Bayan na inangkin ng mga Dayuhan Mga Dayuhan na kinuha ‘yong yaman Yaman na dapat para sa mamamayan. Sinakop ng mahigin tatlong ‘dan taon Ginamit ng dayuhan tamang panahon Kaya walang nagawa ang Pilipino Kundi magpaalila sa ibang tao. Pinaglaban ating bansang Pilipinas Gamit nila’y kapwa panulat at dahas Ating mga bayani’y pinarangalan Kanilang tapang para sa kalayaan. Alagaan bayan na Ipinaglaban Pahalagahan ang bayaning lumaban Tiniis nilang pasanin ay kay bigat Buhay inalay para sa ating lahat. Ang bayang ito’y aking pagyayamanin Upang mawala ang sakit at pasanin Tangkilikin ang ating sariling tatak Upang maiwasan ang ating pagbagsak. i i