You are on page 1of 3

Lungsod ng Cebu

Ang Lungsod ng Cebu ay ang kabisera ng


lalawigan ng Cebu sa Pilipinas at ang
ikalawang pinakamahalagang sentrong
urbano ng bansa. Matatagpuan
ang lungsod sa pulo ng Cebu at ang
pinakamatandang paninirahang Kastila sa
bansa, mas matanda pa sa kapital ng
bansa, ang Maynila. Isa itong pangunahing
daungan at tahanan ng mahigit sa 80%
ng interisland na kompayang pangdagat.
Pangunahing daungan din ang Cebu, sa
labas ng kapital, ng internasyunal na lipad
sa bansa at ang pinakamahalagang sentro
ng komersyo, pangangalakal, at industriya
sa Kabisayaan at Mindanaw, ang mga katimogang bahagi ng
bansa. Sang-ayon sa senso noong 2000, mayroon itong
populasyon na 718,821 katao sa 147,600 mga sambahayanan.

Kasaysayan
Cebu, o maaaring tawaging Sugbo, ay isang maunlad na
panirahan bago pa dumating ang mga Kastila. May mga
negosyante na nakikipagkalakal nagaling sa Tsina at iba pang
bansa sa ng timog-silangang Asya.
Noong ika 7 ng Abril, 1521, isang Portuguese na si Ferdinand
Magellan at mga kasamang Kastila ay dumating sa Cebu.
Sinalubong ito ni Rajah Humabon. Ang rajah at kanyang asawa at
kasama ang mga 800 katutubo, ay bininyagan ng mga Kastila
noong ika 14 ng Abril, 1521. Sila ay maituturing
pangunahing Katoliko na Pilipino. Binago ni Magellan ang
relihiyon ng mga katutubo ngunit nabigo siya sakupin ang bansa
dahil sa resistensiya ng mga katutubo ng Mactan sa pamumuno
ni Lapu Lapu noong ika 27 ng Abril, 1521.
Noong ika 27 ng Abril, 1565, Si Miguel López de Legazpi kasama
si Augustinong Prayle Andrés de Urdaneta, ay dumating sa Cebu.
Binago ni Legazpi ang dating pangalan ng lungsod, San Miguel
ng Villa del Santissimo Nombre de Jesus noong ika 1 ng
Enero, 1571,. Ang lungsod ay ginawang kabisera ng bagong
koloniya ng Espanya sa loob ng anim na taon.
Mga Sikat na Tourist spot sa Cebu

Magellan’s Cross

Basilica del Santo Niño

Temple of Leah

Sirao Garden

Fort San Pedro

Sky Experience Adventure

You might also like