You are on page 1of 14

Gabay sa Pagtuturo sa Filipino Baitang 9

Ikalawang Markahan
ARALIN 2.2

Panitikan: Ang Hatol ng Kuneho


Pabula ng Korea
Gramatika: Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pagpapahalaga at pag-unawa sa Pabula mula sa
bansang Korea at magkaroon ng kasanayang magamit ang iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon o damdamin

Mga Pokus na Tanong


Panitikan: Bakit kaya mga hayop ang pangunahing tauhan sa akdang pampanitikan na pabula?
Gramatika: Ano ang mabuting dulot ng pagkakaunawa at paggamit ng iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng ekspresyon at damdamin

Mahalagang Pag-unawa/Konsepto
Panitikan: Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral na may katangian ang tao na maaaring
maihalintulad din sa katangian ng mga hayop dahilan upang gamitin din ang mga ito bilang
tauhan sa
Pabula at nakapagbibigay aliw rin ito sa mga mambabasa
Gramatika: Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaaral ang pag-unawa sa paggamit ng iba’t
ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin upang maunawaan ang totoong damdamin ng
nagsasalita

Inaasahang Pagganap:
Makasulat ng isang pabula na may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin

Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain


 Pag-unawa sa Napakinggan - Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa
diyalogong napakinggan
 Pag-unawa sa Binasa - Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop
bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos
 Paglinang ng Talasalitaan - Naiaantas ang mga salita (Clining) batay sa tindi ng
emosyon o damdamin
 Panonood - Naipakikita ang transpormasyong nagaganap sa tauhan batay sa
pagbabagong pisikal, emosyonal at intelektuwal
 Pagsasalita - Naipakikita ang kakaibang katangian ng pabula sa pamamagitan ng
isahang pasalitang pagtatanghal
 Pagsulat - Muling naisusulat ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter
ng isa sa mga tauhan nito
 Wika/Gramatika - Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin
 Estratehiya sa Pag-aaral - Nasasaliksik ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
pabula sa alinmang bansa sa Asya
TUKLASIN
Setyembre , 2018 GP #

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakikilala ang bansang Korea bilang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Asya
B. Nasusuri ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan

II. Proseso ng Pampagkatuto


A. Panimulang-Gawain: Pagtukoy sa Larawan
Panuto: Tukuyin kung ano o sino ang makikita sa mga larawan

GOBLIN/KOREAN DRAMA EXO / KOREAN GROUP KOREAN HEART SIGN BO


GUM/KOREAN ACTOR

1. Kung pag-uugnayin ang mga larawang makikita, anong isang salita ang maaaring aangkop sa mga
ito?
2. Sa inyong palagay, bakit kaya maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa mga gawang produkto
ng Korea?

B. Pangkatang-Gawain:

Pangkat 1 – Sa tulong ng dati mo nang kaalaman, magbigay ng mga patunay na ang bansang Korea
ay isa sa mga maunlad ng bansa?

Pangkat 2 – Basahin ang pabulang “Ang Langgam at ang Tipaklong” pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong ukol dito.
1. Tungkol saan ang binasang kuwento?
2. Ilarawan bawat tauhan sa pabulang binasa.
3. Sino ang tauhan na nagpakita ng magandang katangian? Sino naman ang hindi? Patunayan.
4. Nagkaroon ba ng pagbabago ang isa sa mga tauhan sa akda? Sino ito at paano nangyari?
5. Ibigay ang mensaheng nais ipahatid ng akda.
Pangkat 3 – Gamit ang pabulang “Ang Langgam at ang tipaklong”, magbigay/magsulat ng mga
pahayag/diyalogo ng tauhan at isulat ang damdaming ipinakita sa pahayag na ito.

TAUHAN PAHAYAG DAMDAMIN

Pangkat 4 – Sa tulong ng Rubrics, bigyan ng angkop na marka ang bawat pangkat batay sa kanilang
ipinakitang presentasyon

Dimensiyon 1 2 3 4 5 Kabuuang
Puntos
 Maayos na itinalakay ang Nilalaman o
Impormasyon sa hinihinging gawain
 Naipakita nang may kaayusan at kasiningan ang
presentasyong ipinikita
 Makikita ang pagkakaisa ng bawat miyembro sa
pangkat
 Naibahagi ng may kalinawan ang
pagpapaliwanag sa presetasyon ganundin ang
tamang timpla ng pagsasalita ng tagapag-ulat

C. Sintesis
Tukuyin ang naging bisang pangkaasalan ng paksang tinalakay at isulat ito sa loob ng
‘Like Button”

III. Takdang-aralin
Panuto: Basahin ang pabula ng Korea na “Ang Hatol ng Kuneho” sa
http://docslide.net/documents/ang-hatol-ng-kuneho-5617f3cfee468.html
Ibigay ang pagkakasunod-suod ng pangyayari gamit ang STORY LADDER

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran
LINANGIN – UNANG SESYON (PAGTALAKAY SA AKDA/GENRE)

Setyembre , 2018 GP #

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong
nagsasalita at kumikilos
B. Naipakikita ang transpormasyong nagaganap sa tauhan batay sa pagbabagong pisikal,
emosyonal at intelektuwal
C. Naiaantas ang mga salita (Clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin
D. Nasasaliksik ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pabula sa alinmang bansa sa Asya

II. Proseso ng Pampagkatuto


A. Panimulang-Gawain: Panonood ng Video clip
Panuto: Being Grateful|Moral Values For Kids (Ang Karpintero at ang Elepante)
https://youtu.be/eht3rHP4Gqc

1. Tungkol saan ang napanood na video? Ilahad.


2. Anong bahagi ng napanood ang nagpaantig sa inyong damdamin?

B. Paglinang ng Talasalitaan
Ayusin at isulat ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming nais ipahayag
sa Pabula.

1. Humiyaw ang tigre matapos itong mahulog sa isang malalim na bangin.


2. Narinig ng tao ang sigaw ng tigre na nasa ilalim ng bangin ngunit nangangamba siyang
tulungan ito.
3. Narinig ng tao ang bulong sa kanya ng kuneho na maaari na siyang pumunta sa kanyang
lalakaring lugar.

C. Pagbasa sa Akda
D. Pagtalakay sa Akda

1. Tungkol saan ang binasang akda?


2. Sino sa mga tauhan ang nagpagkita ng pagbabago sa kanilang kautauhan? Isalaysay
3. Makatarungan ba ang naging hatol ng sumusunod na tauhan? Ipaliwanag.
Tauhan Makatarungan o Hindi Paliwanag
Makatarungan
a. Baka
b. Puno ng Pino
c. Kuneho
4. Anong kagandahang-asal ang nilabag ng tigre sa akda? Magbigay ng Patunay.
5. Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng akda?

E. Pagtalakay sa Aralin

1. Suriin ang akdang binasa. Ano ang pagkakaiba nito sa iba pang akdang iyong
nabasa o nababasa?
2. Input ng Guro

ANO ANG PABULA?

- Isa sa sinaunang panitikang sa buong daigdig


- Maikling-kuwentong kathang isip lamang
- LAYUNIN NITONG: Mang-aliw at Magbigay-aral
- Itinuturo nito ang tama, patas, makatarungan, at makataong pag-uugali at pakikitungo
sa kapwa
- Ang mga tauhan ay pawang mga hayop na sumasagisag sa katangian at pag-uugali ng
tao
- Nagsimula noong 5-6 siglo bago ang pagsilang ni Kristo

KASYAPA

- Karaniwang paksa ng mga pabula


- Itinuturing na dakilang tao ng mga Hindu.

AESOP

- Tinaguriang AMA NG SINAUNANG PABULA


- Nakilala sa mga tanyag na pabula at di naglaon ay nagkaroon ng aklat na “AESOP’S
FABLE”

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA SA BANSANG KOREA


- Tungkol ito sa Tigre at Oso na nagnais maging Tao
- Hwanin (Diyos ng kalangitan)
- Hwanung (Anak ng diyos ng kalangitan)
- Dangun (Anak ng babae(oso) at ni Hwanung
F. Pagtalakay sa Aralin
1. Tukuyin kung anong pag-uugali ng tao ang maihahalintulad sa katangian ng sumusunod na
hayop.

Bakit kaya inihalintulad sa mga hayop ang ilang katangian ng mga hayop?
2. Kapani-paniwala ba ang kasaysayang ng pabula sa bansang Korea? Patunayan.
3. Maaari rin bang maihalintulad ang hayop sa isang bansa? Bakit oo? bakit hindi?

G. Pangkatang-Gawain

Pangkat 1 – Basahin ang Pabulang “Nagkamali ng Utos”

1. Tungkol saan ang akdang binasa?


2. Saan nagsimula ang labanan ng dalawang hari?
3. Sino sa dalawang hari ang sinasabing nagkamali ng utos? Ipaliwanag.
4. Anong mensahe ng ang pinahihiwatig ng binasang akda?

Pangkat 2 - Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang binasang pabula gamit ang
sumusunod na talahayanan.

Mga Aspetong Paghahambingin Ang Hatol ng Kuneho Nagkamali ng Utos


1. Paksa
2. Mensahe
3. Aral
4. Katangian
5. Kahinaan ng tauhan at Paano
Baguhin ito

Pangkat 3 – Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang akdang pampanitikan na pabula ng Pilipinas
sa Pabula ng isa sa bansa sa Asya.

Pangkat 4 – Pagmamarka sa ginawang presentasyon ng tatlong pangkat


H. Sintesis
Tapusin ang pahayag upang mabuo ang konsepto ng aralin

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran
LINANGIN – IKALAWANG SESYON (PAGTALAKAY SA AKDA/GENRE)

Setyembre , 2018 GP #

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
B. Nahihinuha ang damdaming nakapaloob sa isang pahayag

II. Proseso ng Pampagkatuto


A. Panimulang-Gawain: Iguhit ang emosyong angkop sa ekspresyon na nasa larawan.

1. Ano ang kahalagahan ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa isang komunikasyon?

B. Pagtalakay sa Aralin (Gramatika)

“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal mong


lumakad.” Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may
maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban. “Aba, Kuneho, maaaring
mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro akong matatalo kita sa palakasan. Baka gusto
mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok ng bundok pagsikat ng araw bukas! Tinatanggap mo
ba ang hamon ko?” Maraming naawa sa mabagal na Pagong. ”Kaya mo yan! Kaya mo yan!”
pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay, kuya, ate, at mga pinsan. “Talo na yan!
Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak ni Kuneho. Kahit
kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang kuwento? May nilabag bang kagandahang asal ang isa sa mga tauhan nito? Sino
ito at paano?
2. Batay sa talata, may mga salita bang ginamit upang lalong maparating ng nagsasalita ang kanyang
saloobin? Paano?

C. Pagsusuri sa Gramatika
1. Suriin ang mga salitang may salungguhit, paano ito ginamit sa mga pangungusap at ano ang
tawag sa pangungusap tulad nito?
D. Pagbibigay ng Input
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN:

Mga Pangungusap na Padamdam – ito ay mga pangungusap nanagpapahayag ng


matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa:
Naku po, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!
May sunog! Tulong!

Maiikling Sambitla – ito ay ang mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag
ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Aray!Awww!Uy!

Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao – ito’y mga
pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit nagpapakita
naman ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
Kasihayan: Napakasayang isipin na may isang bata na naman isinilang sa mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan niyang magsinungaling sa atin.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag-ama pa ang nagharap sa isang pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat pinaparusahan ang mga batang walang kasalanan.
Pagsang-ayon: Tama ang naging desisyon ni Duterte na tumakbo siya bilang presidente.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapasa ako sa pasulit sa Filipino.

Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan – ito ay mga


pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.
Halimbawa:
Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak.
Kahulugan ng may salungguhit: galit na galit
Napakakitid talaga ng isip ni Maria kaya palagi siyang napapagalitan ng ina.

Pagpapahayag ng Paghanga – likas sa mga Pilipino ang pagiging palahanga.


Paghanga sa kalikasan, sa tao, sa mga bagay-bagay.
Halimbawa:
Wow! Napakagaling mong mag-gitara.

E. Pagsasanay 1:

Tukuyin kung anong damdamin ang nangingibabaw sa bawat pahayag. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

Pagtatampo Pag-aalala Paghanga

Pagkatuwa Pagkagalit Pagmamalasit


1. Yehey! Nakuha ko na ang pusang matagal ko ng hinahanap!
2. Hindi na ako sasama. Hindi niyo naman ako gustong makasama eh.
3. Lahat ng tao ay bilib kay Miguel sa kanyang pagkapanalo sa Math Competion
4. Bakit mo sinulatan ang dingding? Ayan hindi na maaalis yan. Kailangan pang papinturahan
5. Hindi mapakali si inay. “Ang lakas ng ulan at wala pa ang mga bata? Sana hindi sila bahain”

III. Takdang-aralin
1. Basahin ang akdang “Ang Sutil na Palaka” at maghanda para sa pangkatang gawain.

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Setyembre , 2018 GP #

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
B. Nahihinuha ang damdaming nakapaloob sa isang pahayag
C. Muling naisusulat ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan
nito

II. Proseso ng Pampagkatuto


A. Panimulang-Gawain: Anong Feeling mo?
Ilahad ang inyong saloobin sa nakaraang talakayan ng aralin sa pamamagitan ng pagguhit ng
reaksyon ng inyong mukha.

B. Pangkatang-Gawain

Pangkat 1 – Basahin ang akdang “Ang Sutil na Palaka”. Ilahad ang katangian ng pangunahing tauhan
sa simula at pagkatapos ng akda.

Pangkat 2 – Gamit ang akdang “Ang Sutil na Palaka” Piliin ang mga pahayag na nagpapakita ng iba’t
ibang saloobin/damdamin sa loob ng Ulap.

Pangkat 3 – Dugtungan ng magandang katapusan ang Pabulang “Ang Hatol ng Kuneho” sa tulong
ng pagbabagong ng katangian ng mga tauhan sa akda.
Pangkat 4 – Pagbibigay ng feedback sa mga kamag-aral na nag-ulat.

Pamantayan Kamag-aral Guro

10 →Naging napakahusay ng pag-uulat dahil


naunawaan at marami ang natutunan.

7-9 →Madaling maunawaan ang mga ginamit na


pananalita sa pag-uulat.

4-6 → Sumusunod sa direktiba ng guro sa paraan ng


paggawa ng isang mahusay na pag-uulat.

1-3 → Kailangan pang pag-husayan ang pag-uulat ng


pangkat at nangangailangan ng partisipasyon ng
lahat ng kasapi.

C. Sintesis
Ilagay sa loob ng kahon ang mga bagay na natutuhan sa paksang tinalakay.

III. Takdang-aralin
Maglahad ng inyong saloobin o emosyon gamit ang sosyal media bilang Freedom wall at gamitin
ang hashtag na #Filipino9PagpapahayagNgDamdamin huwag kalimutang ibahagi/ i-tag sa
facebook wall ng guro ang inyong gawain.

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran
ILIPAT
Setyembre , 2018 GP #

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naipakikita ang kakaibang katangian ng pabula sa pamamagitan ng isahang pasalitang
pagtatanghal (puppet show)

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagpapanod ng isang Puppet Show

1. Nakapagbibigay aliw ba ang napanood na video?


2. Anong kagandahang asal ang mapupulot sa palabas?

B. Pagbibigay ng Sitwasyon:

Magkakaroon ng isang Programa ang “PetLover Society” sa inyong paaralan at kayo ay


inanyayahan na bumuo ng 4-5 miyembro sa isang grupo upang gumawa ng magtanghal
ng isang “Puppet Show” sa inyong lugar gamit ang mga “recycled materials” na
matatagpuan sa inyong paaralan. Ito ay bahagi na naglalayong mapahalagahan at
mapangalagaan ang mga hayop sa inyong kapaligaran.

C. Batayan sa Pagmamarka

Krayterya Marka
1. Nailahad nang may kaayusan at kasiningan 3 puntos
ang pagtatanghal

2. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga 4 puntos


hayop.

3. Nagmula sa recycled materials ang mga 2 puntos


ginamit sa pagtatanghal

4. Matamang nakikinig at nananood ang mga 1 puntos


kamag-aral.
KABUUANG BILANG 10 puntos
III. Takdang-aralin
Gumuhit ng isang hayop na sumisimbolo o maaaring maglarawan sa inyong katangian. Ilahad
kung bakit ito ang inyong napili at sa anong katangian kayo nagkapareha.

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran

You might also like