You are on page 1of 2

Makasaysayang araw po,

( 27 Setyembre 1865-13 Oktubre 1911 )

Miguel Carpio Malvar

Si Miguel Carpio Malvar - ang karaniwang ipinalalagay na hulíng


heneral na sumuko noong Digmaang Filipino-Amerikano. Siyá
ang umakò sa responsabilidad ng pamumunò ng hukbong
Filipino pagkatapos madakip si Emilio Aguinaldo. Isinilang siyá
noong 27 Setyembre 1865 sa Santo Tomas, Batangas kina
Tiburcia Carpio at Máximo Malvar, isang mariwasang
magsasaka. Naging mahilig din si Malvar sa pagsasaka at unang
nakilala bilang mahusay na komersiyante. Nang makaipon,
bumili siyá ng lupain sa Bundok Makiling at sa Santo Tomas na
pinatamnan ng dalandan. Sinasabing naging matagumpay ang
kaniyang pagsasaka at ipinangalan pa sa kaniya ang uri ng
dalandan na ikinalat niya.
Naging gobernadorsilyo siyá sa Santo Tomas at agad nakilaban
nang sumiklab ang Rebolusyong Filipino. Noong 31 Marso 1897
ay hinirang siyáng tinyente-heneral ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Pagkatapos, naging komandante heneral siyá para sa lalawigan
ng Batangas. Siyá ang hulíng nagsuko ng armas pagkatapos ng
Kasunduang Biyak-na-Bato. Sumunod siyá kay Aguinaldo sa
Hong Kong pagkaraan ng isang taon. Nang bumalik siyá sa
Filipinas noong 15 Hunyo 1898 ay may dala siyáng dalawang
libong riple. Nagtayô muli siyá ng hukbo sa Batangas, Mindoro,
at Tayabas (Quezon ngayon) at naging komandante heneral para
sa Katimugang Luzon.
Pagsiklab ng Digmaang Filipino-Amerikano ay nahirang siyáng
brigadyer heneral at nangasiwa sa mga pagtatanggol sa
Katimugang Luzon. Magiting na ipinagtanggol ng kaniyang
pangkat ang mga bayan ng Pagsanjan, Pila, at Santa Cruz sa
Laguna. Nang manghinà ang buong hukbong Filipino, naglunsad
ng kilusang gerilya si Malvar sa paligid ng Bundok Makiling.
Nang madakip si Aguinaldo, ipinagpatuloy niya ang
pakikipaglaban sa mga Amerikano hanggang noong 16 Abril
1902. Pagkaraang sumuko, namuhay siya nang tahimik at
nagbalik sa pagsasaka at pagnenegosyo. Namatay siyá sa
Maynila noong 13 Oktbure 1911. May ilang historyador at
kongresista ding nagpapanukalang hirangin si Malvar bilang
ikalawa sa talaan ng mga Pangulo ng Filipinas, ngunit hindi ito
kinikilala ng pamahalaan sa kasalukuyan. Ipinangalan sa kaniya
ang isang bayan sa Batangas.

You might also like