You are on page 1of 12

EPIKO

Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga


kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Halimbawa ng Epiko

Ibalon (Epiko)

Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bicol. Noong 1895, si Prayle


Jose Castaño ay may kinaibigang bulag na lagalag na mang-
aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig ng pari ang epikong
Ibalon. Itinala at isinalin ng pari sa Castila ang isinalaysay sa kanya ni
Cadungdung.

Ang Epiko ay nababahagi sa trilogia. Inilalarawan dito ang


kabayanihan nina Baltog, Handiong, at Mantong.

Buod

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa


isang malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng
Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya
nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang
pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga
tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing
sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay
matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang
kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang


lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw
at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao.
Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang
nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig.
Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga
masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan


niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling
tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at
pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong
Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang
kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si
Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak
at iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang


halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating
hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop
na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya
subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong
at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay
kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya


itong pinatay habang natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut.


Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng
pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang
Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao.


Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na
bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon.
Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni
Bantong.

AWITING BAYAN

Ang mga awiting-bayan ay mga awit ng mga Pilipinong


ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.

Halimbawa ng mga awiting ito ay


1. Leron, Leron Sinta
2. Dalagang Pilipina
3. Bahay Kubo
4. Atin Cu Pung Singsing
5. Manang Biday
6. Paruparong Bukid.
ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol
sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook,at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng
mga mito at kuwentong-bayan.Ang salitang alamat ay
panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

Mga Halimbawa ng Alamat

Ang Alamat Ng Buwan At Mga Bituin

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at


walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa
alamat na ito ang mga sagot.
Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-
kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil
na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas
at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay
maganda.
Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas
ay tinawag siya ng kanyang nanay.
"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.
"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala
tayong bigas na isasaing."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi
niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali
ka," ang galit na galit na utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na
niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na
galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang
madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng
ilang sandali, siya ay pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa
kanyang sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit
ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot
ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang
suklay at kuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa
kanyang sarili. "Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng
palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay
upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas.
Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang
dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo
ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon
ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang
makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa
niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak
nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.
Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang
halo sa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay tumataas ang
langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang
langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas.
Hindi na niya maabot ang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang
suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may
bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na
mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon
ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga
gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya
namang naging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika
ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinang ng mga butil ng aking
kuwintas!"

KASABIHAN
Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ito ay
ipinasa sa atin ng ating mga ninuno, ang kasabihan ay
nagbibigay ng paalala at mabutiing aral sa atin.

Ngayon ay marami ng bagong kasabihan na nagbibigay aral


sa ating mga kabataan. Narito ang mga halimbawa ng
makabagong kasabihan.

Mga Halimbawa

1. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.


2. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
3. Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay
pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat
masunod ka lamang.
4. Walang matimtimang birhen, sa matiyagang
manalangin.
5. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay
kapahamakan.
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula
na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral.

Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating


mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang
makarating sa ating makabagong henerasyon.
Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno
na may makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay
ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang
maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay.

Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng


mga kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan,
pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa
paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang
nagpapala sa kaniyang mga nilalang.

Mga Halimbawa ng Salawikain

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at


pakikipag-kapwa tao.

1. Puri sa harap, sa likod paglibak

2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron

3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan o patuturan ayisang pangungusap o t
anong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas
bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong:
mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma
ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang
metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng
katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan,
at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa
sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Mga Halimbawa ng Bugtong

Isang reynang maraming mata


nasa gitna ang mga espada.
Sagot: PINYA

Nagbibigay na'y
sinasakal pa.
Sagot: BOTE

Hinila ko ang baging


nag-iingay ang matsing.
Sagot: KAMPANA

May puno walang bunga


may dahon walang sanga.
Sagot: SANDOK

PALAISIPAN

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na


sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang
palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa
pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa
isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang
nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit
maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal at
lohistikal na suliranin — sa mga ganitong kaso, ang kanilang
matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag
sa pagsaliksik sa matematika.

Halimbawa ng Palaisipan

1. Si Juan ay may limang candy, humingi ng tatlo si Bernard. Ilan


Ang naiwan? (5 parin kasi hindi binigyan ni Juan si Bernard)

2. May tatlong baboy na nakakolong sa tangkal, umakyat ang


isa ilan ang naiwan. ( tatlo parin kasi hidi ito nakatakas)
3. Si Edna ay may 5 alagang aso, pinakain niya ang mga ito.
Nabusog ba sila?(hindi kasi hindi sila kumain)

TULA

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod.


Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng
damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at
ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Halimbawa ng Tula

TILA KA GAGAMBA
Tila ka gagamba na kung dapithapon
ay manunungaw na sa lupi ng dahon;
ang hibla ng sapot na dala ng simoy
ikinakabit mo sa sanga ng kahoy.

Ibig mong lumabo ang mata sa dilim


at ibubukadkad ang sapot na bating;
walang ano-ano’y may susuling-suling
namang gamugamo, siyang huhulihin.

Iyang gamugamong ang nasa ay ilaw,


isang bayang aping laya iyang asam;
sa lambat ng iyong bating na kalakal,
gamugamong lahi’y iyong sinasakal.

At nakabantay ka sa buong magdamag


sa maraming diwang sa dilim ay bulag;
oras na masagi ang pain mong lambat,
sa nasaputan mo, kasabay ay kagat

Ganyan ka, ganyan ka, ang dugo ng dukha,


siyang iniinom, siyang pampataba;
ngunit nang bumagyo’t sapot mo’y magiba,
ikaw sa itaas, lagpak sa ibaba.

Sa laki ng iyong tiyang di makaya,


nagputok-sumabog noong lumagpak ka;
at sa aking bayang hinihitit mo na
ay lalagpak ka rin, O, imperyalista.
DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto


na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga
tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri
ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan
ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang


itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang
sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat


na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay
iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay
yaong pinanonood na sa isang tanghalan na
pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga


tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap.Ito ay simula, gitna,


at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa


suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan,
ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan
naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

Halimbawa:

PASKO – Dula-dulaan
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan.
Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”


Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay,
mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak


papuntang simbahan.) Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May
tugtuging pamasko.)
Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”
Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo,
Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng
simbahan.)
Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”
Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”
Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”
Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”
Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”
Anak 2: “Dalawa po.”
Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”
Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”
Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)
Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos,
mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin)
Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)
Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”
Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”
Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”
Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”
Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa
Noche Buena.”
Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”
Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.” (Matapos
kumain – Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)
Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi
kina Lolo at Lola.”
Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at
Manigong Bagong Taon sa lahat.”
Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na
busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang
pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin
pagkagising sa umaga.”
Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” Tilon

Mga Tauhan:
Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales
Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero

MAILKLING KWENTO

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay


isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa
buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang
tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa
itong libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may
mga elemento ang dalawa. Ang ito ay di-totoo. Ang
kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga
bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang
kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga
naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.

Halimbawa:

Ang Kuwento ni Mabuti

Nagsimula ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang


kinukwento mula sa pananaw ng isa sa kanyang mga estudyante.
Tinatawag siyang ‘Mabuti’ ng kaniyang mga estudyante sa
kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng
mga kabutihan. Bukod roo’y binudburan rin ng salitang ‘mabuti’
ang mga sinasabi niya.

Isang hapo’y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa


silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting
hindi niya alam na may tao roo’t ang pagpunta niya roo’y hindi rin
nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng silid aklatan
na iyon upang umiyak rin.

Kung anong kadahilan ay hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya


sa kanyang estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak
nito.

Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si Mabuti sa


pagkukuwento ng kaniyang buhay, maliban ng tungkol sa kaniyang
asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang
kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na
ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.

Wala pang isang taon mula ng siya’y mabiyuda. Sa kabila ng bigat


na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang optimismo.
Ang kanyang katatagan ay patuloy ng pagniningas kahit nilulunod
na siya ng kalungkutan.

Uri ng nobela

Nobela ng Tauhan

 Binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng


pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan
Halimbawa:
Lalaki sa Dilim ni Benjamin M. Pascual

Nobela ng Romansa

 Nobelang pumapaksa sa pag-ibig.


 Mayroong iba't ibang uri ng pag-ibig: sa bayan, sa Diyos, sa
kapwa, sa mga magulang, sa kasintahan, at iba pang uri ng
pag-ibig.
Mga Halimbawa:
Landas ng pag-ibig ni Deogracias Rosario at Pinaglahuan ni
Faustino Aguilar

Nobela ng Kasaysayan

 binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na

 uri ng nobelang humango ng materyal sa mga pangyayaring


naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.

Mga Halimbawa:
Anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana

Dalagang Marmol ni Isabelo delos Reyes

Nobelang Makabanghay

 Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari


ang ikawiwili ng mga mambabasa.

Nobelang Masining

 Paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng


pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa.

Nobela ng Layunin

 Mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng


tao.

Nobela ng Pagbabago

 Ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating


buhay o sistema.

Nobela ng Pangyayari

 Uri ng nobelang nagbibigay-diin sa mga pangyayari sa nobela

You might also like