You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Dibisyon ng Lungsod ng Malabon
TINAJEROS NATIONAL HIGH SCHOOL – ACACIA ANNEX
Senior High School Department

FILIPINO:PAGSULAT SA PILING LARANGAN


Ikalawang Markahang Pagsusulit

Panuto:Basahing mabuti ang sumusunod. Piliin ang wastong kasagutan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

I. AKADEMIKONG SULATIN

___1. Sining ito ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa para sa
mga tagapakinig.
a. Masining na Pagtula b. Talumpati c. Debate d. Pagtalakay
___2. Anong sanaysay ang naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa
batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan?
a. Talumpati b. Posisyong Papel c. Rebyu d. Lakbay-Sanaysay
___3. Uri ito ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda.
a.Pagbasa ng Papel sa Kumperensya b. Extempore c. Impromptu d. Isinaulong Talumpati
___4. Alin sa sumusunod ang pinakamahalaga na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng posisyong papel?
a. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa c. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes
b. Lumikha ng Balangkas d. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
___5. Anong uri ng sanaysay ang ibinigay na halimbawa?

Abril 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser na sina Aling
Auring at Mang Primo. Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man,
sinunog ko ang bagyong signal kuwatro. Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral
lamang noon na nagsikap makapasa sa entrance sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa
kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik ako ngunit
wala akong duduruging anuman.
a. Lakbay b. Replektibo c. Larawan d. Pansarili
___6. Anong essay ang talatang ibinigay?
“Napapagitnaan ang Mndoro at Batangas ng dagat. Kaya’t hindi nakapagtataka na marami sa ulam ay mula sa
biyaya ng dagat. Hindi rin kataka-taka na halos magkatulad ang paraan ng pagluluto ng mga tao rito. Isa pa,
marami talagang taga-Batangas ang dumayo sa Mindoro upang permanenteng manirahan. Sa katotohanan, taga-
Batangas ang paniniwala, at higit sa lahat paghahanda ng pagkain.”
a. Lakbay-Sanaysay c. Replektibong Sanaysay
b. Pictorial Essay d. Salaysay ng Sanaysay
___7. Hinahangad ko ang matagumpay mong pagtuturo bilang isang guro. Inaasahan ko na ikaw ay magiging
mabuting guro bilang huwaran ng iyong mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bayan sa susunod na mga
panahon. Nawa ay maipunla mo sa kanila ang tunay na kahulugan ng edukasyon. Anong bahagi ito ng liham?
a. Patunguhan b. Lagda c. Katawan d. Pagbati
___8. Liham ito na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay nagtungo at/o dumalo sa
isang gawaing opisyal sa isang partikular na lugar at petsa na kung kailan ito isinagawa. Nilalagdaan ito ng puno
ng tanggapan, tagamasid pampurok, at puno ng rehiyon.
a. Liham Paghirang c. Liham Pagsubaybay
b. Liham Tagubilin d. Liham Pagpapatunay
___9. Ipinapadala ang liham ito upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit hindi nabibigyan
ng tugon. Nagsisilbi itong paalaala upang bigyang-aksiyon ang naunang liham.
c. Liham Paghirang c. Liham Pagsubaybay
d. Liham Tagubilin d. Liham Pagpapatunay
___10. Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o magharap ng
liham na ito. Ito ay Liham..
a. Aplikasyon b. Pasubali c. Pagkambas d. Paghirang
___11. Ang liham na ito ay naglalaman ng pagbati sa sino mang nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay na
kasiya-siya.
a. Liham-Paanyaya b. Liham-Pasasalamat c. Liham-Pagbati d. Liham-Tagubilin
___12. Sa ano-anong pagkakataon gumagawa ng Liham- Tagubilin?
a. kapag mag-iiwan ng ari-arian ang isang tao at ipapamana ito sa isang kamag-anak o malapit sa buhay.
b. Kung may nais bantaan na isang taong gumawa ng karumal-dumal. Tulad ng pananakit sa puso ng isnag
taong umibig nang sobra.
c. Kung may dadaluhang pagdiriwang, maging tagapanayam o gumanap na mahalagang papel sa isang
partikular na okasyon.
d. Kapag nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat
isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain.
___13. Alin sa sumusunod ang HALIMBAWA ng Liham-Pagbibitiw?
a. “Magandang araw po.
Nang ako po ay nagsimulang magtrabaho dito sa inyong kompanya, labis po akong nagalak at buong puso ko
pong pinaghusayan ang aking pagtatrabaho. Subalit, may mga di inaasahan tayo na mga pangyayari sa buhay
natin. Kagaya na lang ng paglipat namin ng aking pamilya sa ibang bansa. Nakakalungkot man ngunit
kailangan namin itong gawin. Kung kaya, ako po ay nagbibitiw na sa aking posisyon bilang sekretarya ninyo.
At ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa akin mula nang ako ay nag-aplay sa inyong
kompanya. Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Panginoon!”

b.“Ang pagiging working student ay aking maipagmamalaki upang makasiguro na ako po ay matiyaga at handang
balikatin ang anumang responsibilidad na iaatang sa aking ng inyong kompanya.”

c.“Kaugnay nito, ikaw ay malugod na iniimbitahang maging Susing Tagapagsalita sa nasabing palatuntunan. Ang
paksa ay “Sama-Samang Pagsulong sa Gintong Selebrasyon.” Isang malaking tuwa na kayo ay makadaupang-
palad sa nasabing okasyon.”

d.“Nabasa ko po ang inyong patalastas sa pahayagan na nangangailangan kayo ng utility boy na magdadala ng
inyong mga produkto sa mga suki ninyong tindahan. Nais ko pong mag-aplay sa posisyong ito ngayong bakasyon.
Malaking tulong po sa aking kung tatanggapin ninyo ako sa trabahong ito. Anumang oras ay handa po akong
makipagkita sa inyo para sa interbyu.”

____14. “Nabalitaan ko ang nangyari sa iyong asawa, lubos akong nalulungkot para sa’yo. Kung kaya,
ipinapaabot ko sa’yo at sa ‘yong mga anak ang aking pakikiramay. Kasama kayo sa aking panalangin.
Magpakatatag ka para sa sarili at sa mga anak mo. Ito ay Liham..
a. Pakikidalamhati b. Pakikiramay c.Paghirang d. Pagsubaybay
____15. Alin sa sumusunod ang HALIMBAWA ng isang Liham Pagpapatunay?
a. Katibayan ito na si Junjun Pascual ay dumalo sa palihan ng mga Marino. Ginanap noong Setyembre
25, 2017, sa lungsod ng Makati.
b. Gusto ko pong ipagbigay-alam sa inyo na mula sa araw na ito ay sa aming kompanya na
mamamasukan bilang Book Keeper si Arneli Tiongson.
c. Patunay lamang na si Raymart Dela Rosa ay isang mahusay na mananayaw ng taon.
d. Ipinagbibigay-alam ko po sa inyo na mula noong isang linggo ay hindi na po pumapasok dito sa
paaralan ang inyong anak na si Christian Martinez.
____16. Ano ang pagkakaiba ng Liham Pakikidalamhati sa Liham Pakikiramay?
a. Ang Liham Pakikidalamhati ay ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, at kamag-anak na
naulila. Habang ang Liham Pakikiramay naman ay ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala,
at kamag-anak na nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo,
lindol, baha, sunog, aksidente o ano pa mang sakuna, ngunit buhay pa.
b. Ang Liham Pakikidalamhati ay ipinapadala lamang sa mga malalapit na kamag-anak at kaibigan, at
ang Liham Pakikiramay ay ipinapadala sa mga kakilala lamang.

c. Ang Liham Pakikidalamhati ay naglalaman ng simpatya sa mga kakilala. Ang Liham Pakikiramay
naman ay naglalaman ng maigting na kalungkutan sa isang kamag-anak o kaibigan.
d. Ang Liham Pakikidalamhati ay naglalaman ng masidhing kalungkutan ng sumulat sa kanyang
kamag-anak o kakilala na namatayan at ang Liham Pakikiramay naman ay ipinapadala lamang kung
may nais ka lamang damayan sa isang bagay..Sa lungkot man o sa saya. 
____17. . Kung ang Liham Kahilingan ay patungkol sa pagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan; ano
naman ang Liham Panawagan?
a. nagtatawag ng mga bagong aplikante sa isang kompanya
b. nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o implementasyon ng
kautusan, kapasiyahan at pagsusog ng amyenda ng patakaran
c. nagnanais na mabigyang-pansin ang isang proyekto sa isang lugar
d. naghahanap ng atensyon mula sa isang kilala o tanyag na tao
___18. Kailan masasabi na ang isang liham ay Liham Pagpapatunay?
a.kapag ang liham ay naglalaman ng mga talaan ng mga napatunayan na ng isang tao sa isang
larangan
b.kapag nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay nagtungo/dumalo sa isang
gawaing opisyal sa isang partikular na lugar at petsa na kung kailan ito isinagawa.
c. kapag ang taong sumulat ay nagmamalaki sa isang tanggapan
d.kapag ang liham ay naglalaman ng talaan ng mga nagawa na ng isang tao sa ibang larangan
___19. Bakit mahalagang maunawaan nang lubusan ang iba’t ibang akademikong sulatin?
a. sapagkat darating ang panahon na susulatin ng tao ang ilan sa mga halimbawa ng akademikong
sulatin
b. sapagkat kasama ito sa buhay ng tao, ang magsulat at magpahayag sa ibang tao
c. sapagkat may mga pagkakataong kakailanganin ng tao ang ilan sa mga akademikong sulatin at
maaalalang minsan niyang natutuhan ang mga ito
d. LAHAT ng nabanggit
____20. Bakit ang Resumé ay isang halimbawa ng akademikong sulatin?
a. sapagkat ito ay naglalaman ng mga impormasyong tumatalakay sa isang taong nag-aaplay ng
trabaho
b. sapagkat ito ay naglalayong makapukaw ng atensyon ng mga tao
c. sapagkat ito ay nagbibigay-kaalaman sa mga tao na gusto ring mamasukan sa trabaho
d. Sapagkat maaari itong pagparisan ng ibang tao na naghahanap din ng mapapasukang trabaho
____21. Sumasaklaw ito sa lahat ng sulating opisyal na nauukol sa isang kawani , mula sa isang pinuo patungo
sa isang kawani, o pinuno sa isang tanggapan o kaya ay sa loob ng magkakaugnay na tanggapan.
a. Korespondensiya
b. Opisyal na Papel
c. Liham Pang-Opisyal
d. Liham-Katugunan
____22. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng Korespondensiya Opisyal?
a. Kalinawan
b. Magalang
c. Solidong Diwa
d. Impormal
____23. Talaan ito ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong, upang bigyan ng impormasyon ang mga
taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon.
a. Agenda
b. Katitikan ng Pulong
c. Korespondensiya
d. Paksang-Sulatin
___24. Ito ay nagsisilbing lagom sa mahalagang tinalakay. Mahalaga ang pagsulat nito upang matiyak at
mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli mula sa
pagpupulong na naganap na.
a. Agenda
b. Katitikan ng Pulong
c. Korespondesiya
d. Panukalang Proyekto

___25. Ito ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kompanya na
naghahain ng bagong programa na may layuning magbigay-dagdag na kita, trabaho, kaayusan sa komunidad, at
iba pa.
a. Agenda
b. Katitikan ng Pulong
c. Korespondesiya
d. Panukalang Proyekto
___26. Anong sulatin ang nagmula sa dalawang salita na sanay at pagsasalaysay?
a. Salaysay b. Sanaysay c. Kuwento d. Suri-Karikatura
___27. Kung ang Lakbay-Sanaysay ay tumutukoy sa detalyeng pagsasalaysay ng karanasan kaugnay sa lugar na
pinuntahan, ang Pictorial Essay naman ay..
a. Sanaysay ito na punong-puno ng pagpapakahulugan ang mga larawan na nakapaloob sa sanaysay.
b.Naglalaman ang larawan nito ng iba’t ibang pagpapakahulugan kung lalapatan ito ng iba’t ibang lent eng
pagdiskurso. Sa hilig nating kumuha ng larawan, mas maraming materyal ang magagamit upang maging lunsaran
ng akademikong pagsulat.
c. inuumpisahan sa simpleng paglalarawan
d. Sanaysay ito na puro lamang larawan at walang ano mang mga salita
___28. Alin sa sumusunod ang HINDI kahulugan ng replektibong sanaysay?
a. Natatangi ang paraan ng replektibong sanaysay na madalas ay kuwento ng mga karanasan sa mga bagay na
natutuhan o napagbulayan.
b. Taglay ng replektibong sanaysay ang mga personal na realisasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aral na
mapakikinabangan ng sarili sa hinaharap at posible ring maging gabay sa iba.
c. Nais ng replektibong sanaysay na suriin ang sarili upang matiyak na lumalago ang kaalaman, karanasan, at
saloobin na makadaragdag sa kalipunan ng karanasan ng isang manunulat.
___29. Bakit mahalaga ang ugnayan ng panimula, katawan, at wakas sa isang sulatin?
a. upang maging maging malinaw ang tunguhin ng isang sulatin
b. upang maging maganda ang sulatin
c. upang masabing sumusunod ang isang manunulat sa tamang proseso
d. upang masabing may alam ka sa pagsulat
___30. Paano nakatutulong ang angkop na gamit ng gramatika sa isang sulatin?
a.dahil dito ay mas nagiging pormal at makabuluhan ang isang sulatin
b. dahil dito ay nagiging maayos ang buong daloy ng sulatin
c. dahil dito ay mas nauunawaan ng mga mambabasa ang sulatin
d. dahil dito ay nagkakaroon nang malawakang pang-unawa ang mambabasa sa kanyang binabasa

II. GRAMATIKA

A. Piliin ang may wastong gamit ng bantas sa bawat bilang.

___31. a. saket b. akin c. alis d. alaala


___32. a. ingat b. isa c. saken d. dito
___33. a. paruparo b. paluin c. kumusta d. di ren
___34. a. pag sapit b. bilhin c. kailangan d. senaryo
___35. a. kaylangan b. tangkilik c. kaniya d. kuwento
___36. a. yaman b. pansin c. bigyan d. bigyang halaga
___37. a. ikutin b. pare-pareho c. kinontrata d. mag-sulatan
___38. a. Naro’n b. iminungkahi c. unawaan d. ikaw rin
___39. a. magdala b. pagsunod c. malinawan d. ikaw-una
___40. a. amuyin b. pawisan c. nangunguna d. amoy pawis

B. Piliin ang may wastong gamit ng malalaki at maliliit na titik.

___41. a. Hindi ko naman kasalanan kung bakit Siya nasasaktan ngayon. sa pagkakaalam ko nga e Masaya pa siya
sa nangyari sa amin.
b. Bakit mo pa siya ipaglalaban kung siya mismo e di ka nagawang ipaglaban?
c. Ayoko na. pagod na pagod na ‘Ko sa ugali mo!
d. Bakit ang bilis mo namang sumuko? akala ko ba, hanggang sa dulo walang bibitaw?
___42. a. Ayos na ‘ko ngayon e, babalik ka pa? Huwag na lang!
b. Nakikipag-usap si junjun sa akin ngayon dahil nalulungkot na naman siya. 
c. umiiyak ka? Nalulungkot ka? bakit, siya ba e nagkakaganyan din? hindi naman ‘di ba?
d. alam mo Jay, mas mabuti pa na tapusin na lang natin ‘to!
___43. a. Kung mahal mo talaga siya, palalayain Mo siya. Kahit pa masasaktan Ka.
b. Ang alam lang naman ni Mayumi ay minahal niya lang nang sobra si Jayson.
c. sineseyoso at nirerespeto ang babae. Hindi sinasaktan!
d. Huwag mong ipilit ang isang bagay na alam mong masasaktan Ka lang.
___44. a. Minsan, mas mabuti pang itago mo na lang ang nararamdaman mo sa isang tao e.
b. walang sino man ang karapat-dapat na masaktan!
c. Kung kailan masaya na yung Tao, saka ka magseseryoso.
d. Totoong napapag-aralan at natututunan ang Pagmamahal.
___45. a. nasasaktan Ka man ngayon, darating naman ang oras na wala nang pagsidlan sa tuwa ang ligaya mo.
b. pansamantala lang naman ‘yang nararamdaman Mo’ng sakit ngayon e. Bukas, makalawa, nakangiti ka
na!
c. Hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao. Dapat matuto ka rin na pahalagahan siya!
d. kakaibiganin sa simula, pakikiligin ka sa kasalukuyan, at paaasahin ka naman sa huli.
___46. a. Huwag mong panghinayangan ang isang taong magulo ang isipan, at di talaga alam kung ano ang
gusto!
b. may mga taong sadyang walang pakialam sa nararamdaman mo. normal lang ‘yun sa Kanila.
c. Ang Relasyon kasi ay parang kape. Sa simula lang mainit, mamaya-maya ay lumalamig din. 
d. Hindi Ka naman sardinas para ipagsiksikan ang sarili mo sa isang taong may iba na.
___47. a. Mahalin mo muna ang Sarili mo, bago ang iba.
b. Pinili mo ‘yan ‘di ba, ang masaktan? magtiis ka.
c. hindi na madalas umiyak si John ngayon. Palibhasa kasi, natanggap niya na ang katotohanan.
d. Alam kong mas magiging masaya siya kung ako na lang ang magpaparaya para sa kanya.
___48. a.Ang sarap magmahal, Lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo.
b. Maghintay sa tamang panahon. May tamang tao rin na nakalaan para sa’yo!
c. Huwag madaliin ang Pag-ibig. darating at darating din ang tamang relasyon na pinapangarap mo.
d. ikaw din ang dapat na nakikipaglaban para sa relasyon n’yo. At hindi lang siya!
___49. a. Lahat tayo ay nangangarap na magmahal at mahalin nang totoo.
b. Huwag mainggit sa relasyon ng iba. magkakaroon ka rin niyan.
c. ang katagang “Mahal kita” ay binabanggit lang sa taong mahalaga sa’yo, at hindi sa mga taong iiwan
mo lang.
d. Huwag Kang magpaalam kung babalik ka rin naman. At huwag kang magsabi ng “Mahal kita”
kung aalis ka rin naman pala.
___50. a. pinatunayan ni Mae kay Johnny na karapat-dapat siyang mahalin nito.
b. ano mang problema sa relasyon ay kayang solusyonan basta napag—usapan.
c. Kapag mahal Mo ang isang tao, ipaglalaban mo hanggang dulo.
d. Huwag mong hanapin ang pagmamahal sa ibang tao. Sapat na si Hesus para makadama ka nang
sobrang ligaya at totoong pag-ibig.

“Bilang panibagong batch ng Senior High School,


Nawa’y patunayan n’yo sa lipunan
na tunay kayong “pag-asa ng bayan”
Sa nalalapit ninyong pagtatapos sa pag-aaral,
Dalhin sana lagi ang mga mabubuting asal
Saan man kayo magtungo..
Humawak lang sa inyong puso
At sabihing “Simula pa lang ito,
ng mga pangarap ko!”

BINABATI KO KAYO 12-APOLLO at 12-ATHENA 

“MASAYA AKO NA NAKILALA AT NAKASAMA KO KAYO!”

Inihanda ni:
Bb. Mhalaya S. Broqueza

You might also like