You are on page 1of 5

KABANATA 1

Ang Suliranin at Sandigan nito

Panimula

Mayroong malaking ambag ang industriya pagdating sa pagpapasigla ng ekonomiya.

Binibigyan nitong pagkakataon ang mga Pilipino na makatamasa ng industriyalisadong lipunan.

Nakapagbibigay din ito ng hanapbuhay, nagpoproeso ng mga hilaw na sangkap upang maging

produkto, nagsisilbing pamilihan ng mga pangangailangan ng tao, at pinagmumulan ng kitang

panloob. Ang Pilipinas ay mayaman sa ibat’t ibang uri ng mineral at mapapakinabangan lamang

ito sa pamamagitan ng pagmimina.

Ang pagmimina ay isang gawain na kung saan ang mga tagapagmina o minero ay

naghuhukay at kumukuha ng mga yamang mineral mula sa lupa. Ilan sa mga halimbawa nito ay

ang pagkuha ng mga metal, mineral, uling, ginto, pilak at iba pa. Tinatawag ang prosesong ito na

“ekstraksyon”. Mayroong iba’t ibang uri ng pagmimina, isa rito ay ang pagmiminang patalop o

strip mining kung saan ang ibig sabihin ay pagkayod ng lupa o dumi mula sa ibabaw ng lupa. Isa

pang uri nito ay ang pagmimina sa ilalim ng lupa o underground mining, isinasagawa ito sa

pamamagitan ng pagpunta sa ilalim ng lupa para makarating sa isang poso ng mina o mine shaft

sa ingles. Ang pagmimina ay mahalaga sapagkat ito ay napagkukuhanan ng enerhiya ngunit ito

ay isang okupasyon lubhang mapanganib sa mga tagapagmina. Libolibong tao ang namamatay

kada taon dahil dito. Mayroong nakalaan na mga panuntunan o guidelines na pangkaligtasan at

natatanging mga kagamitang pangkaligtasan na ginagamit upang mabigyan ng proteksiyon ang

mga minero mula sa mga aksidente.

Ngunit may ilan sa mga minero na hindi gaanong nakakaunawa sa mga panuntunan dahil

ang ilan sa mga ito ay hindi nakasalin sa wikang pambansa at ito rin ang nagiging sanhi ng ilang
mga aksidente sa kadahilanang kulang sa kaalaman ukol sa kanilang kalusugan at kaligtasan.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang masolusyunan ang problema pagdating sa kaligtasan

at kalusugan ng mga minero nang maagapan at mabawasan ang mga aksidente. Naglalayon din

ito na makapagsalin ng mga palatuntunan na makatutulong sa mga minero upang mas madali

nilang maunawaan ang mga ito.

Kasaysayan ng Pag-aaral

Teoretrikal na Balangkas

Konseptwal ng Balangkas

Paglalahad ng Suliranin

Haypotisis

Kahalagahan ng Pag-aaral

Katuturan ng mga Talakay


KABANATA 2

Mga Kaugnay na Panitikan at Pag-aaral

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyunal na mga babasahin na may

kinalaman sa ginawang pag-aaral. Makakapagbigay din ito ng higit na malinaw na kaalaman sa

mga panitikan at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ito na may motibong madagdagan ang

kaalaman ng mga mambabasa.


KABANATA 3

Mga Pamamaraan at Instrumento sa Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalayong maipaliwanag at mailahad ang mga paraang ginamit

at instrumenting ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-

aaral.

Pamamaraan sa Pananaliksik

Ang pananaliksik na isinagawa ay isang aksyong pananaliksik na naglalayong

makapagbigay ng mabilisang solusyon sa problema at malaman ang kahalagahan ng pagsasalin

sa mga palatuntunan sa industriya ng pagmimina. Ang aksyong pananaliksik ay nagsasagawa

ng mga hakbang upang makapagbigay aksyon sa nasabing problema.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga

bagay na maidudulot nito sa mga sumusunod:

Mga Mananaliksik. Upang mapayaman at mahubog ang isang bagong kaalaman dahil

sa walang humpay na pagbasa, pag-iisip at panunuri na lubos naming makatutulong sa

kanilang pananaliksik.

Mga Minero.

Instrumento sa Pananaliksik

Ang mga instrumentong ginamit ay talatanungan o survey questionnaire at pakikipanayam

sa pamamagitan ng interbyu. Ang talatanungan ay nagbigay ng iba’t-ibang persepsyon sa mga

minero kung saan mas madali nilang nauunawaan ang mga palatuntunan. Ang paraan ng

pangangalap ng impormasyon na ginamit sa pananaliksik ay sa pamamagitan ng pakikipanayam

sa mga minero sa ilang bahagi ng lalawigan ng bulacan. Ang paraan ng pagpili sa mga kasangkot

ay expert sampling na kung saan pumili lamang ng eksperto sa nasabing larangan. Ang mga
instrumentong ginamit ay talatanungan o survey questionnaire at pakikipanayam sa

pamamagitan ng interbyu. Ang talatanungan ay nagbigay ng iba’t-ibang persepsyon sa mga

minero kung saan mas madali nilang nauunawaan ang mga palatuntunan.

You might also like