You are on page 1of 18

ANTAS NG KAHIRAPAN SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-

AARAL SA GRADE 10 NG UB-HS DEPARTMENT:

MUNGKAHING KAPARAANG PAMPAGPABUTI

NINA:

LUCELYN JOTOJOT

LESLIE ESPERA

JENNILYN VIRADOR

PAMANTASAN NG BOHOL
Siyudad ng Tagbilaran
Oktobre 2017
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO

Introduksyon

Ang paksa ng aming pananaliksik ay ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

ibang asignatura sa paaralan. Matatalakay dito ang suliranin at kahinaan ng mga

estudyante sa wikang Filipino dahil mas napapadalas ang paggamit ng banyagang

wikang Ingles sa mga asignatura. At dahil nga sa madalas na nagagamit ang wikang

ito, mahinang pagintindi naman sa sariling wika ang kapalit.

Marami ding nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa

pang-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman

umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nanatili pa

ring problema ang istandardisasyon nito at ang nangingibabaw ng wikang Ingles na

lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles.

Bagama’t hindi na madalas tinatangkilik ng karamihan lalo na sa mga mag-aaral

ang paggamit ng wikang Filipino dahil sa masasamang ideya, at kuro-kuro na namuno

sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang

kanilang sariling wika. Nasa atin na nag desisyon kung magpapaniwala at

magpapaapekto tayo sa ganitong bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang

nakakaalam kung ano ang katotohanan.

Dapat malaman ng lahat lalo na sa mga Millenials na ang wikang Filipino ay

sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano at meron sila. Kung mahalaga
talaga ang ing Wikang Filipino gagamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo

magpunta.

Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang

ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang

ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa.

BALANGKAS TEORITIKAL

Magalang na binigyang-pansin ng mga mananaliksik ang iba’t ibang teorya ng

sumuporta sa ginawang pananaliksik na paksang “Antas ng Kahirapan sa Paggamit ng

Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Grade 10 ng UB-HS Department”. Sa kalagayan

ng wikang Filipino , umuugnay ang iba’t-ibang teorya hinggil sa mga sitwasyong

pagkatuto ng wika katulad ng Teoryang Kognitib.

Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget ang pagkatuto ng isang

wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palaging

nangangai-langang mag-isip at gawing may saysay ang bagong taanggap na

impormasyon, alamin ang pumailalim na tuntunin at mailapit ang mga ito upang

makabuo ng orihinal na pangungusap.Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit

na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o

di kaya nama’y nailapat nang mali ang mga ito. Dahil dito malimit nagaganap ang mga

kamalian sa paggamit ng wika.

Ayon sa kognitibist ang pagkakamali sa isang palatandaan ng pagkatuto at

eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinasto. Ang pagkakamali ay


tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto(Badayos

1999).

Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na

panaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa

pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang

makatuklas sila ng isang paglalahat . Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng

dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo

sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin ang daloy pasaklaw naman ay nagsisimula sa

paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang

kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong

prosesong pangkaisipan. Sa ganitong pananaw ,tungkulin ng guro ang paglalahad ng

mga bagong impormasyon ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na

istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng

wika,kailangang sa implikasyon sa pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga inativist na hindi

kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong

matutuhan. Samantalang sa kampo ng mga kognitibist,kailangan ang pagtuturo at mga

kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika (Badayos,1999).

Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng

mga bata at paano sila natututo.


Batayang Legal

Batay sa Suriang Wikang Pambansa (SWP)

“Itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang

Batas Pambansang Asamblea). Pinili ang tagalog bilang batayan ng bagong

pambansang wika.

Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek.3

Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpaunlad at

pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong

wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas , ang Ingles at Kastila ang

patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

Kaugnay na Literatura

Ang wika ay napakahalaga para sa isang bansa, ito ay isang mahalagang salik

sa pansariling kaunlaran at pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. (Mag-atas,

1998). Ayon nga kay Henry Gleason (1979), isang Linggwista, ang wika ay

masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ayon naman kay Whitehood, isang edukador at pilosopong ingles ang wika daw

ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Isinaad naman ni Mangahis (1994) na

hindi mapapasubalian na ang wika ay pinakamabisang kasangkapan sa

pakikipagtalastasan. Ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang, higit ditto ay

katangian,kalikasan at kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala ng ideya. Nahihikayat nito


ang ugali ng tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos nito, ang wika ay instrument ng

paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-isip upang magamit nang sukdulang

kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay at angking

ganap.Dagdag pa ni Santiago(1986)

KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ang mga kaugnay na pag-aaral ay nakakatulong sa pagpapaliwanag ng mga

kaisipang ginagamit ng mga mananaliksik sa pagpapaliwanag ng suliraning

kinakaharap.

Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa

pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.

Ang wika ay maaring tumutukoy sa ispesipikong kapasidad ng tao sa pagkakamit

o paggamit ng mga komplikadong sistema ng komunikasyon (Wikipedia).

Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende nang

malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelekwalisasyon ng

mga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating

di-kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon, sinonim, antonym, at

hayperonim ng mga bagong terminolohiya.

Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is

Language?, wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing

pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa

pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at


simetrikal na istraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo

at kontrolado ng lipunan.

Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason (sa Tumangan, et al., 2000)

sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na

pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa

isang kultura.

Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining ng paraan ng wastong pagpili at

akmang paggamit ng salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang

pagpapahayag ng diwa.

Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales; Mapanghamon, sapagka’t napakaraming

balakid ang susuungin ng mga nagmamalasakit sa wikang Filipino upang

maisakatuparan ang adhikaing ito. Bagama’t nakatagpo tayo ng kasangga sa katauhan

ng Pangulong Estrada sa ating adhikaing pagpapalaganap sa wikang Filipino bilang

wikang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan, Kongreso

at pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-dama naman ang pagtutol ng ilang mga

kilalang taona ang wikang Filipino ay gawing wika ng pagtuturo at pakikipagtalastasan

ng ating pamahalaan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magsagawa ng isang pagtataya sa tungkol

sa kahirapan sa paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral bilang batayan sa

mungkahing pagpapayaman ng silabus:

Ito’y naglalayong masagotang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga respondente ayon sa mga sumusunod na aspekto:

 Mga Mag-aaral

1.1 Gulang;

1.2 Kasarian

2. Ano ang antas ng kahirapan sa paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral?

3. Anu-ano ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino?

4. Nagkaroon ba ng makabuluhang antas ng pagkakaugnay sa pagitan ng:

4.1 Antas ng suliranin o kahirapan ng mga babae at lalaking mag-aaral sa paggamit

n gating wika.

4.2 Antas ng natutunan ng mga babae at lalaking mag-aaral sa paggamit ng

wikang Filipino.

5. Nagkaroon ba ng makabuluhang antas sa pagkakaiba ng marka sa pagitan ng

babae at lalaking mag-aaral?


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Antas ng kahirapan sa paggamit ng wikang

Filipino ng Mag-aaral sa Grade 10 ng UB-HS Department” ay makatutulong ng malaki

sa mga sumusunod:

Sa mga maag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang papel na

ginagampanan ng wika sa ating lipunan. Kung patuloy na gagamitin ito ng epekto sa

Wikang Filipino. Magmulatin ang pananaliksik na ito sa kanila ng mga kaalaman hinggil

sa kasanayan. Mabatid ng mga mag-aaral ang mga salik na nakaimpluwensya sa pag-

usbong nito at katanggapan para ditto.

Sa mga manunulat. Ang pag-aaral nito ay magbibigay-daan sa kaisipang ang pagsulat

ay isang kalagayan , kalagayang napipilit sa bawat isang indibidwal na ilahad ang tunay

niyang saloobin sa paraang pagsulat man.Ang panitikan ang buhay ng mga manunulat

at makapagsusulat lamang sila ,kung silay’y may kalagayang gamitin ang wikang nais

nilang gamitin.

Sa mga mananaliksik. Ang pag-aaral nito ay magbibigay sa kanilang panibagong

lakas upang saliksikin na ang higpit na mahalagang bagay o ideya na makatutulong

upang mapalawak ang hangarin ng bawat isa na mabuksan ang pananaw ng mga mag-

aaral hinggil sa epekto nito sa Wikang Filipino.

Sa mga magulang. Sa panig ng magulang ,ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbing

paalala sa kanilang malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay kalagayan sa pag-

aaral ng kanilang mga anak.Ito ay magpapabatid sa kanila bilang kasama o pakikipag-


ugnayan.Mapag-uunawa ang pananaliksik na ito sa mga magulang upang mapabatid

nila ang mga pananaw ng kanilang mga anak hinggil sa pag-usbong ng wikang Filipino.

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang bahaging ito ay naglalahad tungkol sa disenyo ng pananaliksik, lugar

pananaliksik, respondent, instrument ng pananaliksik, paraan ng panglikom ng mga

datos at pagsusuring istatistikal.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay impormatib. Nagbibigay ito ng sapat na

impormasyon o kaalaman tungkol sa paggamit ng wikang Filippino. Impormatib ang

siyang naging disenyo ng pananaliksik na ito upang maipahayag ng mainam o maging

detalyado ang pagpresenta ng pananaliksik na ito.

Respondent

Tinutukoy ang mga respondent ng sarbey,kung ilan sila at paano at bakit sila

napili. Sila ang sasagot sa sarbey o talatanungan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrument sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang

talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: Ang profile at ang survey ukol sa

paksang pinag-aralan. Ang sarbey ay ang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa

katangian, aksyon, o opinion ng malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sa bilang


isang populasyon o malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng iba’t-ibang

istilong paghahanap kabilang ang pagtatanong sa mga respondent.

Lugar ng Pananaliksik

Sa kasalukuyan ang UB- Highschool na Departamento ay matatagpuan sa Dr.

Cecilio Putong St. Syudad ng Tagbilaran, Lalawigan ng Bohol. Ang UB-HS na

departamento ay kasalukuyang nakikiisa sa iba’t-ibang kurso ng kolehiyo. Ang UB-HS

ay maraming magandang pasilidad na binibigay sa mga mag-aaral katulad nalang ng

pagkakaroon ng Computer Lab, T.L.E at Industrial Arts laboratory, Science laboratory at

ang kanilang high-end na silid-aklatan. Ang UB-HS ay patuloy na nagbibigay ng de

kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay

patuloy na nagbibigay ng mga lektyur o seminar sa kaniyang mga guro upang mas

maging handa sa kanilang pagtuturo. Inimbita ng paaralan ang PAASCU (Philippine

Accrediting Association of Schools Colleges and Universities) na magsasagawa ng

pagsusuri upang mas mapaigting pa ang de-kalidad na pagtuturo at mga pasilidad ng

paaralan.
Pagsusuring Istatistikal

Ang mananaliksik ay gumamit ng “Average Weighted Mean” para tukuyin ang

problemang naranasan sa Kahirapan sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag-

aaral sa Grade 10 ng UB-HS Department.

Pormula: 𝑋𝑤 = ∑ 𝑓𝑥
N
Kung saan:
𝑋𝑤= average weighted mean

∑ 𝑓𝑥 = ang kabuuang dami ng bilang ng mga mag-aaral; at ang frequency


distribution

𝑁 = Bilang ng mga respondent

Weighted Mean. Ang pamaraang ito ay ginamit sa pagsukat ng “central tendency” na

kung saan ang iilang mga “value” o halaga ay binigyan ng malaking kahalagahan kaysa

sa iba. Ito ay ginamit upang sukatin ang katamtamang “value” o halaga sa dami ng mga

aytem sa talatanungan gamit ang pormulang:

𝑋 = ∑ 𝑓𝑥

Kung saan:

X= weighted mean
∑= simbolo ng pagbubuo

f= kalimitan ng tugon

x=sukat ng halaga

N= kabuuan ng bilang ng klase

Ang katumbas ng weight mean ay tinatantiya ng:


WM= ∑ (𝐹𝑥𝑊)

N
Minsan ang antas ng mga problemang naranasan ay hindi palaging 100%. Ang

mababang antas ay maaring isaalang-alang: kaya ang arbitraryong sukat ay:

3.25-4.00 – Sa lahat ng pagkakataon

2.50-3.24 – Madalas

1.75-2.49 – Paminsan-minsan

1.0-1.74 - Hindi/Wala

KATUTURAN NG MGA TERMINONG GINAMIT

Binigyang kahulugan ang mga sumusunod na katawagan ayon sa paggamit ng

pag-aaral na ito upang maging lubos ang pag-unawa ng mga mambabasa:

Wikang Filipino
Pambansang Wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ito’y ginagamit

komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng

paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram.

Arbitraryo

Ito ay ang mga salitang pinagkasunduan ng mga tao para gamitin nila sa pang araw-

araw na pamumuhay.

Dayalek

Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain

sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o

pook malaki man o maliit.

Kultura

Binubuo ng kanyang katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas.


TALATANUNGAN

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon batay sa bilang ng iyong tugon. Apat (4) ang

pinakamataas at isa (1) ang pinakamababa.

Deskripsyon Antas Simbolo


Sa lahat ng pagkakataon 4 SP
Madalas 3 MA
Paminsan-minsan 2 PM
Hindi/Wala 1 HW

A.Suliranin ng kahirapan ng mag-aaral sa 4 3 2 1


paggamit ng wikang Filipino SP MA PM HW

1. Kakulangan sa paggamit ng wikang Filipino


bilang midyum ng pagtuturo.
2. Kakulangan ng tiwala sa sarili/ Takot magbigay
ng sariling opinyon.
3. Kakulangan sa kasanayan sa paggamit ng
wikang Filipino.
4. Kulang sa bokabularyo upang lubusang
ipahayag ang paksa/ Nahihirapan sa di-pamilyar
na mga salita.
5. Kulang sa sigasig ang mga mag-aaral sa
pakikilahok sa talakayan.
6. Kulang sa kasanayan ang guro sa pagtuturo at
pagsasalita sa wikang Filipino.
7. Kulang sa kaalaman sa iba’t ibang istratehiya
sa pagtuturo sa wikang Filipino.
8. Hindi malinaw ang patnubay ng guro sa
wastong paggamit ng wikang Filipino.
9. Kakulangan sa paggamit ng wikang Filipino
bilang midyum ng komunikasyon.

10. Kakulangan sa pagtangkilik ng wikang Filipino


na ating sariling wika.

TALATANUNGAN

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon batay sa bilang ng iyong tugon. Apat (4) ang

pinakamataas at isa (1) ang pinakamababa.

Deskripsyon Antas Simbolo


Sa lahat ng pagkakataon 4 SP
Madalas 3 MA
Paminsan-minsan 2 PM
Hindi/Wala 1 HW

Mga Natutunan sa Paggamit ng wikang Filipino 4 3 2 1


SP MA PM HW
1. Natutunan ang kahalagahan ng pagiging bukas
ang isipan ay mahalaga sa mga ideyang ibabahagi
ng mga kasamahan sa higit na ikakaganda ng
pagtalakay sa paksa.
2. Natutunan na labanan ang takot sa pagharap sa
mga kaklase sa pagpapahayag ng opinion.
3. Natutunan na dapat magkaroon ng tiwala sa sarili
na kaya ang ipinapagawa ng guro.
4. Natutunan ang paggamit ng mga kaakit-akit na
salita para sa mas madaling maintindihan.

5. Natutung manaliksik sa iba pang sanggunian


nang mas malawak na pang-unawa sa paksa.
6. Natutunang pahalagahan ng paggamit ng
diksyunaryo at internet sa mga salitang mahirap
unawain.
7. Natutunan ang maging mapanuri sa bawat
salitang ginamit sa mga aralin upang kilatisin ang
nais ihatid nito.
8. Natutunan ang pagsasaliksik sa iba’t ibang
sanggunian kung paano ang wastong paggamit ng
wikang Filipino.
9. Matutunan ang magpasensya sa bawat isa dahil
tunay ngang bawat isa ay natatangi o naiiba.
10. Natutunang mahalin at pahalagahan ang
propesyong pinag-aaralan.
TALATANUNGAN
PAMANTASAN NG BOHOL
SIYUDAD NG TAGBILARAN
TEACHERS COLLEGE

Mahal na Respondente,

Ang mananaliksik ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral


napinamagatang “ANG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA AKADEMIKONG
PERFORMANS SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MAG-AARAL SA GRADE
10 NG UB-HIGHSCHOOL DEPARTMENT: MUNGKAHING KAPARAANG
PAMPAGPABUTI”, bilang isang pagpapatupad sa mga pangangailangan ng
asignaturang TC Research 1 ng kursong BSED-Filipino.
Kaugnay nito, ang mananaliksik ay humihiling ng inyong kooperasyon sa
pamamagitan ng pagsagot saa talatanungang ito.
Maraming salamat po.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon batay sa bilang ng iyong tugon. Apat (4)
ang pinakamataas at isa (1) ang pinakamababa.

I. Profayl ng Respondente

Gulang

__ 14-15
__ 16-17
__18-19
__ 20 pataas

II. Kasarian
___ Babae ___ Lalaki

You might also like