Professional Documents
Culture Documents
Pinal Panukalang Proyekto 12L Group 1
Pinal Panukalang Proyekto 12L Group 1
12 - L
Bada, Nathaniel Luis A. - s2009663@dlszobel.edu.ph
Miranda, Ms. Lourdes Stella G. - s2009478@dlszobel.edu.ph
Nobleza, Alexa Rae A. - s2016731@dlszobel.edu.ph
Pedrosa, Elise Sofia G. - s2012309@dlszobel.edu.ph
Yee, Ramon Miguel M. - s2007227@dlszobel.edu.ph
Mahalaga
March, 2020
KATEGORYA
Worksyap
LAYUNIN
RASYONAL
Sa nakalipas na pag-aaral, pananaliksik at obserbasyon na ginawa ng
aming grupo, natuklasan namin na ang kakulangan sa suplay at yamang
natural, sapilitang paggawa, at ang mga batang anak na maagang
nagtatrabaho dahil sa kawalan ng mga magulang sa kanilang buhay, ay
nagdudulot ng matinding sakripisyo at responsibilidad sa mga batang ito na
magtrabaho ng maaga sa edad nila upang tulungan at suportahan ang
kanilang pamilya. Sa Sitio Makabuhay, karamihan sa mga pamilya doon ay
walang tatay o ama na kasama nila sa bahay dahil sila ay karamihan
nakakulong sa bilangguan. Ibig sabihin, kapag wala ang presensiya ng isang
magulang sa isang tahanan, kadalasan ang tatay, ay may kakulangan sa mga
pangangailangang pisikal (pinansiyal na tibay) at emosyonal (relasyon sa
isa’t-isa).
Isa sa posibleng negatibong epekto ng ganitong sitwasyon sa isang
pamilya na napag-alaman sa isang pag-aaral na ginawa nina Malima at
Akech kung saan sinabi nila na “ang mga estudyante na nakaranas ng
paghihiwalay ng mga magulang, o pagkamatay ng isa sa mga magulang, ay
kadalasan nagkukulang din sa talino at galing sa kanilang pag-aaral sa
paaralan. Hindi rin nila natatagumpayan ng husto ang kanilang talento”
(2016). Ayon naman kay Stack at Meredith, karamihan ng mga nag-iisang
tumatayong magulang sa isang pamilya ay nakararanas ng hirap o
kakulangan sa pera kung saan nagiging negatibo rin ang epekto sa kanilang
pakikisalamuha sa lipunan, kaya nagkakaroon din sila ng problema sa ugali
at emosyon. Dahil sa kanilang hirap at kakulangan sa pera, nagiging balakid
ito sa kanilang sosyal at sikolohikal na pagkatao kung kaya’t pinipili na
lamang nilang makapag makapag-isa (2017). Ayon sa isang pag-aaral ng
tatlong mananaliksik, ang kanilang konklusyon ay karamihan o kadalasan sa
mga nag-iisang tumatayong magulang ay hindi alam o lubos na kilala ang
pagkatao ng kanilang mga anak dahil sa kakulungan nito sa oras na
makapiling sila dahil sa mahabang oras sa trabaho. Ang konklusyon na ito ay
suportado ng isang pag-aaral gamit ang mga salita ni Moime (2009) kung
saan sinasabi na “ang isang pamilya ay ang siyang naghahasa o naghuhubog
sa pagkatao ng isang indibidwal at ang relasyon ng bawat isa.” Kung ang
relasyon ng isang magulang at anak ay hindi maganda o matibay, kadalasan
ay hindi rin nagkakaroon ang bata ng magandang relasyon sa kanyang
kapwa (Mabuza et al. 2014).
DESKRIPSYON
- Ang "Mahal(aga)" ay isang worksyap na naglalayong palakasin at
pagtibayin ang relasyon ng magkakapamilya. Gayundin,
bibigyang-pansin nito ang wasto at maayos na pagtatakda ng mga
gawaing bahay sa bawat miyembro ng pamilya. Sa pamamagitan ng
mga gawaing ito, inaasahang matututunan ng bawat miyembro ng
pamilyang maging maayos at payapa ang kanilang mga buhay.
-
KAPAKINABANGAN
- Ang proyektong ito ay patungkol sa mga pamilyang itinataguyod ng
nag-iisang magulang. Sa pamamagitan nito, higit na palalakasin at
palalalimin ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya. Gayundin,
maaaring matulungan ang bawat pamilya na maisaayos ang kanilang
oras at tungkulin sa pamamagitan ng maayos na pagtatakda ng mga
gawaing pambahay. Sa pagtatapos ng gawain, inaasahan din ng mga
tagapanukala na mabibigyang pagpapahalaga ng mga miyembro ng
pamilya ang pagkakaroon ng inisyatibo o pagkukusa na makatutulong
upang higit na umunalad at maisaayos ang kanilang pamilya.
TALATAKDAAN NG GAWAIN
TIYAK NA PANAHON NG MGA TAONG MGA
GAWAIN PAGSASAKATUPA KASANGKOT KAKAILANGANI
RAN (PERSONS N
(DURATION) INVOLVED) (MATERIALS
NEEDED)
GASTUSIN NG PROYEKTO
AYTEM/ DAMI/BILANG HALAGA PAGKUKUNAN
MATERYALES/ (QUANTITY) (PRICE) NG PONDO
KAGAMITANG
KAKAILANGANI
N
(MATERIALS
NEEDED)
SANGGUNIAN
Malima, Joyce G. Effect of Single Parenting on Students Academic
Performance in Secondary Schools in Arusha City ..., Tanzania. GRIN
Publishing, 2017.
Stack, Rebecca Jayne, and Alex Meredith. “The Impact of Financial
Hardship on Single Parents: An Exploration of the Journey From Social
Distress to Seeking Help.” Journal of Family and Economic Issues, vol.