You are on page 1of 6

Bakit nakakaadik ang kompyuter games?

Una dahil napakacolorful ng mga ginagawang laro, maganda sa mata at nakaka-engganyo. Napakaganda ng mga
graphics na ginamit dito. Kakaiba ang mga iniimbentong mga laro, exciting ika nga. Madali lang matutunan. Magandang
pagkaabalahan. Tugmang-tugma sa panlasa ng mga kabataan. Pero sabi nga nila ang lahat ng sobra ay masama.

http://tl.answers.com/Q/Bakit_nakakaadik_ang_kompyuter_games

Kompyuter Games
A. Panukalang Pahayag
- Ang paglalaro ng computer games ay may masamang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ng Kolehiyo ng Komersyo sa
Unibersidad ng Santo Tomas
B. Paksa at Suliranin
-Pagtukoy ng Paksa
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang mga masasamang epekto nito
sa bawat isa sa kanila.
-Paglalahad ng Suliranin
Sa kasalukuyan nakikita ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ang paglalaro ng
computer games at ito ay nakaka apekto sa kanilang mga grado.
-Pansarali o Panlipunang udyok sa pag pili ng paksa
Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng 1-LAM sa UST na gustong ipaalam sa mga estudyante kung ano-
ano ang mga maaring masamang mangyari kapag ikaw ay naglalaro ng mga kompyuter games. Ang mga mananaliksik ay
isa rin sa mga manlalarong nakakaranas ng mga bagay na nakakasama sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang
grado sa eskuwelahan. Gusto rin nila malaman kung paano ba ito mawawaksi o maiiwasan at upang makatulong din sila
sa mga taong nakakaranas nito.
C. REBYU / PAG-AARAL
Sa pananaliksik na ito halos lahat ng impormasyon na pinagkuwaan ng mga mananaliksik ay ang internet.
D. LAYUNIN
A. Pangkalahatan
- Layunin ng pananaliksik na ito ang maipakita ang lumalaking bilang nang mga mag-aaral na nagkakaroon ng adiksyon sa
pag-lalaro ng kompyuter games, at kung bakit nawawala na ang interes ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nang
dahil dito.
B.Tiyak
-Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon kung ano-ano ang mga epekto sa paglalaro ng
kompyuter games at kung paano nga ba maiiwasan ang mga masasamang epekto sa paglalaro nito. Nais din ng mga
mananaliksik na makatulong sa bawat estudyanteng nakakaranas ng mga masasamang epekto sa paglalaro ng
kompyuter games.
E. HALAGA
-Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito ay magbibigay impormasyon sa mga estudyanteng naglalaro ng kompyuter
games ukol sa mga hindi magagandang bagay na kanilang maaraning sapitin kung sila ay magpapatuloy sa pag gawa ng
bagay na ito. Ang kahalagan din ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng mga estudyante kung paano nila maiiwasan
ang mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.
F. KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Kompyuter Games
-Kasaysayan
-Masamang Epekto
-Kalusugan
-Pag-aaral
-Mga sikat na Laro sa Kompyuter
-Mga Kompyuter Shop
-Batas ng Gobyerno tungkol dito
H. Limitasyon / Delimitasyon

Ang pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang mga dahilan kung bakit ang isang estudyante ay naglalaro ng kompyuter
games at kung saan nga ba ito nagsimula pati na rin ang mga masasamang epekto nito at kung paano ito malulunasan.
Maaring mabangit din sa pananaliksik na ito ang ibat ibang laro na kinahuhumalingan ng mga estudyante ng 1-LAM at
kung saang lugar sila naglalaro.
I. DALOY NG PAG-AARAL
1. Ang unang kabanata ay bubuuin ng kasaysayan ng kompyuter games mula sa kung saan unang ginawa ang ganitong
uri ng bagay at kung anong laro ang mga unang ginawa.
2. Ang ikatlong kabanata ay tungol sa mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter games sa pag-aaral ng mga
mag-aaral ng 1-LAM at pati na rin sa ibang mga estudyante sa buong mundo.
3. Ang pangalawang kabanata ay bubuuin ng mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter games para sa
kalusugan ng mga mag-aaral ng 1-LAM at sa ibang taong dumaranas ng malalang sakit dahil sa paglalaro ng kompyuter
games.
Kasaysayan
Ayon sa article ni Mary Bellis ang unang computer game ay ginawa ni Steve Russell ito ay ang "Space War". Ang
larawan sa gilid ay ang piktyur ng pinaka unang computer games sa buong mundo ayon kay Mary Bellis. Nabangit rin
Mary Bellis sa kanyang article na ang pinaka unang computer games na maaring laruin sa isang telebisyon ay ang
"Chase" na ginawa ni Ralph Baer noong 1967. Ayon muli sa artikulo ni Mary ang pinaka unang arcade game ay ang
"Computer
Space" na base sa na unang laro ni Steve Russel na "Space War" na ginawa ni Nolan Bushnell at Ted Dabney
noong 1971 at noong 1972 nilabas ni Nolan Bushnell ang larong "Pong" na ng kinalaunan ay ginamit na pambahay na
laro ng "Atari Video Game".
Isa namang artikulo ang nabasa ng mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyuter games ito naman ay ayon sa
artikulo ni Geoff Edgers.
Ayon kay Geoff ang unang game console ay tinatawag na "Atari VCS" ito raw ay nakabenta ng 30 million na uri
nito, ito ay may dalawang joystick at itong console na ito ang naghari hangang kalagitnaan noong 1980's ngunit marami
daw ang hindi na nakuntento sa game console na ito kaya dito nag simula ng pag gawa ng laro ang nintendo ayon ito kay
Geoff.
http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm
Masamang Epekto ng Kompyuter Games
Pag-aaral:
Ang kompyuter games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya at nakalilibang ang
pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunit ito din ay may mga masamang naidudulot
sa atin, katulad ng adiksyon.
Ayon kay Edmund Kam, ang adiksyon ay ang sobrang pag-lalaro, at hindi na ito napipigilan. Ngunit bakit hindi ito
napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya
naman ang pag-lalaro nang kompyuter ang nagbibigay sa kanila nang kasiyahan at ng mapaglilibangan.
Maraming mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga pera sa pag-lalaro ng kompyuter, minsan pa nga ang
kanilang pera ay ginagamit pa nila upang ipambili ng tinatawag na “Virtual Money”, ito ay ang perang ginagamit sa ilang
kompyuter games. Ang pag-lalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras lalo na at kinakain nito ang oras mo upang
mapaunlad ang iyong sarili at ang iyong pag-aaral.
Ang adiksyon sa mga kompyuter games ay nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na mundo na dapat para sa kanila. Ang
mundo na dapat ay lumilinang sa kanilang mga isipan para magging mga propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng
mga halimbawang hindi makakatulong sa paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa
sobrang adiksyon ay hindi na pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan.
Mahirap pigilan ang pag-lalaro nito ngunit kung hindi ito matitigil paano na ang kinabukasan nang ating bayan
kung ang mga kabataan ay iba na ang mundong ginagalawan at hindi na din pinahahalagahan ang pag-papaunlad ng
kanilang mga sarili.
Paano na ang susunod na henerasyon kung hindi papahalagahan ang edukasyon na siyang susi sa bawat
maunlad na bansa. Ngayon sa mga mambabasa nang research na ito huwag sanang ipagpalit ang edukasyon at ang pag-
lilinang sa ating mga sarili sa walang saysay na pag-lalaro nang kompyuter games, dahil bukod sa pag-lalaro marami pa
tayong magagawang mas makabuluhan.
http://justforkath.blogspot.com/2009/03/kompyuter-games.html

ANG MGA NEGATIBONG EPEKTO NG PAGLALARO NG COMPUTER GAMES.

I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK
A. Paglalahad ng suliranin

Sa panahon ngayon, madaming kabataan ang sadyang naadik sa paglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng
computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun
sa nilalaro niya. Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na
kasama. Mga larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay.
B. Pag-aaral
May mga kaso sa ibang bansa tungkol sa mga negatibong epekto ng paglalaro ng computer games, kinokopya
ng mga manlalaro ang mga aksyon at isinasabuhay ito, dahil sa sobrang paglalaro ng computer games
naaangkop na nila at ginagaya ang kanilang nakikita na lalong nagiging adik sila dahil sa kaharasan. Ang iba
naman ay nagbibigay ng positibong epekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng lesson na magaganda at
ginagawang mas malawak ang imahinasyon ng isang manlalaro. Ito yung mga ginagamit nila sa pag aaral o mga
talentong na nahahasa na kanilang nakikita sa pagiging malikhain at sa mga sosyal na akitibidades ng laro.
C. Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maging kumpleto ang grado sa kursong FILIPINO II, ito
ay isang “requirement”upang makapasa. Pwede rin ito sa mga kabataan, lalo na yung hindi na maalis ang
kamay sa keyboard at ang grado ng salamin ay umaabot ng libo libo sa dahilan na isa siyang adik o manlalaro
ng computer games. Ito ay para sa mga interesado malaman ang mga posibleng negatibong epekto ng paglalaro
ng computer games.
D. Halaga
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang magbigay kaalaman sa mambabasa ang epekto ng
paglalaro. Ito ang magbibigay kaalaman sa kanila kung ano ang mga posibleng mangyari kung sakaling maadik
ang isa sa paglalaro ng computer games. Sa mga mata naming mananaliksik, mahalaga ito malaman ng mga
manlalaro upang mabigyan ng limitasyon ang sarili sa paglalaro
II.INTRODUKSYON SA PAKSA
Ano nga ba ang computer game?
Ito ay ang mga larong nilalaro sa kompyuter. Ito ay madalas na nagbibigay aliw sa atin, lalo na sa mga
kabataan ngayon. Ang mga halimbawa nito ay DotA (Defense of the Ancient), Counter Strike, Warcraft, NBA
Live, Doom, Ragnarok at marami pang iba. Ito yung kadalasang pagpasok mo sa isang computer rentals,
makikita mo na madami ang nagsisigawan dahil sa aliw na hated nito. Nauso ito sapagkat marami ang naaadict
sa iba’t ibang klase ng computer games. Siyempre ipagkakalat ng isang manlalaro ang kanyang ginagawa upang
magkaroon siya ng kakwentuhan ukol dun sa laro na siya ay interesado.
Bilang isang manlalaro, nais mo na maging isang bihasa sa iyong nilalaro at maging lamang sa ibang
mga manlalaro. Kailangan gamitan ng utak ang mga computer games upang mahasa ang abilidad sa
pagmamanipyula ng laro.

III. KATAWAN NG PANANALIKSIK


Hindi naman masama ang paglalaro ng computer games ngunit kung maging adik ang isang binata dito,
ibang usapan na yan. Depende naman yan kung merong karahasan ang nilalaro o ito ay isang pang aliw lamang.
Katulad ng Sims, ang pinaka layunin ay buhayin ang isang tauhan sa pamamagitan ng pagpakain dito, tamang
ehersisyo at pagbibili ng mga lupa upang mapayaman at mapaganda ang pamumuhay ng tauhan. Ang Counter
Strike naman ay iba, ang layunin dito ay pataying ang kabilang kupunan. Kung ikaw ay terorista, kailangan
mong patayin ang mga Counter-Terrorist at vice versa. Pag isinabuhay mo ang dalawang laro na nasabi, diba
mas mainam kung yung Sims ang gagayahin natin. Wala tayong masasaktan, hindi katulad ng Counter Strike,
kelangan pumatay.
Ito ang mga halimbawa ng mararahas na laro :
Grand Theft Auto
Ang Grand Theft Auto ay popular sa mga kabataan. Ito ay pwedeng laruin sa computer, playstation at sa Xbox
360. Ang larong ito ay hinahayaan ang manlalaro ng maging criminal sa isang malaking siudad. Ang mga
misyon ng manlalaro ay maging isa magnanakaw sa bangko, maging carnapper, mamamatay tao, pagkarera ng
mga kotse hanggang sa katapusan ng laro. Ang larong ito ay nagbibigay ng kalayaan sa manlalaro na gawin ang
nais niya, ikutin ang siyudad gamit ang ninakaw na kotse, magpahabol sa pulis, mamaril ng mga tao at kunin
ang kanilang pera.
Ang tauhan ng manlalaro ay maaring magdala ng sandata at makipag-away gamit ang kamay at paa sa
mga tao sa siyudad. Nagkakaroon ng pera ang manlalaro sa pamamagitan paggawa ng krimen tulad ng
pagnanakaw at paninira ng kotse at pagpatay sa mga tao. Ang mga sandata na pwedeng makuha ay
makatotohanan, ito ay meron sa tunay na buhay, tulad ng mga baril at granada. Ang sandata ay pwede gamitin
para sa mga pulis, mga drug dealer at sa mga kaaway. Ang buhay ng manlalaro sa GTA ay hindi nauubos. Pag
namatay ay mabubuhay ulit sa pinakamalapit ng hospital sa siyudad.
Ang GTA ay kontrobersiyal sa dahilan na marahas ang laman ng laro at epekto nito sa mga manlalaro.
Ang larong ito ay madalas na ipinagbabawal sa ibang bansa para hindi masaksihan ng mga kabataan ang
kaharasan na dala ng larong ito at para din sa kanilang proteksyon.
DOOM
Ang DOOM ay isang laro na maaaring malahukan ng madaming tao. Malakas ang impluwensiya ng
nasabing laro sa buhay ng mga kabataan. Unang ipinalabas ang laro upang mailaro sa mga personal computer
ngunit sa kalaunan ay ipinakilala na rin sa mga iba pang platform at video console. Tinatayang sampung milyon
ang dami ng nag-download ng laro sa loob lamang ng dalawang taon ng pagpapakilala nito. Dahil sa kasikatan
nito, nagkaroon ng isang pelikula na may parehong pamagat noong 2005 na naging daan sa mas
pagkakakilanlan ng laro.
Ito ay isang first-person shooter game na pinahihintulutang maranasan ng manlalaro ang umasinta at
tumira ng sandata. Ang mga sandata naka-set sa simula ay ang pistol at brass knuckle ngunit maaaring
makapulot ng iba pang sandata ang manlalaro sa paglalakad. Ang layon ng laro ay simple lamang,
kinakailangan lamang hanapin ng manlalaro ang mga labasan ng bawat antas upang makapunta sa kasunod.
Bagamat mayroong mga nakagugulo sa manlalaro, upang maisagawa ang kanyang layunin, kelangan niya
harapin ang mga humahadlang sa kanyang daanan tulad ng mga halimaw at nalalaglag na mga bagay. Maaari
namang patayin ng manlalaro ang mga nasabing halimaw gamit ang kanilang mga sandata at pampasabog.
Meron din naman mga medical kit upang maibalik ang kalusugan ng manlalaro. Upang mas maging kapana-
panabik ang laro, kahaharapin ng manlalaro ang mga halimaw sa loob ng limang antas na may iba't ibang
kahirapan. Dagdag pa riyan,mayroong kakayanan ang mga halimaw na bawasan ang kalusugan ng manlalaro na
maaaring maging dahilan ng kanyang pagkatalo.
Sa dahilan na pwede makilahok ang ibang tao, pwedeng magkampihan ang mga kasali para mas madali
mapaslang ang mga halimaw at matapos ang layunin sa mas mabilis na paraan. Pwede rin ang mga kapwa
manlalaro ang magpatayan, gamit ang network na “deathmatch” na hinahayaan ang mga manlalaro na
makipaglaban sa isa’t isa.
World of Warcraft o WoW
Ang World of Warcraft ay isang on-line na laro, na pwedeng marami ang kasama. Ikaw ay gagawa ng sarili
mong tauhan at ikaw ang bahalang magpalakas sa iyong tauhan. Maaari kang pumatay ng mga halimaw, bigyan
ang sarili ng mga gamit upang makatulong sa pagpapalakas at makihalubilo sa mga tao na hindi manlalaro (sila
ang tinatawag na NPC o Non-Player Characters.) na nagsisilbing tulong sa inyo o kaya ay magsisilbing bilihan
at bentahan ng mga gamit. Upang maging kagilas-gilas at malakas sa larong ito, kailangan ay marami kang
pera, gamit, karanasan at reputasyon. Importante din ang pag abot sa pinakamataas na lebel, sa pamamagitan ng
pagpatay sa mga halimaw ay madadagan ang karanasan mo at habang tumataas ang karanasan mo ay umaangat
ang iyong lebel.
Pwede rin dito maglaban ang mga iba pang on-line players, kailangan na nasa “Player vs. Player mode” sila.
Pwede ditong magkampihan at maglaban-laban. Ang tauhan ng manlalaro ay pwede gumamit ng lahat ng
abilidad na siya ang nagmamay-ari at itira sa kalaban. Ang paggamit ng mahika at espesyal na sandata ang
pinaka epektibong paraan upang mapatay kaagad ang kalaban.
EPEKTO NG MARAHAS NA COMPUTER GAMES SA KABATAA
Ang paglalaro ng computer games na may karahasan tulad ng Grand Theft Auto at DOOM ay kayang pataasing
ang pagiging agresibo ng kabataan.
(Eric Harris kaliwa, Dylan Klebold kanan.)
Merong mga kabataan na manlalarong nalilihis ang pagiisip sa katotohan sa pantasya. Isa dito sila Eric Harris at
Dylan Klebold na manlalaro ng DOOM at Wolfstein 3D. Sila ang mga hayskul na estudyante na nasangkot sa
Columbine High School Massacre na naitala na 13 ang namatay na estudyante. Ang mga nasugatan ay bilang na
24 na tao. Pagkatapos ng nasabing krimen ay nagpakamatay ang dalawa. (
http://en.wikipedia.org/wiki/Eric_Harris_and_Dylan_Klebold )
Si Devin Moore ay isang player ng Grand Theft Auto na isinabuhay ang laro sa tunay na buhay. Pumatay siya
ng dalawang pulis at dispatchador pagkatapos kunin ang pistol sa mga pulis dahil siya ay nasuspetsahan na
nagnakaw ng kotse. Pagktapos niyang patayin ay kinuha niya ang kotse ng pulis at umalis sa lugar ng krimen.
Siya ay humarap sa korte noong 2005 at nasentensyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection. (
http://en.wikipedia.org/wiki/Devin_Moore )
Isang tsinong binata na adik sa larong World of Warcraft na nasobrahan na sa pagpapantasya.
Pagkatapos niyang matalo sa isang kaklase, sinugod niya ito at binuhusan ng gasolina ang buong katawan ng
kaklase. Naglalaro ang kanyang utak at sinasabing siya ay isang tauhan ng WoW, sumigaw siya ng “Fireball!!”
at sinindihan ang kanyang kaklase. Nakulong siya ng 8 taon samantalang ang biktima ay nagtamo ng mahigit
kalahati ng katawan niya ay nasunog.
Ang computer games ay may negatibong epekto. Ngunit ito ay depende sa nilalaman ng nilalaro nila,
kung ito ba ay marahas o ito ay isang laro na nagbibigay sa atin ng aral upang mas mapaganda natin ang paraan
ng pamumuhay. Ang masama dito ay kung puro kasamaan ang laro, maaaring hangaan nila ang tauhan at ito ay
gayahin sa tunay na buhay.
Nakakaepekto ito sapagkat mas maraming oras ng kabataan ang naaalay sa paglalaro kaysa sa pag-aaral.

http://parasafilipinotwo.blogspot.com/2008/03/i_18.html

Kung grabe na ang pagkahumaling ng mag-aaral sa computer games, nagkakaroon na ito ng hindi magandang
epekto sa kanilang kalusugan at pati na rin sa kanilang pag-iisip at ugali. Ang palagiang pagtutok sa computer
ay nakakasira sa mata lalo na kung wala proteksiyon ito. Ang katagalan sa pag-upo at hindi madalas na pagkilos
ay nagdudulot ng pangangawit at kalaunan ay pagsakit ng likod, ulo at iba pang bahagi ng katawan. Ito ay sa
kakulangan na rin sa ehersisyo. Nakakasira din ito sa pag-aaral dahil ang konsentrasyon na lang ay sa paglalaro
at nawalan na ng oras para mag-aral ng leksyon. At kung walang sariling computer at nagrerenta lamang, dito
madalas nauubos ang kanilang pera imbes na pambili ng baon o pagkain. at dahil ang mga bata ay naaadik sa
mga computer games maaaring hindi na nila maatupag ang paglilinis ng kanilang sarili at maaring magig tamad
na sila sa mga gawaing bahay at kung ano pa man :) conekt bet??
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_epekto_ng_computer_games_sa_mga_mag-aaral_ngayon

You might also like