You are on page 1of 19

Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

EPISTEMOLOHIYANG FILIPINO SA 


KARUNUNGANG PILIPINO 
ni BAYANI S. ABADILLA 
ANO ANG KARUNUNGAN? PAANO NAHUHUBOG ANG 
KARUNUNGAN? ANO ANG KATUTURAN NG KARUNUNGAN SA 
BUHAY? ANO ANG RELASYON NG KARUNUNGAN SA 
KATOTOHANAN? ANO ANG KATOTOHANAN? 
Masasagot ang mga katanungan ng paglilinaw sa sikolohikal na kahalagahan 
o sikohistorya (psychohistory). Ang paglilinaw ay nakatuon sa larangan ng 
siyensya na humahabi at nagtatakda sa iba-ibang larangan ng karunungan. Sa 
pangkalahatan, may dalawang pangunahing saklaw o parametro ang siyensya: (1) 
karunungan tungkol sa tao; at (2) karunungan tungkol sa natural na kalikasan. 
Parehong may sari-saring sangay o disiplina ang dalawang pangunahing larangan 
ng siyensiya o karunungan. Halimbawa, sosyolohiya at bayolohiya. May 
kaangkinan ng bawat sangay ng siyensiya. 
Sa siyensiya, talino ang lumilikha ng karunungan. Ang iba-ibang larangan 
ng siyensya ay katotohanang galing sa talino. Lahat ng nalilikhang karunungan ay 
galing sa karanasan ng sangkatauhan, ng magkaiba sa lahi. Sa dinamismo ng 
buhay, umiiral ang diyalektikal na talino at karunungan. Malikhain ang talino: 
umuunlad ang karunungan... 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 1 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

Ang bawat larangan ng siyensya/agham ay may katugmang disiplinang 


tumutuklas at lumilinang sa mga partikular na karunungan. Ang mga karunungang 
maka-agham—bago kilalaning totoo- ay isasalang muna sa mahigpit na proseso ng 
agham. 
Ang proseso ng isip na umaayon sa organikong batas ng buhay ay 
konsepto/dalumat. May konseptong magaling may konseptong masama. Ang 
batayan ng kagalingan ng konsepto ay kung mabisang nakawawasak ng 
katangahan. Kabalintunaan ang reyalidad ng katangahan. Magkasalungat sa mga 
elemento sa sikohistorya ang katotohanan at kabalintunaan at may pamantayang 
etikal. 
Ang totoo sa lahat ng sangay o larangan ng siyensya- kapag naangkin ng 
isip- ay katalinuhang kapaki-pakinabang sa buhay. Sa tandisang pagtugon ng isip 
sa hatak ng kalayaang ibinubugso ng pangangailangan nakalilikha ang talino ng 
karunungan. Samantala ang pagtugaygay ng isip (pag-aaral) sa 
kalikasan/katangian, saklaw at tibay ng anumang karunungan at epistemolohiya o 
maka-agham na pag-aaral. Sa katuturan, ang epistemolohiya ay disiplina ng isip sa 
walang humpay na pagtugon sa hatak ng kalayaang itinakda ng pangangailangan. 
Ang kalayaan ay pagkilala sa pangangailangan. Pangangailangan ang kabuluhan 
ng kalayaan. Pagbabago ang katuturan ng kalayaan. Ang pagbabago ay pag-asa. 
Lahat ng bagay ay nagbabago. Ang hindi lang nagbabago ay pagbabago. Sa 
diyalektikal ng buhay—nagaganap ang pagbabago sa karunungan o pamumuhay. 
Sabihin pa, tumatalino ang isip; umuunlad ang buhay. 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 2 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

HINGGIL SA EPISTEMOLOHIYA 
Sa siyensya pinagtitibay ang totoo o karunungan (pagtanggap ng lipunan) 
pagkatapos ng masinop na prosesong makaagham: haka, obserbasyon, ebalwasyon, 
validasyon at konklusyon. May pinagmumulan o ugat ang mga bagay-bagay – 
natural o likha ng tao. Sa siyensya ng karunungan o epistemolohiya, ang ugat ng 
kaalaman o impormasyon ay etimolohiya. Ang anumang bagay ay may dahilan sa 
pag-iral. Ang pagtugaygay sa anumang bagay o impormasyon o kaalaman mula sa 
pinakaugat o likas na kinahahantungan sa pinakahuling anyo o katangian ay isang 
pag-aaral na siyentipiko. 
Ang simula at likas na galaw ng mga impormasyon/kaalaman o mga bagay 
na abstrakto/ teoretikal sa kabuluhan at katuturan (significance and effect) ay 
teknolohiya sa siyensya. Ang inter-aktibong galaw o magkakaugnay na mga 
kaganapan ng mga kaalaman ay ontolohiya. Ang bulas at pag-unlad naman ng 
kaalaman ay ontonehiya. Ang mga kaalaman/impormasyon ay likha ng buhay at 
nakasanib sa buhay. Hindi pa karunungan ang mga kaalaman, impormasyon lang. 
Ang mga kaalaman ay anyo (abstrakto/konkreto) ng mga kaganapan (datos) 
sa buhay, nasasabat ng mga sentido ng tao at naiimbak ang mga ito sa memorya. 
Samantala, ang karunungan-- na lantay ng katotohanan – ay likha ng pagsusuri ng 
talino sa mga datos na nasa memorya mula sa mga pamamaraang maka-agham. Sa 
buhay humahango ng karunungan ang isip. Diyalektikal (nag-aakitan, nagsasanib, 
nagpipingkian at nagbabago) ang organikong kalikasan/ katangian ng mga bagay/ 
nilalang sa buhay. Sabihin pa nagkakaisa ang mga tao sa prinsipyo: 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 3 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

nagsasalungatan ang mga uri ng mga tao sa prinsipyo. Sa karunungan, ang 


diyalektika ay nasa anyo ng tesis, antitesis at sintesis. 
SIMULA AT PAGSULONG NG TALINONG PILIPINO 
Matutukoy ang karunungan o talino ng sambayanang Pilipino mula sa 
sinaunang sibilisasyon. Sa tala ng kasaysayan, nagsimula ang talino ng Pilipino 
noong panahon ng Plestosin, 250,000 – taon bago kay Kristo (Dr. Jaime B. 
Veneracion, “Agos ng Dugong Kayumanggi,” 1987). Ang sinaunang mga tao sa 
archipelago/kapuluan ay unggoy (Homo Erectus). Matagal sila na naghahagilap ng 
kakainin. Nalikha ang mga unggoy sa dinamismo ng kalikasan. Ang sinauna’t 
orihinal na pangalan ng kapuluan ay Islas Maniolas. Si Ptolemy, griyegong 
topograpistang gumawa ng mapa, ang naglapat ng pangalang Islas Maniolas sa 
mapa ng mundo. 
Isang gintong mohon, sa punto ng karunungan ang pagkiskis sa dalawang 
bato ng mga sinaunang nilalang sa kasaysayan ng lahing kayumanggi. Ang 
sitwasyon ng pagkikiskisan ng Homo Erectus sa dalawang bato ay malinaw na 
sandali ng paggawa ng apoy ang nililikha sa pagkiskis ng bato. Nang dumiklap ang 
init, sa pagkiskis ng kamay sa dalawang bato, umiglap sa isip ng Homo Erectus 
ang talino. Ito ang etimolohiya ng talino o umpisa ng karunungan ng Pilipino. 
Kaugnay nito, noong sinaunang panahon, ungol at bulyaw at galaw ng mga kamay 
at katawan ang wika o lengguwahe ng mga Homo Erectus. Ito naman ang 
pinagmulan ng etimolohiya ng ngayo’y wikang Pilipino. Ang mga tunog at mga 
letra, na kaangkinan ng wika, ay nakikilalang alibata. Ang alibata, sa disiplina ay 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 4 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

pagsasaayos ng mga tunog ng mga salita o baybayin. Mga korelasyon ang tunog ng 
wika sa mga ingay na nalilikha ng kalikasan. Ito ang sensasyon sa kalikasan. Tao 
ang pinakamalakas na anyo ng kalikasan. 
Sa pagbaybay ng mga kataga o salita. Ang mga salita ay tumutukoy o 
kumakatawan sa mga bagay-bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman, naaamoy 
at nalalasahan. Mula sa mga bagay na tumitimo sa sentido, nakabuo ng mga ideya 
ang mga sinaunang Pilipino. 
Ideomotor ang nagpapakilos sa kahulugan, kabuluhan at katuturan ng mga 
ginagawa ng mga tao sa pamumuhay. Idea ang nilalaman ng ideomotor. Sa 
salimuhaan ng mga tao sa iba’t-ibang larangan ng buhay ay umiiral ang ideya. Sa 
kaganapang panlipunan/sosyal ang praktika at teorya ng mga ideya ay sintaktiks. 
Ang sintaktiks ay isang sangay ng semyotika... 
Sa pamamagitan ng talino at paggawa umunlad nang umunlad ang 
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Sabihin pa, paggawa ang talino: talino ang 
paggawa. Karunungan ang nalilikha ng talinong gumagawa. Ang karunungang 
ginagamit ng isip ay naghahatid ng kaunlaran. Sa malayang galaw ng isip at talino 
ng sinaunang Pilipino nakalikha sila ng iba ibang kagamitan sa produksyon ng mga 
pangangailangan sa pamumuhay. Sa mga kagamitan sa produksyon nalinang ang 
mga lupain—pagsasaka. Natutuhan ang mabisang pangingisda. Nakahabi ng tela. 
Naghayupan. Noon, talino ang ideomotor ng kabihasnan at paggawa ang 
kapangyarihan ng talinong naghahatid ng kaunlaran, katiwasayan at kagandahan. 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 5 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

Nabibihisan ng karunungan ang isip sa proseso ng humanisasyon. Ito ang 


diyalekto ng talino at paggawa. Marunong at mababait ang lahing kayumanggi 
noong sinaunang sibilisasyon. Pinatunayan ito ng kanilang mabulas at 
namumulaklak na kabihasnan. Ang maunlad at maginhawang kabihasnan ay dulot 
ng mga sumusunod: 
1. Talino—paggawa 
2. Kalayaan at kasarinlan 
3. Masaganang likas na yaman ng kapaligiran. 
ANG TALINO NG BAYAN SA SAPOT NG SIMBAHAN 
Ang paglapat ng poder ng kolonyalismong Espanyol (1565) sa bansa ay 
tahasang nakapaghasik ng kulturang ungas na lumawig sa loob ng 333 taon. Sa 
kulturang ungas tiwalag ang talino sa pagkatao ng sambayanang Indiyo (daw). 
Simbahan ang naghasik at luminang sa malaganap na katangahan. Kaalinsabay ng 
tumatatag at lumalawak na katangahan sa kamalayan ng mga Indiyo ay mahusay 
namang nahuthot ng bansang Espanya ang mga likas na yaman sa bansang kolonya 
(Pilipinas). 
Sa simula pa lang ng kolonyang pamamahala (governance), sinunog agad 
ang lahat na pamana ng lahi ng mga karunungang nahabi ng sinaunang kabihasnan. 
Likha daw ng mga demonyo yaong karunungang likha ng mga katutubong nilupig, 
ayon sa mga lobong nakadamit tupa (mga prayle). Sa pamamagitan ng panlilinlang 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 6 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

at pandarahas ng simbahan at gobyernong praylokrasya nagupi o naluno ang 


bait/tino (good sense) ng sambayanang kayumanggi na inalipin at binusabos. Ang 
doktrina ng simbahan, sa litanya ng prostitusyon, nagpasalin-salin sa mga 
henerasyon ay tahasang sumisira sa bait/tino ng mga katutubong inalipin. 
Malawak at matining (hegemoniko) ang kabalintunaan at kabalbalan 
(erroneous knowledge) sa kulturang ungas na milyenaryan ang kilatis. Habang ang 
sikil na kamalayan o bait (collective unconscious) ang sambayanan na likas ang 
talino (innate intelligence) ay nananatiling nasa isip lamang bilang katotohanan 
(psychological fact) dahil sa mabangis na sensura ng simbahan at gobyernong 
kolonya. 
Sa loob ng 333 taon (1565-1898) luno ang katinuan at lumpo ang pagkatao 
ng madlang indiyo. Nangyari iyon bunga ng sistematikong indoktrinasyon ng 
simbahan at panikil ng gobyerno sa talino ng madla. Mahigpit ang sensura ng 
gobyernong Praylokrasya. Habang masigsasig ang simbahan sa pagpapatatag ng 
kulturang ungas sa pamamagitan ng dasal, misa, binyag, kumpisal, piyesta na 
kumondisyon o humutok sa kaisipang alipin. Diwang torang-garing ang katangian 
ng malaganap na isipan: nasa diyos ang biyaya ang tao ang dapat magmakaawa. 
Ang kulturang ungas ay isang litanya ng duyan at kabaong. Ibig sabiin ang 
tangang madla ay kumakain, nagbabawas, nagugutom, gumigising—nang gayun at 
gayon lang—habang nagtatrabaho hindi nila natatamasa ang makatwirang kaparte 
sa mga biyayang kanilang pinagpapawisan. Sapagkat sa kairalan ang madalng 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 7 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

indiyo ay alipin-walang katwiran, walang dangal. Ang buhay ng alipin ay 


sumunod, sumunod nang sumunod lang hanggang mamatay. 
Sa lipunang kolonyal may tumataliwas sa kalakaran, sila ang matitinong tao. 
Taong-labas (social deviance) ang lumihis sa kalakaran. Samantala “utak de 
kahon” (stereotype consciousness) ang asal alipin. Umiiral lamang sa kultura ang 
katangahan sa pamamagitan ng mga aparato ng ideoloihya ng estado, ito ang mga 
institusyon na kumokontrol sa isip ng madla. Sa panahon ng kolonyalismong 
Espanyol, simbahan, pamilya at gobyerno pawang mga aparato ng ideolohiya. 
Hindi permanente ang katangahan o kulturang ungas. Nawasak ito ng 
katinuan. Noong 1896, sumiklab ang digmaang Pilipino-Espanyol. Sa dimensyong 
pulitiko-kultural ang 1896 ay natipong katinuan sa anyong sama ng loob na 
biglang sumambulat. Ang katinuan ng mabuting talino ay pwersang ideolohikal o 
sikomotor. Sa diyalektika ng buhay nagtutunggalian ang ideolohiyang mabuti at 
masama-ito ang naghahatid ng pagbabago sa kaayusan at pagkatao. 
Kung lalagumin ang historical na reyalidad ng kolonyalismong Espanyol sa 
Pilipinas, mula sa anggulo ng karunungan at espisipikong nakatuon sa kagalingan 
ng pagkatao, ng sambayanan, mauunawaan natin ang katangian ng bait ng bayan o 
talino ng sambayanan sa sumusunod: 
1. Winawasak ng talino ang katangahan; 
2. Hindi habang panahon nasisikil ang talino; 
3. Ang talino ay katinuan; 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 8 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

4. Agn talino sa lantay na kahulugan, kabuluhan at katuturan ay totoo, 


magaling at mabuti; 
5. Nahuubog ang talino ng mga karanasan; 
6. Ang mga masasaklap na karanasan na tumitimo sa isip, ay talinong 
mapanghimagsik; 
7. Ang talino na ideomotor ay napakalakas na pwersa na batas ng kasaysayan; 
8. Talino ang naghahatid ng pagbabago sa kaayusan at sa pagkatao ng 
sambayanan; 
Sa isang bansang estado na republika ng diwa o pilosopiyang pulitikal, 
nakaprograma ang diwa ng demokrasya na tumutugon sa kapakanan, kabutihan at 
kagalingan ng taong bayan sa pamamahala na lahat ng larangan ng pamumuhay ng 
taong bayan. 
(sa kahingian ng kabatiran (insight) hinggil sa katagang Republika, sinipi 
natin ang ilang “buntis na linya” ng tulang Republikang basahan ni Teodoro A. 
Agoncillo.) 
REPUBLIKANG BASAHAN 
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan? 
Ang tingin sa tanikala ay busilak na kalayaan? 
Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi 
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari? 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 9 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil 


Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumaraing! 
Sa  antas  ng  epistemolohiyang,  diwang  kaluranin  ang  karunungang 
kumukontrol  sa  isip  ng  sambayanan.  Mekanismo  ng  edukasyon  at  pabatirang 
pangmadla  ang daluyan ng mga kaisipabng mula sa kanluran. Bukod dito, katulong 
din ang simbahan/relihiyon sa paglupig sa bait ng bayan. 
Sa  buong  larangan  ng pamumuhay sa Pilipinas ay nakasalalay sa matinik na 
saplot  o  mekanismo  ng  makabagong  kolonyalismo.  Ang  kabuhayan,  pulitika  at 
kultura  ng  sambayanang  Pilipino  ay  nagigiling  sa  makinaryang  ekopulitikal  IMF 
(international  monetary  fund)  at  WB  (world  bank)  ng  “matitinding”  naghaharing 
uri  sa  daigdig.  Sa  dimensyon  ng  heopulitika,  napisan  sa  limang  bansa-Amerika, 
ingglatera, alemanya, italya at hapon-ang “matitinding” naghaharing uri sa daigdig. 
Ang  konsentrikong  daloy  ng  mga  negosyo  ng  mga  “matitinding” 
naghaharing  uri  ng  daigdig  ay  nakatining  sa  sistema  ng  monopolyo  kapitalismo. 
Global  ang  operasyon.  Pangunahing  IMF  at  WB  sa  mga  institusyong 
“namamahala” sa mga negosyo ng mga matitinding naghaharing uri sa daigdig. 
Daihl  sa  monopolyo  kapitalismo,  patuloy  na  sinasalasa  ng  mga  krisis  ang 
bansang  estado  ng  Republika  ng  Pilipinas.  Ang  entong  epekto  at  pagkasalaula  ng 
pagkatao  ng  sambayang  Pilipino.  Sa  ganitong  realidad,  malinaw  na  nangyayari, 
araw  araw,  ang  kontradiksyon  ng  mga  institusyon  at  pagkatao.  Ang kontradiksyon 
ay nagaganap sa antas ng kabuhayan, pulitika at kultura. 
Sa  loob  ng  333  taon  na  kolonyalismo  ng  Espanyol  umiral  ang  kulturang 
ungas—umiiral  pa  hanggang  sa  kasalukuyan.  Higit  pang  lumala. Sapagkat patuloy 
na dumadami ang populasyon nanatili rin sa kasalukuyan ang dalawang antas 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 10 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

(parang  langis  at  tubig)  ng  kaisipan  sa  kamalayang  panlipunan.  Diwang  kolonyal 
ang  dominante.  Ang nasa ilalim ng madlang isip (mind set or zeitgeist) ang sikil ng 
nagkamalayang  makabayan,  maka-uri  at  makatao.  Ang  patuloy  na  lumilinang  sa 
namamayaning  balintunang  kamalayan  ay  mga  aparato  na  ideolohiya  ng  estado: 
pamilya,  simbahan, pabatirang madla, edukasyon at gobyerno. Ang mga aparato ng 
ideolohiya  ay  kontrolado  ng  mga  dayuhan  at  lokal  na  mga  naghaharing  uri  sa 
lipunanang Pilipino. 
Ang mga naghaharing uri sa Pilipinas ay binubo ng mga sumusunod: 
1. Uring kapitalista (dayuhan at lokal) 2. Propitaryo-komprador 
(asendero-komersyante) 3. Burukrata-komprador (negosyanteng Pulitiko) 4. 
Edukador-komprador (nagnenegosyo sa edukasyon) 5. Komprador-tagapamahayag 
(negosyante sa mass media) 6. Banal na awtoridad (mga taong simbahan) 
Sa  perspektibang  pangkarunungang  nakatuon  sa  kagalingang  pambayan  at 
pambansa—kung  lilimiing  mabuti—mapapansing  ang  sistema  ng  edukasyon  sa 
kasalukuyan  na  mistulang  punerarya  ng  utak  ang  akdemya  at  ang  mga  guro  ay 
embalsamador  ng  talino.  Kaugnay  nito,  ang  iondustriya  na  apbatirang  pangmadla 
ay  tahasang  palengke  ng  kaisipan  na  may  presyo  ang  mga  ideya,  paglilibang, 
paghakot  ng  katangahan  at  pagkatao  ng  mga  gumaganap  sa  teknolohiya  ng  mass 
media. 
(ang  kahulugan  ,  kabuluhan  at  katuturan  ng  kultura  ay  nakalundo  sa 
pagpapahalagang  pantao  (social  values)  at  hindi  tamang  ituring  na  industriya  lang 
na ina’t hindi ang kikitaing salapi—sa anyo ng tubo sa puhunan o suweldo.) 
Sa  kasalukuyang  namamayaning  kulturang  ungas-nasa  ISIP  ang 
nagpapagalaw  sa  lahat  ng  larangan  ng  buhay—ang  Pilipinas  ay  tahasang 
napakagandang pamilihan o palengke. Pinakikinabangang mabuti ng matitinding 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 11 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

naghaharing  uri  sa  daigdig  nag  industriya  ng  utak  (consciousness  industry)  sa 
Pilipinas.  Sa  industriya  ng  utak,  puwersa  ng  palengke  (na  tinatantos  ng  tubo  at 
presyo)  ang  nagtakda  sa  kilatis  ng  pag-uugali,  gusto,  hilig,  propesyon  at  paggawa. 
Sa  umiiral  na  komersyalismo—walang  puwang  ang  kabutihan  ng  pagkatao.  Sa 
siyensya,  ang  karunungan  hinggil  sa  pagpapahalagang  pantao  ay  axiolohiya.  Ang 
axiolohiya ay kabutihan ng tao ang pinapanday na talino. 
ANG EPISTEMOLOHIYANG PILIPINO 
Ang  makinig  sa  sabi-sabi  walang  bait  sa  sarili—ito  ang  aral  ng  buhay.  Sa 
diwa  ng  konteksto  ng  kabutihan  ng  sambayanang  Pilipino,  ang  kasabihan  ay 
pumukaw-diwa  sa  katalinuhan  ng  bayan.  Ang  talino  ng  mga  Pilipino,  sa  ideyal  na 
kalakaran  ay  karanasan  ng  bayan—sininop  ng sistema ng edukasyon—na nagiging 
karunungang  namamatnubay  ng  bayang  patuloy  na  lumilikha  ng  mga 
pangangailangang  panlipunan  para  sa  kabutihan,  kaginhawaan  at  katiwasayan  ng 
sambayanan—ito na praxis (karanasan at karunungan). 
Ang  ideya,  konsepto,  teorya,  modelo  o  paradigm,  prinsipyo  o  pilosopiy  na 
pawang  resaresa  (intricacies)  ng  karunungan—na  likha  ng  epistemolohiyang 
Filipino—at  ginagamit  ng  sambayanang  Pilipino  sa  pamumuhay  at  tiyak  na 
maghahatid  sa  Pilipinas  ng  kaunlaran  at  kagandahan  sa  kalooban  ng  mga  Pilipino. 
Tanging  wikang  Filipino  ang  saligan  ng  Epistemolohiyang  Filipino—ng  batis 
(source) ng antas-antas na pag-unlad ng talinong Pilipino. 
Ang  wikang  Filipino  ay  hindi  midyum lamang ng pagtuturo. Sinasalamin ng 
wikang  Filipino  ang  pagkatao,  pagkabayan,  pagkamamamayan  at  pagkalahi  ng 
mga Pilipino.ang wika ay mukha at isip na magkakaiba sa sangkatauhan. 
Hindi antipatiko ang epistemolohiyang Filipino sa daloy ng pandaigdigang 
karunungan. Sa halip yaong makatotohanang mga karanasan ng ibang lahi sa 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 12 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

daigdig ay masinop na kinilatis ng edukasyong Pilipino para sa pambansang 


kapakanan at kabutihang pambayan. 
Ang mahigpit na balakid sa epistemolohiyng Pilipino ay dogmatismo at 
panatisismo na (lason) sa matinong pag-iisip. 
Ang  katotohanan  ay  mapagpalaya.  Sa  katotohanan  lumalaya  ang  isip  sa 
katangahan.  Sa  pamamayani  ng  kabalintunaan/kabalbalan,  masakit  ang 
katotohanan.  Ngunit  nagtuturo  ang  totoo.  Ang  tao  o  bayang  tanga—walang  pag- 
asa! 
Sabi ni Voltaire ang karunungan ay kapangyarihan! 
FILIPINOLOHIYA SA KALINANGANG PINOY 
Filipinolohiya  (kilatis  ng  talino  ng  madla  na  gumagana  o  tumutugon  sa 
kahingian  ng  panahon  sa  batas  ng  kasaysayan)  ang  hilab  ng  pamumuhay  sa  bansa 
na  itinatadhana  ng  talino  sa  paggawa  sa  simbuyo  ng  kalayaan  at  antas  ng 
kasarinlan  o  soberanya  ang  kalinangan  ay  kalahatan  naman  ng  iniisip  at  ginagawa 
o  nililikha  ng  sambayanan  na  itinatakda  ng  batas  ng  buhay  na  dinamiko  o 
masaklawing umiiral sa bansa. 
May tatlong dimensyon o larangan ng buhay na pinaiiralan ng Filipinolohiya 
sa kalinangan: 
1. Ekonomiya o pambansang kabuhayan. 2. Pulitika o malawak na katuturan ng 
buhay 3. Kultura, kadluan ng totoo, tama, mabuti at maganda sa kapamuhayan ng 
sambayanan. 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 13 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

Magkakaugnay  na  larangan  ng  buhay  ang  tatlong  dimensyon  ng  praktika  at 
teorya  o  praxis  (sabayang  paggana  ng  talino  at  paggawa  na  kinasasangkutan  ng 
sipag at tiyaga ng sambayanan) 
Bawat  larangan  ng  buhay  ng  sambayanan  ay  kinaiiralan  ng  batas  ng 
kontradiksyon—mula  ng  sumulpot  at  umiral  ang  mga  uri  ng  pagkatao  sa 
sibilisasyong  Pilipino.  Tampok  sa  esensya  at  porma  ng  kontradisyong  yaong  mga 
pananaw  ng  buhay,  paniniwala  at  paninindigan  ng  mga  uri  ng  pagkatao  na  nag- 
aakitan,  nagsasanib,  nagpipingkian  at  humahantong  sa  pagbabagong 
sosyohistorikal.  Sa  madaling  sabi, ang batas ng kontradiksyon ng lipunang Pilipino 
ay tunggalian ng mga uri ng pagkatao. 
Aktibong  kasangkot  ang  estado/gobyerno  sa  tunggalian  ng  mga  uri  ng  mga 
pagkatao.  Sapagkat  estado  ang  kasangkapan  ng  mga  nagtutunggaliang  mga  uri  ng 
mga  pagkatao  sa  pagtatamasa  nila  ng  kapangyarihan,  kasiyahan at kaligayahan. Sa 
gayon  ang  pakikibaka  ng  mga  uri  ng  pagkatao  ay  nakatuon  sa  paghawak  o 
pagkontrol sa poder ng estado. 
Ekonomiya  o  batis  ng  buhay ang pangunahing problema na kinasasangkutan 
ng  tunggalian  ng  mga  uri  ng  pagkatao.  Halimbawa:  sigalot  ng  uring  kapitalista  at 
uring  manggagawa  at  hidwaan  sa  lupa  ng  uring  magsasaka  at  uring  propitaryo  o 
panginoong  may  lupa  at  mga  asendero.  Kaipala,  relasyon  sa  produksyon  ng  mga 
pangangailangan  sa  buhay  ng  lipunan  (bigas,  damit,  aklat,  gulay,  isda...)  ang 
larangan ng awayan ng mga uri ng mga pagkatao ng mga Pilipino. 
Tumatagos  sa  antas  ng  pulitika  ang  hidwaan  sa  ekonomiya.  Ang  anyo  ng 
tunggalian  ay  nasa  kilatis  ng  ganap  at  halaga  (facts  and  values)  ng  mga  batas  o 
polisiya  ng  uring  umuugit  sa  gobyerno.  Nangyayari  sa  tatlong  pangunahing 
institusyong  sosyo-politikal  (malakanyan,  kongreso,  korte)  yaong  mga  usaping 
makauri  na  nagbabangayan  sa  punto  ng  karapatan,  kapakanan  at  katarungan  o 
makauring interes. 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 14 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

Kaugnay  nito,  nakasanib  sa  estado  ng  burukrasya  ng  estado  (mekanismo  ng 
kapayapaan  at  kaayusan  o  instrumentalidad  ng  pagsasamantala  at  pang-aapi— 
depende  sa  nagpapahalaga)  ang  buong  hilab  ng  batas  ng  kontradiksyon  o 
tunggalian  ng  mga  uri  ng  pagkatao  na  masasalamin  sa  teksto  ng  mga  papeles  o 
dokumentong susuhay sa kairalan (status quo). 
Sumasapaw  at  naiinin  yaong  mga  kaganapan  sa  ekonomiya  at  pulitika—ito 
yaong  sng  kilatis  ng  kalinangan  sa  lantay  na  katuturan  ng  kataga/termino.  Kultura 
ang  awra  ng  buhay.  Ibig  sabihin  yaong  sosyo-historikal  na  praxis  ng  bayan  ay 
sagradong  diwa (kinikilala at iginagalang) sa pamumuhay ng sambayanan sapagkat 
kadluan  ang  kultura  ng  gusto  (tama  at  mabuti)  sa  mithiin  (katuturan  ng  buhay)  ng 
sambayanang lumilikha ng kanyang kasaysayan. 
Ang  pulso  ng  kultura  ay  likas  na  umaayon  sa pamantayang etikal. Wisyo ng 
bayan  ang  pamantayang  etikal  na  pinaiiral  ng  “teknolohiyang  etikal”  sa 
siyensya/agham  ng  pagpapahalagan  pantao  o  axiolohiya.  Ito  ang  katuturan  ng 
kawikaang:  kumakain  ang  tao  para  mabuhay  pero  hindi  sa  pagkain  lamang  ang 
halaga ng pamumuhay. 
Ang sidhi ng buhay ay obhektibong nakatuon sa kagandahan. Sa kagandahan 
nalilinang  ang  pagkatao—naghuhunos.  Ito  ang  kabatirang  antropolohikal  sa 
pagkataong  Pilipino  na  nagmumula  sa  homo  erectus  pilipinensis  (veneracion). 
Nagbago  ang  tao  (Pilipino)  mula  sa  hayop  (bakulaw)  sa  pamamagitan  din  ng 
paggawa  ay  patuloy  pang  nagbabago  sa  nahuhubog  na  katauhang  kultural.  Talino 
na  pinanday  ng  paggawa  ang  “pumipino”  sa  katauhang  kultural.  Naiwawaksi  sa 
katauhang  bayolohikal  ang  likas  na  kabangisan  sa  pagkatao  sa  patuloy  na  pag- 
unlad ng talino sa isip. 
Pawang  motibasyon  at  intensyon  ang  enerhiya  o  ideomotor  ng  talino.  Sa 
motibasyon  napupukaw  ang  talino.  Ang  pagsisikhay  o  pagpupursige  ng  talino  na 
makamit ang pangangailangan ay sitwasyon ng paggawa/paglikha ng tandisangpita 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 15 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

(will) ng intensiyon. Kasiyahan ang talino (telesis) ang pagtatagumpay na makamit 


ang gusto o nais. 
Sa  salimuhaan  ng  talino  (telekinesis)  dinamikong  umiiral ang sibilisasyon at 
kalinangan  ito  ang  katagalan  (tadhana)  na  tinutugunan/ginagampanan  ng  talino  as 
batas  ng  buhay.  Ang  gilas  ng  talino  na  natatakdaan  ng  panahon  ay  sikohistorya 
(psychohistory).  Habang  sikohenesis  naman  ang  koleltibong  sarili  o  bigkis  ng 
talinong  tumutugon  sa  pananaw  sa  buhay,  paninindigan,  paniniwala  at  layuning 
ideolohikal.  Ang sikohenesis ay kimpil ng mga uri ng pagkatao—na nag-kakaisa sa 
paniniwala,  paninindigan...  ay  aktibong  nakasangkot  sa  batas  ng  kontradiksyon  sa 
kapamuhayang sosyal/panlipunan. 
FILIPINOLOHIYA IMPERATIBO SA PEDAGOHIYA 
Sa  matinong  sistema  ng  edukasyon  sadyang  imperatibo  ang  edukasyong 
Filipinolohiya:  karunungan  ng  sambayanan  na  hango  sa  malawak  na  karanasan  ng 
sambayanan  na  sinisinop  sa  mga  teorya,  prinispyo  at  mga  likhahuwaran  ng  mga 
piling  talino.  Tanging  Filipiolohiya  lamang  maitatampok  ang  pambansang 
kalinangan  na  tunay  na  Pilipino  sa  diwa  at  gawa.  Hindi  ito  mapasusubalian. 
Katunayan,  mahigpit  na pinupuna ng mga kritikal na edukador ang makadayuhan o 
kolonyal  na  edukasyon  ng  bayan  mula  ng  masakop  ng  bansang  “estadong  dolyar” 
ng amerika. 
Ang  makatuturang  pedagohiya (pagtuturo at pag-aaral) ay dapat na nakatuon 
sa  paglinang  ng  pagkamakabayan  (nationhood)  ng  pagkataong  Pilipino  at 
makataong  kaunlarang  tatamsahin  ng  buong  sambayanan.  Tanging  konseptong 
demokrasya—hilab  Filipinolohiya  ang  makatuturang  patnubay  ng  talino  ng  bayan 
na lumilikha ng kanyang kapalarang matiwasay, maluwalhati at maganda. 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 16 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

Sa  dimensiyong  teknolohikal,  ang  talino  ng  bayan  sa  simbuyo  ng  kalayaan 
ay  tutugon  sa  pambansang  industriyalisasyon  at  modernisasyon  ng  agrikultura. 
Ang  praxis  (sabayanang  paggana  ng  talino  at  lakas  paggawa)  ay  mabiyayang 
ipakikita  sa  taunan  progresibong  GDP  (groseng  domestikong  produksiyon)  na 
iniluluwal  o  nalilikha  ng  ekonomikong  disiplinado  ang  pag-unlad  at  umaayon  sa 
takbo  ng  pandaigdigang  kalagayang  pangkabuhayan.  Samantala  sa  GNP  (groseng 
pambansang  produksyon)  kasali  o  kabilang  sa  kalahatan  ng  produksyon  yaong 
eksperimentasyon  sa  larangan  ng  agham  at  mga  pananaliksik  sa  mga  piling 
karunungan na kapaki-pakinabang para sa bayan at sa bansa. 
Hindi  balakid  o  problema  ang  wikang  Ingles  sa  paglinang sa karunungan ng 
bayan—bagaman  higit  na  mahusay  at  mabuti  ang  wikang  Filipino—pandayin  ng 
sistema  ng  edukasyon  ang  katalinuhang  sosyal.  Ang  talino  ng  bayan  sa  diwang 
Filipinolohiya  sa  pandaigdigang  talamitan-diwa  (salimuhaan  ng  karunungan  sa 
daigdig)  ay  kikilala  at  gagalang  sa  kalinangan  ng  ibang  bayan  sa  larangan  ng 
heopulitika  (relasyong  bansa-sa-bansa)  na  kinasasangkutan  ng  pandaigdigang 
kalakalan at diplomasya. 
Sa  kasalukuyan,  pluralista  ang  pandaigdigang  kalinangan.  Puspusan  itong 
winawasak  ng  globalisasyon na pangunahing itinataguyod ng “estadong dolyar” ng 
Amerika.  Sa  globalisasyon,  na  kapaki-pakinabang  sa  sirkulo  ng  malalaking 
kapitalista,  itinatakda  ang  mekanismo  ng  pamilihan  (produksiyon  at  pagkonsumo) 
ng  mga  paninda  ang  kilatis  ng  isip  ng  sangkatauhan  nasa  lambat-bitag  ng 
monopolyo  ng  kapitalsimo.  Sa  pandaigdigang  sistemang  kapitalismo  tanging 
grupong  7  (Amerika,  Inglatera,  Kanada,  Alemanya,  Italya,  Pransya  at  Hapon)  ang 
mga  bansang  nakikinabang  sa  yaman  ng  daigdig  na  nalilikha  ng lakas ng paggawa 
ng daigdig. 
Sa  globalisasyon  batbat ng mga problema ang sangkatauhan, lalo yaong mga 
mamamayan  ng  ikatlong  daigdig  na  kinabibilangan  ng  masang  Pilipino.  Hindi 
lamang paninda ng lakas paggawa, bagkus pagkatao ng sangkatauhan ang 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 17 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

hinahakutan ng tubo sa puhunan ng mga dambuhalang kapitalista sa daigdig. 


Kaipala, tandisang paninda na din ang tao. 
Kulturang  komersyalismo—sa  kultong  pananakop—ang  isinusulong  ng 
globalisasyon.  Ang  dinamismo  ng  hegemonya/gahum  ay  naglulundo sa “isang tao, 
isang  mundo,  isang  diwa”.  Sa  katangiang  pluralista  ng  kalinangan  ng  daigdig,  ang 
globalisasyon  ay  tandisang  sikolohikal  at  pulitikal  na  armas  sa  pagwasak ng iwing 
katinuan  ng  mga  etnikong  nilalang  sa  daigdig. Layunin ng mga naghaharing uri ng 
mga  tao  sa  daigdig,  sa  iskemang  globalisasyon,  na  gawing  tau-tauhan  (cyber- 
being) ang sangkatauhan na mamanipulahin sa kompyuter. 
HIDWAAN-DIWA SA DAIGDIG 
Ang  buong  hilab  ng  buhay  ng  sangkatauhan  ay  likas  na  kumikilos  sa  batas 
ng  kontradiksyon.  Nag-aakitan,  nagsasanib,  nagsasalungatan  hanggang  magbago 
ang  mga  personahe  o  uri  ng  pagkakataong  magkakatuwang  na  namumuhay  na 
nagbabangayan  sanhi  ng  kapakanan,  karapatan  at  kapangyarihan.  Ang sigalutan sa 
diwa  ay  nangyayari  sa  larangan  ng  ekonomiya,  pulitika  hanggang  sa  kultura. 
Kilatis  ng  isip o diwa—na ideolohiya—ang nagpipingkian sa umiiral na sistema ng 
pamumuhay ng sangkatauhan. 
May  mekanismo  ng  pag-iral  ang  buong  sistema  ng  kapamuhayan.  Ito yaong 
iba’t-ibang  institusyong  kinaroroonan  ng  disiplinang  magkakahiwalay  sa 
aktibidades/  gawain  magkakaugnay  sa  makatuturang  bisa  (resulta  ng  gawain) 
alinsunod  sa  kaugalian  o  kalakarang  may  pamantayan  ng  mabuti,  wasto  at 
maganda  ayon  sa  uri  ng  pagkakataong  makikinabang  sa  mga  atupaging 
sosyopulitikal. 
Sa antas ng diwa, ang mekanismo ng umiiral na sistema ay tinatawag na 
aparato ng ideolohiya sa larangan ng komunikasyon na ginagampanan ng mga 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 18 
 
Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 

institusyon  sa  larangan  ng  komunikasyon  sa  talastasan  o  mass  midya.  Ang  mga 
institusyong  kabilang  sa  aparato  ng  ideolohiya  ay  pamilya,  paaralan,  simbahan, 
gobyerno  at  mas  midya.  Sila  ang  humuhubog  sa  kilatis  ng  kaisipang  naghahayag 
ng  gusto  o  naisin  at  layunin  o  intensyon  sa  mga  gawain  o  inaatupag  sa 
pamumuhay. 
Sadyang  relatibo  ang  mga  naisin  o  layunin  sa  buhay  dahil  umiiral  sa 
modernong  sibilisasyon  ang  mga  uri  ng  mga  pagkatao  na  magkakasalungat  ang 
gusto at magkakakontra ang layunin. 
Nasasangkot  ang  sambayanang Pilipino sa hidwaan-diwa ng mga uri ng mga 
pagkatao  sa  sangkatauhan.  Ang  tunggalian  ng  mga  uri  ng  pagkatao  ay  nagaganap 
sa  larangan  ng  kabuhayan  o  ekonomiya,  gobyerno  o  pulitika  at  kultura.  Sa 
tunggalian  ng mga uri ng mga bayan o etnikong katauhan sensitibong usapin o isyu 
ang  kalayaan  at  kasarinlan.  Sapagkat  kalakip  ng  kalayaan  at  kasarinlan  ang 
katuturan  ng  pagkatao  ng  bawat  bayan  at  halaga  ng  patrimonya  o  kabansaan  na 
nagtataglay  ng  mga  likas  na  yaman:  ginto,  tanso,  tingga  at iba pang mahahalagang 
elemento ng ginagamit sa paglikha ng maraming bagay o paninda. 
Sa  katayuan  ng  Pilipinas  at  kalagayan  ng  sambayanang  Pilipino  na 
kontrolado  ng  “estadong  dolyar”  ng  Amerika  imposibleng  umunlad  ang  bansa  at 
humusay  ang pamumuhay ng mga mamamayan. Sapagkat ang yamang nalilikha ng 
lakas  ng  paggawang  Pilipino  ay  matagal  nang  pinakikinabangan ng mga dayuhang 
kapitalista  sa  kapinsalaan  ng  kabuhayan  ng  mga  mamamayang  Pilipino. Gobyerno 
ng Pilipinas ang lunsaran at sinupan ng mga dayuhan interes. 
Ang  buong  hilab  ng  kapamuhayang  pinoy  ay  pawang  mahigpit  na 
pinagagalaw  ng  dolyar.  Ang  talino  ng  bayan  ay nakatuon sa dolyar. Sa kalagayang 
ito—na  sikil  ang  kalagayan  at  napariwara  ang  kasarinlan—ng  sambayanan,  sa 
katuturan  ng  Filipinolohiya  sadyang  imperatibo  sa  pedagohiya  ang  karunungang 
mapagpalaya. 
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya l 19 

You might also like