You are on page 1of 12

1

Homeroom Guidance
Quarter 1 – Modyul 2:
Kabilang Ako...Kabilang Tayo
MODYUL

2
Kabilang Ako…Kabilang Tayo

Layunin sa Pagkatuto

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


magagawa ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


bawat miyembro ng pamilya at ng iyong mga
kamag-aral;
2. Nabibigyang halaga ang relasyon sa pamilya at mga
kamag-aral;
3. Naisasagawa ang mga bagay na makakatulong sa maayos
na relasyon; at
4. Nakikisama bilang bahagi ng pamilya.

Panahon: Ikatlong Linggo hanggang Ika-walong Linggo ng


Unang Markahan
Iminungkahing Kabuuang Oras ng Paggawa: 360 minuto

Kakailanganing Kagamitan:
Lapis
Krayola
Gunting

2
Pandikit
Bond paper o anumang malinis na papel
Family pictures
Recyclable na materyales (lumang dyaryo o magazines, butones
etc.)
Anumang bagay na magagamit sa bahay.

Panimula

Ang mga krayola ay may magkakaibang


kulay.

Kapag pinagsama mo ang mga kulay,


maaari kang makagawa ng isang magandang
Sining.

Tulad ng kulay ng mga krayola, ang iyong pamilya at mga


kaibigan ay may pagkakaiba.

Ang mga pagkakaiba ay maaari ring lumikha ng


magagandang karanasan. Ito ay tulad lamang ng iba't ibang
kulay ng mga krayola.

Sa araling ito, malalaman mo kung paano tanggapin at


ipagdiwang ang mga pagkakaiba ng iyong pamilya at mga
kaibigan.

3
Subukan

Iminungkahing Kabuuang Oras ng Paggawa: 90 minuto

Sa tulong ng iyong magulang/tagapag-alaga, gumuhit o


lumikha ng isang family tree. Maaari kang gumamit ng recyclable
o anumang materyal na makikita sa bahay. Sa iyong family tree,
idikit ang larawan ng bawat miyembro ng iyong pamilya. Isulat
ang pangalan ng mga miyembro ng pamilya at ang kanilang
tungkulin.
(Example: Juan Dela Cruz- tatay)

Pagpoproseso ng Katanungan:

Sa tulong ng iyong magulang /tagapag-


alaga, sagutin ang mga sumusunod na
tanong nang pasalita.

1. Ano ang ginagawa ng bawat


kasapi ng pamilya?

2. Ano ang pakiramdam mong ginagawa


mo ang iyong tungkulin bilang bahagi ng pamilya?

3. Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pag-aalaga sa


iyong pamilya?

4
Tuklasin

Iminungkahing Kabuuang Oras ng Paggawa: 90 minuto

Sa isang malinis na papel kopyahin ang talahanayan sa


ibaba. Ilagay sa ikalawang hanay ang iyong sagot. Sa ikatlong
hanay naman ay ipasagot ito sa isa sa iyong pamilya.

Pangalan ng
Miyembro ng
Ako
Pamilya (ama, ina,
kapatid,
ate at iba pa)
Paboritong pagkain
Buwan ng
kapanganakan
Paboritong cartoon
Character
Paboritong kulay
Paboritong asignatura
Paboritong libangan
Paboritong laruan
Paboritong palabas
Paboritong laro
Paboritong artista

5
Pagpoproseso ng Katanungan:

Sa patnubay ng iyong magulang / tagapag-alaga o


sinumang miyembro ng pamilya, sagutin ang mga sumusunod na
tanong nang pasalita.

1. Ano ang pagkakatulad mo sa ibang kasapi ng iyong


pamilya?

2. Ano ang pagkakaiba mo sa ibang kasapi ng


iyong pamilya?
3. Mahalaga bang magkaroon ng isang maayos
at masayang relasyon sa bawat miyembro ng
iyong pamilya? Bakit?

Tandaan

Iminungkahing Kabuuang Oras ng Paggawa: 60 minuto

Ang pakikisama sa iyong mga kapatid at kaibigan ay masaya!


Nakatutulong ito upang malaman ang pagkakatulad at
pagkakaiba ninyo.

Ayos lang ang maging iba sa nakararami.

Sa katunayan, ang pagiging iba mo ang makatutulong sa iyo


upang makilala pa ng lubusan ang iyong sarili.

6
Anuman ang mga pagkakaiba na iyon, kailangan
mo pa ring respetuhin at maging mabuti sa kanila

Mahal ka ng iyong magulang at kaibigan kahit sino ka man.


Kaya dapat mo rin silang mahalin para magkaroon kayo ng
masayang relasyon bilang isang pamilya.

Ang pagkakaroon ng masaya at maayos na relasyon ay ang


pagtrato sa iba ng mabuti. Ito ay ang pagbibigay respeto sa
bawat isa.

Kahit sa panahon ng pandemya ay hindi dapat mawala ang


maayos at masayang relasyon sa pamilya, kamag-anak at mga
kaibigan. Palaging tandaan na may ibang mga tao tulad ng
iyong lolo't lola, kapitbahay, at pinsan. Mayroon ka ring mga
kamag-aral o kaibigan.

Maaaring hindi mo sila makita araw-araw dahil sa


kasalukuyang sitwasyon. Gayunpaman, maganda kung
maaalala mo pa rin sila.

Pwede mong gawin ang mga sumusunod:

 Irespeto ang iyong mga magulang at nakatatanda.


 Tumulong sa mga gawaing bahay.
 Magbahagi ng mga laruan sa iyong mga kapatid.
 Batiin ang mga kakilala sa tuwing sila ay nakakasalubong.
 Sumulat ng maikling mensahe sa isang papel at ipadala sa
kanila.

Ang pagkakaroon ng maayos at masayang relasyon sa ibang


mga tao ay ang pagpapakita ng pagmamahal, lalo na sa oras
ng pandemya.

7
Kaya Mo Yan!

Iminungkahing Kabuuang Oras ng Paggawa: 60 minuto

1. Sa tulong ng iyong magulang / tagapag-alaga, gumawa ng


isang simpleng tsart na nagpapakita ng paraan kung paano
magkaroon ng masaya at maayos na relasyon sa iyong
pamilya at mga kaibigan.
2. Gumuhit ng isang masayang mukha kung nagawa mo o
naisagawa ang tinutukoy na kilos.
3. Maaari mong kopyahin ang halimbawang ibinigay sa ibaba.
4. Gawin ito sa isang malinis na papel.
5. Kahit sinong miyembro ng pamilya ay maari kang suriin at
susubaybayan kung nagawa mo na ang mga kilos.
6. Pagkatapos sagutin ang mga pagpoproseso ng
katanungan.

Gawain
para Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
magkaroo
n ng
Maayos
na
Relasyon
Kusa akong
sumusunod
sa mga
alituntunin
    
sa bahay.
8
Humingi ako
ng
pahintulot
sa tuwing   
maghihiram
ng laruan.
Sinasabi
kong

    
"salamat" sa
mga
tumutulong
sa akin.

Pagpoproseso ng Katanungan:

1. Ano ang iyong naramdaman ng nagawa mo ang mga


gawain na makakapagbuti ng iyong relasyon sa iyong
mga magulang at kaibigan?
2. Mahalaga ba na irespeto at gumawa ng mabuti para sa
ibang tao? Bakit?

Ang Aking Natutuhan

Iminungkahing Kabuuang Oras ng Paggawa: 30 minuto

Maglagay ng tsek [] kung sumasang-ayon ka sa pahayag na


nagpapakita ng isang maayos at masayang relasyon sa iba.

9
Maglagay ng ekis [X] kung hindi ka sumasang-ayon. Isulat ang
iyong mga sagot sa papel.

1. Sinusunod ko ang aking mga magulang na manatili sa


bahay hanggang may quarantine pa.
2. Ipinapahiram ko ang aking mga laruan sa aking mga
kapatid o kalaro.
3. Nirerespeto ko ang ibang miyembro ng aking pamilya.
4. Sinusulatan ko ng mensahe ang aking mga kaibigan.
5. Kinukuha ko ang mga laruan ng aking kapatid ng
walang paalam.
6. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Tulad ng
paghuhugas ng pinggan at pagwawalis ng sahig.
7. Nakikipaglaro ako sa aking mga kapatid.
8. Binabati ko ang aking mga kapit-bahay tuwing
nakikita ko sila sa labas ng bintana.
9. Ibinahagi ko ang nararamdaman ko sa aking mga
magulang.
10. Nagpapakita ako ng respeto sa aking mga
magulang at nakatatanda

Ibahagi Mo ang Iyong Saloobin


At Damdamin

Iminungkahing Kabuuang Oras ng Paggawa: 30 minuto

Gawin ang sumusunod. Gumuhit ng isang bituin ( ) kung ang


10
pahayag ay wasto.

_______ 1. Naggsasabi ako ng "Pakiusap" kung ako ay may


kailangan.

_______ 2. Niyayakap ko ang aking magulang o tagapag-alaga


at sinasabing, "Salamat!"

Sa tulong iyong magulang / tagapag-alaga, kumpletuhin ang


mga sumusunod na pahayag:

1. Ipapakita ko ang maayos at masayang na paraan ng


pakikipag-ugnayan sa aking pamilya at mga kaibigan
sa pamamagitan ng:

a.

b.

c.

2. Mahal ko ang aking pamilya dahil

______________.

11
====================

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

12

You might also like