You are on page 1of 5

3.03.

2009

Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng Tayutay


Simili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing
ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari na
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya,
kawangis, kapara, at katulad.

Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.

Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing


nagniningning.

Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang


pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, parang, kagaya, kawangis sapagkatito'ytiyakang
paghahambing.

Ang ama ni David ay leon sa bagsik.


Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng
kagubatan.

Ang aking mahal ay isang magandang rosas.

Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.

Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay


pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga
bagay-bagay sa paligid natin.

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

Tinatawag na ako ng kalikasan.

Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

Inanyayahan kami ng dagat na maligo.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap


sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako!

Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.

Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.

Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay


lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng
mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.

Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang


dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.

Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng


medisina.

Nalulunod na siya sa kanyang luha.

Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking


nakilala.

Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.


Paghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga
salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.

Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.

Ang bang-bang ng baril ay gumising sa aming pamilya


kagabi.

Pagpapalit-tawag o Metonymy - Ito'y pagpapalit ng


katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa
kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng
meto ay "pagpapalit o paghalili."

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang


tagumpay.

Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-


pangulo.

Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.


Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay,
konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.

Itinakwil siya ng buong mundo.

Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.

Ang kongregasyon ay aking kinamayan.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi"


na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y
may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig
sabihin.

Siya ay hindi isang kriminal.

Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng


kagipitan.

Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

You might also like