You are on page 1of 4

ARALIN 1: LEKSYON 2: ANG SISTEMA SA PAGPAPALABAS NG MGA TUNOG

I. Layunin

a. Nalalaman ang mga paraan kung paano nakakabuo ng tunog.

b. Nakakalikha ng iba’t- ibang tunog gamit ang mga paraan ng pagbigkas ng tunog.

c. Nakikita ang kooperasyon sa klase.

II. Paunang Gawain

Putukan na!

1. (Tatlong grupo) Bawat grupo ay kailangang paputukin ang mga lobo sa loob ng isang minuto
sa loob ng lobo may mga larawan ng mga hayop na kanila bibigyang tunog.

2. Ang grupong unang makakatapos at makakakuha ng mga tamang sagot ang siyang mananalo.

III. Talakayan

Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunig. Ang wikang Pilipino ay may
sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at
malinaw ang pagkatuto ng Pilipino kung lubis nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga
tunog na bunubuo tiro. Ang lubos na kaalaman sa aspetong ito ay makatutulong ng Malaki sap
ag-aaral ng wikang Pilipino. Bilang panimula, atin munang pag-aralan ang mga bahagi ng ating
katawan na ginagamit sa pagsasalita.

Upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng tatlong salik. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Ang pinanggalingan ng lakas o enerhiya


2. Artikulador o ang pumapalag na bagay
3. Resonador o ang patunugan

Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit ay nakakalikha ang tao ng alon ng mga
tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating
tainga.

Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na


siyang gumanap bilang artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika naman ng bibig na
siyang nagiging resonador. Ang bibig gayon din ang ilong ay itinuturing na mga resonador.

Nabibigyang anyo ang tunog ng bibig dahil sa:


a. Dila
b. Ngipin
c. Labi
d. Ngalangala

Sagittal Diagram o OSCAR

Malaya nating naigagalaw an gating panga at dila kayt dahil dito nagagawa nating
pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang
nagagawa ng ating dila. Maaari itong mpahaba, mapaikli, mapalapad, mapalag, maitukod sa
ngipin o ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Ang mga
ponemang patinig ay nalilikha sa pamamagitang ng pagbaba o pagtaas na ano mang bahagi ng
dila (harap, sentral, likod), gayun din dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga
labi na nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa
pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, lagging tandaan na higit na madaling
matutuhan ang palabigkasang Pilipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng
Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Pilipino di tulad
ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema.

IV. Pagsasanay na Gawain

Panuto: Ibigay ang mga sumusunod.


Nabibigyang anyo ang tunog ng bibig dahil sa:
1.
2.
3.
4.
May tatlong salik sa pagbigkas ng isang tunog. Ito ay ang:
5.
6.
7.
Upang makapagsalita ang isang tao siya’y nangangailangan ng tatlong salik.
8.
9.
10.
V. Pangkatang Gawain

Ginulo ko, buuin mo!!!

Panuto:

Tatlong mahiwagang kahon ang pagpipilian ng mga mag-aaral, sa loob ng kahon ay may mga
larawan na dapat isaayos sa tamang pagkasunod sunod nito at tutukuyin nila kung ano ang nasa
larawan at pagkatapos ay bubuo sila ng tunog at bibigyan nila ito ng kahulugan.

Palatuntunin:

1. Mahahati sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral at bubuo sila ng malaking bilog para gawing
maayos ang gawain.

2. Pipili ng kahon ang bawat grupo at sisimulan na nila itong ayusin sa tamang ayos ang mga
larawan nasa loob nito.

3. Sa pamamagitan ng nabuo nilang larawan ay lilikha sila ng tunog at bibigyan nila ito ng
kahulugan.

4. Mabibigyan lamang sila ng limang minuto para tapusin ang gawain.

5. Ang unang matatapos ay isisigaw ang tunog na nilikha nila at pupunta sa harapan para
ipresenta ang ginawa.

VI. Karagdagang Gawain

Panuto: ilagay ang TAMA kung ang pangungusap ay naglalahad ng katutuhanan at MALI naman
kapag naglalahad ito ng di-makatutuhanan.

____1.Upang makapagsalita ang isang tao siya’y nangangailangan ng tatlong salik.

____2. Ang resonador ang siyang nagging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating
tainga.

____3. Ang enerhiya ay ang presyong nililikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga
na siyang gumaganap bilang artikulador.

____4. Nagbibigay anyo ang tunog ng bibig dahil sa dila, ngipin, labi at ngalangala.

____5. Malayang nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil ditto nagagwa nating
pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig.
Panuto: Ilarawan ang OSCAR. Ipaliwanag kung paano nalilikha ang mga makabuluhang tunog
sa filipino.

VII. Takdang Aralin

Ipaliwanag ang kahalagahan ng bibig, dila, ngipin at ngala-ngala sa pagbuo at pagbigkas ng mga salita.

You might also like