You are on page 1of 1

Isang araw, habang nagbabaybay si tutubi, nakasalubong niya ang isang magandang paro-paro.

Taas noo
nitong pinapagaspas ang kaniyang makulay na pakpak. Napahinto si tutubi sa paglipad at pinagmasdan si
paro paro. “ang ganda naman ng kaniyang pakpak, sana all.” Wika nito. Napaisip si tutubi kung ano ang
ginawa ni paro-paro upang magkaroon ng makulay na pakpak, kaya nagisip si tutubi ng paraan. Sinundan
niya ito at nakitang umuwi ito sa isang halaman kung saan may nakita siyang mga nakabalot na kung ano.
Pinanood niya ang buong pangyayari. Sa pagiging uod na berde, pagbalot nito sa kaniyang sarili hanggan
sa paglabas nito, isa na itong paroparo. Dahil sa kaniyang nasaksihan, pinagsabi niya ito sa iba pang
insekto. “alam mob a yang si paro paro ay kaya maganda ang pakpak ay may ginagawang hindi
maganda.” Iyan ang linyang kaniyang ipinagkalat. Isang araw nakasalubong niya si paro paro na umiiyak.
Hindi ito nakapagtimpi at tinanong nito ang kaniyang problema. “bakit ka umiiyak paro paro?” tanong
nito.

“mayroon kasi nagsasabing masama daw ako at ang resulta niyon ay ang kagandahan ng aking pakpak.”

Napaisip sa tutubi sa kaniyang ginawa.

“hindi nila alam na dumadaan kamisa mahabang proseso upang magkaroo ng ganitong pakpak, ngunit
ang oras namin ay bilang lamang.”

“bakit, ano ang ibig mong sabihin?”

“maikli lamang ang buhay naming.”

Na konsensya si tutubi sa panghuhusgang kaniyang ginawa, kaya humingi ito ng paumanhin.

“pasensiya kana paro paro. Kasalanan koi to lahat. Hinusgahan kita. Nadala ako ng aking inggit.”

“sa iyo nagmula iyon?”

“pasensya ka na paro paro.”

“hayaan mo na, ang mahalaga ay humingi ka ng paumanhin. Kung maaari sana ay bawiin mo ang iyong
sinabi.”

Ginawa ni tutubi Ang kahilingan ni paro paro. Ngayon sila ay matalik ng magkaibigan at natutunan ni
tutubi na alamin muna ang isang bagay bago manghusga.

You might also like