You are on page 1of 47

YUNIT 1

DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN, AMBAGAN, MGA SUSING


SALITA ATBP.

Sa patuloy na pagabago ng bansa ay hindi mawari na nagbabago rin ang daloy ng kultura
lalo sa pang-araw-araw na ginagawi natin. Kabilang narito ang wika na siyang pinaka midyum ng
ating pakikipagtalastasan. Sa bawat panahon na nagdaan ay patuloy ang pagbabago at pag-
unlad ng wika kaya isa sa mga katangian nito na ang wika ay daynamiko. Sa yunit na ito ay
tatalakayin ang sawikaan at mga bagong salita sa bawat taon. Pokus nito ang pagtalakay sa mga
kumperensya/aktibidad na lumilinang sa pagdadalumat gamit ang mga salita sa Filipino at iba
pang wika ng bansa. Tatalakayin din kung paano umuunlad ang wika sa bansa at paano
naaapektuhan ng globalisasyon ang wika sa bansa. Layunin ng yunit na ito na matukoy ang mga
dahilan ng pagbabago ng wika, mapahalagahan ang wika at makabuo ng sariling opinyon hinggil
sa epekto ng pagbabago ng panahon sa wika.

Inaasahang Matutuhan sa Yunit:


1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
Bilang ng Oras: 1-5 linggo

MODYUL 1
SAWIKAIN o IDYOMA

Ang pagpapahayag ng damdamin, kaisipan at mga naisin sa buhay ay lubhang mahalaga sa


bawat tao. Sa pamamagitan nito, nauunawaan natin ang iba at gayon din sila sa atin. Alisin mo ang
pagpapahayag at para mo na ring kinitlan ng buhay ang isang tao.
Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating
wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita at pagsusulat, gumagamit tayo
nito. Kaya nga’t maging ang mga mamamahayag sa radyo, telebisyon at pahayagan ay gumagamit
din nito upang bigyang diin at gawing kaakit-akit ang kanilang pagsasalita at pagsusulat.
Katulad ng sawikain, ang salawikain ay may ibang kahulugan bukod sa literal na ibig sabihin
ng mga salitang pinagkabit-kabit upang mabuo ito. Ito ay ginagamit din sa pagpapahayag ng
damdamin, ideya at kagustuhan sa paraang kaayaaya sa pandinig at pagbasa.
Layunin ng modyul na ito na tulungan kang bumasa at umunawa ng kahulugan ng mga
gamiting sawikain at salawikain. Gagabayan ka nito sa pagbuo ng mga pangungusap na ginagamitan
ng idyoma. Dito ay palalawakin ang kaisipan ng mga mag-aaral sa mga salitang pinaunlad ng mga
Pilipino.

Inaasahanng Matutuhan sa Modyul:


1. Malaman ang Kahulugan ng Sawikain at kahalagahan nito.
2. Matukoy ang mga Kahulugan ng mga halimbawa ng sawikain.
3. Makapagbigay ng mga halimbawa ng Sawikain at kung paano ito gagamitin.
4. Makabuo ng sariling sawikain at bigyan ng sariling Kahulugan.
Bilang ng Oras: 3 oras

Pagpapahalagang Moral

1
“Kung ano ang bukang bibig, ay siyang nilalaman ng dibdib.”

Input:
Ano ang Sawikain?
Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na
nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.
Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung kaya
ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.
Ang salawikain at sawikain ay napakalaking bahagi ng kasaysayan at kultura sa lahat ng bansa sa
mundo. Ito ang mga panitikang sumasalamin sa magkapareho at magkasalungat na paniniwala ng
iba’t ibang bansa. Sa mga panitikang ito naipapahayag ang mga saloobin ng mga mamamayan ng
mas malaya at hindi nila kailangang magpaliwanag sa kahit sino.

Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito’y
may kahulugan na hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba
itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag. Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang
bagay: malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral na
pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman mo na kinakailangang maisaulo
ang mga salitang bumubuo ng idyoma gayundin ang ayos nito. Kung sakaling ang idyoma ay
ginagamitan ng pandiwa, ang bahaging pandiwa ay kailangang sumunod sa tatlong panahunan ng
pandiwa na gaya ng sumusunod:

Mga Halimbawa ng Sawikain


1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
6. Ikurus sa noo
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo.
7. Butas ang bulsa
Kahulugan: walang pera
Halimbawa ng Gamit: Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.
8. Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina
Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan.
9. Bahag ang buntot
Kahulugan: Duwag
Halimbawa ng Gamit: Palibhasa bahag ang buntot mo kaya takot ka sa dilim.

2
10. Ibaon sa hukay
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa ng Gamit: Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.
11. Balitang-kutsero
Kahulugan: Balitang hindi totoo o' walang kasiguraduhan
Halimbawa ng Gamit: Kay naku, nagpapaniwala ka diyan kay Juan eh puro balitang-kutsero
ang alam.
12. Bukas ang palad
Kahulugan: Matulungin
Halimbawa ng Gamit: Ang mga taong bukas ang palad ay pinagpapala ng Panginoon.
13. Nagbibilang ng poste
Kahulugan: Walang trabaho
Halimbawa ng Gamit: Itong si Juan ubod ng tamad, araw araw nagbibilang ng posteBakit
siya ay nagbibilang ng poste?

Gawain 1:
(Pagpapangkat-pangkat sa tatlo)
Panuto: Bumuo ng Limang sariling sawikain at bigyan ng Kahulugan at gamitin sa
pangungusap. Sikaping sariling-gawa ang mga bubuhuing ng sawikain.

Pagsusulit:
I. Panuto: Ibigay ang mga hihinging sagot sa bawat katanungan.
1. Base sa ating tinalakay, ano ang Sawikain?
2. Bakit napakahalaga ng Salawikain sa pag-unlad ng ating wika?
II. Panuto: Ano ang ibig sabihin ng mga idyomang nabanggit? Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Sabi ni Julia sa asawa, “Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating
kabuhayan.”
a. Mananaga si Julia.
b. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi.
c. Pupukpukin ni Julia ang bato.
d. Tatagain ni Julia ang bato.
2. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa
iyo dahil mabibisto ka nila.
a. magsabi ng katotohanan
b. magsinungaling
c. maglaro sa buhanginan
d. magpatiwakal
3. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas, a.
a. namumutla
b. nangangati ang lalamunan
c. may ahas na nakapasok sa bahay
d. hindi nakakibo; nawalan ng lakas na magsalita
4. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala
sa kanya.
a. balitang sinabi ng kutsero
b. balitang walang katotohanan
c. balitang makatotohanan
d. balitang maganda
5. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
a. matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao

3
b. pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
c. nagkaigihan
d. nagkabati
6. Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa
niya ay naglalaro ng apoy.
a. nagluluto
b. nagpapainit
c. nasunugan
d. nagtataksil sa kanyang asawa
7. Bulang-gugo si Tompet dahil anak-mayaman siya.
a. mata-pobre
b. galante; laging handang gumasta
c. parating wala sa bahay
d. laging kasapi sa lipunan
8. Walang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya’t maraming may galit
sa kanila.
a. may sakit sa dila
b. daldalero o daldalera
c. may singaw
d. nakagat ang dila

III. Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng salawikain na inyong nalalaman at gamitin sa


pangungusap.

MODYUL 2
MGA SALITA NG TAON

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga talakayan hinggil sa paglawak ng wika sa takbo ng
panahon. Layunin ng modyul na ito na mapaunlad ang Kalinangan ng mga mag-aaral sa
makabagong talasalitaan ng bansa.

Inaasahang Makukuha sa Modyul:


1. Makapagbigay ng mga halimbawa ng makabagong salita kung paano ito gagamitin
2. Maunawaan kung bakit nagkaroon ng paglawak at pag-unlad sa wika.
3. Makapagsulat ng isang sanaysay upang ilahad ang kanilang reaction sa mga
ipapalabas ng Video Presentation.
Bilang ng Oras: 3 na oras

Pagpapahalagang Moral:
“Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaunawaan
gamit ang wika.”

Input:
SALITA NG TAON

4
Makabagong Salita

Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy din na nagbabago ang ating kapaligiran, at


ang gawi ng pamumuhay at pakikisalamuha ng mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kung ikaw
ay nabubuhay na ng ilang dekada, marahil ay mas mabilis mong mapupuna ang mga pagbabagong
naganap sa gawi ng mga tao at kung ikaw naman ay isa sa mga sinasabing “millennial”, malamang
ay ginagawa mo rin ang ilan sa mga bagay na ito, kagaya na lamang ng paggamit ng mga
makabagong salita o ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga salitang dati pa man ay
nagagamit na.
Ito ang Halimawa ng ilan sa mga salitang ginagamit ng mga millennial at ang kahulugan ng mga ito:

Triggered – Ito ay ginagamit ng mga millennial para ipahayag ang kanilang masamang damdamin
sa tuwing mayroon silang di kaaya-aya na nakikita o naririnig.
Shook – Ito ay isang salitang ginagamit ng mga millennial upang ipahayag ang kanilang pagkagulat
o pagkabigla.
Receipts – Ito ay nagsisilbing ebidensiya tungkol sa isang drama na nangyari sa internet, ang
halimbawa nito ay ang screenshots.
Tea – Ito ay ang salitang ginagamit ng mga mga millennials na tumutukoy sa mga tsismis na kanilang
nakikita sa social media. Ito ay tinawag na “tea” dahil sa unang letra ng tsismis na “t”.
Extra – Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong kumikilos sa dramatikong paraan kahit na
hindi naman kinakailangan ang ganoon ka-grabeng pagkilos.
Woke – Tawag sa isang Indibidwal na alam ang mga nangyayari sa lipunan. Ang mga taong “woke”
ay karaniwang nagbibigay alam tungkol sa racism, feminism, sexism, homophobia, atbp. ; sila rin ay
ang mga taong tumututol sa mga ito.
Blessed – Ito ay ginagamit upang maipahayag na maraming magaganda at positibong bagay ang
dumadating sa buhay ng isang tao. Maaari din itong magsilbing explanation sa sari-saring positibong
nararamdaman ng isang tao.

5
Lit – ito ay ang isang salitang ginagamit upang sabihin na ang isang bagay o pangyayari ay astig.

Kung inyong mapapansin, ang mga salitang ito ay simple lamang at sa katunayan nga ay
matagal nang ginagamit ang ilang sa mga ito. Ganoon pa man ay laganap na ang paggamit ng mga
salitang ito sa buong mundo marahil ay nagtataka kayo kung bakit mas marami na ang gumagamit
sa salitang katulad nito kahit na mayroon namang mga salitang o pangungusap na maaari namang
gamitin bukod dito.
Bilang parte ng mga tao na kung tawagin ay “millennial” sa aking palagay, naaapektohan nito
ang ating mundo ngayon dahil kahit ito ay masasabing mga simpleng salita lamang ay nabibigyan
tayo nito ng mas madaling paraan upang ipaliwanag ang ating nararamdaman at ng iba pang mga
bagay lalo na sa tuwing ang ating isipan ay naookupa na ng ibang bagay.

"Mga Patok at nauusong salita ng mga Millennials" ni NICA MOLATE

Ano nga ba ang millennials? madalas natin itong naririnig ngunit karamihan saatin ay di
alam ang ibig sabihin nito. Ang mga millennials daw ay ang mga taong nabibilang sa generation Y
o Net Generation na kung saan kinalakihan na ang paggamit ng kompyuter at internet sa kanilang
pang araw araw na buhay. Sa ating generasyon ngayon ay halos lahat ng kabataan ay marunong
ng gumagamit ng internet at halos taon taon ay mabilis na nagbabago ang mga teknolohiyang
ginagamit natin. Para makasunod sa mga uso, nais din nating malaman ang mga pagbabago sa
ating paligid kaya ang tanong ko sayo, Isa kaba sa mga millennials na napag iwanan na pagdating
sa mga nauusong salita ngayon? Nais mo bang makahabol at maunawaan ang mga salitang
karaniwang ginagamit ng iyong mga kakilala lalo na sa social media? Kung ganon kami ay naglista
ng iilan sa mga patok at mga nauusong salita ng mga millennials na maaaring makatulong sayo
upang ika'y makasunod at makaunawa sa kanila.

1. BAE- Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito ng pariralang “Before Anyone Else.” Pero
nanggaling daw talaga ito sa pet name ng mga magkasintahan na baby o babe at naging popular
ito lalo dahil ito ang naging tawag kay Pambansang Bae Alden Richards. Madalas din itong itawag
sa mga lalaking may itsura at masasabi nating gwapo.
2. PABEBE- Ang ibig sabihin nito ay umarteng parang baby o magpa-cute. Tulad din ng salitang
Bae, naging popular ang pabebe dahil sa pabebe wave ng nauusong tambalan ngayon ang Aldub.
Ang pabebe wave naman ay ang pa-cute o mahinhing pagkaway. May ibang kahulugan din ito para
sa iba, kumbaga ay maarte o nag iinarte.
3.GALAWANG BREEZY o Hokage- Ito na nga raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan
na pasimpleng dumidiskarte sa napupusuang babae. Maaaring nakuha ito sa salitang 'breezy' na
ang ibig sabihin ay mahangin, at ngayo’y nabigyan ng kakaibang kahulugan bilang pagpapalipad-
hangin.
6. Tara G! - Kapag tinatanong ka ng iyong kaklase ng "Ano Tara?" kadalasan ang isasagot mo ay
Tara,G! pero aminin ang alam mong ibig sabihin nito ay " Tara,let's Go!" Pwes, ang tunay na ibig
sabihin nun ay "Tara, GAME!" Hahaha
7.BEAST MODE- Ang salitang ito ay ginagamit ng mga millennials ngayon upang ipahiwatig na sila
ay galit na o naiinis. Posible raw nagmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast
ng Sega, kung saan nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging halimaw
8.NINJA MOVES - Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing,
bilis kumilos, at diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong
napapansin. Kay kung nakakantyawan ka ng iyong mga kaibigan na nag ninija moves, ibig nilang
sabihin ay ikaw ay pasimpleng dumidiskarte ng di napapansin.
9. WALWALAN - Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga
salitang “walang pakialam,” “walang pangarap” at “walang kinabukasan.”

6
10. Eme-eme- Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala. Noong
dekada ‘80, ibig sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung dekada ’90 naman, naging
“anik-anik” at ngayon, eme-eme na!
11. Edi Wow! - ekspresyon na parang sinasabi sayo ng kausap mo na "edi ikaw na!" kaya
manahimik kana. Ganern.
11. YOLO – You Onlu Live One’s
Walang mali kung gusto nating makipagsabayan sa mga uso ngayon, mas makakabuti pa to saatin
dahil nakakasabay tayo sa panahon at hindi napag iiwanan hindi ba? Kung kayat tandaan ang ito
mga bes!

Video Presentation:
 Mga nausong Millennial Slang
 Millennial Slang, salita ng makabagong kabataan
 Pag-usbong ng mga bagong salita, bahagi ng pag-unlad ng wikang Filipino

Gawain 1:
1. Bakit nagkakaroon ng pagbabago at pag-unlad sa wika?
2. Magbigay ng iba pang mga halimbawa ng mga makabagong salita, ilahad ang kahulugan at
gamitin sa pangungusap.
Pagsusulit:
Ibigay ang inyong sariling opinyon hinggil sa mga napanood na Video Presentation. Isulat
sa paraang sanaysay.

Output: Gagawa ng isang Video Clip hinggil sa pag-unlad at kalagayan Wikang Filipino.

MODYUL 3
MGA SUSING SALITA: INDIE AT DELUBYO

Dalawang eksperto mula sa magkaibang disiplina ang nagbahagi ng kanilang kaalaman


tungkol sa mga salitang “indie” at “delubyo” sa seminar na inorganisa ng Sentro ng Wikang Filipino
(SWF) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto.
Ang seminar na “Mga Susing Salita: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa Konseptong
Filipino” ay ginanap mula Agosto 24-25 at may layon na “itaguyod at palaganapin ang Wikang Filipino
sa lahat ng buwan ng taon” ayon sa SWF.
Sa unang pang-umagang sesyon ng seminar noong Agosto 24, ang mga naging panauhing
tagapagsalita ay sina Dr. Rolando B. Tolentino, dating dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang
Komunikasyon (CMC), at Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay, executive director ng UP Resilience Institute
(UPRI) at Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards).
Si Tolentino ay propesor din sa UP Film Institute samantalang si Lagmay naman ay sa National
Institute of Geological Sciences.
Tinalakay at dinalumat ni Tolentino ang salitang “indie” samantalang ibinahagi naman ni
Lagmay ang gamit ng wika kontra “delubyo.”

Inaasahang Matutuhan sa Modyul:


1. Malaman ang Kahulugan at ibig sabihin ng “indie” at “delubyo”
2. Makabuo ng sariling opinyon hinggil sa artikulo ng Susing Salita: Indie at Delubyo” sa
pamamagitan ng pagsulat ng Sanaysay.
Bilang ng Oras: 6 na Oras

Susing Salita: Indie at Delubyo

7
Indie.
Ang salitang “indie” ay pinaikling salita sa Ingles na independent at kadalasang ginagamit na
katawagan sa mga pelikulang iba ang linya ng pagkukuwento kung saan “hindi siya masayahing
kuwento. Hindi siya kuwento na sadsad ng fictional na drama. Ito ay sadsad ng katulad ng
[pelikulang] ‘Pamilya Ordinaryo,’ mga dramang nagaganap sa lansangan na hindi natin
nababalitaan,” ani Tolentino.

“Pag sinabing ‘indie’ nagkakaintindihan na kung ano’ng


klaseng pelikula ang panonoorin o tatalakayin natin. Kasi nga ay Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay
nagpapahiwatig na ito ng ibang mundo ng paggagawa ng pelikula,”
dagdag pa niya.

Karaniwan sa mga pelikulang indie ay pinopondohan ng


mas maliliit at/o independenteng pampelikulang istudyo ngunit ayon
kay Tolentino, mayroon din namang mga indie na ipinapalabas,
halimbawa, sa cable channels tulad ng Cinema One Originals na
pinondohan ng higanteng istasyong pangtelebisyon tulad ng ABS-
CBN.

Binanggit din ni Tolentino na ang mga pelikulang indie ay


kadalasang hindi gaanong tinatangkilik, wala halos access ang
mga manonood dito, mahirap unawain, at hindi masasaya ang mga
paksa nito.

Sa usapin ng panonood,
Dr. Lourdes Baetiong “Kailangan natin ng particular access dito sa mga pelikulang ito
para matunghayan. Kailangang karerin nating pumunta sa Cultural
Center of the Philippines para panoorin halimbawa itong
Cinemalaya na klase ng mga pelikula,” ani Tolentino.

Maliban sa Cinemalaya Philippine Independent Film


Festival at iba pang mga film festival na nagpapalabas ng mga
pelikulang indie, sa kauna-unahang pagkakataon, ay inorganisa ng
Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang “Pista ng
Pelikulang Pilipino” kung saan ang lahat ng sinehan ay
eksklusibong magpapalabas ng 12 natatanging indie na pelikulang
Filipino mula Agosto 16-22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan
ng Wika at dagdag na suporta para sa mga ganitong klase ng
pelikula.

Sa usapin naman ng paksa, ayon kay Tolentino, “Hindi


masasaya ang paksa ng mga pelikula kaya for most part, hindi siya
Marvel superhero films na masaya at makakalimutan mo ang problema mo. Dito, maalala mo ang
problema ng lipunang Filipino at kung gaano kabigat iyon kaya hindi siya masayang panoorin.”
“Ang indie ay napakalakas ng currency na ginagaya na rin siya ng mainstream. May mga
indie films naman na nangangarap na maging mainstream na klase ng mga pelikula” ani niya.

Dagdag pa nito, “ang commonality ng lahat ng indie ay may pagka-anti studio siya. Ibig
sabihin nito, iyung klase ng kalakaran ng istudyo na kung saan ay may Joyce Bernal ka na nagdidirek

8
ng romantic comedy o kung ano mang comedy at pagkatapos ay may star actors ka na magbibida.
Kailangan ay may Star Studio actors ka rito. Iyung iskrip na ginawa mo ay dodoktorin ng isang komite
ng iskrip para kung romcom ito ay may kilig factor every two minutes. Calibrated iyon kaya effective
iyung mga romcom sa Pilipinas at iyon ang dominant genre hanggang ngayon dahil may kilig factor
nga siya na pinIpursue sa maraming sandali sa pelikula.”

Sinabi rin ni Tolentino na matagal na ang kasaysayan ng mga pelikulang indie na aniya’y
noong dekada ’50 at ’60, “pag sinasabing indie noon, ang ibig sabihin, hindi ito gawa ng mga studio
tulad ng Ilang-ilang Productions, Sampaguita Films, LVN Productions na mga sikat noon. Ibig
sabihin, ito ‘yung mga fly-by-night na mga produksiyon…Pero ang layon nitong lahat ay kumita hindi
katulad ngayon na layon niyang maging mabigat.”

Ang mga pelikula umano noong dekada ’60 ay uso ang temang “spaghetti westerns” na
kahalintulad sa mga usong pelikula noon na may temang cowboy culture, at sex. At noong 1972 ay
nauso ang bomba films.
Ilan sa mga filmikong istilo ng indie, ayon kay Tolentino, ay ang pagiging neorealismo nito kung saan
ipinapakita ang buhay sa isang araw; ang karakter at sitwasyon mula sa laylayan, ginagampanan ng
karakter aktor; mabigat ang pasanin ng karakter (o tunay na may hugot); tracking at babad shots o
parang documentary films; matagtag na kilos ng kamera; walang malinaw na tapos; poverty porn, at
pang-award.

Ikahuli, ayon kay Tolentino, ang tunguhin ng indie ay maging


Pangulong Danilo L. Concepcion
kabahagi ng pambansang sinema; may manonood dapat na ma-
develop; magretain ng kilusang artistiko na ibig sabihin ang artistic
integrity nito ay parating nandoon; manatili ang kilusang politikal, at
maging bahagi ng kilusang transformatibo at hindi iyong
napapanood lang sa mga film festival.

Delubyo.

Samantala, tinalakay naman ni Lagmay ang paggamit ng


“wika kontra delubyo” o disaster. Aniya, may dalawang
klasipikasyon ang salitang ito: warning at response.

Ang warning umano ay “responsibilidad ng gobyerno.


Kailangan ito ay accurate, reliable, understandable at timely.”

Ang response naman ay “kailangang matumbasan


iyung warning o abiso ng gobyerno ng tamang aksiyon ng mga
mamamayan sa komunidad,” ani Lagmay.
Ayon kay Lagmay ay mahalaga ang paggamit ng siyensya kontra delubyo ngunit, hindi lang siyensya
o teknolohiya ang solusyon para maibsan ang mga panganib ng delubyo.

“Kailangang palitan ang ating kultura at gawing culture of safety. Dapat nakalarawan iyung
kaalaman natin sa ating mga lugar, sa ating mga komunidad sa pamamagitan ng sining o wika,” ika
nga ni Lagmay.

Kadalasan ay umaasa ang mga komunidad sa mga ulat o impormasyon mula sa Philippine
Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) tungkol sa lagay ng

9
panahon o kaya’y may paparating na ulan o bagyo
Dr. Tolentino at Dr. Lagmay sa bansa.Ayon kay Lagmay, ang forecast model na
gawa ng PAGASA kung saan nakalarawan ang mga
ulap, ulan at kung saan tatahak ang bagyo ang
ginagamit ng naturang ahensiya upang ma-
warningan ang komunidad na mayroon panganib.

“Ngunit, gusto kong maintindihan natin na


ang siyensya ay hindi perpekto. Walang model na
naglalarawan ng ginagawa ng kalikasan one, two
days in advance. At dapat iyon ay nasasabi sa taong
bayan na mayroong uncertainty o limitasyon ang
siyensya,” ani Lagmay.

Kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa pagpapalaganap ng mga


impormasyon tungkol sa kalamidad, ulat ng panahon at iba’t iba pang mga panganib ng delubyo
upang mas epektibo itong maiparating sa taong bayan.

Sa bandang huli, umapila si Lagmay sa mga kalahok na karamihan ay mga guro ng Filipino
sa unibersidad mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na tulungan ang PAGASA na gawing mas
epektibo ang pagpapalaganap ng impormasyon sa taong bayan sa pamamagitan ng wika.

Bukod kay Tolentino at Lagmay, ang iba pang mga eksperto na inimbitahan bilang mga
panauhing tagapagsalita sa pambansang seminar na ito ay sina Kerima Tariman-Acosta, media
liaison officer ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura; Abner Mercado, lektyurer sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng KAL (DFPP-KAL) at reporter sa ABS-CBN
News and Current Affairs; Dr. Glecy C. Atienza, propesor sa DFPP-KAL, at Dr. Percival Almoro,
propesor ng UP National Institute of Physics.

Tinalakay nila ang iba pang mga tampok na susing salita—ang “bungkalan” (Tariman-
Acosta), “balita” (Mercado), “ganap” (Atienza) at “balatik” (Almoro).

Nagbigay ng mensahe ang Pangulo ng UP


Danilo L. Concepcion samantalang ang bating
pagtanggap ay inihandog ni Dr. Lourdes Baetiong,
kalihim ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ang pambungad
na pananalita naman ay ipinahayag ni Dr. Rommel
B. Rodriguez, direktor ng SWF.

Noong hapon naman ng Agosto 24 ay


inilunsad ang mga bagong publikasyon ng SWF. Ang
mga inilunsad ay ang “Daluyan: Journal ng Wikang
Filipino,” “Pag-oorganisa sa Pamayanan Tungo sa
Kaunlaran na Mula sa Tao Para sa Tao” ni Dr.
Angelito G. Manalili, “Bungkalan: Manwal sa
Organikong Pagsasaka ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA),” at “SUSMATANON:
Kwentong Pambata” ni Eduardo “Ka Edong” Sarmiento.
Si Prop. Ronel Laranjo ang naging tagapagdaloy ng palatuntunan.

Alinsunod sa temang “Wikang Filipino: Daluyan ng Pambansang Pagkakakilanlan at


Pagkakaisa” ay matagumpay na naidaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa tulong na rin ng

10
Opisina ng Pangulo, UP System; Opisina ng Tsanselor, UP Diliman; Departamento ng Lingguwistiks
ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya; Erya ng Araling Wika ng Kolehiyo ng Edukasyon;
Office of Student Activities; Diliman Information Office; Diliman Gender Office; DZUP; Kolehiyo ng
Musika at Center for International Studies.

Gawain:
Basi sa inilahad sa Artikulo, ano ang kahulugan ng ‘Indie’ at ng ‘Delubyo’ at isulat sa isang
kaperasong papel.

Pagsusulit:
Ilahad ay iyong repleksyon at opinyon hinggil sa pag-unlad ng wika sa ipinahayag ng Artikulo.
Palawakin ay iyong sariling kaisipan sa pagsulat.

11
YUNIT 2
MASINSIN AT MAPANURING PAGBASA SA MGA PANGUNAHING SANGGUNIAN SA
PAGDADALUMAT/PAGTETEORYA SA KONTEKSTONG FILIPINO

Sa bawat panahon ay nagbabago ang kutura. Dahil sa pagbabagong ito ay


naiimpluwensyahan nito ang kultura, paniniwala at kagawian ng pananalita natin. Pokus nito ang
pagtalakay sa mga pangunahing sanggunian sa pagdadalumat/pagteteorya sa kontekstong Filipino.

Inaasahang Matutuhan sa Yunit:

1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng


piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng
piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad
at bansa.

MODYUL 2
DALUMAT NG WIKA
Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para ipaliwanag ang
kasalukuyang hubog, anyo at takbo ng wikang Filipino? Paano ito makatutulong upang maging
masinop at masinsin ang ating analisis ng wika at ang naturang gamit nito para sa mga tao at sa
lipunan niyang ginagalawan?
Ito ang dalawang pangunahing tanong na sasagutin ko sa panayam na ito. Ang una ay
tumutukoy sa pagkakaroon o kawalan ng internal na banghay o istruktura ng wika natin na
pundasyon o basehan ng performatibong kakayanan ng mga Filipino na gamitin ang wikang Filipino.
Samantala ang ikalawa nama’y tumutukoy sa praktikalidad ng teorya upang tasahin at usisain ang
nangyayaring pagbabago ng wika sa gitna ng mabilisang pagbabago ng ating panahon.

Inaasahang matutuhan sa Modyul:


1. Malaman ang kahulugan ng Pilipino at paano ito naging isang teorya ng wika.
2. Makapagsasagawa ng isang discussion panel hinggil sa mga usaping pangwika.

Pagpapahalagang moral:

“Ang limitasyon ng aking wika ay siyang limitasyon ng aking mundo.”


Ludwig Wittgenstein (TLP 1922)

Input:
PILIFILIPINO: ISANG TEORYA NG WIKA
Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez sa Wika at Panitikang Filipino
ni Dr. Rhod V. Nuncio

PiliFilipino
Ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan
ng wika. Ang tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at pagdadalumat. Hango

12
ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface structure (paimbabaw) at deep
structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may pumapagitna sa dalawang level na ito, ang
middle structure na tatawagin kong lalim ng wika. Ito ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino
(WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na
himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula
sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa
pagbabagong pangwika. Sa ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng
WF, ang paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa pagpili, pagpilipit at pagpipilit na
lumabas ang kakanyahan ng wika. Ang tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal? At aasa lang
ba ang lahat sa politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang hinihintay na pagkagulang
ng WF? Ika nga’y matira ang matibay!
Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino. May tatlong pananaw
tungkol dito:
a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang
nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa,
b.) Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain ng kaalaman at praktika,
c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa menu ng pagpili, pamimilit
at pagpilipit sa wikang Filipino.

PAIMBABAW NA WIKA
Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong kakayahan ng tao
kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga polisiyang
bitbit ng mga ito. Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika?
Dahil madalas at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika at istruktura ng pag-iisip natin ay
nakakapit sa banyagang padron, sa banyagang wika – Ingles. Pansinin:

1. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito sa
ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng “kung ano ang bigkas, siya ang baybay”. Imbis na
phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung ano ang letra
sa Ingles, ito ang baybay). Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang mag-
aaral ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang “bahay” ay
bibigkasing “bey-hey”.
2. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng
pangungusap ay nakakiling sa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang friend mo. So,
yabang! Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit magFilipino o mag-Ingles, ito ang
makabagong syntax sa palabuuan ng pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media,
showbiz, advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang
oryentasyon sa kasalukyan.
3. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo
namang di code-switching dahil ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa
mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching na nagaganap
dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic
substitution ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay
sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram nagiging structurally
flexible sa formang Taglish.

i-solve, pag-solve, nag-solve, kaka-


i-zerox, pag-zerox, mag-zerox, kaka-zerox, solve

13
i-equate, pag-equate, mag-equate,
i-text, pag-text, mag-text, kaka-text, na-text kaka-equate

um-attend, um-increase, um-order, um-answer

Kung kaya’t multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o mailalapat din sa
pangungusap. Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-zerox ko nga lang.” Ang
Tagalog/Filipino component (unlapi o hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit
nanatiling buo ang salitang Ingles o ibang hiram na salita.

Wala namang ganitong halimbawa (co dependent ang Ingles sa Filipino): Re-ayos mo na
yan!”, “Anti-makabayan ang mga trapo sa Congress” at “Pindotize (na katawa-tawa ang dating) mo
yong keypad.”

Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang isang tao ng higit pa sa
dalawang wika. At kapag sinabi nating kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na
magkapantay ang kabihasaan ng isang tao sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa mga
wikang ito. Hindi tingi-tingi.

Ang problema’y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa darating na panahon, gugulang at


uunlad din ang WF. Fatalistikong pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na naghihintay sa pagbagsak
ng bayabas sa kanyang bibig.

Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at agendang pangwika na batay sa interes ng
iilan at uso ng panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay unti-unting nawawala’t namamatay, unti-
unti nauungusan ng malalaking diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at
postmodernismo. Kung kaya’t sa ating bayan mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang
nakatindig ang mapanuksong alternatibo – ang gawing wikang ofisyal at panturo ang Ingles.

Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan:
1.) Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na
gramatika (kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang
“maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)
2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz
3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial
Tagalog; walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay
sa lunsad-aklat ng Galaw ng Asoge, 2005)
4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba’t ibang
larang sa akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar
ng kasalukuyang anyo ng wika

UBOD NG WIKA

Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng kamalayan na
taal nang matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari na –
naghihintay na mapunan, mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural
na wika. Kumbaga ito ang “universal o generative grammar” ni Chomsky, ang “private language” ni
Wittgenstein, “archi-writing” ni Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha nang
istruktura ang isip na tatanggap at mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t may kakayanan ang
lahat ng tao na matuto ng wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod ng wikang nakahimpil sa isipan

14
natin. Ito ang a priori grammar. Ito rin ang nag-uudyok sa imahinatibo’t malikhaing paraan ng isip
natin na ikonstrak ang wika batay sa iba’t ibang modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng
wika.

LALIM NG WIKA: GRAMATIKANG FILIPINO?

Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang panahon ng


pagbabago at madalas hindi developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi retardasyon at
tuluyang pagkawala. Alam natin ang magiging kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika
na paimbabaw na nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at kamalayan ng tao. Higit pa riyan,
nagpapaubaya at nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig ng wika dahil wala silang masandigang
internal na lohika o gramatika ng wikang naririnig at nababasa nila. Alalahanin natin ang sinabi ni
Emerita S. Quito (1989/2010: 23): “Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak sa kabulukan ng Taglish.
Ang maikling kasaysayang ito ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una:
pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaaring sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles;
at ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino.”
Mahalaga ang lalim ng wika dahil:
1. Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging natural na wika,
2. nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika,
3. ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika niya at ng
daynamikong kakanyahan at kakayahan ng wika sa pagpapakahulugan
4. nagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di
nakadepende sa kung ano ang uso at pinapauso
5. intralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng internal
na lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at
iba pang external factor.

Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung
magkagayon malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa
daluyong ng pagbabago sa mundo at lipunang ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang
pagtatangka sa pagteteorya sa wika at analisis ng WF na may sandamakmak na varayti. Inisyal na
hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at sa implikasyon nito na ang istruktura ng WF ay dapat
nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika (prescriptive) at pre-grammar (individuated
inscription) ng isang tao. Ang paimbabaw na wika’y di maglalaon ang magiging natural na wika
(descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at istratehikong pagpili ng taong
malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang wika sa pakikipagtalastasan,
pamimilosopiya, paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba’t ibang komunikatibong sitwasyon at
pagkilos.

Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng kamalayan natin at di lamang sa sanga-
sangang dila ng gahum.

Gawain 1:
Ano ang ibig sabihin ng PiliFilipino ayon kay Lopez?
Paano ito naging isang teorya sa ating wikang pambansa?

Pagsasanay:
Panuto: Bumuo ng apat na panggkat at pag-usapan ang usapin tungkol sa wika. Pumili ng
representante para sa isasagawang panel discussion.
Mga pag-uusapan:

15
Karapat-dapat bang manghiram tayo ng mga salitang banyaga kaysa sa tumbasan natin ito
ng wikang Filipino?
Dapat bang gamitin natin ang wikang Filipino sa mga establisemyento, mga batas, sangay
ng midya at sa iba’t ibang larangan gaya ng edukasyon at ekonomiya?
Dapat bang gamitin ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo?

MODYUL 2
PILOSOPIYA AT TEORYANG SA KONTEKSTONG FILIPINO

Inaasahang matutuhan sa Modyul:


1. Makapagbahagi ng opinyon sa mga iba’t ibang kaisipan ng mga Pilipino tungo sa
kontekstong Filipino sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay.
2. Makapagbuod ng mga impormasyon mula sa mga babasahing kaugnay sa mga pilosopiya
at teoryang sa kontekstong Filipino
3. Malilinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay, pagsasadula,
paglalahad at pagtatalumpati hinggil sa mga babasahing tekstwal na kaugnay sa kaisipan at
teorya ng mga Pilipino.

Bilang ng Oras: 11 Oras


Pagpapahalagang Moral:

“Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?”
-Dr. Jose P. Rizal

“Ang hindi marunong tumungin sa kanyang pinagmulan ay hindi makakarating sa kanyang


paroroonan.”

Input:
Pilosopiyang Pilipino
(salin mula sa akda ni Rolando M. Gripaldo na may pamagat na “Filipino Philosophy: a Western
Trdition in an Eastern Setting)

Nag-ugat ang pilosopiyang Pilipino sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Mula sa kolonya ng


mga Espanyol sa loob ng tatlong daang taon, ng Estados Unidos ng kalahating siglo, at Hapon ng
kalahating dekada, ang mga Pilipino patungo sa huling dikada ng ika-19 na siglo ay nagsimulang
makapangalap ng mga kaisipang mula sa Europa. Ang mga kaisipang ito ay nakatulong sa
rebolusyon ng bansa noong 1896 laban sa Espanya.

Pagkamulat ng mga Pilipino

Jose Rizal: isang reformista

Ayon kay Rizal, isa sa mga nabigong pakikibaka para sa reporma sa Espanya ay ang
pagkamulat ng kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang lupain. Sa pahayagang La Solidaridad,
kanyang inilahad ang mga solusyon sa problema ng bansa: ito ay ang Karunungan at
Pangangatwiran na kung saan dapat imulat ang mga Pilipino rito. Dapat mapalaya ang kanilang
kamalayan mula sa panatismo, pagkamakasarili, Kababaan, at kawalan ng pag-asa. Dahil sa
kakulangan ng karapatan ng mga Pilipino sa Edukasyon na kung saan ang mga namumuno ay ang
mga prayleng Espanyol, bumuo si Rizal ng isang organisasyon na magpapamulat sa kaisipan ng
mga mamamayan, ang La Liga Filipina. Ang Layunin nito ay ang mapag-isa ang archipelago ng

16
Pilipinas, mapalago ang pagsasaka at komersyo, magkaroon ng proteksyon mula sa mga panganib,
magkaroon ng pagtatanggol laban sa karahasan at kawalan ng hustisya, at pagpapaunlad ng
magandang edukasyon.

Naniniwala si Rizal na may kakayahan ang isang tao na mabigyang solusyon ang isang
problema. Ang mga potensyal ng tao ay maaaring maisagawa ng maayos maliban lamang sa ilang
mga pagkakataon dahil sa may mga hadlang. Ang pinakamalaking hadlang sa bansa ay ang kolonya
ng bansang Espanya. Mahalagang makipagsapalaran sa ganoong sitwasyong kolonyal na kung
saan ay kilala sa kontemporaryong political na kaisipan bilang pag-unlad ng sambayanan. Ang
sambayanan o civil society ay nasa pagitan ng pamilya at ng estado, ito ay nagtatangkang mapunaan
ang pangangailangan ng komunidad, meron o wala mang anong tulong mula sa estado sa
pamamagitan ng solidaridad o pagkakaisa at subsidiaridad o pakikipagtulungan upang maisagawa
ang mga pangunahing layunin ng komunidad (McLean 2001). Sa Relihiyon, naniniwala si Rizal sa
Agnostic Deism, ang pananaw na kung saan nilikha ng Dios ang buong kalawakan kalakip ang
kanyang mga kaustusan at walang makapaghihimasok rito. Ayon kay Rizal, nakikilala natin ang Dios
sa kanyang kalikasan at sa kanyang budhi, ngunit di natin nalalaman kung ano ang kanyang totoong
katangian.

Ang matagumpay na rebolusyon ay kinakailangan ng mga pinunong militar, sapat na pondo,


armas at bala, sapat na bilang, at may maayos na oryentasyong pampulitika. Kung hindi man, ito ay
mauuwi sa malagim na kamatayan at ang mga inosenteng buhay, kababaihan, at ang mga kabataan
ay maghihirap sa kapighatian. Ninanais ni Rizal na maranasan ng mamayan ang maayos na
kalayaan o demokratikong Pamamaraan upang makamit natin ang tunay na kalayaan. A nation can
be independent without being free or free without being independent (R.A. Gripaldo, 2004).Minsan
ring sinabi ni Rizal na, “Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng
hinaharap?”

Nang si Rizal ay inakusahan ng pamahalaang Espanyol na nakikisapi siya sa malawakang


rebulusyong nagaganap noon ay senentensyahan ng kamatayan sa Bagumbayan noong Disyembre
1896. Habang siya ay nakakulong noon sa Fort Santiago, nalaman niyang naging matagumpay ang
rebolusyon sa ilang bahagi ng bayan ng Cavite. Sa malubhang sitwasyong nagaganap na kung saan
ang rebolusyon na kanyang hindi sinang-ayunan ay unti-unting nagtatagumpay sa bawat bahagi ng
bansa, umaasa na lamang si Rizal sa pagtatagumpay nito. Sa kanyang huling tula na Mi ultimo
adios, kanyang sinuportahan ng pahayag na, I die as I see tints on the sky b'gin to show And at last
announce the day, after a gloomy night;... For orphans, widows and captives to tortures were
shied, And pray too that you may see you own redemption.

“Ang Pananaw ni Rizal Hinggil sa Ibat-ibang Aspeto ng Lipunan”


Pamahalaan
Kung walang kamalian na kailangang iwasto, siguradong magiiba ang landas ng kasaysayan
ng ating bansa. Hindi natin malalaman ang pag-iral ng isang kapwa Pilipino na lumaban gamit ang
pluma at papel kung saan ang resulta ng mga gawa niya ay kanyang kinamamatay at nagpasiklab
ng rebolusyon dito sa Pilipinas.
Sa panahon ni Dr. Jose Rizal, kung saan ang Kastila at ang mga prayle ang naghaharing uri,
damangdama naman ang pagsasamantala at pangaapi sa mga Pilipino. Hawak ng mga prayle hindi
lang ang simbahan pati na rin ang pamahalaan, tinatawag itong praylokrasya. Sa lahat ng aspeto ng
lipunan ma pa relihiyon man, edukasuyon o pagpapatibay ng mga sedula, ang mga prayle ang huling
tagapagpasya.
Ang pamilya ni Rizal ay kinaiinitan ng mga prayle sa iba’t-ibang dahilan. Para sa mga prayle, ang
pagiging aral ni Teodora Alonso, ang mga pamumuna ni Francisco Mercado, at ang relasyon ni

17
Paciano kay Padre Burgos ay inambaan ang kanilang pamamalakad at posisyon sa lipunan. Bata
pa lamang si Rizal ay nadanas na niya ang di-makatarungang awtoridad ng simbahan at nakita niya
kung saan umiiral ang mapangharing kolonyal. Ang pagbitay sa tatlong pari na sina Padre Gomez,
Burgos, at Zamora ay naging malaking impluwensya sa pagiisip ni Rizal. Ang pagkadakip ng kanyang
ina ay takda ng paglabag ng katarungan ng kolonyal na paghahari. At siyempre naging malalim ang
epekto kay Rizal ang nangyari sa kanyang bayan sa Calamba, Laguna kung saan nilabanan nila,
kasama ang mga magsasaka, ang pagtaas ng upa sa lupa at mga malabong imposisyon ng mga
prayle. Ang naging resulta sa kanilang petisyon ay ang pagsunog sa iilang mga bahay sa Calamba
at ang pagkulong at pagtapon sa ibang bansa ng mga taong lumaban sa kolonyal na mapang-api.
Nakikita ni Rizal na kailangan baguhin ang kolonyal at nakapangingibabaw na sistema ng
praylokrasya. Isa ito sa kanyang mga pinaglabanan. Ang pamahalaan ay dapat hiwalay sa simbahan.
Pero sa usaping pambansa, mukhang ayaw naman ni Rizal na humiwalay sa Espanya. Ninanais
niya na magkaroon ng reporma, representasyon at para sa Pilipinas maging opisyal na probinsya ng
Espanya. Pero mukhang nangyari din na nakita ni Rizal na rebolusyon din ang natatanging solusyon
sa estado ng ating bansa noon. Ang kanyang mga mapanghamong nobela at sanaysay ay mga akda
na sumulong sa isang pwersa ng liberalismo at nasyunalismo.
Relihiyon at Pamilya
Si Rizal ay bahagi ng uring panggitna kung saan siya ang naging pangunahing kinatawan ng
mga leftisto “kaliwang panig.” Dahil dito madaling nataguyod ang kanyang kamulatan at damdamin
na pambansa at mga liberal na pananaw. Nakikita ni Rizal na nakakamit ang tunay na kalayaan kung
ang ating bansa ay magpapalaya din. Ito ang siyang dahilan sa kanyang pagiging progresibo at
radikal. Sa mga paglalakbay ni Rizal sa panahong iyon, nakita niya ang pagunlad ng mga bansa sa
Europa dahil sa konsepto ng soberanyang popular at republikanismo. Dahil sa pagnanais at
pagmungkahi nito para sa sariling bansa, tinagurian siyang isang pilibustero.
Sa mga nobela ni Rizal, napakahusay niyang nailantad at naimulat sa mga Pilipino ang katotohanan
na imbis patuloy magbigay ang Kristiyanismo ng ispiritwal na buhay, ginamit ito ng mga prayle bilang
sandata kung saan pinapalabas na utang na loob natin ito sa kanila. Ginamit nila itong dahilan para
mapagsamantahalan ang mamamayan. Ginunaw ang pagiging banal ng relihiyong ito ng pagkakaisa
ng simbahan at estado, ang siyang resulta ng pagkaroon ng praylokrasya.
Si Rizal ay pinalaki na may paggalang sa relihiyon, moralidad, at sa katotohanan. Pero kahit
debotong Katoliko ang pamilyang Mercado, naipamalas sa kanya ang maging praktikal, rasyonal at
ang pagkakaroon ng malayang pangangatwiran.
Si Rizal ay ang ikapitong anak sa 11 na magkakapatid. Ang mga Mercado ay tanyang na pamilya sa
Calamba, Laguna. Pinagkalooban si Rizal at ang kanyang mga kapatid ng edukasyon ng kanilang
mga magulang. Sila ay maituturing ilustrado sa mga panahong iyon. Ang pananaw ni Rizal sa
usaping pamilya ay kasingtulad sa tradisyonal na Pilipino. Impluwensiya ito na nanggaling sa sariling
karanasan sa kanyang pamilya.
Ngunit nakikita din ni Rizal ang pangangailangang lumisan sa pamilya para makakilos at para
makamit ang kanyang mga minimithi para sa ating bansa. Pumunta siya ng Europa na labag sa
kalooban ng kanyang ina na si Teodora Alonso. Hindi ito pagkawalan ng respeto ni Rizal bilang anak.
Isang malaking kontradiksyon din ang umiral sa kanyang puso – ang pagmamahal sa pamilya at
bayan.
“Sinasabing ipinapanganak ang mga taong may malaking nagagawa sa kanilang buhay sa tamang
lugar at panahon.”
Pero nangyari din na damang-dama na ni Rizal ang kalikuan sa kanyang kababayan. Nakita niya na
mas malaki ang kanyang responsibilidad at tungkulin bilang anak ng inang bayan kung saan libu-
libong pamilya ang kanyang masisilbihan.
Pumunta si Rizal ng Europa para sa reporma at pagkamit ng bayan ng kaalaman. Sa kanyang mga
dinanas sa paglakbay, nagkaroon ng impak ang kaunlaran sa kanyang punto de bista. Mas napatalas
ang kanyang pagtingin, pag-aral, at pag-intindi sa mga bagay-bagay lalo na sa pagiging pantay-
pantay at pagkamit ng tunay na kalayaan. Dahil dito, maliban sa pagiging nasyonalistik, naging

18
sayantipiko din sa Rizal sa kanyang mga pananaw. Naging miyembro siya ng Masinoreiya kung saan
kusa ang maging ekskomunikado mula sa simbahan. Makabuluhan pa rin para kay Rizal ang
relihiyon. Hindi nga lang niya matanggap ang kondisyon kung saan napasamantala at napaapi ang
mamamayang Pilipino sa gabay ng mga taong dapat sumusulong sa mga bisang Kristiyano. Hindi
ang simbahan ang katalo ni Rizal kundi ang pamamahala ng mga nagbanal-banalang prayle sa ating
bansa.
Edukasyon
Batay sa mga nabasa, napag-aralan at natutunan namin sa mga akda at biograpiya ni Rizal,
masasabing ang pambansang bayani ng Pilipinas ay labis ang binigay na pagpapahalaga sa
edukasyon ng bawat isang mamamayan lalo na sa mga kabataang Pilipino—ang banal na pag-asa
ng bayan. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang mga tula, akda, at mga liham na ang pagtamo ng
edukasyon ay isang napaka-importanteng bagay para sa pansarili at panlipunang kaunlaran. Isa sa
mga akdang ito na nagpapatunay ng kanyang pagpapahalaga sa edukasyon ay ang
tulang “Education Gives Luster to Motherland”, na kung saan ay nabanggit niya na:
“Wise education, vital breath
Inspires an enchanting virtue;
She puts the Country in the lofty seat
Of endless glory, of dazzling glow,

So education with a wise, guiding hand,
A benefactress, exalts the human band,
…So education beyond measure
Gives the Country tranquility secure…”
Ang kanyang mataas na pagtanaw sa edukasyon bilang makapangyarihang instrumento sa
pagpalaganap ng adhikain ay sinimulan niya sa kanyang sarili. Sabi nga ng karamihan, paano nga
ba makakumbinsi ang isang tao kung sa kanyang sarili hindi ito isinasabuhay o kaya nama’y ang
sarili ay hindi kayang kumbinsihin? Kung kaya’t mapapansin natin sa mga talambuhay patungkol kay
Rizal na isa siyang dakilang educator at mag-aaral sa tatlumpu’t limang taon ng pagkabuhay niya.
Nag-aral siya ng iba’t ibang kurso upang mahasa ang sariling kakayahan sa mga bagay-bagay at
maging huwaran na din sa kanyang sariling paniniwala na ang pagkakaroon ng edukasyon ay isang
tamang paraan na magpapalaya ng bayang inalipusta ng Espanya.
Ang kanyang pagiging makata na naging daan upang maisulat niya ang mga akda na nag-
udyok ng reporma sa bayan, na kinalaunan ay nagpalaya sa bayang Pilipinas—ay isang
pagpapatunay na hindi isang pagsasayang ng panahon at salapi ang mangarap at magkamit ng
tamang edukasyon.
Bukod diyan, tinotoo din niya ang pagnanais na maibahagi ang nalalaman at natutunan niya
sa kanyang pag-aaral sa Europa, sa pamamagitan ng pag-organisa ng isang klase ng mga
kabataang handang matuto at mag-aral ng mga bagay-bagay mula sa kanya. Ang itinayo
niyang octagonal housesa Talisay na gawa mula sa kahoy, kawayan at nipa, ay nagsisilbing lugar
ng kanilang pagtitipon para sa pag-aaral at panggagamot na din.
Masasabi rin na si Rizal ay walang pinipiling mag-aaral hangga’t ang isa ay may hangarin na
matuto. Ang kaisipang ito ay naglalarawan kay Rizal bilang isang tao na kung sa larangan ng
edukasyon ang pag-uusapan, dapat ay accessible ito sa kung sinumang mamamayan at kabataang
Pilipino—mayaman man o mahirap. Isa itong napakagandang pananaw ni Rizal given the idea na
galing siya sa isang marangyang pamilya.
Sa pangkalahatan ang edukasyon, sa pananaw ni Rizal, ay isang bagay na dapat makamtan
ng bawat isang Pilipino. Sa pamamagitan ng sapat na edukasyon, magiging madali ang pagkamit ng
kaunlaran, mga reporma at pagbabago, para sa pansarili at panlipunang adhikain.
Ekonomiya

19
Ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya ng isang bayan ay isang indikasyon ng matatag at
maunlad na lipunan—lipunang sa anumang oras ay handang magsarili at mamahala nang walang
kontrol at impluwensya ng mga banyagang pamahalaan.
Para kay Rizal, ang pagkakaroon ng sapat na pondo ay isang paraan tungo sa matagumpay na balak
na paghihimagsik laban sa mapang-aping Espanya. Sabi nga niya sa kanyang liham kay Jose
Alejandrino:
“…A revolution has no likelihood of success unless…(3) there should be money and ammunitions
available…”
Mula sa pahayag niyang ito ay masasabi nating malaki din ang pagpahalaga ni Rizal sa isang
matatag at maunlad na ekonomiya ng bayan. Oo nga naman, papaano ba matutustusan ang mga
pangangailangan ng isang malawakang himagsikan kung sa simula pa lang ay wala ng sapat na
pondong mailaan para sa mga di-inaasahang gastusin ng samahang naghihimagsik? Ito ay magiging
isa lamang pagsasayang ng panahon at buhay. Oo nga’t ang pagkakaisa ng bawat mamamayang
Pilipino ay napakahalaga para sa ganitong pag-aalsa, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sapat
para magtagumpay sa kahuli-hulihan; dahil kakailanganin pa rin ang pagkakaroon ng pondo at
matatag na ekonomiya para magiging attainable ang inaasam-asam.
Tama si Rizal sa kanyang kaisipang isang mahirap at malayo sa pagtatagumpay ang gagawin ng
mga rebolusyonaryo kung aasa lamang sila sa sa mapusok nilang damdamin ng paghihimagsik;
kahit walang mapagkukunan ng pantustos sa pag-aalsa. Dito pumapasok ang kahalagahan ng isang
magandang ekonomiya ng isang bayan. Kung iisipin nga naman, papaano ba makakabangon o
makapagsimula ang isang bayan sa panahon ng kanilang pagsasarili kung wala silang sariling
ekonomiya na kayang magtustos sa pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan?
Sa pangkalahatan, si Rizal ay may malaking pagpapahalaga sa kaunlaran at katatagan ng
ekonomiya ng isang samahan o bayan man—lalo na sa planong himagsikan at pagsasarili. Ang
aspetong ito ang siyang magsisilbing dagdag na gatong para maisasakatuparan ang matagal na
hinahangad na kalayaan mula sa pananakop ng mga banyaga.
Etnisidad
Ang pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan bilang miyembro ng isang lahi ay isang mabuting
bagay. Ang maturingan ka namang banyaga sa sarili mong bayan ay hindi kanais-nais.
Mula sa mga akdang nabasa at natalakay sa klase, inihahayag ang pananalaytay ng lahing banyaga
sa dugo ni Rizal—lahing Espanyol, Tsino, Hapon, at ang ating lahing Pilipino. Hindi maipagkakailang
paminsan-minsan ay maturingan siyang dayuhan lalo pa’t ang pamilyang kinabibilangan niya ay
hinahangaan at may mataas na estado sa komunidad. Sa kabila ng lahat ng ito, itinuring pa rin niya
ang sarili bilang isang Pilipino. Sa katunayan nga, maging ang mga prayle ay itinuring siyang indio.
Ang pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan bilang isang lahi—lahing Pilipino, ay binigyang halaga
ni Rizal. Kabilang sa pagkakaroon ng sariling identidad ay ang ating pagmamahal sa sariling wika—
ang wikang Tagalog—ang wikang Filipino. Binanggit niya sa kanyang tulang “Sa Aking Mga Kabata”:
“…Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
…”
Mula sa mga pahayag niyang ito, mapupuna nating isunusulong ni Rizal na kilalanin at
mahalin ng bawat mamamayang Pilipino ang sarili nating wika tulad ng pagkilala at paghanga natin
sa mga dayuhang wika. Isa pa niyang tula ay ang “A La Juventud Filipina” na nag-udyok sa mga
edukadong kabataang Pilipino sa pagpapahalaga sa sariling bayan—bayang kinagisnan at
kinabibilangan na kung saan lihim niyang ipinarating ang kaisipan ng Pilipinas bilang isang bayang
iba sa Espanya.
Kasarian

20
Naniniwala si Rizal na dapat pantay-pantay ang babae at lalaki. Marahil ay dahil narin sa marami
siyang kapatid na babae at sa labis na pagmamahal niya sa kanyang ina, nakita niya na maraming
magagawa ang mga kababaihan. Ayon sa akda niyang “To My Young Countrywomen of Malolos” na
naisulat dahil sa paki-usap ni Del Pilar. Sa sulat ay binigyang papuri niya ang mga kababaihan ng
Malolos sa kanilang pagtutulak na magkaroon ng isang “night school” kung saan puwede silang
makapag-aral.
Ang mga kababaihan, partikular ang mga ina, ay may malaking magagawa dahil sila ang
unang tagapag-bukas ng mata ng kanilang mga anak. Kaya, gaya nga ng sabi ni Rizal sa kanyang
sulat, dapat ay maging bukas din ang mga mata ng mga kababaihian dahil sila ang siyang
pangunahing tagapag-mulat ng mga mata ng kanilang mga anak sa dapat nitong makita – ang
katotohanan.
Mataas ang pagtingin ni Rizal sa mga kababaihan, gaya nga ng nabanggit niya sa “To My
Young Countrywomen of Malolos:”
“Important indeed are the duties that women must fulfill in order to relieve the country of her
sufferings, but they are not beyond the strength and character of the Filipino woman to perform…”
Ang mga babaeng Pilipino noon ay walang boses, kadalasang nasa bahay lang at ginagampanan
ang pagiging alila. Sila ay nagpapaalipin sa simbahan, na ang tanging alam lang ay mag rosaryo at
nobena. Ang mga anak nila marahil ay magiging mga sakristan na siya rin namang mag papaalipin
sa mga malulupit na mga prayle. Ang gusto ni Rizal ay magkaroon ang mga ito ng sariling pag-iisip.
Nabanggit niya rin sa sulat na:
“This is the reason of the enslavement of Asia: the women of in Asia are ignorant and oppressed.
Europe and America are powerful because there the women are free and educated, their mind is
lucid and their character is strong…”
Kinumpara ni Rizal ang mga babaeng Pilipino sa mga babaeng Europeo sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa sa kung paano nakikita ng mga babaeng Spartan ang kanilang sarili. Ang
mga inang Spartan ay hindi nalulungkot kahit umuwi ang kanilang mga anak na patay basta ang
importante ay nanalo sila sa laban. Ang mga kababaihang Pilipino naman ay dapat ganoon din ang
gawin. Dapat turuan nila ang kanilang mga anak na mabuhay ng may dignidad at pagmamahal sa
bayan at magagawa lamang nila ito kung sila rin mismo ay mabubuhay ng may dignidad,
pagmamahal sa bayan, at hindi mga alipin ng simbahan.
Nakita ni Rizal na kailangan din mapalaya ang mga kababaihan sa isang kulturang sila ay
sunud-sunuran lang dahil nakita niya ang malaking magagawa ng mga kababaihan sa pag papalaya
ng bayan. Sa ganitong konteksto, masasabi na ang pagtingin ni Rizal sa kasarian ay pantay lang sa
pagitan ng babae at lalaki dahil pareho silang may malaking gagampanan sa bayan.
Sining
Ginamit ni Rizal ang sining upang maging sandata niya sa pagbubunyag ng mga kasamaang
ginagawa ng Espanya, partikular na ng mga prayle. Ang nobelang Noli me Tangere at El
Filibusterismoay pangunahin sa kanyang mga gawang sining na siyang bumabatikos sa pananatili
ng Espanya sa Pilipinas. Naniniwala si Rizal na malaki ang magagawa ng sining upang mag-
impluwensiya at mag-mulat sa kapwa niya Pilipino.
Ang sining din ay naging daan kay Rizal upang ilabas ang kanyang talento sa pagguhit at
paglilok. Ang mga likhang-sining na ito ay naging libangan ni Rizal upang ipakita sa pamamagitan
ng sining ang kanyang mga nakikita sa iba’t-ibang lugar na pinupuntahan niya, halimbawa nito ay
ang:Singapore Lighthouse, Castle of St. Elmo, Brooklyn Bridge, Mt. Makiling, at marami pang iba.
Sa mga likhang-sining din ni Rizal naipakita ang mga taong mahahalaga sa kanya, gaya ng mga
isketches niya sa kanyang mga kapatid, mga matatalik na kaibigan, at mga taong nakilala niya sa
kanyang paglalakbay.
Ang sining ay may malaking parte sa buhay ni Rizal. Sa pamamagitan nito nailalabas ni Rizal
ang kanyang mga saloobin. Bata pa lamang siya ay nakitaan na siya ng talento sa pagsulat ng tula
sa pamamagitan ng tulang “Sa Aking mga Kabata,” kung saan naipakita niya dito na sa kanyang
murang edad ang pagmamahal niya sa sariling wika at sa bayan. Sakanya ring mga gawang sining

21
ay inihahayag ni Rizal ang kanyang nararamdaman, gaya ng tulang “Sa mga Bulaklak ng Heidelberg”
kung saan inihayag niya ang kanyang pangungulila sa bansang Pilipinas. Inihayag niya rin sa tula
ang kanyang katapatan sa bansang Pilipinas:
“Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,
Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,
Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,
Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;
Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin
Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin…”
Sining ang naging sandata ni Rizal. At dahil dito namulat ang mga Pilipino sa katotohanang
dapat nilang makita na nag paalab ng kanilang mga puso upang mag lunsad ng isang rebolusyong
magpapalaya sa bayan laban sa pananakop ng Espanya.

Andres Bonifacio: Rebulusyunaryo

Itinatag ni Bonifacio ang isang rebolusyunaryong samahan na tinatawag na Katipunan. Nang


malaman ito ng mga Kastila, nakapaghikayat sila ng higit kumulat 30, 000 na kasapi sa loob ng anim
na buwan. Tatlong araw pagkatapos matatag ang La liga Filipina ay ipinatapon si Rizal sa Dapitan,
Mindanao. Nang mabuwag ang samahan Liga ay dito nag-alsang itatag ang samahang Katipunan.

Ang kaisipan ni Bonifacio ukol sa rebolusyon ay inilathala sa rebolusyonaryong pahayagan,


Kalayaan. Naging malaki ang bahagi ni Agoncillo sa pagpaparami ng kasapi sa Katipunan sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng ideyang nakalathala sa pahayagang Kalayaan bilang
“makapangayarihang salita.”

Sa pagsasagawa ng isang kasunduan ay binago ni Bonifacio ang paraan ng Sanduguan na


ginamit noong panahon bilang pakikipagkasundo sa pagitan ng isang kastilang manlalayag na si
Miguel Lopez de Legazpi at Sikatuna na isang pinuno ng Isla Bohol upang mapag-isa at magkaroon
ng malapit na ugnayan ng dalawang pangkat. Ang Sanduguan ay ang pahalo ng dugo ng dalawang
tao at iinumin nilang pareho. Ito ay nagpapakita ng pagiging isa ng dalawang pangkat bilang
kapatiran. Ibig sabihin ay pakikipagkasundo ng pagtutulungan sa bawat isa sa pangangailangan at
pag-unlad.

Kung ang kasunduang panlipunan na magtatag ng isang pamahalaan sa pamamagitan ng


mamamayan ay basi sa pangangailangan ng sambayanan na magkaroon ng seguridad sa kanilang
buhay at pag-aari. Ang Sanduguan naman ay tumutukoy sa pagkakasundo o pakikipag-isa ng
dalawang pangkat at mas madali kaysa sa kasunduang panlipunan. Kapag nagkaroon ng paglabag
sa kasunduan ay may malalim itong katuturan sa samahan na kung saan ito ay pagkakanulo ng
isang kapatiran laban sa isang kapatiran.

Ayon kay Bonifacio, isang makatwiran ang paghihimagsik o pakikidigma kung may paglabag
sa kasunduan. Ang mga katutubong pangkat sa buong Pilipias ay masagana sa pamumuhay,
malaya, at masaya bago pa man dumating ang mananakop na Kastila. Sa ibang paglalarawan, ito
ay isang paraiso. Habang ginagampanan ng mga Pilipinong katutubo ang kanilang tungkulin sa
kasunduan – ang pagbuo ng mga barko ng Kastila, pagbabantay sa kanila, lumalaban para sa kanila,
pagtatayo ng kanilang kuta at simbahan – ay bigo namang naisagawa ang kanilang parte sa
kasunduan. Pinagsamantalahan nila ang kahinaan ng mga katutubo sa pamamagitan ng lakas ng
paggawa at pagbili ng mga katutubong produkto sa mababang presyo. Naging bulag ang mga
mamayang Pilipino sa karapatan at pagkamulat sa katotohanan at relihiyon. Naging mas maunlad
ang mga Kastila sa karangyaan at ang mga mamamayan ay unti-unting naghihirap. Iilan lamang ang

22
mga Pilipinong nagkaroon ng magandang benepisyo mula sa mga mananakop. Para kay Bonifacio,
ang pagbuwag sa kasunduan ay nangangailangan ng marahas na pag-alsa. Ang himagsikan ay
isang daan upang maibalik ang dating paraiso.

Film Showing:
Pelikula: Jose Rizal (1998)
Direktor: Marilou Diaz-Abaya
Pangunahing Aktor: Ceasar Montano

Gawain: Bumuno ng isang Video Documentation sa Pilosopiya at Paniniwala ni Rizal at Bonifacio.

Pagsusulit: Sumulat ng iyong refleksyon sa Pelikula at alamin kung anong nakapaloob na pilosopiya
at kaisipan ni Rizal at Bonifacio.

KULTURA NG PILIPINAS

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga


katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon,
ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala
bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na
mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang
halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista,
nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay
kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan.
Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa
katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga
tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India,
Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang
Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago
dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang
wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma,
na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram
na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik.
Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian,
tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Lipunang Pilipino

Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa
pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa
ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa
lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga
mahihirap.

Kaugaliang Pilipino

23
 Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na
nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang
bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-
bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang
mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang
inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay
sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di
gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga
lipunang Europeo at Amerikano.

 Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit


sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng
mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga
kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak.
Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa
mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay
mag-kakakilala.

 Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng


maganda at mabuting pakikitungo sa iba.

 Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay
naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan;
ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay
hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang
halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang
kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at
nawawalan ng lakas ng loob.

 Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin
ang mga sinabi nitong mga salita o pananalita

 Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.

 Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.

 Utang na Loob : Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa
mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan

Mga Pambansang Pagdiriwang

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa


kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't
tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok
sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito
bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa

24
ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa
pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod
ng pamilya.

Araw ng Rebolusyong EDSA


Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na
ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador.
Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa
harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong
Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o
Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.

Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga
matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw
ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.

Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga
manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon
sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw maayos na
tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.

Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng
Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-
aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat
ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa
pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

Araw ng mga Bayani


Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga
Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito
ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.

Mga pansibikong pagdiriwang

May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong
pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga
katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na
idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may
pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang
walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.

Araw ng mga Puso


Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin
sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang
ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn
tao ng kard o anumang alaala sa araw na ito.

25
Linggo ng Pag-iwas sa Sunog
Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang
mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog.
Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar,
nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na nagpapakita
ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.

Araw ng mga Ina/mga Ama


Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang
Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga
ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.
Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang
pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.

Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula,
pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng
Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.
Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa
ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit
ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.

Araw ng mga Nagkakaisang Bansa


Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa.
Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong
mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang
nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa
pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na
sa telebisyon at radyo.

Araw ng mga Guro


Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan
ginagawa sa atin ng mga guro.

Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon


Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito
ng petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila.
Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon.

Mga pagdiriwang na panrelihiyon


Likas na relihiyoso ang mga mamamayang Pilipino, lalo pa’t naniniwala silang may
sobrenatural na nilalalang na higit na makapangyarihan kaysa tao at hindi matatalos ng anumang
katwiran, at nagtatakda sa kapalaran at kahahantungan ng sangkatauhan at ng lahat ng pangyayari
sa buhay.
Nang dumating ang mga mananakop na kastila sa bansa ay lumawak ang relihiyonalismo sa
bansa. Dahil rito ay dumami ang mga iba’t ibang pagdiriwang at okasyon na hinggil sa relihiyon,
Dumarami ang pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang
buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino.

26
Pasko
Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-
25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano.
Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16
ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit
ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa
misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko.
Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin
ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang
sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng
Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak.
Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.

Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw na parol
na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.

Ati-atihan
Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan.
Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada.
Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol
sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Niño ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman
ng "viva" ang iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.

Mahal na Araw
Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang
ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan
na ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong
nagpapasakit o namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang
sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga
rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing
Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo
ng Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.
May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng Marinduque.
Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga Romanong
sundalo at makukulay na maskara ang mga namamanata.

Pahiyas
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de
Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong
pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.
Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng
mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari.
Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa
pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing
buwan ng Mayo.

Santakrusan

27
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon
ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming
naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga
babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

Pista ng Peñafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa
rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peñafrancia ang
dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan
lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko.

Araw ng mga Patay o Todos los Santos


Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at pinararangalan ang mga
namatay na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo
upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay
na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.

Ramadan
Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing Marso
hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang
pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa
buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim kapag
nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga
pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang
pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila
ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Hari Raya Puasa


Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang Hari Raya Puasa.
Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol. Agad
silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng
isang oras. Imam ang tawag sa kanilang pari.

Wika bilang Kultura

Tulad ng dating napag-aralan, ang wika ay ang “pangunahin at pinakamabusising anyo ng


gawaing pansagisag ng tao” (Archibald Hill). Ngunit ano naman ang kultura?—at papaano natin
maiuugnay ang dalawang ito?

Gaya ng depinisyon ng wika, mahigpit ding nakatali sa tao ang ating pagbibigay-halaga sa
kultura. Sa isang klasikal na pananaw–yaong nanggaling sa sinaunang Gresya at Roma–ay mas
malapit sa pandiwa ang kahulugan nito; “Cultura animi”, ayon kay Cicero, o ang paglilinang sa
kaluluwa.

At katunayan ay popular parin ang ganitong pag-iisip hanggang ngayon. Sa akda halimbawa
ni Matthew Arnold na ‘Culture and Anarchy’ ay tinukoy niya ang kultura: “…a pursuit of our total
perfection by means of getting to know, on all the matters which most concern us, the best which has
been thought and said in the world, and, through this knowledge, turning a stream of fresh and free
thought upon our stock notions and habits…” (Arnold, 2003). Mapapansin din ang ganitong pag-iisip
sa gamit ng mga terminong “high culture” at “cultured”. Para bagang nagpapahayag ito ng isang
paghihiwalay sa normal na gawain ng tao at sa yaong naglilinang umano ng kaluluwa.

28
Tadtad ng problema ang ganitong depinisyon,
hindi lamang dahil sa ito ay komplikado at malabo,
kundi dahil na rin sa posibilidad nitong magdulot ng
pagkiling sa isang partikular na grupo. Halimbawa, ang
pag-iisip na mas nakatataas ang uri ng “kulturang”
kinikilusan ng mga elite sa lipunan ay isa sa mga
malimit na ginagamit upang bigyang kabuluhan ang
ideya ng imperyalismo at elitismo. Ang ganitong
mahigpit na paghahati sa lipunan sa iba’t ibang antas
ay nagreresulta sa masamang pagtrato sa “mababang
antas” ng komunidad. Kaya’t mahalagang ating
puspusang tukuyin ang kahulugan ng kultura at ang
ugnayan nito sa ating talastasan at pamumuhay.

Si Edward Tylor (Mula sa Wikimedia)


Sa halip na isipin nating isang gawain ang
kultura, maaaring tukuyin ito gamit ang arkeolohikal na
depinisyon. Sa mga sanay ng arkeoloji at kasaysayan,
ang kultura ay may mas materyal atobjective na
kahulugan. Ituon ang pansin sa pahayag na ito mula
sa akdang Primitive Culture ng Anthropologist na si Edward B. Tylor: [culture is] “that complex whole
which includes knowledge, belief, art, law, morals, custom, and any other capabilities and habits
acquired by man as a member of society”( 1871).
Samakatwid, sinasabi ni Tylor, gaya ng makikita sa akdang Kultura ng Wika ni Prospero R. Covar,
na maaaring uriin ang mga bagay na ating nalalaman sa dalawang kategorya: kalikasan at kultura.
Ang ganitong pagtutukoy ay mas malawak, mas simple, at mas neutral kaysa sa dating natalakay.

Bilang paglilinaw, ang kultura ay ang kahit anong produkto o tagatanggap ng gawain ng tao—
ito man ay pisikal na aksyon o pag-iisip, sinasadya o aksidente, mabuti o masama. Sa pagtutukoy
ng kultura, walang kaiba ang pinakalumang tradisyon sa Instagram. Ang klasikal na obra ay kultura;
at gayon din ang isang plakang nagsasaad: “Bawal umihi dito.” Ang akdang Noli Me Tangere ay
kultura, at kultura din ang “She’s Dating The Gangster” (Gaano man kasakit para sa aking sabihin
y’on).

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng kultura na sa loob ng mahabang panahon ay


tumulong upang hubugin ang ating paraan ng pag-iisip at pagtatalo. Gaya ng isang martilyo na
produkto ng ating pangangailangan ng magandang pamukpok, ang wika ay kulturang umusbong
mula sa ating pangangailangang mas epektibong makipag-usap sa isa’t isa.

Bilang kultura, ilan sa mahahalagang palagay na maaaring gawin tungkol sa wika ay:
 Ang wika ay gawa ng tao at may kabuluhan lamang dahil sa pagbibigay-kahulugan ng tao;
 Ang wika ay hinubog at patuloy na hinuhubog ng gawain ng tao;
 Ang wika ay humuhubog rin sa ibang aspeto ng kultura ng tao;

Walang malaking kaiba ang wika sa ibang aspeto ng kultura ng tao. Ito ay may kahulugan lamang
dahil sa pagpapataw ng tao ng kahulugan dito. Ang bokabularyo, balarila, at istraktura ng bawat wika
ay hindi nakatali sa anumang natural na batas. Bagkus, ito ay nakadepende sa grupo ng mga taong
nagnanais ng wika upang punan ang isang partikular na pangangailangan.

29
Ang salitang ‘trono’ ay masasabing kathang-isip lang natin. Hindi gaya ng kuryente o tubig o pag-
iisa, ang kahulugan ng mga titik na bumubuo sa ‘trono’ ay nakadepende sa pag-iisip ng tao na ito ay
upuan ng isang hari o lider. Ang mga pantig at tunog na bumuo sa salitang ‘trono’ ay iilan lamang sa
di-mabilang na serye ng mga tunog na walang kahulugan sa labas ng ating species—sa labas ng
lipunan.

Hindi lamang ito totoo para sa kahulugan ng mga salita; ganito rin ang katangian ng ibang aspeto
ng isang wika—ang syntax, alpabeto, at iba pang aspeto nito ay nabuo lamang mula sa pagbibigay-
kahulugan ng mga gumagamit ng wika. Gaya ng pag-aaral ng mga lumang paso na nagreresulta sa
isang limitado datapwa’t mahalagang kaalaman ukol sa mga gumawa at gumamit ng pasong
iyon, ang pag-aaral ng mga katangian ng wika ay oportunidad na matuto tungkol sa mga nagsusulat
o nagsasalita ng wikang ito.

Sa akda ni Covar, nagbibigay siya ng isang maikli ngunit madiwarang pagpapaliwanag ng mga
katangian ng pagpapantig at istraktura ng wikang Filipino. Ipapalagay ko na ang tagapakinig ay may
sapat nang kaalaman ukol sa mga gamit ng pangngalan, pandiwa, panghalip, pang-uri, pang-abay,
at iba pang bahagi ng pananalita. Dahil medyoredundant si Covar sa kanyang pagdidiskurso nito,
pag-usapan nalang natin nang mas maigi kung papaano nakahahanap ng koneksyon sa wika at
kultura.

Halimbawa, kung susuriin ang salitang baranggay, makahahanap ng koneksyon sa orihinal na


kahulugan nito—sa pinanggalingang Austronesian na ‘balangay’—at sa kahulugan nito ngayon. Ilang
libong taon mula ngayon, maaaring suriin din ng mga historyador at mananaliksik ang wika ng ating
panahon upang makakuha ng ideya tungkol sa ating lipunang ginalawan, sa mga gawain ng tao,
lebel ng pamumuhay, atbp.

Kahit malaki pa ang ikabago ng lipunan, ebidensya parin ng ating kasalukuyang kalagayan ang
wikang ating ginagamit. Gaya ng paggamit ng ‘hiyas’ para sa gem at para din sa virginity;
nangangahulugang may mataas na pagpapahalaga sa pagiging birhen. Ang ‘durog’ ay maaaring
tumutokoy sa pulbura o di-kaya’y sa isang taong nasa ilalim ng impluwensya ng droga. Ebidensya
naman ito sa paglaganap ng isang drogang pulbura—na kahit walang matatag na senso na
makapagbibigay ng tiyak na bilang ng gumagamit, ay malalamang laganap dahil sa bilang ng
naaaresto at sa epekto nito sa kultura, kabilang na ang wika ng mga tao.
Hindi lamang mga salita ang may ganyang kaugnayan sa kultura. Ang mga sosyolek din—ang
porma at tono ng wikang ginagamit ay batay sa hangarin ng may-akda at sa inaasahang tagapakinig.
Marahil mas kapansin-pansin naman ang gamit ng bantas at ang kaugnayan nito sa primerong
trabaho ng nagsusulat. Ang mga siyentipiko,mathematician at engineers ay nasasanay sa mga
simbolong kanilang inaangkat patungo sa ‘natural’ na wika. Mas malimit sila gumamit ng mga bantas
gaya ng < >, { }, –, at iba ang gamit sa ibang bantas. Ang * ay pang-multiply, ang % ay modulo, ang
~, !, $, at # ay may kanya-kanyang ibang kahulugan. At maraming tao ang hindi makauunawa ng
simbolong xor.

Sa seryeng Discworld ni Sir Terry Pratchett ay malimit din siyang gumamit ng isang elementong
hindi palagiang pinapansin sa mga diskurso sa paaralan. Ito ay ang typeface o fontstyle na malimit
paglaruan ni Pratchett at ng mga gumagawa ng komiks. Sa akda ni Pratchett, halimbawa, ang
karakter ni Kamatayan ay nagsasalita sa MALALAKING TITIK. Ang kombinasyon ng paglalarawan
sa teksto at ang typeface na ginagamit ay nakabubuo ng mas konkretong imahe ng karakter. Kung
ang mga titik naman ay paliit nang paliit ay naiiisip (sa tulong din muli ng konteksto sa binabasa) ang
HUMIHINANG TUNOG. Sinasalamin naman nito ang pagkokonekta ng ating isip sa mahinang tunog
sa maliit na bagay, o sa matibay na bagay at pagiging uniform.

30
Patunay lang ang lahat ng ito na ang wika, bilang kultura, ay
sumasalamin lamang sa pangangailangan at paraan ng pag-iisip ng
tao. At gaya ng siyensya o relihiyon, nagbabalik rin ito ng pagbabago
sa mas malaking balangkas ng kultura ng tao. Halimbawa nito ang
pagkakaroon ng pambansa o pansariling wika na tumutulong upang
magbigay-distinksyon sa isang politikal o social na entitiy. Ginagamit
ang Filipino upang pagtibayin ang pagiging Pilipino natin, kaya’t nagkakaroon ng priksyon sa pagitan
ng mga wikang panrehiyon at wikang pang-internasyonal.

Hindi ko susuportahan ang katawa-tawang Sapir–Whorf hypothesis, ngunit aking aaminin na


may masusukat na epekto ang wika sa tao. Kung ang siyensya ay ang gawain ng pag-iisip para
mapag-aralan ang kalikasan, at kung ang relihiyon ay gawain ng pagtatanong para suriin ang sarili—
ang wika naman ay gawain ng paglalagay ng ating mga iniisip at damdamin sa isang lalagyan (gaya
ng mga titik at bantas) para ilipat sa kamay ng ibang tao {kasi nga hindi pa natin nagagawa ang
telepathy}. Ang katangian ng code na ito ay may impluwensya sa magdedecode ng mensahe.

At bilang ganoong uri ng kagamitan, ang wika ay tulad din ng ibang kultura. Nabuo at nalilinang
ito upang punan ang partikular na pangangailangan. Sa ganitong paraan ng pag-iisip, sana’y ma-
internalize natin ang pundamental na uganayan sa pagitan ng gumawa at ng ginawa—ng tao at ng
wika; na walang wikang natural na nakatataas sa iba, bagkus ay ebidensya lamang ang pagkakaiba
sa wika sa pagkakaiba sa kultura at kasaysayan ng gumagamit nito.

Gawain:
Magsasagawa ng isang saliksik hinggil sa kultura ng mga Pilipino at paano nito pinalalawak
ang ating kabihasnan at paniniwala.

FILIPINO NG KILUSANG PAMBANSA-DEMOGRAPIKO (KDP)


PILOSOPIYA AT POLITIKA SA PAMBANSANG WIKA
ni Monico M. Atienza

Ilang depinisyon at paglilinaw

Kilusang Pambansa-demogratiko (KDP) –ang terminong tumutukoy sa mga rebolusyonaryo


puwersa –mga uri, sektor, grupo at mga indibidwal –na nasa pamumuno ng Partido Komunista ng
Pilipinas na muling itinatag noong 26 disyembre 1968 at mas kilala sa tawag na CPP-MLKMZ
(Communist Party of the Philippines –Marxista –Leninista –Kaisipang Mao Zedong).

Ideolohiya –ang terminong tumutukoy sa abanteng kaisipan at kamalayang gumagabay at


nagpapakilos sa sulong na destakamento ng uring manggagawa –ang proletaryong partido nito –
para wasakin ang pagsasamantala at pang-aapi at lahat ng tipo reaksyon sa lipunang may-uri
kapitalista o alinmang lipunang binabansot ng kapitalismo, lali na sa anyong monopolyo.

Politika –ang terminong tumutukoy sa lahat ng anyo ng pagkilos ng KDP na may tuwiran o
masustansyang layon nitong umagaw at magpanatili ng kapangyarihang komontrol at mamahala sa
gobyerno, mula sa mababa hanggang mataas na antas.

31
Filipino ng KDP at mahalagang mga katangian nito

Sa KPD, ang pambansang wika ay Pilipino (Filipino sa panahon nating ngayon). Ito ay
nakabatay sa Tagalog at umuunlad na sa buong kapuluan at napayaman na ito ng iba’t ibang salita
termino mula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas, kasama na ang mga dayuhang wika, pangunahin na
ang Kastila at Ingles. Gayunpaman, di na tinatalo pa ng kilusan ang Katawagang Filipino sa wikang
pambansa ng Pilipinas sa ilalim ng Konstitusyong 1987.malaki man ang impluwensya rito ng mga
Pilipinong ginagamit sa Kamaynilaan at malawak namang napapaabot ng radyo, telebisyon, pelikula
o maging ngilang dyaryo at magasing popular, masasabing may umuunlad na itong mga barayti sa
iba’t ibang rehiyonsa bansa kung saan nga ang mga salita terminong gamitin ng nakakraming
mamamayan sa liblib. Muninsipalidad, poblasyon at lungsod ay nakikipaglakipan sa pambansang
wikang Filipino.

Gawain:
Sumulat ng isang Talumpati hinggil sa paniniwala sa Pamahalaan.

FEMINISMO SA PILIPINAS

Ang Pinagmulan ng Kaisipang Feminista sa Pilipinas

Marami ang nagpapalagay na ang feminismo ay kaisipang banyaga sa Pilipinas. Inankat


diumano ang kaisipan ito na ngayon ay ipinangangalandakan ng mga “maiingay.” Gitang uri o middle
class at agresibing feministang kanluranin ang takbo ng isp at pagkilos. Kaya naman wala diumanong
katuturan ang feminismo sa pambansang pamumuhay at kultura.
Ang hirap sa ganitong pagpapalagay ay ang katunayang yaong pinagmulan kadalasan ay walang
simpatya sa babae. Maaaring ni hindi nila pinag-aaralan ang kilusang kababaihan o ang mismong
kasaysayan ng pag-unlad ng buhay ng mga babae sa bansa. Bakit hindi dito muna magsimula –sa
pag-aaral sa babae at konstruksyonng pagkababae sa lipunang Pilipino –bago tuluyang tuligsain ang
feminismo bilang isang angkat o imported na “Ideolohiya”.

Gawain:
Magsasadula ng isang pangyayari na kung saan ang paksa ay ang “Pagpapahalaga sa
karapatan ng mga kababaihan.”

YUNIT 3
PAGSASALIN NG PILING TEKSTONG MAKABULUHAN SA DALUMAT NG/SA FILIPINO AT
PAGSULAT NG DALUMAT SANAYSAY

Inaasahang Matutuhan sa Yunit:


1. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.

32
2. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis
na akma sa iba’t ibang konteksto.
3. Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang
umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong konsepto o teorya na akam
sa mga realidad ng lipunang Pilipino.

MODYUL 1
PAGSASALIN NG MGA PILING TEKSTO

Inaaasahang Matutuhan sa Modyul:


1. Malaman ang kahalagahan ng pagsasalin at paano ito gawin.
2. Magsasagawa ng workshop sa pagsasaling-wika.
3. Makapagsasalin ng mga piling akda o tekstong makabuluhan sa dalumat ng/sa Filipino.

Pagpapahalagang Moral:
“Alin mang wika, magkakaiba ang kahulugan at gamit, iisa naman ang diwa.”

Input:
ANG PAGSASALIN AT PAGPAPAUNLAD SA WIKANG PAMBANSA
Virgilio S. AlmArio

Mahihiwatigang isang salin ito ng orihinal na balita sa wikang Ingles. At maliban sa hindi ko
nagugustuhang gamit ng “na kung saan” sa ikalawang pangungusap at tinatamad na “nag-fie” sa
ikatlong pangungusap ay maayos naman ang salin. Ngunit pansinin ang tila kawalan ng kakayahang
isalin ang ilang teknikal na salita. Halimbawa, ano nga ba ang opisyal na salin ng “Regional Trial
Court” at “Board of Marine Inquiry”? Isang mahalagang gawain ito na dapat isagawa ng alinmang
sentro sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ngunit ang higit na kapansin-pansin ay ang pananatili
ng ilang katawagang panghukuman: “temporary restraining order,” “legal authority,” “civil case,” at
kahit ang “fie.” Kung medyo nagtiyag pa ang reporter na nagsalin, puwede naman sanang ipalit sa
“nagfie’ ang “nagsumite” o ng mas Tinagalog na “naghain,” “nagdulog,” “nagpasok.” Puwedeng ipalit
sa “civil case” at “legal authority” ang paEspañol na “kasong sibil” at “legal na awtoridad.” Sa hulíng
naturang hakbangin, pinaiiral ang paniwalang higit na popular ang ipinapalit na salitâng Español sa
isinasáling salitâng Ingles. Mas matagal na kasing ginagamit ang “kaso,” “sibil,” at “awtoridad” kaysa
“case,” “civil,” at “authority.” Kahit ang “legal” na may iisang anyo sa Ingles at Español ay mas kilalá
ng sambayanan sa bigkas nitóng Español (“legál” mabilis) kaysa bigkas nitóng Ingles (“ligal”
malumay). Ngunit paano isasalin ang “temporary restraining order”? “Utos sa pansamantalang
pagpigil”? Mawawala ang popular nang “TRO” na mula sa inisyals ng orihinal na prase sa Ingles.
(Paano nga ba ito isinalin ni Hukom Cesar Peralejo?) O dapat manatili na lámang muna ang orihinal
sa Ingles? Isang pansamantalang remedyo ito na iminumungkahi kahit ng kasalukuyang patnubay
sa ortograpiya (tingnan sa tuntunin 4.6) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Pansamantalang remedyo ito at kailangan upang maipagpatuloy ang paggamit, lalo na sa


pagtuturo at pagsulat, ng mga bagong hiram na salita. Pansamantalang remedyo sapagkat
naniniwala pa rin ako na darating ang araw na may lilitaw at mapagkakasunduang salin ang ganitong
hiram na salita, bukod sa maaaring ipailalim sa reispeling kapag hindi na isinalin. Sa kabilâng dako,
ipinahahayag ng reporter sa kaniyang ginawang pagsasalin ng balita ang kaniyang personal na
paniwalang hindi na kailangang isalin ang naturang mga salitâng teknikal sa Ingles. At ang kaniyang
personal na paniwala ay sasang-ayunan ng maraming ibang reporter, editor, at titser na edukado
ngayon sa Ingles. Sa hanay ng kasalukuyang produkto ng ating edukasyong bilingguwal, tatanggapin
nating naiintindihan na ng madla ang “civil case” at “legal authority.” At dahil wala naman táyong
magagamit na survey kung gaano kalaki at gaano kalalim ang lumaganap nang bokabularyong Ingles

33
ng sambayanang Filipino ay mahirap nating salungatin ang naturang opinyon. Magkagayon man,
malaki pa rin ang aking hinala na hindi bahagi ng ating naisaloob nang bokabularyong Ingles ang
“temporary restraining order.” Ang totoo, malaki ang aking hinala na ang paggamit ng tinatawag na
“salitang higit na ginagamit ng masa” ay idinadaan naman sa wido o personal na hilig. Walang
siyentipikong batayan.

Noong kabataan ko at mapasáma sa inorganisang pangkat ng tagasalin sa hanay ng mga


aktibista, isang mahabàng diskusyon namin kung alin ang higit na dapat gamitin sa “ngunit,” “subalit,”
“datapwat,” at “pero.” Natitiyak kong wala nang gumagamit ngayon ng “datapwat” [kundi ako lámang,
sa ilang sinasadyang pagkakataón] at bihira nang lumabas sa ating bibig ang “subalit.” Gayunman,
alin ang mas gamitín sa “ngunit” at “pero”? Mayorya sa amin ang nagsabing ngunit na popular ang
“pero.” Sa kabilâ nitó, hindi kailanman ginamit sa aming mga salin ng sinulat nina Lenin, Marx, Mao
Tsetung, at Amado Guerrero ang “pero.” Bakit? Sapagkat nanaig pa rin ang kuro na may kaibhan
ang wikang pasulát sa wikang pasalita. Hindi laging angkop at dapat panaigin ang tuntuning “higit na
gamitín” (mabilis ang bigkas) sa pagpilì ng salita sa gawaing pasulát.

May mga pagkakataóng naghahanap ng ibang tuntunin. Wika nga ng isa sa amin, kung ang
pinakagamitín ang susundin ay hindi “pero” kundi “but” ang dapat naming isulat sa pagsasalin. Higit
nga namang mabilis ngayong ginagamit ang Ingles na “but” ng mga estudyante at silá ang target
namin noong mambabasá. [Ano nga kayâ’t “but” ang aming ginamit sa pagsasalin? Na siguradong
magdudulot naman ng isang bagong problema sa amin. Isusulat kayâ namin ito sa orihinal o isasa-
Filipino? “But” o “bat”?] Ano kayâ ang itsura ni Mao Tsetung kapag nagsalita na may “pero” at “but”?
Dahil naniniwala kaming pormal na pormal ang wika ng aming nais isaling mga akda ay ginamit
namin ang “ngunit” at paminsan-minsan ang “subalit.” Problema ito ng pag-aagawan sa ating dila’t
diwa ng katutubong wika natin at ng dalawang itinuro sa atin na banyagang wika. Ang
Tagalog/Bisaya/Ilokano versus Español/Ingles. Kung minsan, Español versus Ingles. At malimit kong
makaengkuwentro ang ganitong problema hanggang ngayon. Kamakailan, iniharap sa akin ang kaso
ng “kagawaran,” “departamento,” o “department.” Ang sagot ko, ikayayaman ng Filipino kung
gagamitin lahat ang tatlo, at siya namang nangyayari sa larangang pasalita. Ngunit, at ito ang aking
malaking ngunit: Kapag kailangang magpalaganap ng istandard na salin ng mga pangalan ng opisina
ay tiyak na hindi maganda ang “department.” Higit ko ring papanigan ang paggamit ng “kagawaran”
kaysa “departamento” bagaman natitiyak kong hindi ako kakampihan ng 90% sa mga kapuwa guro
ko sa Unibersidad ng Pilipinas. Paiiralin nilá ang kanilang sariling hilig para sa hiram na salita. Hindi
nilá mauunawaan ang idea ng elegansiya, at lalong hindi nilá didinggin ang tuntunin ng pagpapairal
sa katutubo kapag mayroon naman. Sasabihin niláng purista kasi ako. Ngunit bakit nga ba inimbento
pa noon ang “kagawaran” kung hindi kailangan?

PAGSASALING-WIKA

 Ang pamamaraan kung saan ang diwa ng isang salitang dayunhan ay inililipat sa wika ng
ibang bansa. Isinasagawa ito sa mga salitang teknikal o pang-agham na magagandang
tumbasan ng bokabularyo ng isang wika.

MGA URI NG PAGSASALIN

 LITERAL NA PAGSASALIN
Iniiba lamang ang baybay alinsunod sa ortograpiya ng wikang pinagsamahan.

Halimbawa
Diplomacy- Diplomasya

34
Archipelago - Arkipelago
Allocation - Alokasyon
Equilibrium - Ekwilibriyum
Deflation – Deflasyon

 BINAGONG LITERAL
Naiiba ang pagkakasalin subalit naroon pa rin ang diwa.
Halimbawa
Democratic Leadership - Pamunuang Demokratiko

 IDYOMATIKONG SALIN
ang mga pahiwatig ay buong naisalin nang di nawawala ang kahulugan
Halimbawa
If I were in your shoes - Kung ako ikaw

 LUBHANG MALAYA
Dinadagdagan ng pampalinaw ang salita upang lubusang maunawaan.

Halimbawa
Feedback - Bumabalik Na Ingay

MGA PANUNTUNAN SA PAGSASALIN


 Isaalang-alang ang kakanyahan ng wikang kinabibilangan ng salita.
 Bigyang halaga ang kaakibat na kultura ng wika. Sapagkat bawat lahi ay sinasalamin ng
wikang gamit sa komunikasyon.
 Mahalaga rin ang kagamitang pang konteksto ng salita.
 Ang mga salitang hindi maganda sa pandinig ay dapat tumbasan ng malumanay na
pananalita o eufemismo

Oryentasyon:
Magkakaroon ng isang seminar o wokshop sa pagsasagawa ng pagsasaling-wika.

Gawain: (pangkatang gawain)


Maghanap ng mga piling akda o teorya na magkakatulong sa pagdadalumat sa mga kontekstong
Filipino.

Pagsasanay:
Bumuo ng isang sanaysay para sa pagpapaunlad ng pagdadalumat sa kontekstong Filipino.

35
YUNIT 4
PAGDADALUMAT SA FILIPINO

Pagbasa at pagsulat ang lilinangin sa yunit na ito. Dito ay palalawakin ang kaalaman ng mga
mag-aaral ang kanilang kaalaman at kaisipan basi sa mga natalakay sa ikalawang yunit. Dito ay mas
mahahasa ang kanilang kasayan sa pagbuo ng isang dalumat o artikulo na maaaring makapag-
ambag sa pangangailangan ng lipunan. Kinakailangan ang masidhing pagsasaliksik at pagsisiyasat
upang mas lalong epektibo ang isasagawang pagbuo ng isang dalumat sa kontekstong Filipino.

Inaasahang Matutuhan sa Yunit:

Malinang ang kasanayang pagbasa ng mga reperensya o mga dalumat at ang kasanayang
pagsulat sa pagbuo ng isang outpot na naglalaman ng mga kaisipan o teorya hinggil sa mga
nabasang artikulo o konteksto.

MODYUL 1
PAGBASA AT PAGSULAT SA DALUMAT FILIPINO

Inaasahang Matutuhan sa Modyul:


1. Malaman ang kahulugan ng pagbasa at pagsulat.
2. Malaman ang mga katangian, hakbang at mga uri ng pagbasa at pagsulat.
3. Makapagsasagwa ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto gaya ng skrip, balita at iba
pang uri ng panitikan.
4. Mapaipapaliwanag ang kaibahan ng pagbasa at pagsasalita.
5. Makapagbasa ng mga artikulo o dalumat-Filipino.
6. Makabuo ng isang kaisipan o teorya sa paraang pagsulat ng isang katha o artikulo
base sa kanilang nabasang sanggunian o referensya.

Pagpapahalagang Moral:
“Be more, Read More.” –Lord Chesterfield
“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip.” –unknown

Input:
MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT
KAHALAGAHAN AT KALIKASAN
Pisikal at Mental na Aktibiti
 Pisikal- ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel,o sa pag pindot ng mga keys ng
tayprayter o ng keyboard ng kompyuter.
 Mental- ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo
ng debelopment at patern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramarna naaayon sa mga
tuntuninng wikang ginamit.
PROSESO SA PAGSULAT
 Prewriting o Bago sumulat
-lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon,pag-iisip ng mga ideya, pagtukoy ng
istratiheya ng pagsulat at pag-ooganisa.

36
 Ang unang Burador o Draft Writing
-iminumungkahing sundin ang balangkas ng bawat seksyon.palawigin ang iyong parirala sa
pangungusap. Dahil nais mong makasulat ng mabilis sa yugtong ito, huwag mo munang alalahanin
ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na
lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador.

 Revising o Pagrebisa
-proseso ng pagbasang muli sa burador nang maikling ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento.

 Editing o pag-eedit
-ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit
at pagbabantas.

PAGSULAT NG PROPOSISYON
Ano ang Proposisyon?
-ito’y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan
ng mga argumento.
KAHALAGAHAN NG PROPOSISYON
 Sa pamamagitan nito nililikha ang paniniwala.
 Ito ay pangkahalahatan o pang-unibersal.
 Ito’y kailangang-kailangan ng tao bilang anyo o paraan ng pakikipag-komunikasyon sa
bawat isa.
PAGPAPAKAHULUGAN SA LITERATURA
 Ang “panitikan” ay ang pagsulat ng tuwiran at patula na nag-uugnay sa isang tao. Ito rin ay
repleksyon ng buhay na nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, hangarin sa
buhay, diwa at mga karanasan ng tao.
May dalawang pangkalahatang uri ng panitikan ito ay ang:
 PIKSYON – ito ay anumang anyo ng salaysay kung saan ginagamit ng mga manunulat ang
kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang – isip lamang.
 DI – PIKSYON – isang pagsasalaysay o paglalahad ng isang paksa na inihaharap sa isang
may – akda bilang katotohanan, ibig sabihin nito, may batay sa tunay na balita at mga
pangyayari.

Apat na Uri na mga Mambabasa


 Mambabasang Sumasang-ayon  Mambabasang galit
 Mambabasang hindi sumasang-ayon  Mambabasang walang pakialam
MGA KATANGIAN NG MATALINONG MANUNULAT
1. May malawak na pag-iisip.

37
2. May pananaw
3. Malakas ang loo bang nais niyang iparating.
LIMANG (5) KATANGIAN NG PAGSULAT
1. Sinasalitang tunog 3. Likas ang wika
2. Arbitraryo 4. Ang wika ay dinamiko
Ang wika ay masistematemang balangkas
Pagkakaiba ng pagsulat at pagsasalita
 Pagsulat
Sabi ni Fred Saberhagen, “nasa paligid lang ang mga ideya. Ang nasulat na papel na pinag-isipan
at binuo sa pamamagitan ng mga tamang salita ang talagang pinagsikapan.
Sabi naman ni Edward Albee, “Ang pagsulat ay isang diskoveri.”
Para naman kay Donal M. Murray (1978)~ nagsusulat daw siya upang bigyang-hugis ang kanyang
iniisip.
 Pagsasalita
Wika naman ni David R. Olson~ang nakatagong “consequence” ng pagsulat ay ang lohika.”
May kontekstong sitwasyional. Magkaharap ang nag-uusap at nakakapagbigay ng kagyat na
feedback na berbal o di-berbal.
Ang pagsasalita ang panguahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan at pakikipagisa
ng mga tao. Ito ay magsisilbing daan upang ang mga guro at mag-aaral ay magkaunawaan tungo
sa pagtahak sa landas ng tagumpay.
Sabi ni Mark Twain, “dalawang uri ng tagapagsalita, yong mga takot at yong mga sinungaling.”
Para kay Lenny Leskowski sa kanyang “Elements of an effective Speech” binanggit niya
ang ganito, “Ang kalahati ng mundo ay binubuo ng mga taong may gustong sabihin subalit
di masabi, at ang kalahati ay ang mga taong nagsasalita nang wala namang saysay ngunit
patuloy na nagsasalita.
KAHULUGAN NG TEKSTO
 - isang babasahin na puno ng mga ideya ng iba't ibang tao at impormasyon.
 Mga kathang nailimbag o naisulat.
KALIKASAN
 PORMAL AT DI PORMAL  KULTURAL, HISTORIKAL O
 KATOTOHANAN SAYKOLOHIKAY (KONTEKSTO)
 KATHANG-ISIP O ISANG OPINYON  PANGKARUNUNGAN AT
 TULUYAN O PATULA PANGKAALAMAN
 ORGANISADO O MAY KAISAHAN

38
Gawain
Panuto: Ilahad sa talahanayan pagkakaiba ng Pagsulat at Pagsasalita.
Pagsulat Pagsasalita

MGA URI NG PAGSULAT


1. .Akadimik- isang intelekwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad
ng kaalaman ng mga edtudyante sa paaralan.
Halimbawa: Kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahonang
papel.
2. Teknikal- isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal
o komersyal na layunin.
Halimbawa: ulat panlaboratoryo at computer
3. Jornalistik- saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum,anunsyo, at iba pang akdang
karaniiwang makikita sa mga pahayagan.
4. Referensyal-uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hingil
sa isang paksa.
Halimbawa: Bibliography, index, at note cards
5. Profesyonal na pagsulat- uri ng pagsulat na nakayuon o eksklusiv sa isang tiyak na
propesyon.
Halimbawa: Police report, investigative report, legal forms, at medical report
6. Malikhain- masining ang uring ito ng pagsulat . ang focus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di-fiksyonal ang akdang isinulat.
Halimbawa: Pagsulat ng tula, nobela, at maikling katha
URI NG PAGSULAT AYON KAY JAME KINNEAVY
• Informative
Nagbibigay ng informasyon at evidensya tulad ng mga report, ulat , balita, at iba pa. ito’y
naglalayon magpabatid.

• Persweysiv

39
Mga sulating naghihikayat upang tanggapin ang sinasabi ng awtor o mapaniwala ang mga
bumabasa tulad ng sanaysay, tanging lathalain at iba pa.

• Ekspresiv
Pampersonal na sulatin ng isang tao na nagsisiwalat ng kanyang damdamin at iniisip.

• Imaginativ
Mga akda ng likhang isip ng manunulat tulad ng mga tula, dula, at kwento ay bunga ng
imahinasyon ng mga manunulat.

• Formulaic
Ang mga sulating ito’y may sinusunod na pormat sa pagsulat tulad ng mga liham
pangkalahatan, thesis, desertasyon, teknikal at siyentipikong report.

ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN.


1. Paglalahad
›Pagpapaliwanag na nakasentro sapagbibigay-linaw sa mga pangyayari.
›Sanhi at bunga
›Magkakaugnay na mga ideya
›Pagbibigay ng halimbawa
Hal. Proseso ng pagluluto ng isang putahe.
2. Pagsasalaysay
›Nakapokus sa kronoloikal o pagkaksunod-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na
naganap.
›Nakapokus sa lohikal na ayos ng pangyayari sa naratibo at malikhaing pagsulat.
Hal. Maikling kwento at Nobela
3. Pangangatwiran
›Katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung
nakahain sa manunulat.

4. Paglalarawan
›Isinasaad sa panulat na ito ang obserbaston, uri, kundiston, damdamin ng isang
manunulat sa isang bagay, tao, lugar, at kapaligiran

Gawain
Panuto: Hahatiin ang lahat ng mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
bubunot ng kanilang gagawin.
Mga nakasulat sa papel:
1. Sumulat ng isang skrip na dramatiko (kahit anong paksa) at ipresenta sa gitna
pagkatapos.
2. Magsasagwa ng isang news cast TV show. May ulat-panahon, showbiz, trivia, at
kalagayan sa lipunan.
3. Magsagawa ng isang pagbabalagtasan. Kahit anong paksa ang pagtatalunan.
4. Magsagawa ng isang comedey show.

40
MGA GABAY O BATAYAN SA PAGSULAT
Bantayang tanong na mahalang masagot para sa paghahanda ng sulatin.
1. Ano ang paksang ng tekstong aking isusulat?
2. Ano ang aking layunin sa pagsulat na nito?
3. Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnayan ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan
ang aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang kaalaman ko sa aking paksa.
7. Ilang oras ang gugulin sa pagsulat? Kalian koi to dapat ipasa.
8. Paano ko madedevelop o mapapabuti ang aking teksto? Anu-ano ang mga dapat ko pang
gawin para sa layuning ito.
-ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. nag-iiba-iba rin ito depende sa manunulat.
Magkagayon man, mabubuod ito sa 3 pangunahing hakbang.
3 HAKBANG SA PAGSULAT
1. Pre-writing Pagsulat ng journal
Nagaganap ang paghahanda sa Brainstorming
pagsulat. Questioning
Pagpili ng paksang isusulat. Pagbabasa
Pangngalap ng datos o impormasyong Pananaliksik
kailangan sa pagsulat. 3. Ounding-out friends
Pagpili ng tono at perspektibong Pag-iinterbyu
gagamitin. Pagsasarbey
Obserbasyon
2. Pre-witing Activities Imersyon
Teknik na Pagtuklas o Discovery Technique
 Isang pamaraan ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa
kakayahan ng mga mag-aaral.

41
 Ito’y nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang makatuklas ng kaalaman,
konsepto, kaisipan, simulain at paglalahat.
Malayang Pagsulat (Free writing)
 Ito’y pagsusulat ng mga pangungusap o parirala na tuloy-tuloy hanggang makabuo ng
burador.
 Isang uri ng pagsulat na kung saan ang mga ideya ay hinahayaang dumaloy sa isipan at
direktang isinusulat nang walang pagkontrol.
 Malaya ang paraan ng pagsulat dito at walang sensura. Hindi gaanong mahalaga ang
pormat o istilo ng pagsulat na kailangang sundin bagkus mahalaga rito na mailabas kung
ano ang talagang naiisip at nararamdaman ng isang tao gamit ang sariling pamamaraan.
BENEPISYO NG MALAYANG PAGSULAT
 Pinupukaw ang isip
Ang pagsusulat ay nagdadala sa atin sa kamalayan kung saan ang mga nakaraan
ay muli nating naaalala.
 Nakakalawak ng IQ
Ito’y isang magandang paraan sa pagpapalawak ng kaalaman dahil pinapalabas nito
ang ating natural na bugso na maghanap ng mga salita at ideya isusulat
 Pinapataas ang Emotional Intelligence (EQ)
Ang emotional intelligence ay ang kakayahan na maramdaman at pamahalaan ang
ating emosyon. Sa malayang pagsulat, dito natin napapalabas ang ating emosyon at
kamalayan. Ito ang nagiging tulay sa tunay na pagmamalasakit sa nararamdaman ng iba
dahil alam mo ang kahalagahan at kaginhawaan sa paglalabas ng emosyon.
 Pagpapatalas ng memorya at pagkaunawa
Dahil sa koordinasyon ng utak at kamay sa tuwing nagsusulat ng mga ideya at
saloobin, napapatalas nito ang ating memorya at pagkaunawa sa mga impormasyong kusa
at bigla nating naalala upang magamit sa komposisyon.
 Lunas
Ang paglalabas ng emosyon sa pagsusulat ay isang kalunasan- sa pisikal,
emosyonal at sikolohikal na aspeto ayon kay James Pennebaker.
 Nagpapalakas ng disiplina sa sarili
Isang disiplina ang gumugol ng oras sa pagsusulat. Dahil sa ating kamalayan sa
disiplina, nagreresulta rin ito ng iba pang produktibong gawain.
 Pinalalabas ang ating pagkamalikhain

42
Ayon sa “Morning Pages” ni Julia Cameron, ang problema ay hindi kung malikhain
tayo, ito ay kung paano natin palalabasin.”
Ang kanyang paraan ay ang magsulat ng may malayang isip. Pinalalabas nito ang
mga ideyang hindi natin inakala na mayroon tayo sa ating isip at mas nag-uudyok sa atin
pang magsulat pa.

Makrong Kasanayan sa Pagbasa


Pagbasa
Ayon kay Leo James English, ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o
nakalimbag na mga salita  Goodman ay isang saykolingwistiks na panghuhula kung saan ang
nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe hango sa tekstong binasa
Ayon naman kay James Dee Valentine, ito ang pinakapagkain ng ating utak napatunayan nating
marami sa mga nagtatagumpay na tao ang mahilig magbasa Coady ang dating kaalaman ng
tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasa

LAYUNIN SA PAGBASA
Upang maaliw
Upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak sa ating isip
Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral
Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating
Napag-aralan natin ang ibang kultura ng lahi upang mabatid ang pagkakaiba at pagkakatulad nito
sa kulturang ating kinagisnan

MGA HAKBANG SA PAGBASA


 Asimilasyon- naiuugnay ng mambabasa ang nakaraan at kasalukuyan.
 Reaksyon- paghatol sa kawastuhan, kahusayan at kahalagahan ng tekstong binasa.
 Pag- unawa- inaalam ang kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbulo.
 Persepyon- pagtukoy sa mga simbulong ginamit tulad ng ponema, morpema at iba pang
bahagi ng gramatika.

URI NG PAGBASA
Emett albert betts
 Pahapyaw na pagbabasa (skimming)
 Mabilisang pagbabasa (rapid reading)
 Paaral na pagbasa (study reading)
Mga Teorya sa Pagbasa
 Top- Down - nagsisimula sa isip ng mambabasa tungo sa teksto
 Bottom-Up – nagmumula sa teksto patungo sa isip ng mambabasa
 Iskema – binibigyang-kahulugan ang teksto mula sa dating kaalaman
 Interaktiv – mahalaga ang metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa
taglay na na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa
KATANGIAN NG PROSESO NG MASINING NA PAGBASA
 Komplikadong proseso (complex process)

43
 Dalawang klaseng proseso (two-way process)
 Malawak na paglalarawan (visual process)
 Masiglang proseso (active process)
 Sistemang panglinggwistika (linguistic system)
 Nakaraang kaalaman (prior knowledge)
Limang Dimensyon ng Pagbasa
I. PAG-UNAWANG LITERAL
 Pagpuna sa detalye  Paghanap ng tugon sa mga tiyak na
 Pagpuna sa wastong pagkakasunod- katanungan
sunod ng mga pangyayari  Pagbibigay ng katotohanan
 Pagsunod sa panuto  Paghanap ng katibayan sa
 Pagbubuod pansamantalang konklusyon
 Paggawa sa balangkas  Pagkilala sa mga tauhan
 Pagkuha sa pangunahing kaisipan

II. PAG-UNAWANG GANAP SA KAISIPAN NG MAY-AKDA


 Pagdama sa katangian ng tauhan  Paghinuha sa mga sinundang
 Pag-unawa sa mga tayutay panyayari
 Paghinuha ng mga katuturan o  Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
kahulugan  Pagkuha ng pangkalahatang
 Pagbibigay ng kuru-kuro at opinyon kahulugan ng binasa
 Paghula sa kalalabasan  Pagbibigay ng pamagat

III. PAGKILATIS
 Pagdama sa katangian ng tauhan  Paghinuha sa mga sinundang panyayari
 Pag-unawa sa mga tayutay  Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
 Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan  Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng
 Pagbibigay ng kuru-kuro at opinyon binasa
 Paghula sa kalalabasan  Pagbibigay ng pamagat

IV. PAGSASANIB
 Pagbibigay ng opinyon at reaksyon
 Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na
pangyayari sa buhay
 Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
kaugnay na karanasan
 Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon Pagpapaliwanag sa nilalaman o
kaisipang binasa batay sa sariling karanasan

V. PAGLIKHA
 Pagbabago ng panimula ng kwento o  Pagbabago ng mga katangian ng mga
lathalain tauhan
 Pagbabago ng wakas ng kwento  Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento
 Pagbabago ng pamagat ng kwento  Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa

LIMANG SAKLAW NA MAG-UUGNAY SA PAGBASA AT PAGSULAT

44
 Kaalaman sa Informasyon
-Bawat isa sa atin ay nangangailangan ng kaalaman sa ano mang bagay. Dapat ay
may sapat tayong informasyon patungkol sa pagbasa at pagsulat upang magawa at
makakabasa tayo ng isang sulatin na may sapat at busog sa kaalaman.

 Kaalaman sa Istruktural
-Isang saklaw na napakahalagang mabatid ng isang manunulat, sapagkat ito ang
magdadala sa kanya sa tagumpay ng kanyang buhay, daahil sa porma at ganda ng
kanyang naisulat na babasahin.

 Kaalaman sa Transaksyunal
-Ang pagbasa at pagsulat ay nangangailangang gamitan ng komunikasyon, sa
pagbasa ay nagaganap ditto ang pakikipag-usap natin sa awtor at pagdating naman sa
pagsulat naipapalabas natin an gating saloobin at opinion sa paraang transaksyunal.

 Kaalam sa Aestetiko
-Sapat na kaalaman ang dapat taglayin sa pagbasa at pagsulat natin. Dapat alam ng
isang manunulat kung paano paggandahin salitang makapagbibigay aral at leksyon sa
mambabasa at sa pagbibigay ng buhay sa kanyng binabasa ay siyang tunay na gandang
taglay sa isang sulatin.

 Kaalaman sa Proseso
-Ang pagbasa at pagsulat ay may kaniya-kaniyang proseso, nararapat mapag-alaman
natin ang mga ito sa gayon ay makagawa tayo ng isang sulatin na may halag at tema,
ganon na rin sa pagbasa ang pag-unawa sa binasa, ang reaksyon at pagsama-sama at
pag-uugnay ng mga bagong kaalamang mula sa binasa ng mga taong may pag-unawa.
UGANAYANG PAGBASA AT PAGSULAT
1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.
2. Ang literature ay kakayahang makabasa at makasulat.
3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.
4. Ang pagbasa at pagsulat ay nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.
5. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagbasa at pagsulat. Aking personal na repleksyon
Mga babasahin sa kontekstong Filipino bilang batayang pandalumat:
-Bigwas Sa Neoliberalismo, Alternatibo Sa Kapitalismo: Adbokasing Pangwika At
Sosyalistang Programa Sa Nobelang Mga Ibong Mandaragit Ni Amado V. Hernandez (David
Micheal M. San Jaun)
- Edukasyon Bilang Tagpuan Ng Katwirang Lungsod At Katwirang Lalawigan (Noel L.
Clemente)
- Ang Pilosopiya ni Pierre Bourdieu Bilang Batayang Teoretikal Sa Araling Pilipino (F.P.A.
Demeterio III and Leslie Anne L. Liwanag)
- “PRISON NOTEBOOKS” ni A. Gramsci
-“THE WRETCHED OF THE EARTH” ni F. Fano
-“THE LANGUAGE OF GLOBALIZATION” ni Peter Marcuse

Gawain:

Bumuo ng isang artikulo na naglalahad ng iyong sariling kaisipan at pag-unawa base sa napili
mong babasahin. Maaaring salungat o kampi ang iyong kaisipan at gumamit ng mga dagdag na
referensya upang maging mas mapatibay pa ang iyong isasagawang pagsulat ng artikulo.

45
TALASANGGUNIAN

A. Hanguang mga Aklat


Dinglasan, Resurreccion D. “Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Filipino I), Rex Book Store, INC.
2008.

Bernales, Rolando A. et. al. Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik: Edisyong 2015, Mutya Publishing
Huose, Inc. Malabon City. 2015.

Cruz, Cynthia B. et. al. Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik sa Antas Tersaryo,
Mindshapers CO., INC. Intramuros, Manila. 2010.

B. Hanguang Pag-aaral, Jornal at Publikasyon


M. Atienza. 1996. “Filipino ng Kilusang PambansaDemokratiko (KPD): Pilosopiya at Pulitika sa
Pambansang Wika”. Philippine Social Science Review.

Canonigo, Cristina S. 1996. Mga Bugtong, Salawikain, Sawikain at mga


Piling Tula (Book-I). Cebu City: Palinsad General Merchandise.

Clemente, Noel L. Edukasyon bilang Tagpuan ng Katwirang Lungsod at Katwirang Lalawigan. Kritike
Volume 10 Number One (June 2016) 83-98.

D. M. San Juan. Bigwas sa Neoliberalismo, Alternatibo sa Kapitalismo: Adbokasing Pangwika at


Sosyalistang Programa sa Nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. 2018.
Daluyan:Journal ng Wikang Filipino. http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/
view/5742/5139/

L. Santiago. Ang Pinagmulan ng Kaisipang Feminista sa Pilipinas. mula sa


http://journals.upd.edu.ph/index.php/rws/ article/view/3111/ 2928

F. Fanon. 1963. The Wretched of the Earth. Grove Weidenfeld A division of Grove Press, Inc. 841 Broadway
New York, NY 10003-4793. http://abahlali.org/wp-content/uploads/2011/ 04/Frantz-Fanon-The-
Wretched-of-the-Earth-1965.pdf

Gramsci. 1999. “Prison Notebooks” mula sa http://abahlali.org/files/gramsci. pdf

C. Hanguang Elektroniko

Mendiola, et. al. 2017. “Makabagong Salita” mula sa https://mendiolah


umprey.wordpress.com/2017/10/13/mga-makabagong-salita/

Molate, Nica. 2017. "Mga Patok at nauusong salita ng mga Millennials" mula sa
https://marketersview.wixsite.com/group2/single-post/2017/02/17/Mga-Patok-at-nauusong-salita-ng-
mga-Millennials

Nuncio, Rhod V. “DALUMAT NG WIKA, PILIFILIPINO: Isang Teorya ng Wika” mula sa


https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/dalumat-ng-wika/

Peter Marcuse. 2000. “Laguage of Globalization” mula sa https://monthlyreview.org/2000/07 /01/the-


language-of-globalization/

Sacristan, Joeffrey. “Makrong Kasanayan sa Pagbasa” mula sa https://www.slideshare.net/


Joeffreysacristan/makrong-kasanayan-pagbabasa

46
D. Mga Video na Ginamit

GMA Public Affairs. 2017. “Brigada: Mga nauusong millennial slang, alamin!” mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=SdRycY3H7WY
GMA Public Affairs. 2017. “Millennial Slang, Salita ng makabagong Kabataan.” mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=bcgD5 nulnCo
GMA Public Affairs. 2016. “Investigative Documentaries: Pag-usbong ng mga bagong salita, bahagi ng pag-
unlad ng wikang Filipino” mula sa https://www.youtube.com/ watch?v=pcOpw0Y8rB4
Flores, Crisanta. 2017. “UP TALKS | Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon.
UPTV” mula sa https://www.youtube. com/watch?v=WGTYpkK3tTo

47

You might also like