You are on page 1of 4

February 17, 1872, ito ang petsang gumising at lalong nagpa-alab ng damdamin ng

bawat Pilipino. Ito ay nang bitayin ang tatlong Pilipinong paring martir na kilala sa
tawag na “GOMBURZA”, pinagsama-samang mga apeylido nina Padre Mariano
Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora. Ngunit sino nga ba sila bago
sila bitayin? Kilalanin natin ang bawat isa sa kanila.

Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong August


2, 1799 si Padre Mariano Gomez (nasa larawan), ang pianakamatanda sa tatlong
paring martir. Anak siya nina Francisco Gomez at Martina Custodio. Kumuha siya
ng kursong Theology sa University of Sto. Tomas at natapos niya ito. Inordinahan
siya bilang pari sa Parokya ng Bacoor, Cavite noong 1824, kung saan siya ang
naging kura-parokong halos 48 taon. Dito niya ibinaling ang kanyang
mahahalagang sandali sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga bata sa parokyang
kanyang kinasasakupan. Pinaunlad din niya ang agrikultura at industriya kanyang
lugar. Kilala siya sa pagiging aktibo sa mga gawaing pangkomunidad. Ipinaglaban
din niya ang karapatan ng mga kapwa niyang paring Pilipino laban sa
sekularisasyon ng mga prayleng Kastila. Ang sekularisasyon ay ang
diskriminasyon ng mga prayleng Kastila laban sa mga paring Pilipino. Itinatag
niya ang pahayagang La Verdad kung saan dito niya inilahad ang mga ginagawang
pang-aabuso ng mga prayle. Dahil sa kanyang pambabatikos sa mga ginagawa ng
mga prayle, itinuring siya ng pamahalaang Kastila na isang filibustero.
Tubong Vigan, Ilocos Sur, isinilang noong February 9, 1837 si Padre Jose
Burgos (nasa larawan), ang pinakabata sa tatlong paring martir. Anak siya nina
Jose Burgos, isang tenyenteng Kastila, at Florencia Garcia, isang Pilipina. Una
niyang naging guro ang aknyang ina kung saan siya unang natutong bumasa at
sumulat. Nagtapos siya ng elementarya sa Vigan noong 1849. Nang mamatay ang
kanyang ama, lumuwas siya ng Maynila at nag-aral sa Colegio de San Juan de
Letran kung saan nagtapos siya ng Batsilyer en Atres (Bachelor of Arts). Tinapos
din niya ang kursong Teolohiya sa University of Sto. Tomas, kung saan doon din
nag-aral si Padre Gomez. Inordinahan siya bilang pari noong 1864 at itinalaga siya
bilang pari sa Manila Cathedral. Kilala siya sa kanyang pagtatanggol sa mga
karapatan ng mga paring Pilipino matapos siyang tumutol sa panukalang sapilitang
pagpapaalis sa mga paring Pilipino na naglilingkod bilang kura-paroko at papalitin
ng mga paring Heswita mula sa Espanya. Dahil dito’y isinulat niya
ang Manifesto na nalathala sa pahayagang La Verdad kung saan inilahad niya kung
bakit dapat manatili pa rin sa mga paring Pilipino ang pamamahala sa mga
parokya. Dahil sa kanyang pagtatanggol, tinagurian siyang “Kampeon para sa mga
Karapatan ng mga Pilipinong Pari” na siyang ikinagalit ng mga Kastila, lalo na ng
mga prayle.
Isinilang naman sa Pandacan, Maynila noong August 14, 1835 si Padre
Jacinto Zamora (nasa larawan). Anak naman siya nina Venancio Zamora at Hilaria
del Rosario. Nag-aral at nagtapos siya ng elementarya sa Pandacan. Nagtapos din
siya ng Batsilyer en Artes sa Colegio de san Juan de Letran kung saan doon din
nag-aral si Padre Burgos. Tinapos din niya ang kursong Teolohiya
sa University of Sto. Tomas kung saan nag-aral din doon sina Padre Gomez at
Padre Burgos. Naging kura-paroko siya sa Marikina. Pagkatapos ay lumipat siya
sa Pasig, pero naalis din siya sa kanyang pwesto dahil sa kanyang sariling mga
kuru-kuro kung kaya’t hindi naging maganda ang ugnayan niya sa mga prayleng
Kastila. Nalipat siya sa Manila Cathedral kung saan nakilala niya si Padre Burgos.
Nakilala niya si Padre Gomez na naghikayat sa kanya na sumali sa Comite
Reformado na itinatag ni padre Gomez. Layon nitong ipaglaban ang karapatan ng
mga paring Pilipino laban sa pang-aabuso ng mga prayleng Kastila.

Ngunit nang sumiklab ang pag-aalsa ng mahigit sa 200 manggagawang


paring Pilipino sa Cavite noong January 20, 1872, na pinamunuan ni Sarhento
La Madrid, ipinaaresto ang tatlong paring martir dahil sila ang itinuturo ng mga
prayle na nagpasimuno sng nasabing himagsikan. Ikinulong silang tatlo
sa Fort Santiago. Noong February 15, 1872, ibinaba ni Gobernador Rafael de
Izquierdo ang hatol sa tatlong pari; at ang hatol, sila ay pinaparusahan ng
kamatayan.

Ngunit bago bitayin, hiniling muna ni Gobernador de Izquierdo kay


Archbishop Meliton Martinez na alisan ng abito si padre Mariano Gomez, pero
tinutulan ito banding huli. Samantala, humingi muna ng patawad ang berdugong
bibitay sa tatlo kay Padre Jose Burgos, at sinabi naman ni Padre Burgos na
pinapatawad na niya ang berdugo dahuil nalalaman niya na ginagawa lamang ng
berdugo ang kanyang tungkulin. Si Padre Jacinto Zamora naman ay nadakip dahil
lamang sa paanyaya sa kanya na makipaglaro sa kanya ng baraha sa kumbento ng
Sampaloc, Maynila noong araw kung kalian naganap ang himagsikan sa Cavite.
Siya ay walang-awang pinahirapan bago bitayin.

Noong February 17, 1872, dito na isinagawa ang pagbitay sa tatlong pari. Sa
pamamagitan ng garrote, isang gamit-pangbitay na ginagamit sa mga hinatulan ng
kamatayan sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg, binitay ang tatlong paring martir
sa Bagumbayan, na ngayon ay Luneta na. Si Padre Gomez ay 72 taong gulang
samantalang 35 taong gulang naman si Padre Burgos habang 37 taong gulang
naman si Padre Zamora nang sila ay bitayin sa pamamagitan ng garote. Inilibing
silang tatlo sa Paco Cemetery sa Maynila.

You might also like