You are on page 1of 6

WEEK 1 DAY 1

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN X


MGA KONTEMPORARYONG ISYU
G10- AGRICULTURE (Mon. 11:30-12:30)
G10-COOKERY (Tue. 7:30-8:30)
G10-FBS (Tue. 8:30-9:30)
G10-COMP.PROG. (Wed. 11:30-12:30)

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mahahalagang prinsipyo ng Yogyakarta;


2. Naipapaliwanag ang mga mahahalagang prinsipyo ng Yogyakarta sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain; at
3. Nabibigyang halaga ang mga prinsipyo para sa pagkakamit ng
pagkakapantay pantay ng mga mamamayan sa lipunan.

II. NILALAMAN

A. Paksa
Aralin 3: Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

B. Batayan
Batayang aklat, p.310

C. Kagamitan
Batayang Aklat
Manila paper, pen touch,
Larawan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtsek ng attendance
 Pagtsek ng paghahandang ginawa ng mga magaaral
 Balik – aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ano ang mga karahasang  Ilan po sa mga karahasang nararanasan
nararanasan ng mga kababaihan? ng mga kababaihan ay ang “foot binding”
sa bansang China at “breast ironing”
naman sa bansang Cameron.

 Pagganyak na Gawain
Hahatiin sa apat ang klase at magbibigay ng envelop na
naglalaman ng puzzle na bubuuin ng mga mag-aaral sa loob
ng 2 minuto.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Sino-sino ang mga nabuo nyong  Ang mga nasa larawan po ay mga taong
larawan? myembro ng LGBT community na kilala
sa lipunan.
Tatawag ang guro ng mga mag-  Ipakikilala ng mga mag-aaral ang
aaral upang ipakilala ang bawat personalidad na nasa larawan.
personalidad.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
a. Discussion web: gamit ang discussion web, ilalahad ang
opinyon base sa pahayag ni U.N Secretary General na si
Ban Ki-Moon tungkol sa LGBT. Maghanap ng kapareha na
taliwas sa iyong opinyon at isulat sa discussion web ang
inyong sagot. Isulat din ang inyong konklusyon base sa
pahayag sa discussion web.

Sang ayon k aba sa


sinabi ni U.N
Dahilan Dahilan
secretary General
Ban Ki-Moon na
LGBT Rights are
Human Rights.

Konklusyon

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang dahilan kung bakit ka sang ayon o di sang
ayon sa pahayag ni U.N Sec Gen Ban Ki-Moon? Bakit?
2. Naging madali ba sa inyo ng kapareha mo na makabuo
ng konklusyon sa kabila ng pagkakaiba ng inyong
pananaw tungkol sa isyu? Bakit?

b.Pangkatin ang klase sa anim. Pagtanghalin ang bawat


pangkat ng mga sumusunod na gawain alinsunod sa mga prinsipyo ng
Yogyakarta. Ipakita nila kung bakit mahalaga ang mga prinsipyo ng
Yogyakarta.
 Pangkat 1(prinsipyo no.1)- Ipapakita sa pamamagitan
ng awit kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
prinsipyong ito ng Yogyakarta.
 Pangkat 2(prinsipyo no.2)- Ipapakita sa pamamagitan
ng paggawa ng poster kung bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng prinsipyong ito ng Yogyakarta.
 Pangkat 3(prinsipyo no.4)- Ipapakita sa pamamagitan
ng dula dulaan kung bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng prinsipyong ito ng Yogyakarta.
 Pangkat 4(prinsipyo no.12)- Ipapakita sa
pamamagitan ng tula kung bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng prinsipyong ito ng Yogyakarta.
 Pangkat 5(prinsipyo no.16)- Ipapakita sa
pamamagitan ng slogan kung bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng prinsipyong ito ng Yogyakarta.
 Pangkat 6(prinsipyo no.25)- Ipapakita sa
pamamagitan ng news reporting kung bakit
mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyong ito ng
Yogyakarta

Gamitin and rubrik sa ibaba sa pagwawasto ng mga aktibi. (20 puntos)

Criteria Indicator Iskor


Nilalaman (15) Ebidensiya ng kaalaman sa
paksang gagawin
Presentasyon (3) Mapagpahiwatig ang mukha at
maganda ang posture
Projection ng Tinig (2) Malinaw at malakas
Kabuuang Epekto (5) Epekto sa Audience
Kabuuang Iskor ____________

Katumbas na Interprestasyon:

Iskala Katumbas na Interpretasyon Kabuuang Iskor


5 Magaling 17 -20
4 Lubhang Kasiya – siya 13 – 16
3 Kasiya – siya 10 – 12
2 Hindi gaanong kasiya – siya 7–9
1 Dapat pang linangin 4–6

2. Pagsusuri
Ipepresent sa klase ang mga ginawang output. Gagabayan
ito ng guro sa pamamagitan ng pamprosesong tanong.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang nilalaman ng prinsipyo ng  Ang nilalaman ng prinsipyo ng Yogyakarta ay ang
Yogyakarta? mga karapatan na dapat natatamasa o tinatamasa ng
mga taong miyembro ng LGBT na nagpapakita ng
pagkakapantay pantay.
Ano ang kaisipang pinapahiwatig ng  Ang kaisipan ng bawat prinsipyo ay umiikot lamang
bawat prinsipyo ng Yogyakarta sa mga karapatan ng mga LGBT na dapat matamasa
patungkol sa mga karapatan ng mga kagaya ng natatamasa ng mga ordinaryong tao sa
LGBT? lipunan.

May mga pagkakataon ba na hindi  Oo. Halimbawa na lamang ay sa trabaho. May mga
nabibigyan ng pantay ng karapatan pagkakataon nakararanas sila diskriminasyon.
ang mga miyembro ng LGBT?
Magbigay ng halimbawa.

3. Paghahalaw
Magbibigay ng pagpapalalim ang guro upang isaayos ang
mga ideya at madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Ano ang layunin ng mga  Layunin ng mga nagtaguyod ng
nagtaguyod ng Prinsipyo ng Prinsipyo ng Yogyakarta na
Yogyakarta? matamasa ng mga miyembro ng
LGBT ang mga karapatang pantao
na magbibigay daan para sa
pagkakamit ng pagkakapantay-
pantay.
 Opo. Sapagkat, sa pamamagitan
1. Sa iyong palagay, mahalaga bang nito mas lalong nakakasiguro ang
magkaroon ng seryosong aplikasyon mga mamamayan lalo na ang mga
ang mga bansa ng Prinsipyo ng miyembro ng LGBT na
Yogyakarta? mapangangalagaan at
. mapoproteksyonan ang kanilang
mga karapatan.

B. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


 Ang nilalaman ng prinsipyo ng
Yogyakarta ay ang mga karapatan
Ano ano ang nilalaman ng prinsipyo ng na dapat natatamasa o tinatamasa
Yogyakarta? ng mga taong miyembro ng LGBT
na nagpapakita ng pagkakapantay
pantay.
2. Pagpapahalaga

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


 Opo. Dahil sa pamamagitan ng
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng prinsipyo ng Yogyakarta,
prinsipyo ng Yogyakarta para sa nagkakaroon ng pagkakataong
pagkakamit ng pagkakapantay-pantay ng matamasa at magkaroon ng
mga mamamayan sa lipunan? batayan sa mga karapatang ng mga
Ipaliwanag. LGBT bilang myembro ng lipunan.

3. Paglalapat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Bilang isang mag-aaral paano ka  Pag-aaralan ko po ang tungkol dito
makakatulong na maitagaguyod ang at ipapalaganap ko ang mga
prinsipyo ng Yogyakarta? kaalaman ko sa aking mga
. kaibigan.

IV. EBALWASYON

1. Ano ano ang mahahalagang Prinsipyo ng Yogyakarta?


2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Prinsipyo ng Yogyakarta sa
pagkakamit ng pagkakapantay- pantay ng mga mamayan sa lipunan.

Paalala: Ang ginawang pangkatang gawain ay magsisilbi ding ebalwasyon.

IV. TAKDANG ARALIN

 Pag aralan ang tungkol sa CEDAW (Convention on the Elimination of all


forms of Discrimanation Against Women). Sagutin ang mga sumusunod na
tanong

1. Ano ang CEDAW (Convention on the Elimination of all forms of


Discrimanation Against Women).
2. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
3. Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
Prepared By:

LIEZZA O. BACERDO
Practice Teacher

Checked By:

DARYL I. QUINITO
Cooperating Teacher

Noted By:

ALBERTO A. BELISARIO
HT1-Araling Panlipunan

You might also like