You are on page 1of 5

Kasaysayan ng panitikang pilipino

1. Kasaysay an ng Panitikan g Pilipino.


2. Panitikang Pilipino bago sumapit ang mga Kastila.
3. Katutubong Panitikan • Ang katutubong panitikan ay tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. • Punung-
puno ito ng matatandang kaaralang nagsisilbing gabay ng mga tao noong panahon nila. Nasasalamin din ang kanilang mga
magagandang kaugalian, paniniwala o prinsipyo.
4. • Iilan na lamang ang natagpuang mga ebidensya ng mga arkeologo sa panahong ito, sapagkat batay sa kasaysayan,pinasunog at
pinasira ito ng mga prayle nang dumating ang mga Kastila sa bansa dahil sa ang mga ito ay gawa ng demonyo.
5. • Ang iba naman na nakasulat sa mga dahon at kahoy ay nasira na dahil sa pagkalipas ng maraming taon. • Sistema ng pagsulat ay
Alibata o baybayin.
6. Uri ng Panitikan bago dumating ang mga Kastila. • Alamat - Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. • Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o
'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.
7. • Awiting Bayan - tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gaw ain o hanapbuhay
ng mga taong naninirahan sa isang pook. • Mito - kuwento tungkol sa mga Diyos o Diyosa. • Epiko - mahabang tula na inaawit o
binibigkas.Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang tauhan. • Kasabihan - nagbibigay patnubay sa ating
pang-araw- araw na pamumuhay. Halimbawa: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Ang pinakamahirap gawin Iyong
walang gagawin
8. • Sawikain - salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng hindi tuwirang kahulugan. Halimbawa: anak-
dalita Sagot: mahirap di madapuang langaw sagot: maganda ang bihis matalas ang ulo Sagot: matalino
9. Itaga sa bato Sagot: tandaan Ilista sa tubig Sagot: Kalimutan Kaututang dila Sagot: Katsismisan Madilim ang mukha Sagot: taong
nakasimangot
10. Palaisipan – Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan
sa isang suliranin. Halimbawa: May isang unggoy na nagbabantay ng isang puno na hitik na hitik sa bunga. Walang makakuha ng mga
bunga sapagka’t napakabagsik ng matsing. Ano ngayon ang iyong gagawin upang makakuha ka ng bunga?
11. • Bugtong – Binubuo ng parirala o pangungusap na patula at patalinhaga. Halimbawa: Dala mo, Dala ka, Dala ka ng iyong Dala
Sagot: Tsinelas Bumili ako ng alipin Mas mataas pa sa akin Sagot: Sombrero Munting Bundok Hindi madampot Sagot: Ipot
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/BenTencartoonnetwork/kasaysayan-ng-panitikang-pilipino

Ang Panitikan ng ating mga Katutubong Pilipino bago dumating ang mga dayuhan
5. Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang panitikan, tulad ng kasaysayan, ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga
naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito. Samantalang ang kasaysayan ay tukuyan at naglalarawan ng
hubad na katotohanan, ang panitikan ay nagagayakan ng magagarang damit ng pagpapahayag at nakukulayan ng malikhaing guni-
guni ng mga akda. Wika nga ni Long, ang panitikan ay “mga naisulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.”
6. Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban
7. ANG PANITIKAN ay ang magandang pag-aaral na pansemantika ng salitang panitikan. Ang salitang panitikan aniya, ay binubuo ng
pang– na unlapi, ng salitang ugat at ng –an na hulapi. Nagiging ang pang- kung inuunlapi sa salitang nagsisimula sa mga titik t, d, l, r,
at s, karaniwang ding
8. SARILING PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA Ang ating mga ninuno ay may sarili ng panitikan bago pa man
dumating sina Magallanes sa Pilipinas. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi – mga kuwentong bayan, alamat,
epiko, kantahing bayan, karunungang-bayan: salawikan, kasabihan, bugtong, palaisipan, at iba pa.
9. ANG PANITIKANG PILIPINO: Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng alinmang bansa sa daigdig na sumasaklaw sa
pasalita o pasulat na nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay,
kaisipang pampulitika, at mga kapaniwalaang panrelihiyon, ang kanilang mga adhikain, ang kanilang mga pangarap– mula pa sa
bukangliwayway ng kanilang mga kabihasnan hanggang sa kasalukuyan.
10. DALAWANG URI NG PANITIKAN Nasusulat Pagsasaling-bibig
11. PAGSASALING-DILA
12. NASUSULAT
13. Pagsunog sa ating matatandang panitikan sa Pilipinas
14. Nguni’t ang di nasunog ay ang mga kantahing bayan, mga bugtong, mga salawikain, at kasabihan, at iba pa, sapagkat ang mga
ito’y nagpasalin- salin sa bibig ng mga tao.
15. MGA UNANG TAO SA PILIPINAS
16. ANG MGA ITA Ang mga negtritong kilala sa tawag na ita, ayta, o agtas ay siyang mga unang nanirahan sa ating mga pulo. Sila ay
abalang lagi sa paghahanap ng iakabubuhay sa tulong ng pana at buslo. Palipat-lipat sila ng tirahan kaya’t di sila nagkapanahon sa
sining nang lampas sa mga bulong at kasabihan.
17. ANG MGA INDONES Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na. Nang sumapit sila rito’y may malalaking pangangatawan, maitim
na balat, makapal na labi, malaking ilong at pangahan. May kabihasnan silang higit sa mga Negrito. -may pamahalaan - Nagsusuot ng
damit -nagluluto ng pagkain -nagsasaing sa tukil -marunong magpanginas ng apoy. Mayroon silang alamat at mga epiko, mga
pamahiin at mga bulong na pangmahiya.
18. ANG MGA Intsik na manggugusi Tinawag na mga “mangugusi” ang mga intsik na lahing Hakka na nagbuhat sa Fukien (Tsina)
sapagka’t kanilang inilagay sa gusi ang bangkay ng isang magulang o nunong namatay at ibinabaon doon din sa kanilang kalooban.
Ang salita nating “gusi” ay galing sa kanila. Sumapit sila rito mula noong 300 hanggang 800 A.D. Nanirahan sila sa pulo ng Batangas
at Babuyanes, sa hilagang tabing-dagat ng luson, sa Tayabas, Sorsogon, Silangang
19. ANG MGA BUMBAY Ay nakarating sa Pilipinas noong ika-12 dantaon. Ang unang sapit ng mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo
at sila’y nagdala ng pananampalatayang Budismo, Epiko at Mahika. Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong
ika-13 na siglo, nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko. Marami ding mga
salitang
20. ANG MGA arabe at persyano Dumating ang mga Arabe sa Pilipinas noong 890 A.D. hanggang ika- 12 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang na “Hadramaut Sayyid” mga misyonerong Arabe na nanggaling sa Malaysia at
dumating sa Pilipinas noong ika 16-siglo. Kasama nila ang maraming mangangalakal na Arabe at Persiyano, sila’y nanirahan sa
21. ANG MGA malay Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas 1. (kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si
Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo.) Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting
pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok atTinguianes. 2. (200
hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo.) mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y may dalang wika,
alpabeto (alibata), awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Ang mga ito bagama’t mga tubong
Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit bansa gaya ng Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay
kumalat sila sa iba’t ibang
22. GALING SA TATLONG URING ITO ANG MGA MALAY ANG ATING MGA PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
23. ANG MGA malay Ang mga alamat ng Kombodya (Indo- Tsina) ay may mga katangiang matatagpuan sa matandang tradisyon at
talaalamatan ng Palawan at Mindoro at sa mga ilang pulo sa Sula. May mga alamat sa Sulu na bumabanggit sa bayaning Orang-
Dampuan, bayaning Siamese noong uanag panahon. Katulad ng mga silabaryo sa peninsula ng Indo-Tsina ang matandang alpabeto
ng mga taga-
24. ANG MGA madyapahit Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay naging
napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo-Tsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin
at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong
bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng
25. ANG MGA intsik Ang mga Intsik ay nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo. Ang mga Intsik ay
nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok,
talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik. Ang ilang
kaugaliang sosyal ay galing din sa
26. ANG MGA malacca Sinakop ng kahariang Malacca, na mula sa Borneo, ang mga pulo sa timog natin hanggang Luson sa palibot
ng mga dagatna tulad ng Lanaw, Bumbon, (Taal) at Bai (Laguna). Nagpalagap ng Mahometanismo ang pinuno ng kahariang ito.
Karaniwan nang bigkasin ng mga taga-Batanggas
27. ANG MATATANDANG PANITIKAN NG MGA PILIPINO
28. Kuwentong-bayan
29. Mayaman ang ating mga ninuno sa mga kuwentong bayi ng binubuo ng mga kuwento sa buhay. Ang kuwentong pinagmulan ng
mga lahi, kauna-unahang lalaki at babae sa daigdig, ang kuwento tungkol sa buwan at sa araw at iba pa ay nagpasalin-salin sa bibig
ng mga tao. Hindi pinagsasawaan ang mga kuwentong-baying pamana sa atin ng ating mga ninuno.
30. 1. Ang Pinagmulan ng Lahi (Bisaya) 2. Si Malakas at si Maganda (Tagalog) 3. Naging Sultan si Pilandok (Maranaw) 4. Ang Batik
ng Buwan (Bisya)
31. Epiko
32. Kung nais nating mabakas ang kasaysayan may kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating matagpuang muli ang ating
mga sarili ay napapanahon na upang pagbalikan ang ating mga epiko. May mga ilang siglo bago dumating ang mga Kstila sa Pilipinas
ay may marami nang kalipunan ng panulat ang mga Pilipino. Ayon kay Padre Chirino, isang manananaysay na Heswita, ang lahat ng
tag-islang Pilipinas ay mahilig sa pagbabasa at pagsulat maging babae o lalaki.
33. Mga Epiko ng mga Ipugaw: a. Ang “Hudhud” b. Ang “Alim” Ang “Daragan” ng mga Muslim: a. Ang “Darangan” b. “Illad at Odyssey”
k. Ang “Bantugan” d.Ang “Daramoke-a-Babay” e. Ang “Indarapatra at Sulayman” g. Ang “Bidasari”
34. Mga Epikong Bisaya: a. Ang “Maragtas” b. Ang “Haraya” k. Ang “Lagda” d. Ang “Hinilawod” e. Ang “Hari sa Bukid” Ang Epiko ng
mga Tagalog: a. Ang “Kumintang” b. Ang “Mandukit at Dikyaw”
35. Ang Epiko ng mga Bikol: a. Ang “Ibalon” Ang Epiko ng mga Iloko: a. Ang “Biag ni Lam-ang” Ang iba pang Epikong Pilipino: a. Ang “
Dagoy” at “Sudsud” (Tagbanwa) b. Ang “Parang Sabir” (Sulu) k. Ang “Kabunian” (Bagobo) d. Ang “Kabunyian” at ang “Bedian” (Ibaloy)
e. Ang “Ulagingan” at “Selch” (Manobo)
36. Alamat
37. Ang ating kalinangan at kabihasnan ay malinaw na nasasalamin sa mga alamat. Karamihan sa mga alamat ay hindi nasusulat at
kung nasusulat ma’y nito na lamang mga huling panahon. Ang mga ito’y nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga magulang at mga
anak, ng mga nuno at mga apo. Ang isang alamat, sa bawat pagkakasalin sa bawa’t bibig na pagdaanan ay nagkakaroon ng kaunting
pagbabago subalit karaniwang nagdaragdag ng kariktan at kagandahan sa salaysay subalit naroon din ang diwa at kasaysayan ng
alamat.
38. Ang kapaligirang nag-aangkin ng alamat ay maliwanag na nababakas sa hibla ng mga pangyayari hindi lamang sa ngalan ng mga
pook at mga tauhan kundi sa mga tagpo na napapaloob sa alamat. Dahil diya’y parang nagkaroon ng tatak ang bawa’t alamat bagay
na ipinakikilala ng pinagmulan o pinanggalingan. Ang uring ito ng matandang panitikan ay oamanang pangkalinangang hindi maililibing
ng panahon kalian man.
39. Ang Alamat sa Pampanga: a. Bakit Maliwanag ang Araw kaysa sa Buwan Ang Alamat sa Bikol: a. Alamat ng Bulkang Mayon Ang
Alamat sa Bisaya: a. Alamat ng Bundok Kanlaon
40. Mga Lumang Tula
41. Mababakas sa mga unang kantahing-bayan ang ating kalinangan at kabihasnan. Sa mga damdamin at diwang nakapaloob sa mga
ito ay maaaninag natin ang mga gawi at kaugalian ng ating mga ninuno. May iba’t ibang uri tayo ng kantahing bayan.
42. Ang mga Unang Kantahing Bayan: a. Ang “Oyayi” o “Paghele” b. “Sa Kabukiran” k. Ang “Soliranin” d. Ang “Talindaw” e. Ang
“Maluway” g. Ang “Kumintang” o “Tagumpay” h. Ang “Kundiman” g. Ang “Dalit”
43. Karunungang Bayan
44. Kasama sa kabang-yaman ng karunungan bayan ng ating matatanda bago dumating ang mga Kastila ay ang alawikain, sawikain,
bugtong, palaisipan, at kasabihan.
45. 1. Ang mga Salawikain o Sawikain: Ayon kay Lope K. Santos ang salawikain ay isa sa mga karunungang napag-aralan ng tao hindi
sa mga kasulatan at aklat na limbag kundi sa mga aklat ng karanasang nababasa sa bibig ng matatanda. Ito ang salitang nakaugalian
na at lalong angkop na namang ipamagat sa mga kasabihang man-manahang hiyas ng wika, simula’t batas ng mga kaugalian, at
patnubay ng kabutihang asal, na pasalin-salin sa bibig ng madla. Karaniwang patalinghaga ang salawikain at sa talinghaga kung
iisiping mabuti ay ay may ibig sabihin o kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma kaya
masarap pakinggan. Ang mga ito ay bukal na mapagkukunan ng magagandang aral sa buhay.
46. Halimbawa: 1. Pag ang tubig ay magalaw ang ilog ay mababaw. 2. ang magtanim ng hangin bagyo ang aanihin. 3. Mahirap nang
mauna ang damo kaysa palay. 4. Ano’t magpapayong ka pa kung ang ula’y nakaraan na?
47. 2. Ang Bugtong: Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipanang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma,
bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma- alegoryang wika na
nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay- nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na
umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-
araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa
tuwing naglalaro ang mga bata. .
48. 1. Sa araw ay bubong, sa gabi ay dahon: banig 2. Maikling landasin, di maubos lakarin: Anino 3. Kung kalian mo pinatay, saka pa
humaba ang buhay: kandila 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay: Ilaw 5. Nakayuko ang reyna, di nalaglag ang korona:
bayabas 6. Isang Prinsesa nakaupo sa tasa: kasoy 7. Heto si kaka, buka-bukaka: gunting 8. Dalawang batong itim, malayo ang
nararating: mata 9. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan: kamiseta 10. Buto’t balat lumilipad: saranggola
49. 2. Ang Palaisipan: Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa
karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na
paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang
magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin — sa mga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay
isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa matematika
50. a. Sa paglakad ng isang mangangaso sa kagubatan ay nakakita siya ng isang puno ng bayabas na hitik na hitik sa bunga. Nais
niyang kumuha ng bunga nito ngunit ang punoay binabantayan ng matapang na at mabangis na matsing. Tanong: Paano nakakuha ng
bayabas ang mangangaso na hindi siya sinaktan ng mga matsing? Sagot: Pinagalit niya ang matsing at dahil sa walang maibalibag sa
kanya. Ito’y nagsipitas ng mga bayabas at siyang inihagis sa kanya. Salu siya ng salo sa bawa’t bayabas at ang mga ito’y naging
kanyang lahat.
51. 2. Ang mga Panunudyo: Patula ang pagkakabuo ng mga panudyo. Ito ay mga bigkasin maging ang mga bata at matatanda. Narito
ang mga halimbawa ng mga panudyo o pamangalan: a. Pedro Penduko b. Bata, batuta Matakaw ng tuyo nagsuot sa lungga Nang
ayaw maligo hinabol ng palaka kinuskos ng gugo.
52. a. Bata batuta b. Tawa ng tawa panu ka ginaw? Ibig mag-asawa. k. May dumi sa ulo d. Isa, dalawa, tatlo ikakasal sa linggo ang
tatay mong kalbo. e. Tiririt ng ibon tiririt ng maya kaya lingon ng lingon
53. 2. Ang Tugmang Walang Diwa: Ito’y mga patulang may tugma ngunit walang diwa at ang nagbibigay halaga rito ay ang
nakatutuwang tunog na napaglalaruan ng dila o ng kapilyuhan at paglalaro sa salita. 1. Hala, ulan, pantay kawayan Hala takbo, bayo,
pantay kabayo! 2. Kililing, kililing, kililing namatay si Tandang Gusting saan ililibing sa puno ng saging 3. Ako’y nakahiga sa kamang
malambot, ako ay kinagat ng isa pong surot ako ay nabigla at tuloy nautot kaawa-awang surot, namatay sa angot.
54. 2. Ang mga Kasabihan: Ang mga kasabihan ay naiiba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinhaga. Payak
ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabi9han. Naisalin sa atin ng ating mga ninuno ang
mga kasabihang sumusunod: 1. Utos na sa pusa, utos pa sa daga 2. Malakas ang loob, mahina ang tuhod. 3. Tulak ng bibig, kabig ng
dibdib. 4. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad 5. Ubus-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
55. 2. Ang mga Unang Tula: kabilang sa mga unang tula ang mga nabanggit nang salawikain, bugtong, at kasabihan. May mga
palaisipan ding nasusulat na patula. Ang mga kantahing bayan ay pawing patula. Tayong mga Pilipino ay ipinaghele sa tula ng mga
ninuno. Maaaninag natin sa mga halimbawa na mayaman sa damdamin pilosopiya at haraya ang mga ito. Ang mga unang tulang
nabanggit ay dating sa wikang Arabe o Malay subali’t napasalin sa iba’t ibang wika ng mga pulo sa pag-uulit-sabi ng mga Matatanda
sa kanilang mga Inaanak.
56. 2. Ang mga Unang Dula: Nang dunamting ang mga Kstila sa Pilipinas, inabutan na nilang ang mga Pilipino ay may sariling dula.
Ito’t itinatanghal sa liwasang bayan o sa malawak na looban. Sa isang damuhan sa tahanan ng maharlika, kung minsa’y sa tabing ilog
o dagat ay sa katutubong temple o dalanginan. Ang karaniwang pinapaksa nila ng dula ay ukol sa pag-ibig, sa pakikidigma, sa alamat,
ukol sa mga anito, o Diyos nial, parangal sa mga ala-ala ng mga yumao at sa pagbubunyi sa mandirigmang nagtagumpay sa labanan.
57. Mga Uri ng Matatandang Dula: 1. Ang “Wayang Orang” (Bisaya) 2. Ang “Embayoka” at “Sayatan” (Muslim) 3. Ang mga “Bulong”

Ang Kahalagahan ng Panitikan


The Importance of Literature
Ang panitikan ay isang bagay na karamihan ng mga tao ay nakasalamuha. Ito ay isang napakalapad at kamangha-
manghang paksa. Ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng literatura ay nakapagpapalawak ng imahinasyon at
nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at pagsusulat. Malaki ang kaugnayan ng pagbabasa sa pagsusulat dahil
sa pagbabasa at pagsusulat nalilikha ang magagaling na manunulat. Lampas sa mga batayang benepisyo, and
pag-aaral ng literatura ay nakatutulong upang maranasan na makita ang buong mundo.
Mayroong patuloy na pag-uusap tungkol sa mga ideya at halaga na nakatulong sa ating lipunan. Ang pag-uusap na
ito ay naipapakita sa gawa ng literatura. Ang bawat gawa ng panitikan ay nagtatanghal ng moral sa mga
magkakaibigang mata sa pamamagitan ng paraan ng iba’t ibang pananaw. Sa kwentong “Ang Mangingisda,”
Ponciano B. P. Pineda ay mabisang nailahad ang tungkol sa mga maaaring kahihinatnan ng paghahangad ng
tagumpay gamit ang masamang pamamaraan. Ipinakita ng may-akda na ang pagkakaroon ng mabuting ugali ay
ang tamang daan patungo sa tagumpay.
Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay nakabubuo sa paglikha ng sariling paniniwala, opinyon
at pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay na akda ay tumutulong para mapalawak ang karanasan ng isang tao. Sa
isinulat ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at Ang Liwanag” ay mabisa niyang inilarawan kung paano nakikita ng tao
ang katotohanan sa kahuwada; ang pagkahumaling ng tao sa panlabas na kagandahan kaysa panloob.
Salamin din ng literatura ang pagpapakita ng pagkakaiba at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t
ibang lugar. Dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang kultura, pinahuhusay din nito ang
kakayahan natin upang makipag-usap sa iba. Sa kwentong “Isang Matandang Kuba Sa Gabi ng Caño” ay
nagpapakita ng paniniwala ng isang tribo sa Pilipinas. Ang pag-alam sa iba’t ibang paniniwalang ito ay
makatutulong para maging bukas-isip tayo tungkol sa mga tao kung sino ang mga naiiba nang sa gayon
nakapagpapakita ang isang tao ng kanyang paggalang sa mga paniniwalang ito. Daloy rin ng literatura ang
pakikipag-isang damdamin sa iba at ang pagbibigay daan sa pag-unawa sa kung anuman ang kanilang
nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari. Ang katotohanan, ito ay mahabang tulay na nagdurugtong sa
sangkatauhan
s

You might also like