You are on page 1of 4

I.

Introduksyon

Ayon sa Pambungad ng Mining Engineering nina Howard Hatman at Jan Mutmansky,

Ang pagmimina na siguro ang pumapangalawa sa pwedeng pagsumikapin na trabaho ng

mga tao, at ang nangunguna naman ay ang agrikultura. Ang dalawang industriya na ito ay

nairanggo sa pangunahing industriya ng maagang sibilisasyon. Kung iisipin nating ang

pangingisda at pagtrotroso ay parte ng agrikultura at produksyon ng langis at gaas ay

parte din ng pagmimina kung gayon, ang agrikultura at pagmimina ay patuloy na

tinutustusan ang ating pangunahing pangangailangan na ginagamit ng modernong

kabihasnan. Ang kasaganaan ng mineral ay nagbibigay din ng paraan upang guminhawa

ang buhay. Ang mga mineral ay maaaring itinda sa mga merkado, na nagbibigay

pahintulot sa mga ibat ibang bansa na magkamit ng malaking halaga ng salapi na wala

ang ibang bansa. Nagreresulta na ang mga bansang mayaman sa mineral ay merong

kahanga-hangang kabihasnan sa mundo habang ang iba ay nananatiling mababa ang

kabihasnan.

Ang pagmimina ay ang pagkuha ng mga mahahalagang mineral, likido at gas mula sa

lupa. Isang uri ng pagmimina ay ang underground mining, kung saan humuhukay ng

shafts o tunnels upang maabot ng mga nakadepositong mineral. Ito ay may dalawang uri,

ang large scale mining at ang small scale mining. Sa large scale mining, karaniwang

nasasangkot ang kumpanya at empleydo at dumaan ito sa inspeksyon ng mga awtoridad

samantala, ang small scale mining ay kinakasangkutan ng maliliit na grupo at maaaring

hindi dumaan sa inspeksyon ayon sa imnico.net.


Ayon sa BAN toxics, isang non-government organization na nakatuon sa pagsulong ng

environmental justice at isyu ng toksiks, malaki ang naiaambag ng maliitang pagmimina

ng ginto sa pagpapahalaga ng ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang pangunahing

pinagkakakitaan ng humigit kumulang 300,000 na mamamayan. Kasalukuyang

isinasagawa ang maliitang pagmimin sa mahigit 30 lalawigan sa Pilipinas kabilang ang

Itogon, Benguet. Itinuturing ito bilang pampailyang hanapbuhay kung saan maging ang

mga bata at mga babae ay aktibong nakikilahok sa pagkha at pagproseso nito.

Magkakaina ang paran ng pgmimina gayundin ang lawak o intensidad ng operasyon ng

mga maliliit na minero at magkakaiba rin ang proseso ng paghihiwalay ng ginto mula sa

oribe. Ang iba ay gumagamit ng tradisyunal na kagamitan gaya ng sluice box habang ang

iba ay gumagamit ng makabagong makinarya aat kemikal gaya ng cyanide at asoge. Sa

sector ng maliitang pagmimina ng ginto nagmula ang mahigit 30 tonelada o 80 bahagdan

ng taunang produksyon ng ginto sa ating bansa.


Layunin:

Layunin ng pamanahunang-papel na ito ang Makita ang kabisaan ng

ginagamit na pamamaraan estratehiya at malaman ang mga isyung

pangkalusugan ng mga minero. Layon din ng pananaliksik na matugunan ang

mga sumusunod na mga Katanungan:

1. Anu-ano ang mga kemikal na ginagamit sa pagmimina?

2. Ano-anu ang mga maaaring sakit na makuha sa loob ng minahan?

3. Ano ang epekto ng pagmimina sa mga mamamayan na nakatita

malapit sa minahan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pananaliksik na ito ay mahalaga

sa mga bagay na maidudulot nito sa mga sumusunod:

Para sa mga mananaliksik:

Upang mapayaman at mahubog ang isang bagong kaaalaman dahil sa

walang humpay na pagbasa, nag-iisip at nanunuri na lubos namang

makatutulong sa kanilang kurso.

Para sa lipunan:

Upang malaman nila ang tungkulin ng mga Respiratory Therapist

at mabatid nila ang maaaring sakit na maidudulot ng pagmimina.


Para sa mga mambabasa:

Upang mabatid nila ang epekto ng mga kemikal na ginagamit sa

minahan sa kanilang kalusugan at gayon din sa kapaligiran.

Para sa mga respondante:

Upang makapagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa paksa at

makatulong sa mga mananaliksik na makamit nila ang kanilang layunin at

mas mapagyaman ang kaisipan.

You might also like