Professional Documents
Culture Documents
Tagisan Talino
Tagisan Talino
Tagis-Talino
3. Ang kalidad ng paghahanap ng dangal, halaga at pagmamalaki sa anumang uri ng trabahong iniatas ng pamilya sa atin,
a. dignidad (dignity) c. dedikasyon (dedication)
b. pagtitipid (frugality) d. pagmamalasakit (concern)
10.Ang kanal sa inyong barangay ay barado kaya’t tuwing uulan ay umaagos ang tubig sa kalsada. Libre ka kung Sabado at Linggo sa
anumang gawain. Ano ang mabuti mong gawain?
a. i-report sa Kapitan ng Barangay ang tungkol dito
b. simulan ang pag-aalis ng bara sa tapat ng bahay mo
c. kausapin ang mga kabataan at pagtulung-tulungang alisin ang bara
d. hayaang makita ito ng mga kinauukulan at sila ang gumawa ng paraan
13. Ang pagpapahalagang dapat linangin upang mapangalagaan ang mga yamang kaloob ng Diyos sa tao ay:
a. paggalang c. pagiging masinop
b. mapanagutang pamamahala d. pagiging masipag
14. Serbisyo publiko ang tawag sa gawain ng mga kawani ng pamahalaan sapagkat:
a. ang mamamayan ang kanilang pinaglilingkuran c. pinatatakbo nila ang mga ahensya ng pamahalaan
b. tumutulong sila sa kaunlaran ng bansa d. binibigyan nila ng kabuhayan ang mga mahihirap
15. Ano ang tawag sa kawalan ng sinusunod na batas na nagdudulot ng pangkalahatang kaguluhan sa lipunan?
a. anarkiya b. rebolusyon c. digmaan d. terorismo
16. Sa Diyos nagmula ang batayan kung bakit kailangang gumawa ng tao. Tinatawag natin ang batayang ito na:
a. legal b. moral c. panlipunan d. pangkabuhayan
19. Ang batayang nararapat gamitin upang ituring na may dignidad ang isang gawain ay ang:
a. ganda ng lugar na pinagtatrabahuhan c. laki ng suweldo
b. kabutihang dulot nito d. pagkakataon para sa promosyon
20. Anumang hirap ng gawain ay maiibsan kung ang tao’y may taglay na:
a. mabuting gawi c. pagpapahalaga sa oras
b. tamang saloobin d. mabuting pakikitungo sa iba
21. Ano ang kahulugan ng pahayag na “patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa”?
a. Mahirap maligtas ang iyong kaluluwa kung magdarasal ka lamang.
b. Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng pananampalataya.
c. Ipagdasal nating ang mga taong nagugutom.
d. Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos.
22. Iba’t iba ang paniniwala ng mga relihiyon subalit nagkakaisa ang mga ito sa layuning:
a. ipangaral ang balita ng kaligtasan sa bawat kasapi.
b. makapiling ng mga kasapi ang Dakilang Lumikha.
c. mamuhay nang simple ang mga kasapi at huwag magbigay nggulo sa kapwa.
d. mapabuti ang tao at paunlarin ang kanilang buhay ispiritwal
23. Nais ni Maria na makatapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa isang bahay aliwan. Kaya nagtatrabaho siya sa gabi at
nagaaral sa araw. Mula sa ginawa ni Maria, masasabing:
a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos.
b. Tama ang kanyang intensyon subalit mali ang kanyang pasya.
c. Mali ang kanyang intensyon subalit tama ang kanyang pasya
d. Mali ang kanyang kilos at tama ang kanyang intension
24. Tumunog ng malakas ang cellphone ni Ana habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang pari. Nagtinginan ang mga tao at
napahiya si Ana. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama?
a. Ang partikular na kilos o gawain c. Ang sitwasyon o kondisyon
b. Ang layunin o intensyon ng kilos d. Ang lugar o pinangyarihan
26. Nararamdaman mong mahal na mahal mo ang iyong kasintahan subalit nasa ikaapat na taon ka pa lamang ng paaralang
sekundarya, anong virtue ang dapat mong pahalagahan?
a. prudence b. temperance c. fortitude d. justice
27. Hindi masama ang gumamit ng produkto ng makabagong teknolohiya, ang mahalaga’y ang paggamit nito sa tamang katwiran at
tamang
a. tao b. panahon c. lugar d. kemikal
28. Kung ang bawat sandali’y ginugugol mo sa produktibong gawain, maiiwasan mo ang:
a. pagpapasa ng hindi magandang reports at projects. c. chismis at pakikialam sa buhay ng may buhay.
b. pagod dulot ng labis na pagmamadali. d. pag-aaksaya sa mahahalagang sandali.
29. Ano ang pangunahing pagpapahalagang kinakailangang pairalin upang hindi maubos kaagad ang limitadong pinagkukunang-
yaman?
a. Pagkamasinop b. Pagtitipid c. Pagkamaimpok d. Pagkamatiisin
30. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang pinag-uugatan ng katiwalian ng ilang opisyal at kawani ng pamahalaan?
a. pagsasawalang kibo ng mga mamamayan sa nakikitang anomalya
b. mababang suweldo at kahirapang pangkabuhayan
c. kawalan ng malasakit sa mga mamamayan at kaban ng bayan
d. pansariling interes ng mga nahalal na pinuno ng bayan