You are on page 1of 3

IGLESIA NI CRISTO

DISTRITO NG CAMARINE NORTE

Kapisanang Buklod, KADIWA, at binhi


Gabay sa Buwanang Pulong
2021

“Tame Your Tongue (Turuan ang lyong Dila)”


PANIMULA
Isang kamangha-manghang bagay kung bakit ang isang napakaliit na bahagi ng ating
katawan, na halos 3-4 inches lamang ang haba at halos 2 inches lamang ang lapad, ay magdudulot
ng malaki at seryosong pinsala sa ating pagkatao at maaring makasira ng ating relasyon sa kapwa.
Bilang tayo ay mga hindi nabubuhay na mag-isa at para sa ating sarili lamang, sa bawat
sandali, tayo ay nakikihalubilo sa iba. Sang-ayon sa kasabihan, ‘No man is an island”. Marapat
lamang kung gayon na ating pag-aralan kung paano ang matamang pakikisama sa ating kapwa.
Ang dila, bilang siyang pangunahing sangkap ng katawan na kailangan upang tayo ay makipag-
komunikasyon ay dapat turuan din.

ANONG URI NG DILA MAYROON KA?


What type of Tongue are you?

1. Lying Tongue. Lies make a shaky foundation for any relationship.


Ang pagsisinungaling ay makikita sa apat na pangunahing anyo: pandaraya (deceit),
kalahating-totoo (halftruth), pagmamalabis (exaggeration), at pambobola (flattery).
2. Flattering Tongue. Flattery is a lie covered in a bed of flowery words.
Sadyang itinatago ang tunay na layunin o interes sa pamamagitan ng mabulaklak na
pananalita sapagkat inaakala na sa pamamagitan nito, sila ay mapagbibigyan.
3. Manipulating Tongue. Manipulation is a sneaky (tricky) use of tongue.
Ang pag-mamanipula o pag-mamaniobra ay nagagawa ng mga taong mabulalas at magaling
magsalita. Nagagawa nila na maging totoo ang lahat ng kanilang sinasabi ng hindi
nakikitaan ng anumang kapintasan at maging inosente at walang bahid sa paningin ng
ibang tao.
Natutuwa sila kapag ang lahat ay umaayon sa kanilang plano at nakukuha nila ang
kanilang gusto ng walang kahirap-hirap.
Sa sandali na ang taong nagpapanggap ay nailantad, siya ay mawawalan ng kredibilidad.
Magiging mahirap na para sa kanya na paniwalaan pa ng iba sa lahat ng bagay na kanyang
gagawin sapagkat siya ay nakilala sa kanyang pandaraya.
4. Hasty Tongue. Too quick to give response and be regarded thoughtful or wise.
May mga tao na iba-iba ang antas ng pagiging sensitibo sa mga salitang kanilang naririnig.
Habang ang tao ay tumatanda sa karanasan, tumataas ang kanyang lebel ng pagkaunawa.
Dahil magkakaiba ang pag-uugali ng tao, di maiiwasan na kung minsan ay nakakapagbitiw
sila ng mga salita na nakakasakit sa iba, subalit hindi naman nila batid. Bilang nakikinig,
maaaring bunga ng simbuyo ng damdamin ay magbitiw din ng matalim at mapanakit na
bigkas.
Sa ibang pagkakataon naman, may mga tao na sadyang malakas ang bob at pa-impress (sa
wikang ingles). Sa kanilang nais na magmukhang magaling at matalino, basta basta na
lamang sila sumasagot para lang mapansin at magmukhang magaling. Sa bandang huli ay
mahihirapan silang panindigan ang kanilang sinalita (napasubo — sa ibang tawag).
Kung kaya bago magsalita at sumagot kung tinatanong, tandaan ang tatlong salitang ‘Stop,
think and pray.”
5. Divisive Tongue. Peace-breaker.
Ang pagkakabaha-bahagi ay kasangkapan ng demonyo upang hadlangan ang pagkakaisa sa
tama.
“Dapat nating tandaan na kapag sinabi natin sa isang tao na, may nagsasabi ng masama sa
kanya, tayo ay nagdudulot na ng pagkakabaha-bahagi. Ngunit hindi nito sinasabi na hindi
na dapat bigyan ng babala ang tao kung may isang tao na nagbabalak ng masama o
gumagawa ng laban sa kanya. Sa pagkakataong gaya nito, kailangang maging malinaw ang
motibo o dahilan.
Sa halip na maging dahilan ng pagkahati-hati, dapat tayo ay maging kasangkapan ng
pagkakaisa at kapayapaan. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya at talino upang
iwasan ang pagtatalo at magkaroon ng reconciliation.
6. Argumentative Tongue.
Avoiding a fight is a mark of honor; only fools insist on quarreling. — Proverbs 20:3
Hindi gaya ng divisive tongued na tao, ang argumentative na tao ay direktong sumasalungat
sa sinumang nagsasalita na kaiba ang pahayag sa kung ano ang kanya. Ang totoo, sila ay
sadyang makipagtalo. Hindi sila pumapayag na madaig at labis ang kanilang katuwaan sa
sandaling maipakita nila sa lahat na sila ay dominante.
7. Boasting Tongue.
Let other praise you, and not your own mouth; someone else, and not your own lips.- Proverbs
27:2
Ang tao na nagtataglay ng tinatawag na boasting tongue, ito ay hindi mapigilan ang sarili na
ipahayag sa lahat kung anu-ano ang kanilang mga pag-aari at mga nakamit. Sa madaling
salita — mayabang.
“Praise is like perfume, if you consume it, it will kill you!”
8. Slandering Tongue. Nagpapahayag ng may bahid na maruming intensyon at walang
katotohahan. Kung magpahayag man ng katotohanan, ay nagtatagay pa rin ng masamang
intensyon na makasira ng reputasyon, karakter at magandang pangalan ng ibang tao.
Ang halimbawa nito ay ang mga kandidato sa pulitika na tahasang pinapangalanan ang
kalabang pulitiko upang siraan sa paningin ng mga botante sa nasang siya ang piliin ng mga
ito.
Slander (ingles), mula sa salitang Griyego na diabolos na ang ibig sabihin ay “devil o
demonyo”

9. Know-It-All Tongue. ‘A prudent man conceals knowledge. — Proverbs 12:23”


Mayroong mga tao na masusumpungang akala mo’y nalalaman ang lahat ng bagay. Sila ang
tipo ng tao na sumasagot kahit hindi sila ang tinatanong at ang tingin sa kanilang opinyon
ay siyang laging tama at pinakamainam.
Ikaw ba ang tao na madalas sinasabi ang mga katagang, “Dapat ganito..., dapat ganyan...’?
Sa halip na maging directive, dapat ay maging suggestive. Maaaring ikaw ay matalino,
subalit hindi mo pa rin alam at nauunawaan ang lahat ng bagay.
“Wise people don’t make a show of their knowledge.”
10.Harsh Tongue. Masakit na pananalita.

May mga pamamaraan upang ipahayag ang damdamin, hindi maaring ikatuwiran ang galit
upang hindi mapigilan ang sarili. Pakatandaan na:
Ang matatalim na pananalita ay tumatama sa puso at
tumatatak sa Isip ng tao sa haba ng kanyang buhay.
Iba pang maaaring talakayin:
Judgmental-tongue(mapanghusga), accusing tongue(mapanghatoI) tactless tongue (walang
pakundangan), loquacious tongue (walang-tigil/madaldal), gossiping tongue (mapagbulong),
betraying tongue, cursing tongue (mapagmura), retaliating tongue (mapaghiganti), doubting tongue
(mapagduda), discouraging tongue (nakapagpapahmna), silent tongue (walang kibo — hindi naman
tama sa lahat ng pagkakataon)
PAGLALAGOM
Ang ating dila ay makapangyarihan. Ito ang ating ginagamit upang tayo ay magpuri at
dumalangin sa ating Diyos. Kung kaya, hindi ito dapat na gamitin sa masama, paninira, pananakit
at pamiminsala sa kapwa. Bagkus, maging kasangkapan sa panghihikayat tungo sa mabuti,
pagpapahayag ng malasakit at pagtulong sa kapwa, pagpapanatili ng kapayapaan at
pagmamahalan, at mataas na uri ng banal na paglilingkod.

GAMITIN ANG ATING BIBIG SA PAGPUPURI AT


SA MGA PAGSASALITANG IKABABANAL
Awit 71:23, 35:28 (GAMITIN SA PAGSAMBA)
23Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo; At ang kaluluwa ko, na iyong
tinubos. 28At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.

Awit 119:13, Filipos 1:5 (GAMITIN SA PAGMIMISYON/PAGPAPALAGANAP)


13Aking ipinahayag ng aking mga labi Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.

5Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;

Kawikaan 10:19 (GAMITIN SA PAG-IINGAT SA KAPATIRAN)


19Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: Nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay
gumagawang may kapantasan.

You might also like