Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon Sa Pag Aaral NG W PDF
Introduksyon Sa Pag Aaral NG W PDF
Bongabong Campus
Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro
ISTRUKTURA NG WIKA/ PANGUNGUSAP (FIL 203)
FONOLOJI/ FONOLOHIYA
Fonolohiya
Pag- aaral sa mahahalagang tunog na nagbibigay ng kahulugan sa pagsambit ng salita o
nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos magkatulad ang kaligirang baybay.
Pag- aaral ng mga patern ng tunog.
Pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas-pagbaba ng mga pintig
(pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).
Fonema
Ang Fonema ay yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang
tunog.
Ang makabuluhang yunit ng tunog na ito ang nagpapabago sa kahulugan ng isang salita.
Sa dalawampu’t walong (28) titik sa ating Bagong Alfabeto, walong titik ang naidagdag sa
ating dating abakada…(c, f, j, q, v, x, z, ñ)
Sa walong titik na iyon, apat lamang ang tiyak na fonemik ang istatus (may iisang
kinakatawang tunog ang mga letra)…(f, j, v, z)
Ang natitirang apat na letra, (c, ñ, q, x) ay mga redandant dahil hindi kumakatawan sa iisa at
tiyak na yunit ng tunog kundi sa nakakatunog na isa pang letra o sunuran ng mga letra.
Halimbawa: c - /s/ = cinco = singko
c - /k/ = cabinet = cabinet
ñ - /ny/ = baño = banyo
q - /k/ = queso = keso, /kw/ = quintet = kwintet
x - /ks/ = extra = ekstra
Maidaragdag pa dito ang isa pang tunog, ang impit ( Ɂ).
Dalawampu’t lima (25) lahat ng fonema sa Wikang Filipino.
***May mga salitang binubuo ng mga pare- parehong tunog liban sa isang tunog.
Halimbawa:
pit (hukay) cap (sombrero)
bit (kinagat) cab (taksi)
Magkaiba ang kahulugan ng mga salitang ito dahil sa mga fonim na /p/ at /b/.
Halimbawa:
kulay ̶--- gulay bata --- pata
Dahil kontras ang tunog /k/ at /g/, /p/ at /b/, kung pagpapalitin ang mga tunog na ito sa
bawat set, magkakaroon ng ibang kahulugan ang salita.
POSISYON NG TUNOG
Identical- Environment (nasa iisang kapaligiran at may parehong posisyon sa konteksto ng
salita)
Pares Minimal (mga pares ng salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang fonema na
siyang ipinagkaiba ng kahulugan)
Halimbawa:
pala (spade) kulong (enclosed)
bala (bullet) gulong (wheel)
tula (poem) mesa (table)
dula (play) misa (mass)
kulay (color) balak (plan)
gulay (vegetable) balag (trellis)
KONTRAS NA TUNOG O FONIM
kapag wala ang tunog o fonim ay iba ang kahulugan
Halimbawa:
[ báta ] damit na pambahay
[ bátaɁ ] taong di pa matanda
* Magkaiba ang kahulugan dahil sa glottal stop sa pakahon
[ baśaɁ] nalagyan ng tubig/ likido
[ bása ] intindihin ang nakasulat
* Magkaiba sa istres at glotal-stap
1. DISTRIBUSYONG KOMPLEMENTARI
May kanya-kanyang pwesto ang mga miyembro ng isang fonim na hindi
pinanghihimasukan ng bawat isa.
Halimbawa: pin (aspili) – aspirated
kahit hindi inaspirate ang unang tunog, hindi magbabago ang kahulugan nito
pero kapag binanggit na may voys [b], magbabago ang kahulugan nito; magiging
[bin] na malaking lalagyan.
Sa pangungusap:
She dropped the bin. (Nabitawan niya ang malaking lalagyan)
She dropped the pin. (Nabitawan niya ang aspili.)
Hindi namamalayan ng mga native speaker ang mga fonim ng wika nila. Ito’y dahil
di lang isang pagbigkas ng bawat miyembro nito’y depende sa posisyon nito sa
salita, sa silabol o sa mga iba pang tunog ng nasabing salita.
Kapag hindi nagbabago ang kahulugan ng salita pag ipinagpalit ang isang tunog ng
iba pang tunog, hindi itinuturing na magkaiba ang mga tunog na ito.
*Kung ikukumpara ang mga kogneyt o mga salitang magkakahawig sa WP, ang
pagkakaiba ng ilan ay dahil sa metatesis.
Halimbawa: [ɁadwáɁ]- Kapampangan [dalawá]- Tagalog
[sí pun]- Naga Bikol
Ɂ
[síp un]- Sebwano at Aklanon
Ɂ
4. DELISYON- ang nangyayari sa isang salita na nawawala o di na binibigkas ang isa o higit
pang tunog
Halimbawa: Tagalog
[páno] mula sa [papáno] o [papaɁáno]
[tagaráw] mula sa [tagɁaráw]
[bangkéro]-nawala ang [o] ng salitang [baŋko] at nadagdagan ng [-ero]
[kusínera]-nawala ang [a] ng salitang [kusina] at nadagdagan ng [-ero]
Halimbawa: Ingles
[grænmæder]- grandmother ‘lola’
[sænaklos]- santa claus ‘santaklaws’
TANDAAN:
Punto ng artikulasyon lang ang pagkakaiba ng katangian ng mga tunog na magkalapit sa
chart gaya ng [p] at [t], [b] at [d].
Magkaiba naman sa fityur na voys ang [p] at [b], [t] at [d].
ENVAYRONMENT NA TUNOG
Ipinapakitang prediktabol at otomatik na binibigkas na may malakas na aspireysyon sa
unahan ng salita:
*** Ang [ph] at [p] ay alofown ng fonim /p/
Halimbawa: pin ‘aspili’ maaaring bigkasing [phɪn] o [pɪn]
May mga stap na aspirated at may stap na walang aspireysyon. Makikita rito na may
kontras at nababago ang kahulugan kapag inaaspireyt ang stap.
Halimbawa:
SUBANEN (Wika sa Zamboanga Del Sur)
/túlan/ ‘ipakulo’ /thúlan/ ‘buto’
/pílun/ ‘bilibidin ang pirasong papel’
/phílun/ ‘asukal’
Ang fonim na [t] at [th] at ang [p] at [ph] sa Subanen ay magkaibang fonim
[t] at [d]
Walang komplimentari- distribusyon
Walang envayronment na masasabing eksklusiv sa isa lamang
Magkaibang fonim dahil may minimal na pares gaya ng [lápad] – [lápat]
Tig- iisa lamang ang alofown na nasa set ng bawat fonim dahil hindi nagbabago ang
bigkas