto o serbisyo.

4.Anong suliranin ng agrilkultura ang tumutukoy sa pagkawala ng mga puno sa kagubatan dahil sa labis
na pagkuha ng kahoy para gawing troso?

pagkakalbo ng kagubatan
Dahil sa labis na pagputol ng puno sa kagubatan para gawing troso ay unti-unting nakakalbo ang
kagubatan na nagdudulot ng hindi magagandang epekto.

5. Bakit mahalaga ang sektor ng ekonomiya?

Dahil ito ang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap na gagamitin sa iba pang sektor.

Mahalaga ang sektor ng agrikultura dahil ito ang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap na gagamitin sa
iba pang sektor.

6.Bakit dapat mabigyan ng solusyon ang mga suliranin ng sektor ng agrikultura?

Dahil dapat mapangalagaan ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng bansa.

Ang sektor ng agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng mga hilaw na produkto na ipinagbibili sa
loob at labas ng bansa. Dito nanggagaling ang malaking bahagi ng kita ng bansa. Dahil dito, dapat
mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa at mabigyang solusyon ang mga suliranin ng sektor ng
agrikultura.

You might also like