You are on page 1of 5

MGA KATANUNGAN SA AMING NAKAPANAYAM:

1. Anong probinsya ang iyong kinalakihan?


SAGOT:
“Ang probinsyang aking kinalakihan ay Capas Tarlac”
2. Paano nakakatulong sa iyong kultura ang iyong wikang ginagamit?
SAGOT:
“Nakakatulong sa kultura ang aking wikang ginagamit sa paraang pagpapakita na ako ay lumaki
sa probinsyang aking kinabibilangan”
3. Paano mo nakasanayan ang wikang filipino kung gayon ibang wika pala ang iyong
kinalakihan?
SAGOT:
“Nakasanayan ko ang pagsasalita ng wikang filipino kahit na ako ay may ibang wikang
kinalikahan. Sapagkat, ako ay sinamay ng aking mga magulang na gamitin ang wikang filipino
na nagpapakita na ako ay Filipino na laki sa Pilipinas.”
4.Gaano mo kadalas gamitin ang wikang iyong kinalikahan?
SAGOT:
“Hindi ko madalas gamitin ang wikang Kapampangan. Sapagkat, lumaki din ako sa Maynila na
ang wikang aming ginagamit ay wikang Filipino.”
5. Sa paanong paraan mo ginagamit ang iyong wika? Anong ekspresyon o paano mo ito
ginagamit?
SAGOT:
“Nagagamit ko lamang ang wikang kapampangan kapag ako ay nasa aming probinsya lalo na
kapag kami ay nagkakatuwaan ng aking mga pinsan sa paraang kapampangan kami kung mag
usap.”
PANANALIKSIK UKOL SA KANIYANG WIKA

Ang aming nakapanayam ay ang aming kaibigan na marunong mag Kapampangan. Siya
ay si Andrea Sicangco. Siya ay nag aaral sa Lyceum of the Philippines (LPU). GRADE 12-
STEM. Kaya namin siya napili dahil sa Tarlac ang kaniyang probinsya at alam naming mas
matutulungan niya kami sa mga tanong na aming ibinigay.

Unang una pa lang na pagkikita naming ay pinag halimbawa ko na siya sa pagsasalita ng


Kapampangan at kami ay namangha dahil sanay na sanay talaga siya sa mga salita na sinasabi
niya. Base sa aming obserbasyon akala mo nakikipag away siya kung mag salita. Tinanong ko
kung bat parang siya nang aaway. Sinabi niya sa amin na maraming tao rin ang nagsabi sa kaniya
nito pero pinaliwanag niya sa amin na natural lamang sa kanila iyon at iyon narin ang
nakasanayan nila. Base sa ating pinag aralan sa komunikasyon ang gamit ng wika. Napapansin
ko sa kanya na ang madalas gamitin niya ay ang conative.Dahil napapansin naming na parang
kada salita niya ay parang nanghihikayat siya. Sa pagsasalita niya ay makikita mong sanay na
sanay na siya. Sabi niya sa amin na kahit sa maynila siya lumaki pinamulat parin sa kanila ng
kanilang magulang na gamitin padin ang wikang Kapampangan. Para daw kung magbakasyon
mansa sila sa tarlac ay di sila kumapa sa mga sinabi ng kanilang mga kamag-anak. Tinuro din
sakanila kung paano gamitin ang kanilang wika base sa nakikita naming ekspresyon ay para nga
silang galit at sumisigaw. Tuwing bakasyon din pala ay palagi silang andun kaya sanay na sanay
na sila sa wikang Kapampangan. Pansin ko rin na ginagamit nila ang ponolohikal na varayti ng
wika katulad ng ‘kamosta ka?” “komaen kana ba?”

Marami kaming natutunan sa kaniya, kung paano niya pahalagahan ang kanilang wika.
Dahil, kaabikat neto ang pagmamahal nila sa kanilang kultura. Marami rin kaming mga salitang
wikang natutunan sa kaniya na basic lamang.
SALAYSAY SA KOMUNIKASYON

Setyembre 25, 2019. Alas tres ng hapon ay nagkita kita kami ni Andrea Sicangco sa
MCDO sa Sta Ana Manila. Pinasagutan naming sa kaniya ang mga katanungan na binigay naming
sa kaniya at pinag halimbawa naming siya sa mga salita sa wikang Kapampangan.

Pagkatapos ng aming klase ay dumiretso na kami ni trisha upang makipagkita kay Andrea
para sa aming proyekto. Halos bente minutos din kami nag antay sa kaniya. Dahil, malayo pa ang
kaniyang pinanggalingan. Galing pa siya sa Lyceum of the Philippines kung saan siya nag aaral. \
Naisipan namin siyang makapanayam dahil kaibigan namin siya at alam naming kaya niyang
sagutan ang aming mga katanungan. Akala naming noon na hindi siya maranong sa mga ibang
wika dahil kung titignan mo siya ay akala mo Filipino lang ang kaniyang wika pero nung nagging
maging kaibigan na kami ay nalaman naming na marunong pala siya mag
Kapampangan.Pagkatapos naming makipag panayam sa kaniya ay nag picture muna kaming
dalawa ni dreng. Hindi na nakasama si trisha dahil biglang sumakit ang kaniyang tiyan kaya’t sabi
ko ay umuwi na lamang siya at ako na bahala makipag panayam kay andrea. At yun nga pagtapos
naming mag pikstur ay nagpasalamat ako sa kaniya dahil pumayag siyang makipag isap sa akin.
Kahit marami siyang ginagawa sa kaniyang eskwelahan.

You might also like