You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: _____________________________ Baitang/Seksyon: _________________

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.


a. Lokasyon b. Heograpiya k. Paggalaw d. Rehiyon
2. Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
a. Heolohiya b. Heograpiya k. Antropolohiya d. Sosyolohiya
3. Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi at pangkat etniko sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig?
a. Heograpiyang Pisikal k. Heograpiyang Tao
b. Heograpiyang Pantao d. Heograpiyang pantao
4. Isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.
a. Kabihasnan b. Kalikasan k. Kultura d. Ekonomiya
5. Isa sa mga pangkat ng ating mga ninuno na nangangahulugang taong nag-iisip?
a. Homo Habilis b. Homo Species k. Homo Sapiens d. Homo Erectus
6. Pinakamahabang yugto ng pag-unlad sa kasaysayan ng sangkatauhan.
a. Panahon ng Metal k. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Mesolitiko d. Panahong Neolitiko
7. Itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
a. Tsino b. Mesoamerica k. Indus d. Mesopotamia
8. Pinakamatandang kabihasnang nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.
a. Mesoamerica b. Indus k. Tsino d. Mesopotamia
9. Dito nabuo ang tinuturing na sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng tao
a. Egypt b. India k. America d. China
10. Popular sa katawagang the “Gift of the Nile”.
a. China b. Egypt k. America d. Mesopotamia
11. Tumutukoy sa pamamahala ng isang lugar kung saan ang mga pinuno nito ay nagmula sa iisang pamilya.
a. Pangkat-etniko b.Dinastiya k. Salinlahi d.Kamag-anakan
12. Kauna-unahang sistenatikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig na nalinang sa Sumer.
a. Hieroglyphics b. alibata k. pictograph d. cuneiform
13. Ito ay isa sa mga ambag ng kabihasnang Indus sa daigdig.
a. Paggamot at panghuhula k. Paggamit ng kalendaryo na may 365 na araw
b. Paggamit ng silk o seda d. Paggawa at pagamit ng mga unang mapa
14. Nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon,
a. Great wall of China b. Chopsticks k. Hopia d. Feng Shui
15. Ito ay sumisimbolo sa kapangyarihan ng mamumuno sa Egypt.
a. Ziggurat b. Pyramid k. Mohenjo-Daro d. Haroappa
16. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapahiwatig interaksyonng tao at kapaligiran bilang isa sa mga 5
tema ng heograpiya.
a. Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.
b. Pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kanyang kapaligiran
c. Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroonan
d. Lahat ng nabangit
17. Bakit itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura?
a. Nagiging batayan ito ng status ng isang taong kabilang sa grupo
b. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat ng tao
c. Suamsalamin ito sa pangkat ng tao sa isang bansa
d. Nagiging batayan ang wika kung anong kultura meron ang isang bansa
18. Aling pahayag ang may wastong impormasyon tungkol sa panahong metal.
a. Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato

b. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite


c. Natutuhan ng sinaunang tao ang paggamit ng apoy
d. Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga armas sa panahong ito
19. Naipapakita ang impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan kung ang pisikal na
katangian ng lugar ay:
a. Nagsisilbing tanggulan upang protektahan ang mga tao.
b. Nagtatakda kung anong uri ng pamumuhay, kultura at panitikan ng mga tao.
c. Batayan ng pag-usbong ng kultura ng mga tao.
d. Nagbibigay pakinabang sa mga tao.
20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagkasunod-sunod ng pagkakatatag ng mga sinaunang
kabihasnan.
a. Mesopotamia, Indus, Tsino, Egypt, Mesoamerica
b. Indus, Tsino, Egypt, Mesoamerica, Mesopotamia
c. Tsino, Egypt, Mesoamerica, Mesopotamia, Indus
d. Egypt, Mesoamerica, Mesopotamia, Indus, Tsino
21. Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar dahil ito ay:
a. Kinatatakutan ng mga Olmec C. Sinasamba ng mga Espiritista
b. Nagpapakita ng lakas at kapangyarihan d. Lahat ng nabanggit
22. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa pamana ng kabihasnag Indus?
a. Sewerage System b. Pi c. hieroglyphics d. Ziggurat
23. Aling pahayag ang may wastong impormasyon tungkol sa mga pamana ng sinaunang kabihasnan?
a. Wala nang halaga ang mga ambag noong sinaunang kabihasnan.
b. Pinapahalagahan rin hanggang ngayon ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan.
c. Naging basehan ang mga pamanang io sa kasalukuyang panahon
d. Wala sa mga nabanggit.
24. Batay sa pagpipilian sa ibaba, alin sa mga ito ang magkakasama bilang pamana ng kabihasnag Tsino?
a. Great wall, Feng Sui, Wheel Barrow
b. Feng Sui, Decimal system, Sewerage System
c. Ziggurat, Cuneiform, Great Wall
d. Wheel Barrow, Great Wall, Decimal System
25. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag ng mga kabihasnang ito?
a. Ang mga pamana ay sadyang maituturing na dakila
b. Ang mga pamanang ito ay nagsisilbing batayan ng mga sumusunod na henrasyon
c. Ang mga pamanang ito ay may malaking ambag sa kabihasnan
d. Ang mga pamanang ito ay may malaking impluwensiya at nakatulong sa pamumuhay ng mga tao noon at
ngayon.
26. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng daigdig?
a. Upang maging aktibo sa mga gawaing pangkapaligiran
b. Upang higit na maunawaan ang impluwensiya ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng tao.
c. Upang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa agham
d. Upang higit na matuto ang tao tungkol sa mga pangyayari sa kapaligiran
27. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
a. Klima ang nagtatakda kung anong uri ng pamumuhay meron ang mga tao.
b. Klima ang nagsasabi kung anong pananim ang itatanim sa isang lugar
c. Klima ang magdedisisyon kung anong hayop ang aalagaan ng mga tao
d. Klima ang sisira sa pamumuhay ng tao
28. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig?
a. Ito ang magbubuklod sa mga tao sa daigdig kapag may iisang wika
b. Ito ang nagsisilbing kaluluwa ng isang kultura
c. Ang kaalaman sa heograpiyang pantao ang magbibigay ng sapat na pang-unawa sa kabuuan ng wika, kultura
at relihiyon ng isang bansa
d. Ang heograpiyang pantao ay magpapahayag ng pagkakakilanlan tungo sa pagkakaisa
29. Paano hinubog ng mga pagbabago sa bawat yugto ng pag-unlad ang kasalukuyang pamumuhay ng mga tao?
a. Natutunan ng tao na makibagay sa kapaligiran
b. Natutunan ng tao na mahirap palang palaging nagbabago

c. Natutunan ng tao ang mamuhay ayon sa mga pagbabagong dulot ng pag-unlad


d. Natutunan ng tao na kailangang malaman ang mga pagbabago noon par makapamuhay ng matiwasay at sa
masagana sa ngayon
30. Bakit karaniwang may pagkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan?
a. Dahil lahat ng kabihasnan ay umusbong at umunlad sa tulong ng kapaligirang pisikal nito.
b. Dahil lahat ng kabihasnan ay may kanya-kanyang kapaligiran
c. Dahil lahat ng kabihasnan ay may heograpiya
d. Dahil lahat ng kabihasnan ay pare-pareho
31. Aling pahayag ang may wastong impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabihasnan.
a. Namuhay ang mga sinaunang tao malapit sa mga ilog
b. Pangangaso at pagtatanim ang mga Gawain ng mga sinaunang tao
c. Unang gumamit ng apoy ang mga tao para sa pamumuhay
d. Palipat-lipat ng tirahan ang mga sinauanng tao.
32. Paano mapapanatili ang pagrespeto sa iba’t-ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng pamimili?
a. Makisalamuha lamang sa mga taong magkakatulad ng relihiyon kagaya mo
b. Lumayo sa mga taong kaiba ang relihiyon sa iyo.
c. Gawing makatwiran ang ibang paniniwala ng ibang relihiyon dahil isa ka sa mga naniniwala ditto
d. Igalang ang elihiyon at paniniwala ng bawat isa.
33. Ano ang kabuluhan ng mga ambag ng sinaunang kabihasnan sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?
a. Ang Ziggurat ang nagsilbing sentro ng pamayanan
b. Ang kalendaryo ang nagsilbing batayan sa panahon ng pagtatanim
c. Ang kontribusyon ng kabihasnang Egypt sa larangan ng medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto
d. Lahat ng nabanggit.
34. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sewerage system na pinasimulan ng kabihasnang Indus.
a. Walang pagbabago sa sistemang sewerage upang luminis ang kapaligiran
b. Limitado ang kakayahan ng pamamahala ng mga nasa katungkulan upang mapaganda ito
c. Isa ang sewerage system sa tumutulong sa pag sasaayos at pagpapanatiling malinis ang kapaligiran
d. Lahat ng nabangit
35. Bakit maituturing na may malaking impluwensiya ang mga pamana ng kabihasnan sa buhay ng tao?
a. Ang mga pamamng ito ay nagsisilbing basehan ng pamumuhay ng tao sa kasalukuyan
b. Pamana ang isa sa mga importanteng aspeto ng kasaysayan ng tao
c. Pamana ang dahilan ng pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao.
d. Ang mga pamana ang maituturing na inspirasyon sa buhay ng tao sa ngayon.
36. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente sa daigdig kaysa pagtukoy sa
lokasyon nito sa mapa o globo?
a. Upang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga katangian ng bawat kontinente sa daigdig
b. Mas mainam na malaman ang katangiang pisikal ng mga kontinente kaysa lokasyon nito
c. Upang maunawaan na ang katangian ng mga kontinente ay may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng
tao
d. Lahat ng nabanggit.
37. Alin sa sumusunod ang suliraning maaring idulot ng pagkakaroon ng maramingwika sa isang bansa.
a. Maaaring sigalot sa mga bansa
b. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya
c. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
d. May pasibilidad na maraming mamamayan ay hindi magkakaunawaan
38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang mga tao ay gumagawa ng paraan upang mapagtagumpayan ang
mga hamong dulot ng kanilang kapaligiran.
a. Pagtuklas ng mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka
b. Pagpapatayo ng mga gusali,pagsasaayos ng mga kalsada.
c. Pag-imbento ng mga kagamitang magpapagaan ng mga Gawain.
d. Pagsisikap na makiayon sa galaw ng kalikasan na naayon sa batas ng kalikasan.
39. Alin sa mga sumusunod ang magpapahayag ng tamang impormasyon sa bawat yugto ng pag-unlad ng sinaunang
tao?
a. Sa panahong neolitiko, inililibing ng mga yumao sa loob ng kanilang bahay
b. Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday

c. Ang panahong Paleolitiko ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan


d. Lahat ng nabanggit
40. Ano ang kahalagahan ng kalakalan ng mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
a. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao
b.Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan
c. Dito lamang naka depende ang yaman ng bansa
d. Nakasalalay ditto ang pag-unlad ng kultura
41. Kung ikaw ay isa sa mga sinaunang tao na nabuhay sa daigdig, anong yugto ang nais mong kinabibilangan at
bakit?
a. Paleolitiko, dahil mas simple ang pamumuhay sa panahong ito.
b. Neolitiko, dahil sa panahong ito naging independente na ako sa pamumuhay ko
c. Mesolitiko, dahil nasanay na ako sa transisyon dulot ng pagbabago ng yugto ng pag-unlad
d. Metal, dahil mas kumplikado na ang pamumuhay sa panahong ito
42. Batay sa aspetong heograpikal, ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa
Mesopotamia,Egypt, Indus at China ay maaring batay sa ___________
a. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
b. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan
c. Naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
d. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
43. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
a. Dahil itinatag ang maunlad na kabihasnang ito sa America
b. Dahil higut na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga Meso-America kaysa sa mga kabihasnang
itinatag sa Asya at Africa
c. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon
d. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga
hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.
44. Ang mga sumusunod ay mga tinutukoy na dahialn ng pagbagsak ng mga imperyo sa Timog Asya. Base sa
dahilang ito, alin sa mga ito ang mas binigyang pansin bilang dahilan
1 Paghihiwalay ng mga estado sa imperyo
2 Pananakop
3 Maling pamamahala
4 Maling pinuno
a. 1 at 3 b. 2 at 3 c. 1 at 2 d. 2 at 4
45. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyan
b. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang ambag
c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa
daigdig.
46. Paano mo maipapakita ang lubos na pag-unawa sa mga konseptong saklaw ng heograpiyang pantao?
a. Kung alam mong pahalgahan ang wika ng isang bansa
b. Kung alam mong irespeto ang relihiyon ng bawat grupo ng tao
c. Kung nauunawaan mo ang wika, relihiyon at kultura ay mahalagang bahagi ng heograpiyang pantao
d. Kung nauunawaan mo na ang heograpiyang pantao ay nagbibigay kahulugan sa pagkakakilanlan
47. Ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa pamumuhay ng mga taong kabilang sa sinaunang kabihasnan?
a. Kailangang matutunan ng mga tao ang paggamit ng mga kasangkapang yari sa bato.
b. Kailangang sumamba sa mga anito at diyos-diyosan
c. Kailangang mabuhay ang tao ayon sa kapaligirang ginagalawan
d. Kailangang makiayon sa mga pinuno at kapaligiran
48. Kung ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na maging pinuno, anong uri ng pilosopiya ng pamamahala ang nais mo
at bakit?
a. Demokrasya, dahil ang kagustuhan ng marami ang dapat manaig
b. Aristokrasya, dahil ang pinuno ay nakakaalam kung ano ang makabubuti sa kanyang nasasakupan
c. Sosyalismo, dahil ang pinuno ay dapat making sa mga hiling ng tao
d. Komunismo, dahil ang buong sambayanan ay dapat makibahagi sa trabaho man o sa produkto ng isang
bansa
49. Ano ang isang patunay na naging kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyan?
a. Ginagamit parin hanggang ngayon ang cuneiform at heiroglypics
b. Pinag-aaralan pa rin ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan
c. Meron paring gumagamit ng mga kasangkapang yari sa bato
d. Patuloy pa rn ang paggamit ng papel, compass at kalendaryo
50. Paano pinahahalagahan ng tao ng kasalukuyan ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan?
a. Inaalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay sa museo
b. Isinusulat ang mga ito upang maging aklat at pag-aaralan ng mga estudyante
c. Nililinang ito ng mga tao upang gamitin sa hinaharap
d. Pinagyayaman ang mga ito upang gamiting basehan at batayan ng kasayasayan at kultura ng mga sinaunang
tao

You might also like