You are on page 1of 8

Group Essay

( Social Media Awareness)

Ipinasa nila: Ipinasa kay:

Ortega, Karizza Robel S. Bb. Cherry Legaspi

Vinluan, Rogelio Jr.

Gamao, Jasha

Pama, Reana

Lee, Rani Apryl


Base sa pagsusuri ng aming grupo nakita naming na talagang likas na sa mga Pilipino
ang gumamit ng social media, ma-pa bata, matanda, dalaga, binata etc. ay gumagamit ng social
media. Hindi lamang ito’y pang pa-aliw sa mga tao. Ito rin naktutulong sa pang araw awaw na
pamumuhay ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga kabataang mag-aaral dahil nakakukuha dito
ng mabilis na pagkalap ng impormasyon na magagamit sa mga proyekto, sa paggawa ng mga
research o thesis na hindi na kinakailangan pang mamasahe at pumunta ng mga kabataang
mag-aaral sa iba’t ibang library upang makahanap o makakalap ng mga impormasyon at mabilis
din ang pakikipagkomunikasyon na kahit magkalayo man ang lugar ng mga tao, nakakapag usap
na ito ng mabilis sa pamamagitan ng social media, Nakatutulong din ang social media sa
pagunlad ng ating buhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto. Ngunit sa kabilang
banda hindi pa rin naman mawawala ang mga negatibong epekto ang paggamit ng social
media. Una na rito ang kawalan ng disiplina ng mga tao o mga kabataan sa oras at nakatuon na
lang buong araw sa paggamit ng social media at madalas nagiging dahilan upang huwag nang
pumasok sa paaralan, maging tamad sa bahay, maging masuwayin sa magulang, maging
marahas dahil sa mga hindi dapat na napapanuod na mga video sa social media at karamihan
dito sa mga bata ay napapahamak dahil sa hindi tamang paggamit ng social media. Panagalawa
ang pinaka sikat na masamang nagyayari sa mga kabataan sa paggamit ng social media ay ang
“Cyber bulliying”, “Cyber Crimes” at marami pang iba. Dahil sa kawalan ng kamalayan ang mga
sa tamang paggamit ng Social Media may ilan na ginagamit ito para sa masamang paraan na
pamumuhay.

Kaya naman upang mabawasan ang pagdami nito at upang maiwasan ang mga ganitong
krimen ang aming grupo ay nakaisip ng ideya na mag karoon ng orientasyon sa aming silid
aralan na makatutulong sa aming mga kaklase, tungkol sa tamang paggamit ng social media na
kung saan tinalakay naming kung ano nga ba ang social media? ang mga dapat at hindi dapat
gawin sa paggamit nito at kung papaano makatutulong ang social media sa ating pamumuhay.
Nang sa gayon ay maging disiplinado at magkaroon ng kamalayan ang bawat Pilipino tungkol
dito at para sa amin, naniniwala kami na matutulong ito upang mapaunlad ang bawat isa ang
kaniyang sarili at mapapayabong natin ang ating bansa kapag nalaman natig lahat ang mga
bagay na nakapaloob sa paggamit ng Social Media.
Dahil sa mabilis na pagdami ng mga Pinoy na nahuhumaling sa mga social networking
site gaya ng Facebook at Twitter, inilunsad ng GMA Network ang kampanyang, ‘Think Before
You Click.’ Sa ulat ng GMA News TV State of the Nation nitong Biyernes, sinabing pampito na
ngayon ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamaraming gumagamit ng Facebook. Bukod
dito, mabilis din ang pagdami ng mga Pinoy na nagbubukas ng kanilang mga Twitter account.
Kaya naman bilang bahagi ng “Serbisyong Totoo" ng GMA Network, inilunsad ang kampanyang
‘Think Before You Click,’ para paalalahanan ang mga Kapusong Pinoy tungkol sa responsabilidad
sa paggamit ng mga social networking site. “Sometime we forget what we post online stays
there forever. Hindi ‘yan parang, I can delete it tapos mawawala na, hindi ganun ang Internet di
ba?" pahayag ni Sheila Paras, News Creative Imaging Head, GMA Network, sa ulat ni GMA news
reporter Dano Tingcungco. Dagdag pa ni Paras, kahit “anonymous" o hindi tunay na pangalan
ang ginamit sa binuksang account, hindi ito dahilan para manira at manakit ng kapwa sa mga
social networking site. “Just because meron silang mga account they’re anonymous so to speak,
pwede na silang basta-basta na lang manira ng ibang tao. Hindi nila nalalaman na yung taong
sinisiraan nila, totoong tao ‘to, merong personality outside the Internet; totoong buhay ‘yon na
naapektuhan," paliwanag niya.

Sang-ayon ako sa ginawang kampanya ng GMA Network upang paaalalahanan ang mga
Pilipino na limitahan at maging mapanuri sa pag-gamit ng social media. Dahil responsibilidad o
pananagutan ng bawat tao ang mga pinopost nito sa social media. Maaaring ang mga pinahayag
natin na impormasyon sa social media ay maging permanente, Ika nga ni Sheila Paras “Hindi
‘yan parang, I can delete it tapos mawawala na, hindi ba ganun ang Internet diba?” At idinagdag
pa niya na may mga taong gumagamit ng anonymous account or “dummy account” para
magpahayag ng saloobin at manakit ng kapwa sa social networking site. Which is out of the
boundary na.
Nais ng ilang kongresista na isama ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo
sa mga estudyante sa pampublikong paaralan sa elementarya at high school ang pag-iingat at
tamang paggamit ng mga social networking site kagaya ng Facebook. Ayon kina Marikina City
Rep. Miro Quimbo at Aurora Rep Juan Edgardo “Sonny" Angara, kailangang magabayan ang
mga kabataan sa paggamit ng mga social networking sites dahil ginagamit na rin ito ng mga
kriminal para makapambiktima. “The teachers have to do it since many parents of school
children do not have active participation in their children’s interests in social network activities.
Worse, many parents, particularly from the poor ones, have zero exposure to the internet. How
do you expect them to guide their children on the appropriate use of these social network sites
when they don’t even know what the internet is all about?" paliwanag ni Quimbo. Idinagdag ng
kongresista na habang bata pa ay mabuting maituro na rin sa mga mag-aaral kung papaano
magiging responsible sa paggamit ng mga social networking site, partikular ang sikat na
Facebook. “The teachers have to do it since many parents of school children do not have active
participation in their children’s interests in social network activities. Worse, many parents,
particularly from the poor ones, have zero exposure to the internet. How do you expect them
to guide their children on the appropriate use of these social network sites when they don’t
even know what the internet is all about?" pahayag niya.

Sinabi ni Quimbo na kailangang kumilos ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng
mga kabataan sa paggamit ng modernong teknolohiya. Batay sa isinagawang survey ng AGB
Nielsen, ang Pilipinas ang pang-lima sa mga bansa na may pinakamaraming gumagamit ng
Facebook. “Today, FB and twitters have become avenues for gruesome crimes. Incidences of
murders and robbery can develop from a single FB message or a twit and we need to inject
these criminal possibilities to the consciousness of the more than 20 million face bookers and
twitters in the Philippines, especially children with very active online existence," ayon kay
Quimbo. Para naman kay Angara, magandang lugar ang mga paaralan upang maituro sa mga
kabataan ang kahalagahan sa paggamit ng modernong teknolohiya at kung ano ang mga bagay
na hindi dapat gawin sa mga social networking site. Sinabi ng kongresista na hindi biro ang mga
nagaganap na krimen na nagsimula sa pagkakakilala lamang sa mga social networking site, tulad
ng pagpatay, panghahalay at identify thief. “Bukod sa magulang, sa mga guro nakikinig ang mga
bata. Magandang magbigay sila ng guide and tips sa mga student kung ano ang mga
information na hindi nila dapat ilagay sa profile nila, ano ang mga photos na hindi dapat i-post,
ano ang mga responsibilities nila at dapat huwag basta-basta magtitiwala sa mga makikilala nila
dito," paliwanag ni Angara na naghain ng panukalang batas tungkol sa cyber crimes. Kamakailan
ay napabalita ang pananaksak sa actor-director na si Ricky Rivero ng lalaki na nakilala niya sa
Facebook. Samantala, isang babae naman ang sinasabing ginahasa ng lalaki na nakilala nito sa
Tagged. Naging kontrobersiyal naman ang isang binatilyo nang ilagay niya sa kanyang Facebook
account ang mga larawan ng isang tuta na isinampay gamit ang mga sipit.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na inihain niya ang Social Media Awareness in Schools and
Universities Act of 2019 upang maging bahagi ng curriculum ang social media awareness.
“Social media is upon us and should be put to good use by teaching the youth the value of
responsible, fair and truthful usage,” ayon kay Poe . “Magandang lugar ang mga paaralan para
maimulat ang mga kabataan sa responsable, mapanuri at produktibong paggamit ng social
media. Kailangang mabigyan din sila ng sapat na impormasyon kung ano ang maaaring i-post,
ano ang mga dapat iwasang paniwalaan agad, at kung paano mag-beripika ng mga datos, para
na rin ito sa kanilang kaligtasan,” dagdag niya. Isa ang panukala sa 10 proposed measures na
inihain ni Poe nitong Martes, July 2, sa pagbubukas ng 18th Congress. “Students are actively
tweeting, posting, commenting and liking all across social media and there doesn’t seem to be
an end in sight,” aniya. Dahil sa kalayaan na ito, sinabi ni Poe na dapat maging pangunahing
tungkulin ng paaralan ang pagtuturo na maging responsable at produktibo sa paggamit ng
social media. Sinabi ni Poe na layunin ng ng panukalang isama ang social media awareness sa
school lessons na ituro sa mag-aaral kung paano maging epektibo at mahusay ang paggamit
nito bilang tulong sa pagkakalat ng mabubuting impormasyon, paglikha ng opinion,
pagtataguyod ng mas mahusay na participative democracy, pagtataguyod ng katotohanan at
tunay na facts; discernment, critical thinking at enjoyment. Sa kanyang panukala, dapat maging
bahagi ang social media awareness sa National Service Training Program, particular sa service
components sa Literacy Training Service at Civic Welfare Training Service. “The Commission on
Higher Education and the Technical Education and Skills Development Authority, in consultation
with the Department of Information and Communications Technology, shall immediately
formulate the necessary measures for this,” ayon kay Poe. “Thinking before posting is essential,
especially as the Filipinos have come to be known as among the most active social media users
in the world”.

Panukala, dapat maging bahagi ang social media awareness sa National Service Training
Program, particular sa service components sa Literacy Training Service at Civic Welfare Training
Service. “The Commission on Higher Education and the Technical Education and Skills
Development Authority, in consultation with the Department of Information and
Communications Technology, shall immediately formulate the necessary measures for this,”
ayon kay Poe. “Thinking before posting is essential, especially as the Filipinos have come to be
known as among the most active social media users in the world”. "Ilan lamang yan sa nakuha
naming datos patungkol sa paggamit ng social media lalo na sa mga kabataan na mas aktibo sa
paggamit ng social media dahil hindi natin alam may nalalabag na pala tayo sa social media kaya
kailangan natin maging maalap sa kinukuha nating impormasyon at pinopost o kinokomentahan
sa mga social media sites. Ngayon mas nabuksan ang ating mga kaisipan na ang social media ay
dapat nasa ayos at naaayon para walang buhay ang maapektuhan dahil lamang sa paggamit sa
social media at sana ay natuto na tayo sa mga naging epekto nito sa ating buhay bilang isa rin
kami sa gumagamit ng social media naging bukas din saamin ang daat at hindi dapat na
paggamit sa social media ika nga nila "magisip bago pumindot" (think before you click).
Bibliography

Bondoc, J. (2017, December 10). Hindi taga-balita ang social media. Retrieved from Phil Star
Ngayon: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2017/12/10/1767206/hindi-taga-balita-ang-social-media

Angara, R. M. (2011, June 21). (G. N. FRJ, Producer) Retrieved from Department of Education
(DepEd):https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/224070/pag-iingat-tamang-
paggamit-ng-facebook-iba-pang-social-networking-sites-dapat-daw-ituro/story/

Galvez, D. (2019, January 2). Trinity Audio. (K. G. Adraneda, Editor, & INQUIRER.net) Retrieved
July 2, 2019, from INQUIRER website: https://newsinfo.inquirer.net/1136774/poe-bats-for-
social-media-awareness-lesson-in-schools

Grace Poe, E. R. (2019, July 4). REMATE Online. Retrieved July 4, 2019, from REMATE Web site:
https://remate.ph/social-media-awareness-gustong-isama-ni-poe-sa-school-lessons/

You might also like