You are on page 1of 16

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Panuruang Taon 2019 – 2020

Pangalan :________________________________Grade 10 Sec: ______________ Score ___________


1. Ito ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang makaalam, makaunawa, maghusga at mangatuwiran.
A. Isip C. Panlabas na Pandama
B. Kilos Loob D. Panloob na Pandama
2. Ito ay inilarawan ni Santo Tomas bilang makatuwirang pagkagusto, sapagkat ito ay naaakit sa
mabuti at lumalayo sa masama.
A. Isip C. Panlabas na Pandama
B. Kilos Loob D. Panloob na Pandama
3. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng ISIP at KILOS LOOB?
A. Upang Maging Makatarungan
B. Upang Makahusga at Makapili
C. Upang Makaunawa at Mangatwiran
D. Upang Matuklasan ang Katotohanan at Upang Magmahal at Maglingkod sa Kapwa
4. May tindahan ng katapatan sa inyong paaralan. Anong kakayahang taglay mo upang maunawaan
na dapat maging tapat sa pagbili kahit wala itong bantay at iiwan mo lamang ang iyong bayad o
magsusukli ka mag – isa kung kinakailangan?
A. Isip C. Panlabas na Pandama
B. Kilos - loob D. Panloob na Pandama
5. Ano namang kakayahan ang taglay mo upang piliing magbayad o kumuha ng sukli kahit walang
nakakakita sa iyo?
A. Isip C. Panlabas na Pandama
B. Kilos - loob D. Panloob na Pandama
6. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.”
Nangangahulugan ito na:
A. walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
D. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito
7. Mahalagang buksan ng mag-aaral ang kanyang isip upang matuklasan ang katoohanan. Alin sa
mga sumusunod ang katotohanang dapat makita ng isang mag-aaral na katulad mo?
A. Makinig at makilahok sa talakayan para matuto.
B. Maging aktibo sa mga gawain sa paaralan para maging tanyag.
C. Ang makakuha ng mataas na marka para sumaya ang magulang.
D. Mahalagang matuto sa paaralan upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
8. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. kakayahang mag-abstraksiyon C. pagmamalasakit
B. kamalayan sa sarili D. pagmamahal
9. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.
B. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
C. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito.
D. May kasama ako na makakita sa katotohanan, kung totoo ito sa akin ay totoo rin ito sa aking
kapwa.
10. Pinagalitaan si Arlene ng kanyang magulang dahil sa maling sumbong ng kanyang kapatid na siya
ay nagcutting class at sumama sa barkada. Gustong sumagot ni Arlene sa maling paratang dahil
hindi naman siya nagcutting class naisipan niyang sumama sa kaibigan habang hinihintay ang
service dahil wala na silang last period. Bakit kaya ni Arlene na pigilin ang kanyang emosyon?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. may kakayahan ang taong mangatwiran
D. may kakayahan ang taong pigilan ang kanyang emosyon.
11. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
A. Katarungan C. Paglilingkod
B. Mag-abstraksiyon D. Pagmamahal
12. Hindi tumutulong ang isa mong kagrupo sa inyong ginagawang proyekto. Gamit ang iyong isip at
kilos – loob paano ka tutugon sa sitwasyong ito?
A. Aawayin at iaalis sa grupo.
B. Irereport siya sa guro upang mapagalitan.
C. Hindi na pipilitin at hindi nalang isasama ang pangalan sa proyekto.
D. Kakausapin at ipapaliwanang ang maaring maging epekto nito sa kanyang marka.
13. Nakasalabong mo ang dati mong guro na maraming bitbit na gamit, subalit nagmamadali ka para
pumasok sa susunod na asignatura. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Magkukunwaring hindi napansin at tutuloy na sa klase baka malate pa at mapagalitan.
B. Magmamadaling papasok sa klase at hihingi ng pahintulot sa guro para tulungan ang dating
guro.
C. Tutulungan ang dating guro at magpapaliwanag nalang sa guro kung sakaling mahuli sa klase.
D. Tutulungan ang dating guro at magpapatulong na magpaliwanang sa guro kung bakit nahuli sa
klase.
14. Ayon kay Lipio (2004) ito ay praktikal na paghuhusga ng isipan na magpapasiya na gawin ang
mabuti at iwasan ang masama.
A. Isip C. Konsensya
B. Kilos - loob D. Likas Batas Moral
1. Lahat ng maling gamit ng kosensiya ay maituturing na masama.
A. Mali, dahil ang kilos ay bunga ng ginawang pagtitimbang at pagpili.
B. Mali, dahil may pagkakataon na hindi ito kinakailangang masama dahil sa kamangmangan.
C. Tama, dahil ito ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali.
D. Tama, dahil ito ang nagsasabing gawin ang mabuti at iwasan ang masama
2. Ito ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa kabutihan ng Diyos. Ito ay batas na nakaukit sa
ating pagkatao na nagsasabi na PILIIN AT GAWIN ANG MABUTI.
A. Isip C. Konsensya
B. Kilos - loob D. Likas Batas Moral
3. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng likas batas moral?
A. Upang hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali.
A. Upang makilala ang katotohanan na kailangan upang magamit ng tama ang kalayaan.
B. Upang magsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos.
C. Lahat ng nabanggit.
4. Paano mas mapapalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
A. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
B. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
C. Kung magsasanib ang tama at mabuti
5. Ang pagpunta sa doktor upang alamin ang karamdaman, o kaya’y pag-inom ng gamot upang
mawala ang sakit o pag –iingat sa sarili ay halimbawa ng aling kalikasan ng tao?
A. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at
mabuhay sa lipunan.
A. Gawin ang Mabuti, iwasan ang masama.
B. Kasama ng mga hayop likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag – aralin ang mga anak.
C. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kanyang buhay.
6. “Kung mabuti ang kilos, nangangahulugan ito na ang kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan ay
tama. Ngunit kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na ang taglay na kaalaman ng tao
sa katotohanan ay mali.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang katotohanan ang siyang tunguhin ng konsesiya.
B. Laging tama ang paghuhusga ng konsesiya.
C. Maaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya
D. Nakabatay sa kaalaman tungkol sa katotohanan ang pagkatama o mali ng paghuhusga ng
konsensiya.
7. Paano ganap na mahahanap ang katotohanan?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman .
A. Sa pamamagitan ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa.
B. Sa pamamagitan ng paghubog ng konsensiya batay sa likas batas moral
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matataas na antas ng pinag-aralan.
8. Nagkaroon ng kasunduan si James at ang kanyang tatay na bibigyan siya ng cellphone
kungmakakakuha siya ng mataas na marka sa unang markahang pagsusulit. Nag – aral ng mabuti
si James subalit sadyang napakahirap ng mga tanong na ibinigay ng kanyang Guro kaya hindi siya
nakakuha ng mataas na marka. Ano ang dapat gawin ni James?
A. Dayaiin ang resulta ng test paper na ibibigay sa ama.
A. Ipapaliwanag sa ama ang totoong nangyari at pagbubutihin pa sa susunod.
B. Mangopya sa katabi para makasiguradong makakuha ng mataas na marka.
C. Magrereklamo sa guro na mahirap ang pagsusulit at ulitin ito.
9. Kapag tayo ay dumaranas ng krisis sa buhay o kahirapan sa pagpili alin sa mga sumusunod ang
makakatulong upang makapagpasya ng tama?
A. Humingi ng payo sa kaibigan.
A. Itulog nalang at lilipas din iyan.
B. Maghanap ng solusyon sa internet.
C. Magdasal at humngi ng tulong sa Diyos.
10. Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang
masama. Ngunit minsan ay nagkakamali pa rin tayo sa ating pagpili at pagpapasya ang tao. Ano
ang marapat na gawin kapag nakagawa ng maling pasiya?
A. Humingi ng tawad sa nagawang kamalian.
B. Isipin na lang na ito ay lumipas na at hindi na mababalikan at maitatama pa.
C. Lubos na Pagsisishan ang pagkakamali.
D. Matuto mula sa maling pasiya upang hindi na ito maulit.
15. Ito ay ang kawalan ng kaalaman sa isang bagay na maaring maging sanhi sa maling paghuhusga
ng kosnsensiya.
A. Kamangmangan B. Kamangmangang di-madaraig
A. Kamangmangang madaraig C. Kabobohan
16. Ito ay uri ng kamangmangan na dahil sa kapabayaan ng tao, may magagawa siya upang
malampasan ito kayat ang maling gamit ng kosensiya sa pagkakataong ito ay maituturing na
masama.
A. Kamangmangan
A. Kamangmangang madaraig
B. Kamangmangang di-madaraig
C. Kabobohan.
17. Sumakay ka ng tricycle at nang ikaw ay pababa ay may nakita kang smart phone sa iyong paanan.
Naisip mong ito na ang matagal mong pinagdarasal na phone kaya ito ay dali dali mong kinuha.
Tama ba ng iyong naging pasya?
A. Oo, maaring ito ay hulog ng langit at biyaya ito ng Diyos sa akin.
B. Oo, dahil hindi ko naman ito sinadyang ninakaw, kaya’t wala akong pananagutan.
C. Hindi, dahil maaring makulong ako kapag nalamang ito ay nasa akin at hindi ko isinauli.
D. Hindi, dahil may paraan upang malaman kung sino ang may – ari kaya’t dapat itong ibalik.
18. Batay sa sitwasyon sa no. 14 ano ang pinamabuting gawin?
A. Ibigay sa driver ng tricycle upang hanapin ang may ari.
B. Palitan kaagad ang sim para hindi na macontact ng may – ari.
C. Ipost sa social media para maikalat agad umabot sa may ari.
D. Ibilin sa driver ng tricycle na kung hahanapin ng may- ari ay sadyain kang puntahan.
19. Ayon kay Santo Tomas de Aquino “ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang
kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.” Ano
ibig sabihin nito?
A. Dahil ikaw ay malaya maari mong gawin ano man ang iyong naisin.
B. Dahil ang tao ang pinagmulan ng kanyang kilos siya ang mananagot sa kanyang ginawa.
C. Kahit ang tao ay malaya, may pananagutan pa siya sa kanyang kilos.
D. Dahil malaya ang tao, siya lamang ang maaring magtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang
sarili.
20. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon
kung ano ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
B. Dahil may likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
C. Dahil may kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang
konsensiya.
D. Dahil ang tao ay may kakayahang mag - isip.
21. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
A. Kilos-loob C. Pagmamahal
B. Konsensiya D. Responsibilidad
22. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
A. Upang malinang ang kakayahan at kaalaman.
B. Upang malinang ang pagkatao at matamo ang layunin ng pagkabuhay sa mundo.
C. Upang maging Masaya ang tao sa buhay at magawa ang lahat ng nais na walang humadlang.
D. Upang maging Malaya sa pansariling kahinaan at malayang tumugon sa pangangailang ng
sitwasyon.
23. Kailan masasabing higit na malaya ang tao?
A. Kapag nagagawa niya ano man ang kanyang naisin.
B. Kapag walang kumokontra sa kanyang gusting gawin.
C. Kapag naisasabuhay ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.
D. Kapag nagagawa niya ang kanyang mga katungkulan at inaasahan sa kanya.
24. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Jane ang manood ng TV anumang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni Jane ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
C. Hindi mahiyain si Jane kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
D. Kahit pagod na si Jane mula sa paaralan, tumutulong pa rin siya sa mga gawaing bahay.
25. Sinasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako. Malaya ba ang tao kapag
napanagutan niya ang kanyang kilos?
A. Hindi, dahil ang malayang kilos ay hindi lamang dapat panagutan kundi mabigyan ng paliwanag
ang kilos.
B. Hindi, dahil ang malayang kilos ay dapat panagutan at mabigyan ng makatuwirang paliwanag.
C. Oo, basta mapanagutan mo ang iyong kilos ikaw ay tunay na malaya.
D. Oo, sapagkat ang tao ang pinagmulan ng kanyang kilos siya ang mananagot sa kanyang
ginawa.
26. Ang iyong matalik na kaibigan sa klase ay nahihirapan sa asignaturang Matematika. Gusto mo
siyang tulungan upang hindi bumagsak.
A. Pakokopyahin ko siya sa mga gawaing bahay at pagsusulit.
B. Papayuhan ko siya na makinig at mag – aral ng mabuti.
C. Maglalaan ako ng oras para masamahan siya sa pagrereview para siya ay maturuan.
D. Sasabihan ko ang guro sa problema ng aking kaibigan upang matutukan at maturuan siya.
27. Sinabi ng inyong class treasurer na nawawala ang inyong class funds. Alam mong ginamit niya ito
para pambayad ng Field trip para siya ay makasama. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong ko siya sa aking mga kaklase para malaman ang totoo.
B. Pahihiramin ng pera para ito ay mabayaran at hindi siya mapahamak.
C. Papayuhan ko siya na sabihin niya ang katotohanan sa aming guro
D. Sasabihin ko sa aming guro ang totoo para siya na lamang ang kumausap dito.
28. Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong sa kaniya upang makatawid.
ngunit mahuhuli ka na sa iyong service.
A. Aakayin ang matanda at tutulungan hanggang makatawid, di na baleng maiwan.
B. Kakausapin ang kasabay na tumatawid para siya na ang tumulong.
C. Magpapalaam sa service at babalikan ang matanda para tulungan.
D. Magmamadali at magpapanggap na hindi siya nakita.
29. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nababagot ka kaya nawalan ka ng interes na
makinig sa kaniya. Dahil dito nakababagot at nawawalan ka ng interes na makinig sa kaniya.
Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Tama ba na sisishin ang
guro?
A. Tama, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
B. Tama, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
C. Mali, dahil may kakayahan kang pumili at kumilos.
D. Mali, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos at responsibidad mo rin ang matuto.
30. Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya makita ang lampas sa kaniyang sarili; Ano ang
kahulugan nito?
A. Hindi ka tunay na malaya kapag ikaw ay makasarili.
B. Hindi ka tunay na malaya kapag hindi ka responsible.
C. Hindi ka tunay na malaya kapag hindi ka tumutulong.
D. Hindi ka tunay na malaya kapag hindi marunong magmahal.
31. Ito ay nangangahulugan ng pagiging karapat – dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula
sa kaniyang kapwa.
A. Dignidad C. Konsensiya
B. Kalayaan D. Likas Batas Moral
32. Siya ang pinakatangi sa lahat ng nilikha.
A. Halaman C. Tao
B. Hayop D. Lahat ng nabanggit.
33. Sino sa tao ang may dignidad at dapat na igalang?
A. Lahat ng tao, anoman ang gulang, anyo, antas ng kalinangan/kakayahan at katayuan sa buhay
B. Lahat ng tao na may kaya sa buhay o mayaman sa lipunan.
C. Lahat ng tao na mataas na katungkulan o posisyon sa lipunan.
D. Lahat ng tao na mataas na pinag – aralan sa lipunan.
34. Saan nagmula ang Dignidad ng tao?
A. Sa Diyos na lumikha sa kanya
B. Sa Kapwa na palagiang nakakasalamuha.
C. Sa Magulang na nagbigay buhay sa kanya.
D. Sa Sarili na mismong humubog sa kanya.
35. Bakit may dignidad ang tao? Ano ang kadahilanan nito?
A. Ito ay sa kadahilinang nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kanyang wangis
B. Ito ay sa kadahilanang ang tao ay bukod tangi sa lahat ng nilikha.
C. Ito ay sa kadahilanang siya ay may isip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa,
mangatwiran.
D. Lahat ng nabanggit.
36. Paano maipapakita ang pantay na pagtingin sa kapwa.
A. Pantay na pakikisama sa kapwa.
B. Pantay na pakikitungo sa kapwa.
C. Pantay na pagtrato at pagtulong sa kapwa.
D. Pantay na paggalang at pagmamahal sa kapwa.
37. Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng pantay na pagtingin sa kapwa?
A. Ipinauubaya ang upuan sa katabi kung siya ay maganda at sexy.
B. Mataas ang tingin sa mga matalino at mayayaman.
C. Pagtawag ng bobo sa kaklase na hindi makasagot sa klase.
D. Sa pangkatang Gawain ay nais makagrupo, matalino man o hindi.
38. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita sa paggalang ng dignidad ng kapwa?
A. Pantay na pagtingin sa kapwa mayaman man o dukha.
B. Mabuting pakikitungo sa kapwa kung may kapinabangan sa kanila.
C. Iniiwasang makatabi sa sasakyan ang mga maiitim.
D. Pakitunguan ang tao ng naayon sa iyong kagustuhan.
39. Mataas ang batayan sa pagpili ng kaibigan.Tayahin ang mga sumusunod. Alin ang hindi
nagpapakita ng pagkilala sa dignidad ng kapwa?
A. Patuloy na pagkilala at pagpapahalaga sa iyong naging guro.
B. Patuloy na pagkakaroon ng magandang ugnayan sa dating kaklase.
C. Patuloy na pakikipagkaibigan sa kaklase habang napapakinabangan.
D. Patuloy na pagmamahal ng anak sa magulang kahit siya ay matanda at mahina na.
40. Ito ay hindi pinagbabatayan ng Dignidad.
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang – alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Pakitunguhan ang kapwa gaya ng nais mong pakikitungo ng iba sa iyo.
D. Pakisamahan ang kapwa na nagtataglay ng katangiang mapapakinabangan.

You might also like