1 Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng
aking utos sa isipan mo’y itanim 2 Upang araw mo’y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan. 3 Pananalig at katapata’y huwag mong talikdan, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan. 4 Sa gayon, sa iyo ay malulugod itong Diyos, magiging mabuti ka sa paningin ng sansinukob. 5 Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. 6 Siya ay sanggunian sa lahat mong mga balak, at kaniya kang itutumpak sa lahat ng iyong lakad. 7 Huwag mong ipangahas ang iyong nalalaman, matakot ka sa Diyos, lumayo sa kalikuan. 8 Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag, mawawala ang tiisin, gagaling ang iyong sugat. 9 Si Yahweh ay handugan mo, bahagi ng kayamanan, pinakamainam na ani mo, sa kaniya ay ibibigay. 10 Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.