You are on page 1of 2

MAHALAGANG BAHAGI NG MGA SULATIN

SIMULA

Ito ang pinakamukha ng Sulatin. Kailangan sa sulyap pa lamang ng babasa ito’y kaakit-akit na, nakakapukaw,
nakakaganyak, nakakahatak ng kuryusidad para titigan, tunghayan hanggang sa ang malay, kung maari pa’y
pati buhay ay matangay nang buong kasabikan.

Pinakagamiting mabibisang panimula:


1. Pasaklaw na Pahayag – dito, ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-
sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga ang mga detalye. Dito agad-agad na
makikita ang bawat kasagutan sa mga katanungan tulad ng Ano? Sino? Kailan? At Bakit?
Hal. Isang binatang guro na dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan ang brutal na pinatay makaraang
saksakin ng apatnapu’t pitong beses ng apat na estudyante na nainis sa ginawang pagbati ng una
kamakailan sa Santo Toma, Batangas(Abante, Nobyembre 23, 1991)
2. Pagbubuod - Ang panimulang ito ay naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.
Hal. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa kasipagan ng bawat mamayan.
3. Pagtatanong – nagsisimula ang sulatin sa isang tanong.
Hal. Naniniwala ka ba sa mga multo?
4. Paglalarawan – nagbibigay-deskripsyon. Mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit dito. Malimit
itong ginagamit kapag nagtatampok ng tao.
Hal.Baliw si Marcy, ang babaing may bigote’t balbas. Marusing pero hindi marumi. Nakatali ang manipis
na buhok na lampas balikat ang haba. Hanggang tuhod ang pantaloon kay kapansin-pansin ang malago
at kulot na balahibo sa mga binti.
5. Pagkakaligiran - ginagamit na panimula kung ang binibigyang-larawan ay pook.
Hal. Unti-unting huminga ang kalye ng mga sasakyan – kalesa, dyip, Kotse, bus, bisikleta, traysikel, pedikab
atbp.Ilang sandali pa, buhay na ang aspaltong kalye at ang mga sementong gusali. Buhay na ang Avenida,
ang daang tirahan ng ilan, ang daang pinangingilagan ng marami
6. Pagsusumbi - maikli lamang na karaniwan nagn binubuo ng iisang salita.
Hal. Luneta…
Sa Luneta natagpuan ni Deo ang kanyang sarili. Natutulog siya sa damuhan, mistulang pulubi.
7. Pagsalungat - Binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod dito ay mas malaki ang
pagkakaiba, mas matindi ang bisa…
Hal.
Nang nakaraang pitong buwan, humahalakhak nang abot-langit sa kaginhawaan ang buong lungsod ng
Angeles. Ngayon, nananaghoy ito nang ubod-lalim sa pagkakalibing ng buhay sa lahar.
8. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na pagkukuwento.
Hal. Ika-9 pa lamang ng umaga ay napaupo na ako sa kama para sagutin ang telepono.
9. Makatawag-pansing pangungusap – ito’y isang mapanggitlang panimula dahil di karaniwang sinasabi o
naririnig sa araw-araw ang pamamarilang gingagamit dito. Ito’y isang patayutay na pagpapahayag.
Hal. Patay ang bansang Pilipinas.
10. Analohiya – ito ay pagtutulad o pagwawangis.
Hal. Ang buhay ay gulang- umiikot, mabilis, mabagal, pumapailalim, pumapaimbabaw.
11. Pagsasalitaan – ito ay dinaraan sa usapan o diyalogo.
Hal. “Mabuhay ang Presidente!” ang walang kamayawang pagbati ng nagsisiksikang madla sa harap ng
Luneta Grand Stand nang humarap sa kanila ang bagong hala na pangulo na abot-tainga naman ang ngiti.
“Maraming-maraming salamat sa pagtitiwala ninyo!”

GITNA
Ito ang pinakakatawang bahagi ng sulatin. Dito makikita ang kaalaman. Binubuo ito ng mga talatang
kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pamunong detalyeng maayos ang pagkauri-uri,
pagkakasama-sama, at makatwiran ang pagkakasunod-sunod sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
Pamamaraan sa Pag-aayos ng Katawan sa Sulatin
1. Pakronolohikal
2. Paanggulo
3. Paghahambing
4. Palamang / pasahol
5. Patiyak / pasaklaw

Wakas
Sa bahaging ito nagtatapos ang kabuuan ng sulatin. Ito ay sinasambit sa iilang pananalita lamang dahil kung
pahahabain pa, bukod sa hindi na kasisiyahan ay hindi na Magiging mabisa. Datapwat pakasusundin ang
alituntunin sa pagkatha, dapat kasinghaba lang ito ng simula. Sa wakas napapaloob ang pangkalahatang
palagay o pasya tungkol sa paksa sa mga katibayan at ma katwirang inisa-isa sa bahaging panggitna.

Mga Halimbawa ng mga pangwakas


1. Tuwirang sinabi
Hal. Mula ngayon at di na magtatagal, ang bukambibig ni Jose Rizal na, “Ang kabataan ang pag-asa
ng bayan” ay mapapatunayan na.
2. Panlahat na Pahayag
Hal. Makabuluhan samakatuwid, ang palasak nating kawikaang, “Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”
3. Pagbubuod
Hal.Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikan naging mailap noong sila’y nagsasama pa,
nang magtagpo silang muli…sa morge.
4. Pagtatanong
Hal: Ano pa ang ating hinihintay? Magtatamad-tamaran na lamang ba tayo sa buhay? Kailan natin
bubukasan ang pinto ng maunlad na kinabukasan?
5. Pagsisipi – pangwakas itong komokopya ng isang taludtod o mahigit pa sa isang akda, patula man o
patuluyan, na ang sinasabi ay angkop sa tinatalakay na paksa.

Mga Gabay sa Malikhaing Pagsulat:


 Talasan ang pandama. Matutong magmasid sa paligid
 Magbasa ng mga tula, kuwento, dula nang mapanuri. Suriin ang kariktan ng mga salita. Damhin ang
emosyon na nararamdaman sa tagpo.
 Pumili ng isang paksa na pamilyar para maging palagay ang sarili sa pagsulat.
 Iwasan ang abstraksyon. Maging partikular. Gumamit ng mga konkretong halimbawa na
makatotohanan.
 Kaltasin ang mga palaman o padding. Gawing simple ngunit makatas ang mga pangungusap.
 Gumamit ng mga sariwa pa’t malulutong na ekspresyon.
 Huwag gumamit ng mga walang kulay na salita. Ang mga salitang pangkalahatan ang kahulugan ay
walang kabuluhan.
 Gumamit ng mga tayutay o matalinhagang pananalita.
 Gumamit ng mga Simbolo. Gaya ng:
KULAY BAGAY / HAYOP / NGALAN
Puti – kalinisan, kawagasan Krus – relihiyon; kaligtasan
Pula – digmaan, kaguluhan, katapangan Kudyapi – musika
Itim – kamatayan, kasamaan Ahas – kataksilan
Luntian – kasaganaan, kabataan Tigre – bangis
Asul – kapayapaan Leon – kapangyarihan
Kupido – pag-ibig
KALIKASAN Kalapati – kapayapaan
Dagat – hiwaga ng buhay; kayamanan Juan – Pilipino
Araw / Liwanag – pag-asa Venus - Kagandahan
Dilim/Gabi – suliranin; kalungkutan; kamatayan
Langit – Kariktan; pangarap; katiwasayan; kaligayahan
Bundok - problema

You might also like