You are on page 1of 14

Banghay Aralin sa Filipino 9

Gamit ang IDEA Instraksyunal na Proseso

Asignatura Filipino

Learning Delivery Modality Blended Learning (Modular/Online/Face-to-face Learning)

DLC Number and Statement: Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa
napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula (F9PD-IVg-h-59).

Paksa: Katangian ng Isang Ina Noon at sa Kasalukuyan

Value to be Integrated: Pagmamahal sa Pamilya

Value Concept:
Ang pagmamahal para sa pamilya ay tumutukoy sa kung paano ipinamamalas ng isang indibidwal ang matibay na
koneksyon, suporta, pagmamalasakit, respeto, simpatya, at pagmamahal sa bawat miyembo ng kaniyang pamilya.
Ang katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyang panahon ay parehong nagpapamalas pagmamahal sa pamilya.
Sa loob o labas man ng tahanan, nararapat na matutunan ng bawat indibidwal ang pagpapamalas ng mga
katangiang sumasalamin sa pagmamahal tungo sa bawat miyembro ng pamilya upang mapagtibay ang mabuting
samahan at ugnayan ng pamilya sa isa’t-isa.

Paaralan Baitang 9

Pangalan ng Guro Bb. Hannah Andrea Alexa F. Hernandez Asignatura Filipino

Araw ng Pagtuturo Markahan Ikatlo

Oras Bilang ng Araw Isa

I. Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:

a. Naihahambing ang katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan;


b. napapagtibay ang kahalagahan ng pagmamahal para sa pamilya; at
c. nakakabubuo ng venn diagram ukol sa katangian ng ina batay sa napanood na
dulang pantelebisyon at pampelikula.

A. Pamantayan Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan
g Nilalaman ng Pilipinas.

B. Pamantayan Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard


sa Pagganap tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian
(dekonstruksiyon).

C. Kasanayan Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood
sa Pagkatuto na dulang pantelebisyon o pampelikula (F9PD-IVg-h-59)

D. Pampaganan Gameshow; panonood


g Kasanayan

II. NILALAMAN Aralin IV: Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano


Paksa: Katangian ng Isang Ina Noon at sa Kasalukuyan
Panitikan: Noli Me Tangere
Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian

a. Mga Pahina sa Filipino - 9 Ikaapat na Markahan - Modyul 8: Noli Me Tangere (Mahalagang Pangyayari
Gabay ng sa Buhay ni Sisa)
Guro Pahina 8-10
Pahina 13-14

b. Mga pahina sa Filipino - 9 Ikaapat na Markahan - Modyul 8: Noli Me Tangere (Mahalagang Pangyayari
Kagamitang sa Buhay ni Sisa)
Mag-aaral
Paunang Gawain: Pahina 5
Pangalawang Gawain: Pahina 16
Pangatlong Gawain: Pahina 17

c. Mga pahina sa Pp 1-28.


Teksbuk

ABS-CBN Star Cinema. (2022). “Four Sisters and a Wedding” FULL MOVIE | Toni
d. Karagdagang Gonzaga, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Angel Locsin.
Kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=rVkg-3Pifig
mga Learning
Resources Ang Tanging Ina | Ai-Ai de las Alas, Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino |
Supercut. (n.d.). Retrieved March 9, 2023, from https://www.youtube.com/watch?
v=1lRHPvJum3E&t=17s

Jollibee Studios. (2018). Kwentong Jollibee Mother’s Day Trilogy: Amor .


https://www.youtube.com/watch?v=8KtPv9AoVVs

Jose Rizal University. (2004). Jose Rizal [Noli Me Tangere].


http://www.joserizal.ph/no18.html

K to 12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO. (2016). https://www.deped.gov.ph/wp-


content/uploads/2019/01/Filipino-CG.pdf

Manuel, P. (2022, June 12). NOON AT NGAYON. Prezi.com.


https://prezi.com/p/p7lntecxb_ed/noon-at-ngayon/?
fbclid=IwAR1aE6ZJyhHWKDAltvhwR6E8kxxtGMhFrxpQzMadS3JdUA9qAPp8
OCbgLSo

NANAY (Short Film). (n.d.). Www.youtube.com. https://www.youtube.com/watch?


v=2joHne1INUI

Ortiz, M. (2021). Filipino 9 Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Noli Me Tangere


(Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Sisa).
https://www.coursehero.com/file/122720258/Filipino-9-SLMs-4th-Quarter-
Module-8pdf/?
fbclid=IwAR1KRjI1hTtp_iAevJzzSQ1ZbUCSswb1FH4SNy8MFKhkn68wAZdX
6Sjsw3I

B. Listahan ng ● Laptop
Kagamitang ● Projector
Pantuturo para ● Internet
sa Gawaing Pag- ● PowerPoint Presentation
inam at ● E-Teksbuk
Pakikipag- ● Youtube
ugnayan. ● Timer
● Chalk/Whiteboard Marker
● Ballpen
● JeopardyLabs

IV. PAMAMARAAN

A. Introduction I. Paunang Gawain: ENTRY POINT FOR VTI


(Panimula)
Istratehiya: Gameshow (Family Feud)
Technology Panuto: Gamit ang Jeopardy Labs, ang mga mag-aaral ay sasagot ng ilang mga
Integration: katanungan patungkol sa isang ina.

Application: Mga katanungan:


JeopardyLabs 1. Bukod sa salitang ina, ano-ano pa ang pwedeng itawag sa iyong ina?
2. Ano-ano ang kadalasang ginagawa ng isang ina sa loob ng tahanan?
Link:
3. Paano mo ilalarawan ang katangian ng isang ina?
https://jeopardylabs.c
om/ Mga inaasahang kasagutan:

1. - Nanay/Inay
- Mama
- Inang
- Mamang
- Mommy
- Mudra
- Ermat

2. - Naglalaba
- Naghuhugas ng plato
- Nagluluto
- Naglilinis
- Nag-aasikaso ng asawa
- Nag-aalaga ng anak
- Nagbabadyet ng pera

3. - Mabait
- Magalang
- Maalaga
- Mapagmahal
- Masipag
- Maalalahanin
- Madiskarte

Mga Panlinang na Tanong:

Processing questions Expected answers from students


C- 1. Ano-ano ang mga Ang mga napansin ko po sa mga katanungang
napansin mo sa mga inilahad sa laro kanina ay pumapatungkol sa isang
katanungan inilahad sa ina partikular na sa mga katangian at responsibilidad
gameshow? nito sa loob ng tahanan.
C-2. Sa iyong palagay, bakit Sa aking palagay, nagpapamalas ng mga ganitong
nagpapamalas ng ganitong katangian ang isang ina sapagkat ninanais niyang
mga katangian ang isang ina iparamdam ang kaniyang pagmamahal tungo sa
tungo sa kaniyang pamilya? kaniyang pamilya.

C-3. Ang mga katangian Opo. Masasabi kong sumasalamin ang mga
bang nabanggit ay katangiang nabanggit sa katangian ng aking ina dahil
sumasalamin sa katangian ito ay aking nasusubaybayan at nararamdaman sa
ng iyong ina? Ipaliwanag. loob o labas man ng aming tahanan.

A-4. Ano ang iyong Masaya po dahil nararamdaman ko po na ako ay


nararamdaman sa tuwing mahal ng aking ina, ganon din sa aming pamilya.
nagpapamalas ang iyong ina
ng mga katangiang
nabanggit? At bakit?
A-5. Bakit mahalagang Mahalaga pong magpamalas ang bawat miyembo ng
magpamalas ng mga pamilya ng mga katangiang sumasalamin sa
ganitong katangian ang katangian ng isang ina sapagkat napapagtibay po nito
bawat indibidwal tungo sa ang samahan at maayos na ugnayan ng bawat isa.
pamilya?
A-6. Sa paanong paraan mo Bilang ganti, mamahalin, igagalang, at aalagaan ko
mapapasalamatan ang ang bawat miyembro ng aking pamilya tanda ng
pagmamahal sa iyo ng iyong aking pasasalamat.
pamilya?

B. Development II. Pangalawang Gawain:


(Pagpapaunlad)
Panuto: Ang mga mag-aaral ay papanoorin at paghahambingin ang dalawang short film
Technology patungkol sa isang ina.
Integration

Application:
Youtube

Link:
https://
www.youtube.com/
watch?
v=8KtPv9AoVVs “Amor” “Dekada ‘70”
https:// https://www.youtube.com/watch?v=8KtPv9AoVVs https://www.youtube.com/watch?v=kLXiUuz5hs8
www.youtube.com/
watch? Ang short film na “Amor” ay tumatalakay sa katangian ng isang ina sa kasalukuyan
v=kLXiUuz5hs8 samantala ang maikling video clip mula sa “Dekada ‘70” ay tumatalakay sa katangian ng
isa ina noon.

1. Tungkol saan ang ipinalabas na short film? - C


2. Ano-anong mga katangian ang napansin mo sa mga ina? - C
3. Ano ang iyong naramdaman matapos mapanood ang short film? - A
4. Ilarawan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang ina mula sa magkaibang
henerasyon. - B

Application:
Canva III. Abstraksyon

Link: Kabanata XVI


https:// Si Sisa
www.canva.com/
Buod

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga


taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga
kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas
ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang


pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya inasikaso ang mga anak,
tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng
kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong
siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na
paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang
lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga
anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong
tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin.
Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay
Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas
na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng
sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa
simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat


dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila.
Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni
Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya
ng perang sasahudin ng anak.

Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang
dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang
pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala
niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay.
Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil
niya ang pag-aawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa
kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang
dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio
mula sa labas ng bahay.
Ang Katangian ng Isang Ina sa Kasalukuyang Panahon Batay sa mga Dulang
Pantelebisyon at Pampelikula

“Ang Tanging Ina”


https://www.youtube.com/watch?v=1lRHPvJum3E&t=17s

“Four Sisters and a Wedding”


https://www.youtube.com/watch?v=rVkg-3Pifig

Mga Angkop na Ekspresyon sa Pagpapaliwanag, Paghahambing at Pagbibigay-


Opinyon

● Opinyon - ay isang kuro-kurong personal o mga paniniwala ukol sa isang bagay.


Maaaring ito ay totoo o isang karanasan.

Halimbawa: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, sa ganang akin, naniniwala ako, ang opinyon ko sa bagay
na ito, at sa tingin ko.

● Dalawang Uri ng Paghahambing


a) Paghahambing na Magkatulad - ginagamit kung ang dalawang
pinaghahambing ay may parehong katangian. Sa tulong ng mga panlaping
ka, magka-, ga-, sing, kasing-, magsing-, magkasing-, at mga salitang paris,
wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha
naipahahayag ang mga ito

b) Paghahambing na ‘Di Magkatulad - Ginagamit ito sa pagtanggi o


pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

● Dalawang Uri ang Hambingang ‘Di Magkatulad

a) Hambingang Pasahol - kung may mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa


bagay na inihahambing.
Halimbawa: di-gasino, di-gaano, di-totoo.
- Di-gasino - ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.
Halimbawa: Di-gasinong masikap sa buhay si Pedro na gaya ng
kaniyang mga anak.
- Di-gaano - tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay
lamang ginagamit. Halimbawa: Di-gaanong naipakita ni Pedro ang
pagmamalasakit sa pamilya. 15
- Di-totoo - nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang
uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at digaano. Halimbawa: Di-
totoong lahat nang ‘di lumaki sa sariling magulang ay nalilihis ng landas.

b) Hambingang Palamang - kapag may mahigit na katangian ang inihahambing sa


bagay na pinaghahambingan.
Halimbawa: Higit/mas, kaysa/kaysa sa/kay, labis, di-hamak

- Lalo - ang paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung


ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan,
kalabisan o kahigitan. Katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.
- Higit/mas, kaysa/kaysa sa/kay - sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan
kung ginagamit ito sa paghahambing.
- Labis - tulad din ng higit o mas
- Di-hamak - kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri

C. Engagement Gawain 1: #BonggaKa’Nay!


(Pagpapalihan)
Panuto: Ang mga mag-aaral ay pipili ng isang dulang pantelebisyon na tumatalakay sa
isang ina sa kasalukuyang panahon at ihahambing ito sa katangian ni Sisa.
Application:
Jamboard
pagkakatulad
Ina sa
Link:
napanood
https:// Sisa na Dulang
jamboard.google.com Pantelebisy
/d/ on
1cRQhoaPGWSxw23
TiNH1zFwy6Qo9hG
ZOwrvR5LLlx9TE/
viewer

D. Assimilation PAGTATAYA
(Paglalapat) Panuto: Ang mga mag-aaral ay babasahin at uunawaing mabuti ang sumusunod na
tanong at isusulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na papel.
Application:
Socrative 1. Ito ay isang kuro-kurong personal o mga paniniwala ukol sa isang bagay.
a. Sanaysay
Link: b. Damdamin
https:// c. Opinyon
b.socrative.com/ d. Katotohanan
teacher/#launch
2. Ito ay ginagamit kung ang dalawang pinaghahambing ay may parehong katangian.
a. Pahambing na magkatulad.
b. Pahambing na di-magkatulad
c. Hambingang pasahol
d. Hambingan palamang
3. Ito ay ginagamit sa pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

a. Pahambing na magkatulad
b. Pahambing na di-magkatulad
c. Hambingang Pasahol
d. Hambingang palamang

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang ina na hindi


ipinamalas ni Sisa?

a. Hindi tumigil si Sisa sa paghahanap sa kaniyang mga nawawalang anak.


b. Nagbilin siya sa asawa na pagtirhan siya ng pera na sasahurin ng kaniyang
mga anak.
c. Ipinagluto niya ng hapunan sina Basilio at Crispin upang may makain
pagkagaling sa simbahan.
d. Nagmamakaawa si Sisa na pakinggan ng mga guwardiya sibil ang
kaniyang pangangatwiran na walang kasalanan ang kaniyang mga anak.

5. Sa iyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “wala nang hihigit pa sa pag-
ibig ng ina sa kaniyang anak, mga pagpapakasakit at pagdurusa ay ipagsawalang-bahala”?

a. Sa aking palagay, wagas magmahal ang ina sa kaniyang kabiyak.


b. Naniniwala ako na mapagtiis ang isang ina para mabuhay ang kaniyang
mga anak.
c. Sa nakikita ko, handa ang ina na ilaan ang kaniyang buhay para sa
kaniyang anak.
d. Sa tingin ko, walang hirap na hindi titiisin ang ina para sa kaniyang sarili
lamang.
6. Bakit maituturing na isang ulirang ina si Sisa sa kabila ng kanilang kahirapan at
kalupitan ng kaniyang asawa?

a. Lalo pang nagsumikap si Sisa na mapalaki nang maayos at marangal ang kaniyang
mga anak.
b. Labis ang naging pagtitiis niya sa pagiging mapagmalupit ng kaniyang asawa na si
Pedro.
c. Hindi siya lumalaban at patuloy na sinusunod ang asawa para mapanatiling buo
ang kanilang pamilya.
d. Mas inuunawa ni Sisa ang kaniyang asawa kaysa sa kaniyang mga anak.
7. Bakit nagtiis si Sisa ng matagal na panahon sa piling ng kaniyang asawa sa kabila ng
kalupitan nito?

a. Para sa akin, nagtiis si Sisa at nakisama kay Pedro dahil wala naman siyang ibang
mapupuntahan.
b. Kung ako ang tatanungin, nagtiis si Sisa sa kaniyang asawa para sa kapakanan ng
kaniyang mga anak.
c. Sa aking palagay, kaya nagtiis si Sisa sa mapagmalupit niyang asawa dahil ito ang
utos ng kaniyang mga magulang.
d. Naniniwala ako na kaya nagtiis si Sisa sa kaniyang asawa sa matagal na panahon
dahil sa labis niyang pagmamahal dito.

8. Alin sa mga pahayag ang hindi nagpapakita ng katangian ng mga ina sa kasalukuyan?

a. Ang mga ina sa kasalukuyan ay may pagkakataon na makapaghanapbuhay.


b. Ang mga ina sa kasalukuyan ay mayroong pantay na karapatan tulad ng sa mga
kalalakihan.
c. Ang mga ina sa kasalukuyan ay napakikinggan ang kanilang desisyon sa bahay at
sa lipunan.
d. Ang mga ina sa kasalukuyan ay tagapangalaga lamang ng anak at asawa sa bahay.

9. Higit na malaki ang pagbabago sa tungkulin ng mga ina ngayon kaysa noon. Anong
ekspresyon ang ginagamit sa paghahambing ng dalawang nasa magkaibang antas?
a. Higit
b. Kaysa
c. Malaki
d. Ngayon

10. Masasabi kong ang aking ina ay mas matiisin kaysa kay Sisa. Anong ekspresyon ang
ginagamit sa

paghahambing?
a. tulad
b. kasing
c. mas, kaysa
d. sa ganang aki

Mga Kasagutan:
1. A
2. A
3. B
4. B
5. C
6. A
7. B
8. D
9. A
Application: 10.C
Padlet

Link: PAGPAPALALIM
https://padlet.com/ Panuto: Ang mga mag-aaral ay susulat sa isang malinis na papel ng isang maikling talata
dashboard na may 3-5 pangungusap na sumasagot sa katanungan na nakalahad sa ibaba.

Kung ilalagay mo ang iyong sarili sa


sitwasyon ng pagiging isang magulang, sino
ang nais mong tularan, ang isang ina tulad ni
Sisa, ang mga ina sa kasalukuyang panahon o
huwarang ina para sa iyo? Bakit?

Halimbawang Kasagutan sa Pagpapalalim


Ang nais ko pong tularan ay isang huwarang ina
maging siya man ay mula sa kasalukuyan o nagdaang
panahon. Sapagkat ang huwarang ina ay nagpapamalas
ng mga positibong katangian na nakakaimpluwensya sa
pag-unlad ng isang tao.Mapagmahal, maalaga, at
mabuti ang huwarang ina para sa akin. Sila ay
maituturing ko nang modelo na dapat tularan.

Takdang Aralin

Panuto: Ang mga mag-aaral ay pupunan ang bawat kolum sa ibaba ng katangian ng isang
ina na may kaakibat na tungkulin at ipaliwanag ang kahalagahan nito. Tignan ang
halimbawa sa ibaba.
Katangian ng Tungkulin ng Kahalagahan Tungkulin mo Kahalagahan
isang ina Ina ng Pagtupad bilang Anak ng Pagtupad
nito nito
Maalalahanin Tungkulin ng Upang Maging Ang
isang na mailayo sa ano maingat kahalagahan
masigurado mang palagi nito ay…..
ang kaligtasan panganib ang
ng kaniyang kaniyang mga
mga anak. anak.

Inihanda ni:

Bb. Hannah Andrea Alexa Hernandez


Guro sa Filipino

You might also like