You are on page 1of 3

Leron Leron Sinta

Leron, leron sinta


Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng bunga,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.

Gumising ka, Neneng,


Tayo'y manampalok,
Dalhin mo ang buslo’t
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, neneng,
Baka ka mahulog.

Ako’y gyahin mo
Isang batang matapang
Ang baril ko’y pito
Ang sundang ko’y siyam
Ang lalakarin ko’y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang aking kalaban
Awit Sa Marawi
Hindi bala, hindi bomba sa Marawi ang sagot
Ang iisang dugo ay galit ang bumabalot
Mga walang kamuwang-muwang kayakap ang luha
at takot
Mga maling adhikain ay ‘di tamang sagot
Marawi sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Kristyano at Muslim hindi ba’t iisa?
Nilalang tayo ni Allah na iisang Ama
Kung bubuksan ang puso ng bawat isa
Sa mundo ang maghahari ay ngiti’t saya
Marawi sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Hindi kulay ang kailangan upang magkaisa
Pula, puti, asul, dilaw tayo ay iisa
Ang pag-ibig, isapuso ‘yan ang mahalaga
Ako, ikaw, sila tayo’y magsama-sama
Marawi sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
(Repeat)
Marawi…

You might also like