You are on page 1of 18

Mga huling

sandali sa
buhay ni
Rizal
Sa panulat nina:

V.P. Halili at MJ Soliman

(BSA-III-Obedience)

Sa gabay ni:

Zoilo
MGA TAUHAN AT GAGANAP:
1. Dr. Jose Rizal
2. Doña Teadora Alonso
3. Josephine Bracken
4. Trinidad
5. Tagabasa 1
6. Tagabasa 2
7. Gwardiya
8. Governor General Camilo de Polavieja
9. Lieutenant Luis Taviel de Andrade
10.Jesuit
11.Jesuit
12.Spanish Officer
13.Tagahatol/Juez Francisco Olive
14.Paciano
15.Announcer
16.Kastila1
17.Kastila2
18.Kastila3
19.Filipino Soldier/Guard
20.Filipino Soldier/Guard
21.Filipino Soldier/Guard
22.Filipino Soldier/Guard
23.Filipino Soldier/Guard
24.Filipino Soldier/Guard
25.Filipino Soldier/Guard
26.Pilipino1
27.Pilipino2
28.Pilipino3
29.Kababayan
30.Tagapagsalaysay
SCRIPT:

|Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na
taon din siyang nanatili sa Dapitan. Labis ang lungkot at
pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis
si Jose. Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng
isang kaibigan. Nagpaalam kay Jose lahat ng mga mamamayan ng
Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang
Espaniya, ang steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila.

Scene 1

|Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang


bumagabag sa kanya.

(May isang kababayan niya na kakausap sa kanya.)

Kabanayan: Magandang araw, Jose!

Jose: Magandang araw din naman sa iyo, kaibigan.

Kababayan: Nabalitaan kong kailangan mo raw pumunta sa Espaniya para


makatulong sa labanan sa Cuba?

Jose: Tama ka diyan, kaibigan! Sasakay sana ako sa Isla de Luzon ngunit
nahuli ako dahil nakaalis na pala ito kahapon ng alas singko.

Kababayan: Kaya naman hihintayin mo ang susunod na steamer, tama ba?

Jose: Tama at hindi na magtatagal at darating na ang Castilla, dun ako


sasakay.

Kababayan: Mabuti. Hiling ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay –

Jose: -- Salamat –

Kababayan: Nabalitaan mo na ba ang mga pagyayari sa ating bayan?

Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang


ikuwento sa akin?
Kababayan: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga
miembro ng Katipunan sa pamamahala ng Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil
don ay naguguluhan na ang mga mga Kastilang opisyal.

Jose: May mga pagaalsa na bang sumiklab?

Kabanayan: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga


probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva
Ecija at Tarlac.

Jose: Nalulungkot akong malaman ‘yan, kaibigan.

Kababayan: Nalulungkot? Hindi ba’t dapat kang matuwa at nagsisimula nang


kumilos ang mga Pilipino upang bawiin ang ating kalayaan?

Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may
layang lumipad, kulungin mo at iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo
handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas na mga armas ng mga
kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga
Pilipino at mga Kastila.

Scene 2

|Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa
y sais, inilipat si Jose sa steamer na Isla de Panay mula sa Castilla.
Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang
mayamang taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga
kapwa niyang Pilipinong nakasakay sa steamer na iyon.

P1: Jose, Jose, nabalitaan naming may planong dakpin ka bago tayo
makarating sa Barcelona.

P2: Tumakas ka na, Jose, habang may pagkakataon ka pa!

Jose: Nangako ako kay Gobernador General Blanco na pupunta ako sa


Barcelona at tutulong ako sa labanan sa Cuba bilang isang manggagamot.
Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko.
P3: Jose, walang magagawa ang tapang mo. Puputulin ng mga Kastila ang
ulo mo. Kung gusto mong mabuhay nang mas mahaba, tumakas ka nalang
at manahimik sa isang tagong lugar.

Jose: Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Mayroon akong palabra de honor at


prisipyo na kailangan kong alagaan.

(Uupo si Jose at aalis ang mga Pinoy na nagbabala sa kanya. Magbabasa siya
ng diaryo sa steamer at biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na
aaresto sa kanya.)

K1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi
magsasalita.) Eres Jose Protacio Rizal Mercado!?

Jose: Si. Que usted necesitas?

K2: Inaaresto ka namin, gamit ang kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni


Gobernador General Ramon Blanco.

Jose: Sa anong dahilan ako aarestuhin?

K1: Sumama ka nalang sa amin. Sige, dakpin siya.

Jose: Saan niyo ako dadalhin!?

K2: Ididitini ka muna namin sa Ceuta. Doon ka mananatili hanggang


makarinig kami ng kautusan mula kay Gobernador General Blanco.

|Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon. Punong-


punong ng mga sundalo at mga opisyal ang steamer. Ang huling
paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na
iyon na ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay
niya ang maging kabayaran.

(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang


mananaggol – Si Luis Taviel de Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya
laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)
Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw
ng iyong paglilitis sa kasong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya.
Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang mga ebidensiya
laban sa iyo. (Papalo)

Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay


ng iyong koneksyon sa kampanya para sa reporma sa Espanya.

2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon


dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik.

3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay


kinalaman ka sa Propaganda sa Espaniya.

4. Sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na mapanghikayat


ng himagsikan.

5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa


iyo bilang isang taong magpapalaya sa Pilipinas.

6. Isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong


mapanghimagsik na serbisiyo.

7. Isang sulat na pinirmahang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay


naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa
Espaniya.

(Papalo nanaman si Juez.)

Tagabasa2: Narito ang ilang pang mga ebidensiya laban sa iyo:

1. Sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyong na


humihingi ng tulong nito para sa paghihimagsik.

2. Isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.

3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang


tagapagligtas ng mga Pilipino.
4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga
pinatatapon ng gobyerno.

5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda
ng pagpapatayo ng espesiyal na organisasyon.

6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay


ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”

7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas,


“Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!”

8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng


paglaban para sa karapatan.

(Papalo nanaman ang Juez.)

Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng


pagkakaton ang iyong mananaggol na iprisenta ang inyong huling depensa.
(Papalo.)

Lt: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose


Protacio Rizal Mercado y Alonso Realando.

Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi


mabilang na rebelyon. Siya rin ay naging simbolo ng mga karaingan ng mga
tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan. Ano ba ang
naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi
o paglaban sa Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng
sarili niya sa rehimen ng Espaniya. Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan
at ng Espaniya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Kaya
naman ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng ito na
bigyan ang ng kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya.

Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay binibigyan


ng pagkakataon ang nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang
depensa.

(Tatayo si Jose at magsasalita.)


Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong
pananatili ko ay wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ng aking
pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang pananatili ko sa
Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon.
Nalaman, sa pamamagitan ng sulat sa aking ng aking kaibigan si Ferdinand
Blumentritt, na kailangan ng espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba
upang gumamot ng mga biktima ng digmaan. Dalidali akong sumulat sa
Gobernador General para iaabot ang makakaya ko ngunit ito ang nakuha
kong kapalit.

Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa


Dapitan at ginamit ang aking pagkawala para idiin ako. Ngayon ay nadidiin
ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga kasalanang
ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan –
minahal ko ang sarili kong bayan.

(Papalo uli ang Juez. Magkakagulo at magiingay ang mga tao.)


Juez: Silencio. Babasahin na ang hatol sa nasasakdal.

Este tribunal condena, don José Rizal Mercado Y. Alonso con la pena de
muerte, así decretado y ordenado por el tribunal ordinario marcial del cargo
como testigo por el presidente y los miembros del tribunal. (Papalo ang
Juez.)

(Habang binabasa ng tagapagsalaysay ang mga sumusunod na linya, si Dr.


Jose Rizal ay nakatingin sa mga papel na nagpapataw sa kanya ng
kamatayan na desisyon sa kanyang kaso, samantalang si Tenyente Andrade
naman ay lumakad patungo sa prison cell ng kanyang kliyente.)

l Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay


napatunayang nagkasala sa harap ng korteng ito dahil sa iyong
panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan
ng parusang kamatayan.

( Sa kabilang dako naman, pinuntahan ni Lt. Andrade si Dr. Jose Rizal sa


kanyang prison cell at kinausap ukol sa kinalabasan ng desisyon ng korte sa
kaso.)
Lt : Assholes! (Binagsak ang mga papel sa paanan ng table ni Rizal at
nagpatuloy…) culos!

Jose: (Sumagot ng kalmado) Ito ang unang beses na narinig kong binigkas
mo ang mga salitang iyan Taviel, parang lumilitaw na sanay ka sa pagbigkas
ng mga iyan.

Lt: Ang nangyari ay hindi patas, hindi nila tayo binigyan ng pagkakataon na
ipaglaban ang kaso! They manipulated the proceedings! Ginamit lang nila
tayo!

Jose: Bakit tila ikaw ang lubhang nagagalit kung gayong sa puntong ito ay
ako ang hinatulan ng kamatayan?

Lt : Mabuti at tila may gana ka pang magbiro.

Jose: Luis….

Lt: Tama na! Ako ay bibitiw na sa aking mga tungkulin at obligasyon sa


gobyerno. Babalik ako sa Espaniya!... Wala na akong mukhang ihaharap sa
iyo… Wala na kong mukhang ihaharap sa inyong lahat…

Jose: Bakit?

Lt: Sa kadahilanang, Ako ay nabigo.

(Munting katahimikan ang namutawi sa pagitan nina Rizal. Tumayo siya at


tinapik sa kanang balikat si Lt. at nagsalita).

Jose: Ikaw ay hindi Kastila Taviel, kapwa tayo’y magkatulad lamang.


Scene 2

(Sa bahay ng Gobernador General Polavieja, si Doña Teodora Alonso ay


umiiyak at kinakabahan na nakipagusap sa isang gwardiya)

Doña: Ma-walang galang na Senior, Maari ko bang makausap si Gobernador


General Polaviejo, Nais ko lamang humingi ng tulong para saaking anak na si
Dr. Jose Rizal.

Gwardiya: Ang gobernador ay walang panahon para sa mga ganyan, Alis na!

Doña: Pakiusap, maawa ka na. Ito na lamang ang natitirang paraan para
maisalba ko ang buhay ng aking anak… Pakiusap po Senior.

Gwardiya: Senyora, bor pabor!

(Pagkatapos marinig ang salitang pabor, bumaba ang Gobernador General at


lumakad patungo sa kanila sa labas ng pintuan kung saan nagmamakaawa si
na tulungan siya. Ng malapit na sa pintuan ang gobernador, pinapasok siya
ng gwardiya at kaagad na nakiusap sa gobernador at nagmakaawa.)

Doña : Oh Gobernador!, Gobernador!, Gobernador…

GG: Senyora, bor pabor!... No tengo tiempo


Doña: Maawa ka na Gobernador, Pakiusap, Nagmamakaawa ako sayo…
(inaabot ang isang envelope sa gobernador habang nakikiusap ditto) para sa
aking anak na si Jose Rizal

GG: (kinuha ang envelope) Lo Siento (at ang gobernador ay nagpatuloy ng


maglakad sa kanyang bahay, at naiwan si Doña Alonso na parang dinudurog
ang puso sa takdang pagpatay kay Dr. Rizal)

Scene 3

(Sa pagtitipon ng mga Katipunero)

Bonifacio: Tayong lahat ay lulusob sa mga Kastila sa lalong madaling


panahon. Kailangan nating iligtas si Dr. Jose Rial! Mabuhay si Dr. Jose Rizal!

Katipuneros: Mabuhay si Dr. Rizal! Mabuhay si Dr. Rizal!

Paciano: Sandali! Sandali! Tayong lahat ay humimahon! Ang mga bantay sa


aking kapatid ay tila mahirap kalabanin, ang mga Kastila ay handa sa kung
anumang plano laban sa pagsagip sa aking kapatid…

Bonifacio: Ganun din sa panig natin, hindi tayo takot sa kanila, mga kapwa
ko katipunero, hanggang sa kamatayan para kay Dr. Jose Rizal!

Paciano: Sandali lamang! Huminahon tayo! Hindi tayo dapat nagpapadalus-


dalos! Bagamat ako man ay nais kong sagipin ang akig kapatid na si Rizal,
ngunit siya rin ay ayaw itaya ang kapakanan ng ating mga buhay gayong
wala tayong kalaban-laban sa mga Kastila… Ang kapalaran ni Pepe ay nasa
kamay ng Panginoon… Wala tayong magagawa sa bagay na iyon…

(Tumingin si Paciano kay Andres Bonifacio . Tinapik siya ni Bonifacio sa


kanyang kanang balikat.)

Scene

| Ika dalawamput siyam ng Desyyembre taong isang libo walong


daan at siyam naput anim. Si Dr. Jose Rizal ay dinala sa isang
simbahan upang hintayin ang bukang liwayway sa araw ng kaniyang
kamatayan. Siya ay nagsusulat ng liham para sa kanyang
nakakatatandang kapatid na si Paciano.

(Habang sumusulat si Rizal, binabasa ng tagapagsalaysay ang kanyang


liham para kay Paciano)

“My dear brother, for more than for years, we have neither seen nor written
each other, not for lack of love on your part nor mine, but because knowing
each other as we do, we needed no words to understand each other. Now
that I am about to die, I dedicate these last lines to you to tell you how sorry
I am to leave you alone in the world, bearing the burden of the whole family
and our old parents. I think of the hardships you went through to help me in
my career and I believe I tried my best to waste no time. My brother, if the
fruit is bitter, the fault is not mine, but fate’s…”

| Habang nakadungaw sa bintana si Pepe ay dumating ang kanyang


Ina, nagkaroon ng ngiti sa mukha ni Rizal ng masilayan ang
pinakamamahal niyang ina.

(Agad itong lumuhod at nagmano)

Jose: Inay… Mano po Inay…


(Patuloy na nagluluksa si Doña Teodora habang nagmamano si Rizal at
nakatingin sa kanya)

Jose: Nawa’y patawarin niyo po ako sa aking mga pagkukulang inay.

(Ang mag-ina ay nagsimula ng mag-iyakan ngunit agad na hinila ang dalawa


ng mga gwardya at pinaglayo) Mahal na mahal kita Inay…

Doña: Pepe…

Jose: Inay, sa oras ng aking kamatayan, ipagtanong nyo po ang aking


katawan sa kadahilanang baka itapon na lamang nila ako sa kung saan…
ilibing niyo po ako at lagyan ng krus kasama ng aking araw ng
kapanganalan at kapamatayan… yun lamang po ang aking huling
kahilingan...

| Sumunod na dumating ang kapatid ng bayani kung saan mahigpit


niya itong niyakap. Bakas sa mukha ng ating bayani ang
pagkalungkot at pagaalala sa pamilya niyang maiiwan. Inabot ni
Trinidad ang isang munting regalo kay Rizal.

Jose: Ito ay nagmula kay Pardo de Taveras, may kung ano sa loob nito.

| Si Trinidad at ang kanyang ina ay lumakad na paalis. Saka na


lamang nila napagalaman ang ibig sabihin ni Rizal sa munting
regalo ng basahin ito ng pamilya. Ito ang tula na ginawa ng bayani
na pamamaalam, matagumpay ito nakuha sa kulungan at gayon na
lamang ang pagkakaroon nito ng hindi mababayarang halaga sa
Kasaysayan sa Litaratura ng Pilipinas.
| Pagkatapos ng pagbisita ng kaniyang mga mahal sa buhay, gabi
bago harapin ang kanyang kamatayan, siya ay sumulat kay
Blumentrit:

(Habang sumusulat s Rizal, binabasa ng tagapagsalaysay ang liham niya


para sa kaibigan na si Blumentrit)

“When your receive this, I shall be dead. Tomorrow at seven I shall be shot,
but I am not guilty of the crime of rebellion. I shall die with a clean
conscience. Goodbye, my best friend and dearest friend”

|Ginugol ni Rizal ang kanyang oras kagabi sa pagdadasal at natulog


hanggang sa dumating na ang nakatakdang huling araw sa kanyang
buhay. Ika tatlumpu ng Disyembre, alas singko ng umaga, siya ay
inahinan ng tatlong itlog na nilaga para sa kanyang almusal

Jose: Esto para los pobres ratones que ellos ambien hagan su fiesta!

|This is for the poor mice, let them celebrate, likewise. Alas singko y
media ng umaga ng dumating si Josephine Bracken kasama ni
Josefa…

Jose: Josephine this is for you… (niyakap nila ang isa’t isa)

| At lumabas sina Josephine at Josefa ng may dalang libro na may


pamagat na Imitation of Christ by Thomas Kempis.

(Sinuot ni Jose Rizal ang kanyang black suit at black howler hat. Dumating si
at ang mga gwardiya at tinalian siya sa kamay sa kanyang likod)
Jose: (Habang nakatingin kay Lt.) Iniisip nila siguro na ako ay tatakas…
saan?

Sa Dapitan?...

(Marching music plays…)

| At ang pagmartsa papalapit sa lugar na kung saan siya


papaslangin ay nagsimula na, ang grupo ay dumaan sa Postigo
Gate palabas sa Paseo de Maria Cristina. Ilang beses na tumingin ng
pabalik-balik si Rizal upang maanigan sa huling sandal ang mga
pamilyar na lugar na kanyang iiwanan.

Jose: Tayo ay papunta sa kalbaryo…

| Saad nya sa paring kaniyang tinignan

Jose: Mas higit pa dito ang hirap na naranasan ni Kristo.

Jose: Iyon ba ang Ateneo?

Jesuits: Oo

Jose: Diyan ko ginugol ang mga masasayang araw sa aking buhay…

(Ilang minute nakarating na sila sa lugar ng eksekyusyon. Nagmartsa na ang


mga sundalo habang binabasa ito ng tagapagsalaysay. I-play ang marching
music)
| Para lalong mapahiya si Rizal at maparusahan, isang firing squad
na kinabibilangan ng mga Pilipinong sundalo ang naatasan na
magsagawa ng pagbaril. Sa likod ng mga Indio ay ang mga
Kastilang sundalo na handang siguraduhin ang mga rifles na
gagamitin kung gagawin ba nila ng maayaso ang kanilang trabaho.
Bago ang pagpatay, isang militar na sugeon ang nakiramdam sa
pulso ni Rizal. Nagulat na lamang siya ng para lamang itong normal
na tao bagamat alam nitong ilang minute nalang ang kanyang
pananalagi sa mundo.

(Tigil ang Marching music, nagsalita si Rizal)

Jose: (humarap sa mga tao) I have not been a traitor to my country nor to
the Spanish nation. (pagkatapos naman ay humarap sa mga Kastilang
opisyal) on ultimo pabor. déjame hacer frente del pelotón de fusilamiento

Spanish Officer: Impossible’

Jose: entonces por lo menos salvar mi cabeza

(Tumingin ang Kastila kay Lt. Andrade at tumango, pinagbigyan nito ang
hiling ng bayani.Tinaas ni Rizal ang kanyang kanyang kanang kamay at
inaabot it okay Lt. upang makipagkamay at hinawakan ito ni Lt. Andrade pati
sa balikat na para bang ito’y tila nangangahulugan ng pagpapasalamat at
pamamaalam. Ang grupo na kasama ni Rizal ay dumistansya patungo sa
mga kumpol ng tao.)
Announcer: En el nombre del rey de España, cualquier persona que levanta
la voz en favor de la penal… También se ejecutará

| Sa ngalan ng Hari ng Espanya, ang sino mang nagtaas ng kanyang


boses sa pabor ng kriminal ay mahahatulan din ng kamatayan.

(Si Rizal ay umikot…)

Announcer: Listo (thrill drum sounds)!... cargar! …Establecer!

(habang tumutugtog ang thrill drum. Binigkas ni Rizal ang kanyang huling
salita.)

Jose: Consummatum est!

Announcer: fuego

(Big bang sound effect insert at namatay si Rizal. At may isang Kastila ang
lumapit upang bigyan siyang muli ng isa pang mercy shot upang masigurong
patay na siya. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ni Rizal at nilagay sa mukha
nya.)

Announcer: muerte a los traidore! Viva España

| Alas! The Indio Bravo was dead…

People: Viva España! Viva España!


|Mabuhay ang Espanya!

(march of cadiz)

You might also like