You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon VIII (Eastern Visayas)
Division ng Leyte

PALOMPON NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Central II
Palompon, Leyte

Guro: FLORDELIZA D. MANONGSONG Petsa ng Pagtuturo: Hunyo 16, 2023

Markahan: Ikaapat na Markahan Oras ng Pagtuturo: Isang oras


Mala-Masusing Banghay-Aralin Sa Filipino 9

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikang ng Kanlurang Asya.
B. Pamantayan Sa Pagganap Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling
mga akdang pampanitikang Asyano.
C. Kasanayang Pagkatuto Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood
na dulang pantelebisyon o pampelikula.

CODE: (F9PD-IVg-h-59)

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa Panitikan “Noli Me Tangere”
Kabatana 16 – Si Sisa
Sanggunian Pinagyamang Pluma Noli Me Tangere 9, CG ng Filipino, Google, Youtube,Aklat ng Noli me
Tangere pahina 62-64.
Kagamitan Pisara, Kartolina, Activity Sheets, Powerpoint, Tv, (Si Sisa) (Nanay ShortFilm).

III. PAMAMARAAN

A. Paunang Gawain: 1. Panalangin


2. Pagbati
3. Pagtala sa lumiban
4. Alituntunin sa pag-aaral
B. Balik - aral Ang guro ay pipili ng isang mag-aaral na kung saan ay ipaliliwanag ang mga sumusunod
na kasabihan tungkol sa Pamahalaan,Paniniwala sa Diyos at Kayamanan.

C. Motibasyon Magpapakita ang Guro ng isang larawan na kung saan makikita ang paghahambing sa
katangian ng isang ina noon at ngayon.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang inyong napansin mula sa larawan?
2. Ano ang mga katangian ng isang Ina?
3. Paano ninyo ihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at ngayon?

D. Pagtalakay ng
bagong Konsepto at Ipapanood ng guro ang Kabanata 16 – Si Sisa
Paglalahad ng bagong Panuto: Panoorin at tukuyin ang katangian ng ina sa panonooring kabanata.
kasanayan.

Link: https://ph.video.search.yahoo.com/search/video;_ylt

Gabay na tanong:
1. Pamilyar ba kayo Kung sino ang
pangunahing tauhan sa napanood?
2. Batay sa napanood, Ano ang katangian ng
pangunahing tauhan sa bidyu?
F. Pangkatang Gawain PANGKALAHATANG PANUTO: Sa napanood na Kabanata 16- Si Sisa, paghambingin ang
katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o
pampelikula.

Gagawin lamang ang pangkatang Gawain sa loob lamang ng sampung minuto.

Pangkat 1
Panuto: Pagbuo ng isang tula na nagpapakita ng isang ina noon (2 saknong)

Pangkat 2
Panuto: Pagbuo ng isang tula na nagpapakita ng isang ina ngayon (2 saknong)

Pangkat 3
Panuto: Magpakita ng ilang sitwasyon kung saan
makikita ang katangian ng isang ina noon.

Pangkat 4
Panuto: Magpakita ng ilang sitwasyon kung saan
makikita ang katangian ng isang ina sa
kasalukuyang panahon

Magbibigay ang guro ng kabuuang fedbak sa lahat ng pangkat.

G. Paglalapat Bilang isang anak, ano ang katangian ng isang ina na iyong pipiliin, Katangian ng ina noon
Katangian ng ina ngayon? Bakit?
IV. PAGTATAYA

Panuto: Gamit ang “Venn Diagram”. Paghambingin ang katangian ng isang ina noon at ngayon.

V. TAKDANG – ARALIN
Panuto: Bilang paghahambing ng ina noon at sa kasalukuyan, sumulat ng isang pagpapaliwanag
mula sa tanong sa ibaba na nagpapakita ng kahalagahan sa pagtupad ng tungkulin ng ina gamit ang
mga angkop na eskpresyon. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Kung ilalagay mo ang iyong sarili sa sitwasyon ng pagiging isang magulang, sino
ang nais mong tularan, ang isang ina tulad ni Sisa, ang mga ina sa kasalukuyang
panahon o huwarang ina para sa iyo? Bakit?

Inihanda ni,

FLORDELIZA D. MANONGSONG
Teacher Applicant

You might also like