You are on page 1of 1

Ang dalawampu’t walong taong gulang na si Bb. Diana Joie B.

David ay nakatira sa probinsya ng


Pampanga. Siya nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy bilang magna cum laude at Master of Arts in
Business Administration sa Holy Angel University. Ang kanyang pagsasanay sa kurso ay natapos niya sa Sun
Life Financial na isang Accounting Firm sa lungsod ng San Fernando, Pampanga. Nakapagtraho siya ng
dalawang taon sa Metrobank bilang isang auditor upang magkaroon ng karanasan at maipasa ang Certified
Public Accountant Licensure Examination. Siya rin ay nakadalo na sa mga pagpupulong sa Pilipinas at maging
sa ibang bansa. Naiimbitahan siya bilang isang panauhing pandangal sa ating bansa. Nabigyan din siya ng
pagkakataon upang maging isang tagapagsalita sa isang pagtitipon ng mga negosyante sa isang kilalang
kompanya sa Hongkong. Siya ang may-ari ng DJ’s Cuisine na isang sikat na kainan sa Pampanga.
Ipinagpapatuloy niya rin ang kanyang hilig sa baking kaya siya kasalukayan na nag-aaral sa Le Roux Culinary
Academy.

Si Bb. Diana Joie B. David ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang punong tagapamahala sa
Landbank sa lungsod ng San Fernando, Pampanga. Siya ay isang inspirasyon at nagsisilbi para sa mga taong
gustong pumasok sa kaparehong larangan sa pamamagitan ng pagiging isang tagapagsalita at tagapagsanay.
Ang pagiging aktibo sa pagbibigay ng donasyon sa mga bahay ampunan ay isa rin sa kanyang mga paraan
upang magbahagi sa kanyang kapwa. Ang kanyang tagumpay sa buhay ay iniaalay niya sa Diyos, kanyang
pamilya, at mga mahal sa buhay. Nais niyang ipamalas sa lahat ang kanyang dedikasyon at lakas ng loob sa
pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Ibinabahagi niya rin paano niya tinutupad ang kanyang mga pangarap
upang magsilbing inspirasyon sa lahat na kaya rin nilang tuparin ang kanilang mga pangarap lalo na kasama
nila ang Diyos. Ang pagiging mabuti sa kapwa ay isa rin kanyang mga prinsipyo sa buhay.

You might also like