You are on page 1of 1

Maayos na paaralan

katumbas ng produktibong mag-aaral

P rayoridad ng Toclong ES ang pagpapatrabaho ng iba’t ibang parte ng eskwelahan sa


panahon ng taunang Brigada Eskwela na nangangailangan ng pagkukumpuni, mga gawaing
pagmementina at pagpapaganda upang magkaroon ng kaaya-ayang kapaligiran ang mga mag-
aaral na isa ring implikasyon na hindi lamang kaalaman ang kayang ibahagi ng eskwelahan
kundi maging maayos na pisikal na apeto ng paaralan upang magkaroon ng mga mag-aaral na
magiging produktibo sa lipunan bilang mga susunod na henerasyon ng mga mamamayan ng
bansa.
Ilang bahagi sa mga nalikom na halaga mula sa stakeholders ang napakinabangan upang
makapaglaan ng mga kagamitan para sa pag-aayos ng mga nangangailangan ng kapalit na materyales.
Tiniyak na lahat ng mga bubong ng bawat silid ay maayos at malayo sa posibilidad na tumulo sa
panahon ng tag-ulan kasabay ng pagpapalinis ng mga alulod ng maaaring maging dahilan ng hindi
maayos na pagdaloy ng tubig-ulan.
Siniguro rin na maayos ang mga pinto at bintana ng mga silid bilang proteksyon ng mga gamit na
maaaring maging mainit sa mata ng mga masasamang-loob, kasama na ang paglayo sa anumang
disgrasya na maaaring maranasan ng mga mag-aaral mula sa mga sirang pintuan at basag na bintana.
Nakipupok at nakipintura din ang mga kapitan ng Toclong na walang sawang nakaalalay sa mga
ipinapatupad na programa o anumang ganap sa paaralan.
Pinangunahan muli ng MERALCO volunteers ang pagsisiyasat sa mga koneksyong elektrikal
katuwang ang ilang pribadong electrician.
Kapansin-pansin din ang mga babala at paalala sa loob at labas ng silid-aralan na nagbibigay ng
impormasyon sa mga dapat at hindi dapat na kilos ng mga mag-aaral para na rin sa kanilang
kaligtasan.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga ipinaayos at patuloy na pinapaayos ng paaralan bilang aksyon
sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga batang Toclong.
Ang nasabing mga pagpapaayos, pagpapaganda at papapakumpi ng pisikal na kaanyuan ng
paaralan ay katumbas ng kapakanan ng mga kabataan at kapanatagan ng loob ng mga magulang sa
kalagayan ng kanilang mga anak sa loob ng kanilang ikalawang tahanan.

You might also like